LOGINNicholas POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mas maaga pa sa alarm ko. Siguro dahil sa naganap kagabi—ang hapunan namin ni Celine na nauwi sa hindi-maipaliwanag na tensyon at kaba.Habang nagtitimpla ako ng kape sa aking penthouse, tumunog ang phone ko. Isang video call mula kay Axel."Mr. King! Good morning!" bungad ng bata. Nakasuot siya ng pajama na may prints ng mga dinosaur."Good morning, Axel. Bakit napatawag ka nang maaga?" tanong ko, sinubukang itago ang excitement sa boses ko."Mommy is still sleeping. Pero Mr. King, Sasabihin ko na next step na gagawin mo po!" bulong niya na parang may malaking krimen na magaganap."Next Step?"" I-kidnap mo na si Mommy mamaya! Dalhin mo siya sa ice cream shop!"Natawa ako nang malakas, halos maibuga ko ang kape ko. "Kidnap? Axel, labag sa batas 'yun. Baka makulong ako, hindi na kita makikita.""Hindi 'yan!" sabi ni Axel habang humahagikgik. "Sabihin mo lang, 'Emergency! May kailangan akong ipakita sa'yo!' Tapos 'pag nasa loob na
Celine's POVNakaharap ako sa salamin, pabalik-balik ang tingin sa dalawang damit na nakalatag sa kama ko. Isang simpleng floral dress o ‘yung black blouse na mas formal? Celine, ano bang ginagawa mo? pagalit ko sa sarili ko. Sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko. Pero heto ako, nagdedesisyon kung ano ang isusuot para sa hapunan na hindi ko naman dapat tinanggap.Bakit ba kasi hindi ako nakatanggi nang maayos?"Mommy, ang ganda mo!"Napalingon ako kay Axel na nakatayo sa may pintuan, may hawak na libro. "Sa tingin mo, anak? Hindi ba masyadong... pilit?""Hindi po! Bagay kayo ni Mr. King. Para kayong nasa pelikula," nakangiting sabi niya.Napabuntong-hininga ako. Kahit ang anak ko ay kampi sa kanya. Sa huli, pinili ko ang floral dress. Gusto ko lang maging komportable, at ayokong isipin ni Nicholas na pinaghandaan ko siya nang sobra. Kahit ang totoo, tatlong beses akong nag-retouch ng lipstick.Sakto sa alas-siyete, tumunog ang doorbell. Ang bawat kalansing nito ay parang batingaw sa
Nicholas POVBiyernes ng hapon. Nakaupo ako sa loob ng opisina ko, tinititigan ang mga papeles na hindi ko naman binabasa. Ang isip ko ay nasa kung saan-saang lugar—partikular na sa bahay ni Celine. Pagkatapos ng weekend sa lakeside, parang may kung anong invisible na tali ang humihila sa akin palapit sa kanila. Hindi na sapat ang makita sila paminsan-minsan; gusto ko, araw-araw."Sir, may meeting po tayo sa—""Cancel it," putol ko sa sekretarya ko nang hindi man lang lumingon."Sir, important client—""Cancel everything for the rest of the day," sabi ko, sabay tayo at kinuha ang coat ko. "I have an emergency."Ang "emergency" na tinutukoy ko? Kailangan ko ng dahilan para makita si Celine. Sa loob ng ilang araw na hindi ko sila nakita, parang may kulang sa sistema ko. Parang kape na walang asukal, o kotse na walang gasolina.Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, sakto namang lumabas si Celine. Nakasuot siya ng simpleng dress, mukhang papunta sa grocery. Nang makita niya ang kots
Nicholas POVPagkatapos ng gabing iyon, hindi ako nakatulog nang maayos. Next move? Kailangan ng mas mahabang oras. Kailangan ng lugar na hindi siya pwedeng tumalikod agad at magkulong sa kwarto. Kailangan ko sila sa isang lugar kung saan ang tanging distraction ay kaming tatlo lang.Kinabukasan, maaga akong nag-abang sa labas ng bahay nila. Nakita ko silang dalawa ni Axel na palabas para pumasok sa trabaho at eskwela. Pagkakita sa akin, agad na bumakas ang inis sa mukha ni Celine, pero si Axel? Halos tumalon siya sa tuwa."Mr. King! Anong ginagawa mo rito?" tanong ng bata.Ngumiti ako at nilapitan sila. "Good morning. May naisip kasi akong plano para sa weekend. Simple lang. Picnic sa lakeside resort sa labas ng lungsod. Fresh air, magandang view, at ang pinakaimportante—walang office, walang stress. Kayo lang ang kasama ko."Tumingin ako kay Celine. Ang kanyang mga mata ay pilit na nanlalamig, pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kanyang tindig. "Please, Celine. Isang weekend
Nicholas POV Pagkapasok ko sa aking sasakyan matapos ang hapunan, hindi ko mapigilang mapangiti mag-isa. Si Nicholas King—ang CEO na kinatatakutan ng mga board members at kilalang "cold-blooded" sa negosyo—ay kasalukuyang nakangiti sa manibela na parang teenager na nakakuha ng number ng crush niya. Seryoso, ano na bang nangyayari sa akin? Noong nakaraang linggo, ang tanging concern ko lang ay ang quarterly profit ng kumpanya. Ngayon? Ang tanging concern ko ay kung paano ko mapapangiti si Celine nang hindi siya naiinis, at kung paano ko mas mapapalapit ang loob ni Axel nang hindi nagmumukhang desperado. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang huling text ko kay Axel. “Next move: Grocery mission.” Tama. Kailangan ko ng access. Hindi sapat ang pakikipag-text o pagbisita lang. Kailangan ko silang makita sa "natural habitat" nila. Kung gusto kong maging bahagi ng buhay nila, kailangan kong maging eksperto sa lahat ng bagay na gusto nila—kahit pa cat food iyon. Kinabukasan,
Nicholas POVPagkapasara ko ng pinto ng bahay ni Celine, nanatili akong nakatayo sa labas ng ilang minuto. Ang gabi ay malamig, pero ang dibdib ko ay tila nagbabaga. Ang bawat salitang binitawan ni Celine kanina—ang pait, ang galit, ang depensibong tindig—ay tila mga piraso ng puzzle na pilit kong binubuo sa isip ko.Hindi ko alam kung bakit, pero mula nang makita ko ang batang si Axel, nagbago ang ikot ng mundo ko. Dati, ang buhay ko ay umiikot lang sa mga numero, kontrata, at mga taong humahanga sa posisyon ko. Ngunit nang makita ko ang mga mata ng batang iyon—ang ningning, ang inosenteng tuwa habang nagluluto kami ng pasta—pakiramdam ko ay may isang bahagi ng puso ko na matagal nang natutulog ang biglang nagising.Sumakay ako sa kotse, pero hindi ako agad nag-drive. Tumingin ako sa rearview mirror. Nakita ko ang sarili ko—si Nicholas King, ang lalaking takot sa kahit anong seryosong relasyon—na ngayon ay handang magpakumbaba para lang makapasok sa buhay ng isang babaeng minsan k







