FAZER LOGINMukha akong panda kinabukasan. Hindi umuwi si Zayn. Hindi rin ako nakatulog nang maayos kagabi. Ang dami kong iniisip. Una, paano nalaman ni Kairo ang bagay na 'yun? Pangalawa, anong gusto ni Kairo at tumawag 'to bigla? Pangatlo, paano ko mababawi ang lupa ni Mama kung ganito ang sitwasyon ngayon? At huli, paano kung malaman ni Zayn ang tungkol sa bagay na 'yun? O baka may alam na siya?! Hindi ko alam!"Bwisit na buhay 'to! Anong pagsubok na naman ba 'to, Lord?" Naiiyak na talaga ako, hindi pwede, eh! Strong independent woman ako! Bawal mag-cry, pero sa nangyayari ngayon, maiiyak ka na talaga.Matagal na namang napatunayan na self-defense ang ginawa ko noon... Nakasaksak kasi ako ng tao. Waitress ako noon sa isang club sa amin. Doon ko nakilala ang anak ng mayor. Bastos siya at may balak siyang masama sa 'kin kaya nasaksak ko siya... Dahil malakas ang pamilya niya ay nakulong ako ng halos isang year, pero nakalaya rin ako dahil napatunayan na self-defense ang nangyari. Hindi na rin ak
Tulala akong naiwan sa dinner area.Gago ba siya? Hinalikan niya talaga ako?! Bakit?!Tuloy masama ang mukha ko hanggang makabalik siya. Hindi ko siya magawang kausapin o ano. Ni hindi ko nga alam kung ano ba dapat kong gawin o maramdaman dahil sa ginawa niya. First kiss naming dalawa 'yun, wala 'yun sa usapan! Dapat nga ayos lang ako! Hindi naman 'to ang unang beses na may humalik sa 'kin pero hirap na hirap ako dahil si Zayn ang gumawa noon!"Eat," nakasimangot kong nilingon si Zayn nang ilapag niya sa harapan ko ang ube cake na nabili niya. Gusto ko 'yun pero ayokong magmukhang ayos lang ang ginawa niya. Medyo duda rin talaga ako rito sa asawa ko... Biglang bait... Biglang maasikasuhin... Pakiramdam ko tuloy may balak siya na kung ano. "Ayaw mo ba niyan? Gusto mo ba ng iba? Marami akong nabili, nasa ref lang," tanong niya pa.Umiling ako at kinuha ang tinidor sa kamay niya tsaka nagsimulang kumain ng cake.Napapikit ako sa sarap! Hindi 'yun sobrang tamis! Damang-dama mo ang lasa ng
1Masakit ang puson ko nang magising ako kinabukasan. Pagkauwi kasi namin, umalis agad si Zayn dahil nagkaroon ito ng emergency bigla. Sakto namang nagkaroon ako. Tuloy sobrang sama ng pakiramdam ko; pakiramdam ko nabugbog ang puson ko kahit hindi naman, para na akong lumpiang gulay na nakabaluktot sa kama ngayon. Pawis at kunot ang noo ko nang lingunin ang cellphone na nagre-ring ngayon. Malalim akong bumuntonghininga at kinuha 'yun. Nang makitang si Lola Allyza 'yun ay wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag. "Hello, Apo! Busy ka ba today?" magiliw na tanong ni Lola. "Magmamall kasi kami ni Zaila, gusto mo bang sumama? Ibibili na rin kita ng mga bagong gamit mo!" dagdag pa nito. Gustuhin ko man ay hindi kaya ng katawan ko. Gusto ko lang mahiga, umiyak, at magmukmok sa kama. Ganito naman kasi ako lagi kapag nagkakaroon; sanay na akong nakahiga lang. Paminsan ay kailangan ko pa ring kumilos noon dahil ayaw kumilos ni Kairo sa bahay. "Masama po pakiramdam ko, 'La," dahilan ko. Tot
Masama ang gising ko, kaya wala akong ganang makipag-usap. Panay din ang pag-iwas ko kay Zayn dahil nahihiya ako sa kaniya. Isang linggo na rin 'yun, pero nakakahiya pa rin kasi talaga! Buti na lang talaga wala na naman siya dahil busy siya sa trabaho.Ayaw ko sanang makipagkita kahit kanino, pero wala akong nagawa nang dumating bigla si Zaila sa penthouse ni Zayn at may dalang mga gown."Bakit kasama ako?" takang tanong ko. "Hindi naman ako dumadalo sa gano'n," dagdag ko pa. Anong alam ko sa mga gala party?"Well, Lola said na ikaw na lang muna ang representative ni Kuya Zayn since hindi siya makakapunta due to an emergency. Asawa ka niya, so ikaw na lang," paliwanag ni Zaila. Napangiwi ako at tamad na ngumuya ng tinapay. "Besides, Lola wants to introduce you! Nando'n din si Kuya Zyrus, Ziren, at Ate Eireen!" excited pa nitong sabi.Kumunot ang noo ko. Sino ang mga 'yun?"Sino sila?" tanong ko. "Hindi sila familiar.""Ah, pinsan namin si Ate Eireen, tapos kapatid ni Kuya Zayn sila Ku
"Lola, bawal ba talaga ako rito?" nakangiwi kong tanong.Kakalabas lang ni Lola Allyza sa ospital, halos tatlong linggo rin siya ro'n. Wala yata akong ginawa sa tatlong linggong 'yun kundi ang umuwi sa penthouse ni Zayn na sobrang boring at dalawin si Lola Allyza sa ospital. Wala naman kasi ang asawa ko; may hearing daw, eh. Bahala siya, pakialam ko ba naman sa kaniya?"Hija, kailangang magkasama kayo lagi ni Zayn," sagot ni Lola. "Tsaka pabaya ang batang 'yun sa sarili. Alam ko namang hindi pa kayo nagkakasundo ngayon, pero sana alagaan mo ang apo ko," pakiusap pa nito.Tumango ako. "Ako bahala ro'n, Lola." Hindi niya naman kailangang isipin 'yun. "Bubusugin ko si Zayn lagi," ng sama ng loob. "Okay na po ba kayo? Mamimili po kasi sana ako ng stock sa penthouse at mga gamit ko.""Okay na ako, pasasamahan kita kay Zaila," aniya at ngumiti. "Magkakasundo kayo no'n. Pinsan ni Zayn 'yun, kaedad mo lang siya, kaso madaldal 'yun, Hija.""Okay lang po." Ngumiti ako. At least may makakabondin
"This is your fault." Umirap ako nang marinig ang boses ni Zayn. Ang kapal din talaga ng lalaking 'to! Kasalanan ko?! Kasalanan ko pa?! Siya nga itong may malaking kasalanan sa 'kin!Bakit kasi sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa? Ayaw ko sa kaniya, galit ako sa kaniya. Sinong hindi magagalit?! I met him before sa province namin! Bisita siya ro'n sa pinagtatrabahuhan kong resort. Dahil special guest siya, maayos ang trato sa kaniya. Nalaman kong sikat at magaling siyang abogado. Gusto kong kasuhan no'n si Kairo, lalo na ang pagbebenta ni Kairo ng lupain ni Mama nang wala kong paalam. Nangako si Zayn sa 'kin na tutulungan niya ako nang walang kapalit na pera. Iniwan niya sa 'kin ang number at email niya, pero wala akong natanggap na kahit ano.Halos tatlong buwan ko siyang kinukulit! Hanggang sa nalaman kong naka-block na ako sa kaniya! Tapos ngayon makikita ko siya?! At siya pa ang magiging asawa ko?! Nakakairita!"Bakit naging kasalanan ko? Ako ba ang sakit ni Lola?" pilosopo kon







