LOGINExcited at handang-handa na sa gagawing paliligo sa swimming pool si Aria nang may napagtanto siya.
“Sunscreen!” Nakasimangot na nagkamot siya sa pisngi at muling naglakad pabalik sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa living room dahil doon niya iniwan ang mga gamit niya.
Ang hindi niya inaasahan ay ang madatnan si Jarek sa living room na pinapakialaman ang mga gamit niya. Mas lalong hindi niya inaasahan na makikita niya itong hawak-hawak ang panty niya!
Napamura si Aria. Halo-halo na ang mga nasa isip niya. Kanina lang ay naisip niya na baka bakla si Jarek dahil para itong diring-diri nang mahawakan niya ang pang upo nito. Ngayon naman ay parang naiimagine niya pa na gusto nitong amuyin ang panty niya kaya napalakas ang mura niya at agad na sinugod ito para pigilan sa kung anong balak nitong gawin sa panty niya!
Hindi inaasahan ni Aria na papatulan siya ni Jarek kahit na hamak na mas matangkad ito sa kanya. Hindi man lang ito nagdalawang isip na takpan ang bibig niya at saka pinigilan siyang kumawala sa hawak nito. Syempre ay wala na siyang nagawa kung hindi ang gamitin ang huling alas niya bilang babae.
Umungol siya nang umungol at sinadya niya pang idikit at ikiskis ang katawan niya kay Jarek. Nakasuot siya ng sobrang daring na bikini kaya imposibleng hindi ito maapektuhan lalo na at sinamahan niya pa ng landi ang pag-ungol niya.
“Mmm…” Tuloy-tuloy ang ginawa niyang pag-ungol kagaya ng mga naglalampungan na pusa sa bubong ng bahay.
Nagtagumpay si Aria na makuha ang buong pansin ni Jarek. Naramdaman niya na unti-unti nitong binitawan ang bibig niya at lumuwag na rin ang paghawak nito sa kanya lalo na at unti-unti na nilang nakukuha ang pansin ng mga kasambahay at tauhan nito.
Nang makita ni Aria na isa-isang nagtakbuhan ang tatlong bodyguard ni Jarek kasunod ang mayordomang si Nanay Delia at ilang kasambahay ay mas lalong ginalingan ni Aria ang pag-arte na may kung anong nangyayari sa kanila ni Jarek bago pa dumating ang mga ito doon.
Lumuhod siya sa harapan ni Jarek at saka sinadyang idikit ang mukha niya sa gitna ng mga hita nito. Tumingala siya kay Jarek at saka nang masalubong ang titig nito ay kinagat kagat niya pa ang ibabang labi na tila ba handang-handa na siyang ibaba ang zipper ng slacks na suot nito.
Namimilog ang mga mata ni Jarek habang nakatingin sa kanya na para bang sinasaway siya nito at kinukwestyon kung bakit siya nakaluhod sa harapan nito.
Nilukot niya ang mukha at saka dumaing. “Pinupulikat yata ang binti ko.” Palusot niya. Agad namang kumilos si Jarek para tulungan siya sa pagtayo.
Nang mapatapat ang bibig niya sa tenga nito ay mabilis siyang bumulong. “May utang ka sa akin…”
Nagsalubong ang mga kilay ni Jarek pero hindi naman ito nagsalita lalo na at nakatutok sa kanila ang mata ng mga tauhan sa bahay nito.
Mabilis na binalingan ni Aria ang mga tauhan at saka pinalakpakan. “Okay na po ako. Pwede na kayong bumalik sa mga trabaho ninyo!” Nakangiti pang taboy niya sa mga tauhan ni Jarek.
Kahit na mukhang napipilitan ay lumabas na ang mga ito sa living room at iniwan silang dalawa. Nakita niyang napasapo sa noo si Jarek at gigil na hinarap siya.
“What the hell was that?!” Mariin at halatang iritado ito nang sitahin siya. Pero sa halip na masindak ay tinaasan niya lang ito ng kilay at saka matapang na tiningala.
“What? Ano bang pinuputok ng butsi mo dyan? Dahil ba hindi ko tinuloy yung plano kong pag blowjob sayo sa harapan ng mga empleyado mo?” Buong tapang na sagot niya. “Gusto mong ituloy ko? Fine! Madali akong kausap. Halika na.” Tuloy-tuloy na sambit ni Aria at saka yumuko para tingnan ang gitna ng mga hita nito.
Agad na gumalaw ang kamay niya at hinawakan ang sinturon nito pero bago niya pa maituloy ang balak ay agad na napigilan na ni Jarek ang kamay niya. Nahawakan nito ang palapulsuhan niya at saka tinitigan siya ng mariin.
“Have you no sense of decency?!” Mariin at iritadong bulyaw nito sa kanya. Sa halip na masindak at damdamin ang pang iinsulto nito sa kanya ay matapang na sinalubong niya ang mariing titig nito at matapang na sinagot.
“Not when it comes to you!” Matapang na sagot niya. Kitang-kita niya ang mas lalong pagdiin ng titig nito sa kanya at ang pagdiin din ng paghawak nito sa palapulsuhan niya.
Ang plano naman talaga niya ay sagarin ang pasensya ni Jarek hanggang sa pagsisihan nito ang ginawang pakikipagkasundo sa Daddy niya na turuan siya ng leksyon dahil sa hindi niya pagsunod sa mga gusto nito.
“And don’t act like you are any better,” dagdag niya pa at saka tinaasan ng kilay si Jarek. “May scandal ka nga ‘di ba? At trending na trending ka pa ngayon!” Bulalas niya.
Kanina habang nagpapalit siya ng swimsuit sa banyo ay hindi sinasadyang narinig niya ang pinagtsitsismisan ng mga kasambahay nito. Minolestiya raw nito ang dati nitong office manager at ngayon ay nagsalita na matapos ang ilang buwan na pananahimik.
Kahit anong pigil niya sa sarili na isipin na may kinalaman ang scandal na yun sa pakikipagkasundo ni Jarek sa Daddy niya ay hindi niya talaga maiwasan na isipin na tama ang kutob niya.
Balak takasan ni Governor Jarek Falcon ang eskandalo na kasalukuyang kinasasangkutan nito sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa Daddy niya!
At hindi papayag si Aria na maging kasangkapan pa siya sa plano ng mga ito. Gagawa at gagawa siya ng paraan para parehong masira ang pangalan ng Daddy niya at ni Governor Jarek Falcon.
“Just keep your fūcking opinions to yourself. I don’t need a moral judgement coming from a troublemaker like you,” mariin na mariin na singhal ni Jarek sa kanya bago ito gumalaw at nagtangkang talikuran siya.
Nanliit ang mga mata ni Aria dahil sa gigil. Mabilis ang kilos na kinuha niya ang cellphone niya at saka patayo na nilagay iyon sa ibabaw ng coffee table.
Nakabukas ang social media account niya at kasalukuyang naka-live iyon. Nakatutok sa gawi ni Jarek ang camera kaya agad na tumakbo siya palapit dito.
“Where are you going, Daddy?” Malambing na tawag ni Aria kay Jarek. Lumingon naman agad ito at bago pa ito makapag react sa ginawa niyang pagtawag ay mabilis ang kilos na tinalunan niya ito.
Sa isang iglap lang ay nakakapit na siya sa leeg ni Jarek. Ang mga binti niya ay nakapulupot sa bewang nito. At syempre, hindi makukumpleto ang palabas kung hindi sila maghahalikan!
Aria immediately claimed Jarek’s lips. Alam niyang kuhang-kuha sa live stream ang ginagawa nila kaya pinagbuti niya ang paghalik para magmukhang pareho nilang gusto iyon.
“Saan yun? Hanapin n’yo yung phone!”
Napangisi si Aria nang marinig ang pagpapanic sa boses ng mga bodyguards ni Jarek. Mukhang nalaman na ng mga ito ang ginawa niya kaya agad na nagawan ng paraan ng mga ito na mahanap ang cellphone niya at mapatigil ang live streaming!
“What’s happening?” Kunot noong tanong ni Jarek matapos makita ang mga tauhan niyang nagkakagulo dahil sa ginawa niya. Nakangising tinitigan niya ang mukha nito at saka natatawang nagsalita.
“Sarap kong humalik ‘no? Hindi mo man lang namalayan na nasa live show ka na…” Ngumisi pa siya ng nakakaloko habang natatawang nakatingin kay Jarek na mukhang may hangover pa sa halik niya kaya hindi pa natatauhan sa kung ano ang gulo na pinasok niya para lang sirain ang pangalan nito!
Tuloy-tuloy na naglakad si Jarek paakyat sa opisina niya sa bahay. Ang balak niya sana ngayong umaga ay hihintayin at kakausapin lang ang anak ni Chief Castaneda, pagkatapos ay pupunta na siya sa opisina niya sa kapitolyo dahil may mga kailangan pa siyang asikasuhin doon.Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay siguradong hindi siya basta-basta makakaalis sa bahay niya dahil panigurado ay pagkakaguluhan siya ng press dahil sa statement na kakatapos niya lang ilabas sa publiko.Nang nakapasok siya sa opisina ay napasapo siya sa noo habang naglalakad palapit sa table. Nang nakalapit sa table niya ay tumayo siya doon at saka tinukod ang dalawang kamay sa ibabaw. Umangat ang isang kamay niya papunta sa mga labi niya. He can still taste the taste of Ariella’s lips. Hindi naman siguro lipstick iyong nalalasahan niya dahil mukha namang walang suot na lipstick ang babaeng yun. In fact, wala nga itong kahit na anong kolorete sa mukha kaya kitang-kita niya ang natural na itsura nito.Natigil ang
Ilang sandali pang nakatitig si Jarek sa mukha ni Aria bago niya nagawang makapagsalita at nagtanong.“What the hell did you just do?”Sa totoo lang ay ramdam pa rin niya ang biglaang paghalik ni Aria sa kanya. Aaminin niya na nagustuhan niya ang halik pero hanggang doon lang. He is still incapable of falling in love. And that’s probably the most confusing and exhausting part of being aromantic. He couldn’t fall in love the way other people did.Huminga ng malalim si Jarek habang nakatitig sa mala anghel na mukha ni Aria. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang hinalikan nito matapos nitong ungkatin ang scandal na kasalukuyan niyang kinasasangkutan.“Can’t you tell?” Tumagilid ang ulo ni Aria at saka ngumisi ng nakakaloko sa kanya. “I just showed the world how desperate Governor Jarek Falcon is to get laid!”Bumungisngis pa ito na para bang masayang masaya at satisfied na satisfied sa ginawa. “Siguradong number one trending ka na sa Pilipinas–oh, wait! Baka hindi lang sa Pilip
Excited at handang-handa na sa gagawing paliligo sa swimming pool si Aria nang may napagtanto siya.“Sunscreen!” Nakasimangot na nagkamot siya sa pisngi at muling naglakad pabalik sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa living room dahil doon niya iniwan ang mga gamit niya.Ang hindi niya inaasahan ay ang madatnan si Jarek sa living room na pinapakialaman ang mga gamit niya. Mas lalong hindi niya inaasahan na makikita niya itong hawak-hawak ang panty niya!Napamura si Aria. Halo-halo na ang mga nasa isip niya. Kanina lang ay naisip niya na baka bakla si Jarek dahil para itong diring-diri nang mahawakan niya ang pang upo nito. Ngayon naman ay parang naiimagine niya pa na gusto nitong amuyin ang panty niya kaya napalakas ang mura niya at agad na sinugod ito para pigilan sa kung anong balak nitong gawin sa panty niya!Hindi inaasahan ni Aria na papatulan siya ni Jarek kahit na hamak na mas matangkad ito sa kanya. Hindi man lang ito nagdalawang isip na takpan ang bibig niya at saka pinigilan
“‘Wag niyang sabihin na virgin pa sa hawak yung pwet niya?”Hirap na hirap si Aria na pigilan ang tawa niya habang sinusundan ng tingin si Governor Jarek Falcon na madaling-madali sa pag-akyat sa hagdan dahil sa ginawa niyang paghawak at pagpalo sa pisngi ng pang upo nito.Salamat sa mga kaibigan niya na fan na fan ni Jarek dahil nalaman niya na anti-romantic ito at kahit kailan ay wala pang nabanggit na pangalan ng babae sa kahit saang interview. At sa tindi ng stalking skills ng mga kaibigan niya ay imposible na hindi malaman ng mga ito na kahit kailan ay hindi pa ito nagkaroon ng girlfriend. Napapataas na lang tuloy ang kilay ni Aria lalo na ngayon na nakita na niya si Jarek sa personal.The man is undeniably hot. Lalaking lalaki ang tindig lalo na ang kulay nito na moreno. Matangkad at maganda ang katawan. Kung hindi lang siya pinanganak na matangkad ay baka hindi pa siya umabot sa dibdib ni Jarek dahil sa sobrang tangkad nito.“And you are telling me that he never had a girlfrien
“Kumatok ka na, Primo.”“Ikaw na.”Nagsalubong ang makapal at itim na itim na kilay ni Dante habang nakatingin sa dalawang kasamang bodyguard na sina Lukas at Primo. Pati ba naman sa pagkatok lang sa pintuan ng opisina ni Governor Jarek Falcon ay nagtuturuan pa ang mga ito.Nagkamot sa tenga si Primo habang nakatingin kay Lukas. Pare-pareho nilang alam na masyadong istrikto si Governor Falcon pagdating sa oras. Halos kalahating oras na kasing late ang inaasahang bisita nito kaya siguradong hindi magugustuhan iyon ng istriktong gobernador.Sa tagal nilang nagtatrabaho sa mga Falcon ay kilalang-kilala na nila si Jarek bilang isang istriktong CEO ng Falcon Maritime Group noong hindi pa ito nanunungkulan bilang isang gobernador.“Late nga yung bisita niya tapos mas inuna pang kumain kesa harapin si Gov! Siguradong magtatanong yun kung bakit hindi natin sinabihan yung bisita niya na unahin munang puntahan si Gov bago kumain! Mainit pa naman ang ulo non dahil doon sa scandal!” Tuloy-tuloy n
Habang nasa kwarto si Aria ay sinadya niyang bilisan ang pagkilos at ang pag iimpake ng mga gamit. Sinabi niya sa Daddy niya na ‘wag nang mag abala si Governor Falcon na magpadala ng mga tauhan nito sa bahay nila dahil hindi na iyon kailangan. Siya mismo ang pupunta sa bahay nito para masimulan na niyang guluhin ang buhay nito.“Behave, Aria.”Habang naglalakad siya palabas sa bahay nila at hila-hila ang maleta niya ay nakabuntot ang Daddy niya at salita ng salita. Ni isa sa mga bilin nito ay wala siyang balak na sundin. Besides, kaya nga siya naging ganun ka-iresponsable ay dahil nagrerebelde siya dito.Two years ago ay sapilitang kinuha siya ng ama sa kinalakihan niyang mga magulang. Sa loob ng labing walong taon ay nabuhay siya bilang isang anak ng ordinaryong mekaniko at labandera. Isang araw ay bigla na lang sumulpot sa bahay nila si Police General Arthur Castaneda. He claimed that he was her biological father. Ni isa sa mga nakalakihan niyang mga magulang ay hindi man lang nagre







