LOGIN“‘Wag niyang sabihin na virgin pa sa hawak yung pwet niya?”
Hirap na hirap si Aria na pigilan ang tawa niya habang sinusundan ng tingin si Governor Jarek Falcon na madaling-madali sa pag-akyat sa hagdan dahil sa ginawa niyang paghawak at pagpalo sa pisngi ng pang upo nito.
Salamat sa mga kaibigan niya na fan na fan ni Jarek dahil nalaman niya na anti-romantic ito at kahit kailan ay wala pang nabanggit na pangalan ng babae sa kahit saang interview. At sa tindi ng stalking skills ng mga kaibigan niya ay imposible na hindi malaman ng mga ito na kahit kailan ay hindi pa ito nagkaroon ng girlfriend. Napapataas na lang tuloy ang kilay ni Aria lalo na ngayon na nakita na niya si Jarek sa personal.
The man is undeniably hot. Lalaking lalaki ang tindig lalo na ang kulay nito na moreno. Matangkad at maganda ang katawan. Kung hindi lang siya pinanganak na matangkad ay baka hindi pa siya umabot sa dibdib ni Jarek dahil sa sobrang tangkad nito.
“And you are telling me that he never had a girlfriend? Seriously?” Kuntodo taas ang kilay ni Aria. At habang sinusundan niya ng tingin si Jarek ay bigla siyang nakaisip ng kung ano.
“Putangina! Imposible namang bakla yun?” Napakamot si Aria sa tenga habang umiiling.
“Hindi. Hindi ako papayag na bakla yun. Madadaan pa siguro sa dakma at himas.” Bubulong-bulong na sambit niya at saka ginala ang tingin sa paligid ng bahay.
Napasinghap siya at biglang nawala sa isip ang ginawa niyang pang iinis kay Jarek nang matanaw ang labas ng bahay.
“Shìt! Ang linaw ng swimming pool!” Bulalas niya at hindi na nag aksaya ng panahon at basta na lang kinuha ang maleta niya at doon mismo sa living room naglabas ng mga gamit at saka kinuha ang pares ng bikini na baon niya. Dali-daling hinanap ni Aria ang banyo sa ibaba at saka nagbihis doon at naghanda sa paliligo.
Dali-daling pumasok si Jarek sa opisina niya at saka naglakad palapit sa table niya. Pero nakakailang hakbang pa lamang siya ay muling pumihit siya pabalik para siguraduhin na naka-locked ang pintuan. Baka mamaya ay nakasunod pala sa kanya ang anak ni Chief Castaneda at basta na lang siyang lapitan at hawakan.
“That woman isn’t normal. No. There’s no way she’s normal.” Naiiling na sambit ni Jarek. Nang masiguro niya na nakakandado na ang pintuan ay muling naglakad siya pabalik sa table niya at hindi na nag-aksaya ng oras at agad na kinontak si Chief Castaneda. Wala itong nabanggit sa kanya na agresibo at masyadong pilya ang anak nito. Kung alam lang niya ay hinding-hindi siya pumayag na tumira sa poder niya ang anak nito.
“Hello–”
“Governor Falcon! I am about to call you! Mabuti naman at ikaw na mismo ang tumawag sa akin.”
Masigla ang boses ni Chief Castaneda nang sagutin nito ang tawag niya.
“That’s good because I actually need to talk to you,” sambit niya at hindi na nagpaligoy-ligoy pa. “It’s about your daughter–”
“Oh! Did Aria arrive there safely?” Agad na usisa nito.
“Yes. Actually–”
“That’s great!” Bulalas agad nito na mukhang wala pa siyang balak na patapusin sa pagsasalita. “Anyway, tatawagan na sana talaga kita, Gov, para sabihin na inaayos na ng mga taong pinagkakatiwalaan ko yung scandal mo sa dating office manager mo. Nagsisimula na sila sa pag take down ng video.” Tuloy-tuloy na sambit ni Chief Castaneda.
“Already?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Yes. They have already started working to clear your name,” diretsong sagot nito. “After this, they will probably start taking steps to prove your innocence.”
Natahimik si Jarek matapos marinig ang sinabi ng police general. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay parang hindi niya masundan ang mga nangyayari. Kahit kailan ay hindi pa siya na-involved sa kahit na sinong babae. This is actually the first time. At siguradong big deal iyon sa lahat lalo na ang mga taong nagtataka kung bakit kahit kailan ay hindi pa siya nagkaroon ng romantic relationship sa kahit na sinong babae.
“Anyway, ano nga pala yung importanteng sasabihin mo sa akin, Gov?”
Natigilan si Jarek nang muling nagsalita si Chief Castaneda. Muntik na niyang makalimutan ang dahilan kung bakit siya tumawag dito!
“Is it about my daughter?” Muling tanong ni Chief Castaneda.
“Yes,” sagot niya.
“Bakit, Gov? Anong sasabihin mo tungkol kay Aria?” Narinig niyang usisa nito sa kabilang linya.
Napakunot ang noo ni Jarek at saka umangat ang kamay sa noo at saka pasimpleng hinilot niya ang sentido.
“You didn’t tell me that your daughter is a bit–” Napatigil si Jarek. Hindi niya mahagilap ang tamang salita para maisumbong niya ang sinapit niya sa anak nito.
“A bit what?” Tanong ni Chief Castaneda. Muling napahilot siya sa sentido.
“She’s a bit… touchy…” Papahina na sumbong niya. Ilang sandaling natahimik sa kabilang linya si Chief Castaneda bago niya narinig ang mahinang tawa nito. Kumunot ang noo niya.
“Ah! Malambing kasi talaga si Aria, Gov.” Natatawang paliwanag nito. “Do I really have to mention that? Hindi ba at natural naman sa mga babae ang maging malambing?”
Kahit na hindi niya nakikita ito ay naiimagine niya na tila pinagtatawanan siya nito. Mariing napapikit siya. Paano naman niyang malalaman na natural lang ang ganung kilos sa mga babae kung wala naman siyang na-experience na ganun sa kahit na sinong babae?
“Is that the only reason why you wanna talk to me, Gov?” Halata pa rin na natatawa si Chief Castaneda. Huminga siya ng malalim at hindi na nagdalawang isip na tapusin ang pag-uusap nila.
Nagsimula na kaagad ito na gawin kung ano ang napagkasunduan nila kaya ano na lang ang magiging tingin nito sa kanya kapag sinabi niya na balak niyang i-reconsider ang pagiging temporary guardian ng anak nito.
Pabagsak na umupo si Jarek sa office chair niya matapos kausapin si Chief Castaneda. Mukhang wala na talaga siyang magagawa kung hindi ang harapin ang hamon sa buhay niya. At iyon ay ang maging temporary guardian ni Aria.
Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay muling tumayo siya para harapin ulit si Aria. Napahawak siya sa pang upo niya at kunot noong napaisip.
“Is holding a man’s butt considered normal for a woman? Ganun ba talagang maglambing ang mga babae? Nanghahawak ng pwet?”
Kunot noong ipinilig niya ang ulo at saka muling naglakad palabas sa opisina niya. Pagbaba niya sa hagdan ay natanaw niya na wala na si Aria sa kung saan niya ito iniwan kanina. Kunot noong nagpatuloy siya sa paglalakad at nagpunta sa living room para hanapin ito pero bukod sa maleta ni Aria na nakatiwangwang doon ay wala na siyang nakitang iba.
“Why is that woman’s stuff all over the living room?”
Kunot noong nilapitan niya ang maleta nito at saka isa-isang pinulot ang mga gamit nito na nagkalat sa couch at sa carpet. Hindi siya sanay sa makalat na lugar. Masakit sa mata niya iyon kaya natural na kumilos ang katawan niya para magligpit ng mga kalat ni Aria.
Ilang sandali pa ay natigilan si Jarek nang mapansin kung ano ang hawak niya. Tinaas niya pa iyon para mas makitang mabuti.
Unti-unting namilog ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang hawak niya.
“Putangina!”
May nagmura sa likuran niya kaya agad na napalingon si Jarek doon at naabutan si Aria na nakatingin sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa katawan nito na halos wala ng takpan dahil sa suot na panligo! Agad niyang iniwas ang tingin sa katawan nito.
“What the hell are you wearing?!” Mariing sita niya.
“Edi bikini! Mukha ba akong nakasuot ng gown, huh?!” Sarkastikong sagot ni Aria at saka agad na naglakad palapit sa kanya.
Napaatras si Jarek dahil sa biglaang paglapit nito sa kanya.
“Bakit hawak mo yang panty ko?!” Bulalas pa ni Aria. Sa sobrang lakas ng boses nito ay halos mag echo iyon sa buong living room.
Hindi makapaniwala na binalingan niya ito. Kung hindi niya ito pipigilan ay baka marinig pa sila ng mga servant. Mabilis na tinawid ni Jarek ang distansya nila ni Aria at saka agad na tinakpan ang bibig nito.
“Are you trying to get me into another scandal?!” Mariin na mariin na sita niya kay Aria. Sumubok si Aria na tanggalin ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito pero hindi niya ito hinayaan.
“Mmm!” Sumubok itong sumigaw kahit na nakatakip pa ang kamay niya kaya naiiling na tiningnan niya ito.
“Stop making a scene,” mariing saway niya pero sa halip na tumigil ay mas lalong lumakas ang sigaw ni Aria hanggang sa ang sigaw ay naging tunog ungol at ang sunod-sunod na mga ungol nito ay narinig ng mga tauhan at servant sa bahay niya kaya dali-daling nagsilapit ang mga ito sa kanila.
“What–”
Bago pa muling maibuka ni Jarek ang bibig para sawayin si Aria sa ginagawa nitong sunod-sunod na pag ungol ay unti-unting lumambot ang mga tuhod nito hanggang sa nabitawan niya ito tuloy-tuloy na napaluhod si Aria sa harapan niya.
Dinikit pa ni Aria ang mukha nito sa gitna ng mga hita niya at iyon ang tagpo na naabutan ng mga servant at ng tatlong bodyguard niya na halatang nagulantang sa naabutang tagpo sa pagitan nila ni Aria!
Tuloy-tuloy na naglakad si Jarek paakyat sa opisina niya sa bahay. Ang balak niya sana ngayong umaga ay hihintayin at kakausapin lang ang anak ni Chief Castaneda, pagkatapos ay pupunta na siya sa opisina niya sa kapitolyo dahil may mga kailangan pa siyang asikasuhin doon.Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay siguradong hindi siya basta-basta makakaalis sa bahay niya dahil panigurado ay pagkakaguluhan siya ng press dahil sa statement na kakatapos niya lang ilabas sa publiko.Nang nakapasok siya sa opisina ay napasapo siya sa noo habang naglalakad palapit sa table. Nang nakalapit sa table niya ay tumayo siya doon at saka tinukod ang dalawang kamay sa ibabaw. Umangat ang isang kamay niya papunta sa mga labi niya. He can still taste the taste of Ariella’s lips. Hindi naman siguro lipstick iyong nalalasahan niya dahil mukha namang walang suot na lipstick ang babaeng yun. In fact, wala nga itong kahit na anong kolorete sa mukha kaya kitang-kita niya ang natural na itsura nito.Natigil ang
Ilang sandali pang nakatitig si Jarek sa mukha ni Aria bago niya nagawang makapagsalita at nagtanong.“What the hell did you just do?”Sa totoo lang ay ramdam pa rin niya ang biglaang paghalik ni Aria sa kanya. Aaminin niya na nagustuhan niya ang halik pero hanggang doon lang. He is still incapable of falling in love. And that’s probably the most confusing and exhausting part of being aromantic. He couldn’t fall in love the way other people did.Huminga ng malalim si Jarek habang nakatitig sa mala anghel na mukha ni Aria. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang hinalikan nito matapos nitong ungkatin ang scandal na kasalukuyan niyang kinasasangkutan.“Can’t you tell?” Tumagilid ang ulo ni Aria at saka ngumisi ng nakakaloko sa kanya. “I just showed the world how desperate Governor Jarek Falcon is to get laid!”Bumungisngis pa ito na para bang masayang masaya at satisfied na satisfied sa ginawa. “Siguradong number one trending ka na sa Pilipinas–oh, wait! Baka hindi lang sa Pilip
Excited at handang-handa na sa gagawing paliligo sa swimming pool si Aria nang may napagtanto siya.“Sunscreen!” Nakasimangot na nagkamot siya sa pisngi at muling naglakad pabalik sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa living room dahil doon niya iniwan ang mga gamit niya.Ang hindi niya inaasahan ay ang madatnan si Jarek sa living room na pinapakialaman ang mga gamit niya. Mas lalong hindi niya inaasahan na makikita niya itong hawak-hawak ang panty niya!Napamura si Aria. Halo-halo na ang mga nasa isip niya. Kanina lang ay naisip niya na baka bakla si Jarek dahil para itong diring-diri nang mahawakan niya ang pang upo nito. Ngayon naman ay parang naiimagine niya pa na gusto nitong amuyin ang panty niya kaya napalakas ang mura niya at agad na sinugod ito para pigilan sa kung anong balak nitong gawin sa panty niya!Hindi inaasahan ni Aria na papatulan siya ni Jarek kahit na hamak na mas matangkad ito sa kanya. Hindi man lang ito nagdalawang isip na takpan ang bibig niya at saka pinigilan
“‘Wag niyang sabihin na virgin pa sa hawak yung pwet niya?”Hirap na hirap si Aria na pigilan ang tawa niya habang sinusundan ng tingin si Governor Jarek Falcon na madaling-madali sa pag-akyat sa hagdan dahil sa ginawa niyang paghawak at pagpalo sa pisngi ng pang upo nito.Salamat sa mga kaibigan niya na fan na fan ni Jarek dahil nalaman niya na anti-romantic ito at kahit kailan ay wala pang nabanggit na pangalan ng babae sa kahit saang interview. At sa tindi ng stalking skills ng mga kaibigan niya ay imposible na hindi malaman ng mga ito na kahit kailan ay hindi pa ito nagkaroon ng girlfriend. Napapataas na lang tuloy ang kilay ni Aria lalo na ngayon na nakita na niya si Jarek sa personal.The man is undeniably hot. Lalaking lalaki ang tindig lalo na ang kulay nito na moreno. Matangkad at maganda ang katawan. Kung hindi lang siya pinanganak na matangkad ay baka hindi pa siya umabot sa dibdib ni Jarek dahil sa sobrang tangkad nito.“And you are telling me that he never had a girlfrien
“Kumatok ka na, Primo.”“Ikaw na.”Nagsalubong ang makapal at itim na itim na kilay ni Dante habang nakatingin sa dalawang kasamang bodyguard na sina Lukas at Primo. Pati ba naman sa pagkatok lang sa pintuan ng opisina ni Governor Jarek Falcon ay nagtuturuan pa ang mga ito.Nagkamot sa tenga si Primo habang nakatingin kay Lukas. Pare-pareho nilang alam na masyadong istrikto si Governor Falcon pagdating sa oras. Halos kalahating oras na kasing late ang inaasahang bisita nito kaya siguradong hindi magugustuhan iyon ng istriktong gobernador.Sa tagal nilang nagtatrabaho sa mga Falcon ay kilalang-kilala na nila si Jarek bilang isang istriktong CEO ng Falcon Maritime Group noong hindi pa ito nanunungkulan bilang isang gobernador.“Late nga yung bisita niya tapos mas inuna pang kumain kesa harapin si Gov! Siguradong magtatanong yun kung bakit hindi natin sinabihan yung bisita niya na unahin munang puntahan si Gov bago kumain! Mainit pa naman ang ulo non dahil doon sa scandal!” Tuloy-tuloy n
Habang nasa kwarto si Aria ay sinadya niyang bilisan ang pagkilos at ang pag iimpake ng mga gamit. Sinabi niya sa Daddy niya na ‘wag nang mag abala si Governor Falcon na magpadala ng mga tauhan nito sa bahay nila dahil hindi na iyon kailangan. Siya mismo ang pupunta sa bahay nito para masimulan na niyang guluhin ang buhay nito.“Behave, Aria.”Habang naglalakad siya palabas sa bahay nila at hila-hila ang maleta niya ay nakabuntot ang Daddy niya at salita ng salita. Ni isa sa mga bilin nito ay wala siyang balak na sundin. Besides, kaya nga siya naging ganun ka-iresponsable ay dahil nagrerebelde siya dito.Two years ago ay sapilitang kinuha siya ng ama sa kinalakihan niyang mga magulang. Sa loob ng labing walong taon ay nabuhay siya bilang isang anak ng ordinaryong mekaniko at labandera. Isang araw ay bigla na lang sumulpot sa bahay nila si Police General Arthur Castaneda. He claimed that he was her biological father. Ni isa sa mga nakalakihan niyang mga magulang ay hindi man lang nagre







