Don't Call Me Sir
Tatlong bagay ang alam ni Mira Rivera tungkol sa kanyang boss: matalino si Ethan Mendez, seryoso, at bukod sa lahat, off-limits.
Bilang demanding na CEO ng Mendez Tech, inaasahan ni Ethan ang kahusayan at pagsunod mula sa lahat ng kanyang empleyado. Ngunit matapos ang isang maulang gabi, hiniram na damit, mga sandaling pilit na itinatago, at isang hindi inaasahang kahilingan, nagsimulang maglaho ang hangganan sa pagitan ng Boss at Assistant.
Alam ni Mira na bawal mahulog sa kanyang boss. Ngunit habang unti-unti niyang nakikilala nang husto ang kanyang boss, lalo siyang nahihirapang panindigan ang distansya na pinangako niyang hinding-hindi niya tatawarin.
Because sometimes, the most dangerous thing about getting too close to your boss isn't losing your job—it's falling in love with him.
Read
Chapter: Chapter 5Sa wakas ay natapos ko na rin ang report. Matapos ko itong i-email at gawan ng kopya, muling nagtungo ako sa opisina ni Sir Ethan — eh, Ethan pala.Sa totoo lang, medyo nakakailang na isipin siya as Ethan and not just Sir Ethan. It felt too intimate to be calling him by his first name alone.But his insistence on being called by his first name kapag kaming dalawa lang left no room for argument.So, Ethan, it is.Kumatok ako sa pinto. Sa medyong alanganing tinig, tinawag ko, “E-Ethan, narito na ang report na kailangan mo. Nai-send ko na rin sa iyong email.”“Sige. Titingnan ko mamaya.” Sagot niya. Hindi man lang siya lumingon sa akin habang sinasabi iyon.Nakakailang.“Uhm, sige po. Aalis na ako.” Tumalikod na ako upang umalis.“Wait, Ms. Rivera.”“Ano po iyon, Si—Ethan?”“Salamat sa pagpasok mo ngayong araw.” Iyon lamang ang sinabi niya bago muling ibinaling ang pansin sa kanyang ginagawa.Dahil may oras pa, nakahabol ako sa kasiyahan ng aking mga kaibigan. Napasigaw si Tony nang maki
Last Updated: 2026-10-21
Chapter: Chapter 4Patuloy na gumugulo sa isipan ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon. Paulit-ulit kong inaalala ang pakiramdam ng pagyakap niya sa akin.Halos sampalin ko na ang sarili ko para magising na ako sa ganitong kalokohan. Hindi ko dapat bigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay na wala namang talagang ibig sabihin. Masyado na yata akong nahahawa sa pagiging madrama ni Tony.Boss mo siya. Huwag mong kalimutan iyan, Mira!Kinabukasan, tinawagan ako ni Sir Ethan.“I need those reports before the day ends.” Utos nya. Dali-dali kong tinapos ang report na kailangan niya. Noong sumunod na araw, halos pagalitan niya ako sa harap ng mga katrabaho ko dahil sa isang pahinang nawawala sa report na ibinigay ko noong nakaraang hapon — hanggang sa biglang lumitaw ang pahinang iyon sa kanyang mesa, kung saan madali itong makikita.“Pinahihirapan ka yata ng boss mo recently.” Obserbasyon ni Tony. “Mukhang may LQ ah”“Shut up, Tony.”Akala ko natapos na a
Last Updated: 2026-10-21
Chapter: Chapter 3Dahan-dahan akong naglakad papunta sa opisina ng boss ko, pero tumigil muna ako saglit para tumingin sa salamin. Sinigurado kong maayos pa rin ang nakatali kong mahabang buhok. Nakasara na ang lahat ng butones at walang anumang hindi maayos sa suot ko. Sapat na ang isang beses na nagkaroon ng ganoong pagkakamali. Hindi ko na kakayaning mahiya nang ganoon ulit.Kumatok ako nang minsan sa pinto ng opisina niya.“Come in.”“You wanted to see me, Sir?” Tanong ko mula sa pintuan.“Isara mo ang pinto at umupo ka, Ms. Rivera.”Dahan-dahan akong pumasok at umupo sa isa sa mga upuan sa tapat ng mesa niya.“Bago ang lahat, nakita mo ang nangyari kanina?” Tanong niya.Tumango ako bilang sagot.“Ano ang narinig mo?”“Sir?”“Gusto mo bang ulitin ko ang sinabi ko?”“Hindi po, Sir. I mean, narinig ko lang po na nagbitiw si Sir Pete at galit siya dahil sa mga dahilan na hindi ko alam.” Mabilis akong sumagot.Tumango siya. “Nakita kong dumaan siya sa harap mo. May sinabi ba siya sa iyo?”“Wala po, Sir
Last Updated: 2026-10-21
Chapter: Chapter 2“Mira! Gising na, ‘nak!” Sabay katok ni Ma, “Baka ma-late ka sa trabaho.”“Opo, Ma.” Sagot ko.Hindi agad ako bumangon kasi inaalala ko pa ang mga nangyari kagabi. Parang panaginip lang. Halos kalahating taon pa lang ako dito, at sa loob ng mga buwang iyon, bihira kaming magkausap nang masinsinan ng boss ko. “So, ano ang nagbago? Dati naman okay lang kaming mag-usap sa chat, email o tawag sa phone sa opisina. Ano ang nagtulak para magkaroon kami ng ganoong interaksyon kagabi? Ano ang nagbago?” Usisa ko sa sarili.Nang makarating kami sa tapat ng bahay, bumaba siya at binuksan ang pinto ko. Walang imik, binuksan lang niya ito, at nang makalabas na ako, sumakay siya ulit at umalis. Hindi na niya hinintay na magpasalamat at mag-goodbye ako.Hinanap ko by touch ang damit niya. Tinanggal ko kasi ito agad pagpasok ko sa kwarto kagabi. Baka kasi masira o madumihan. Mukhang mahal pa naman. Nang nahawakan ko, inilapit ko sa mukha ko at inamoy.Aaaarrghhh… it still smells of him.Dali-dali ko
Last Updated: 2026-10-21
Chapter: Chapter 1“Knock, knock!”Napatingala ako mula sa ginagawa ko sa laptop. Isang pagod na ngiti ang ibinigay ko sa taong nasa pintuan ng opisina ko.“Uyyy, ginabi ka na naman. Late night ka na naman, ha?” pabirong sabi ni Jessica. Napatawa na lang ako—alam na kasi ng buong departamento namin kung gaano katindi magtrabaho ang CEO namin. Gusto niya laging perpekto at hindi tumatanggap ng pagkatalo.“Ano pa nga ba. Ganoon pa rin.”“Kaya ibig sabihin, hindi ka na naman makakasama sa amin, ha, Mira?” tanong niya, sabay taas ng kaliwang kilay. Palagi na lang kasi akong hindi nakakasama sa mga lakad ng mga naging kaibigan ko sa kumpanya.“Pasensya ka na naman. Alam mo naman na ako ang sisisihin ni Sir kapag hindi ko naipasa ang mga reports sa umaga, kaya nagmamadali akong tapusin ang lahat ng kailangan.”Hindi sumagot si Jess. Tinititigan lang niya ako.“O, bakit ganyan ka tumingin?”“Wala naman. May naisip lang ako… ah, huwag na lang. Basta babawi ka, ha?”“Promise.”“Sige na, Queen of All Workaholics.
Last Updated: 2026-10-21