Share

Chapter 5

Author: Schuyler
last update publish date: 2026-10-21 18:53:21

Sa wakas ay natapos ko na rin ang report. Matapos ko itong i-email at gawan ng kopya, muling nagtungo ako sa opisina ni Sir Ethan — eh, Ethan pala.

Sa totoo lang, medyo nakakailang na isipin siya as Ethan and not just Sir Ethan. It felt too intimate to be calling him by his first name alone.

But his insistence on being called by his first name kapag kaming dalawa lang left no room for argument.

So, Ethan, it is.

Kumatok ako sa p***o. Sa medyong alanganing tinig, tinawag ko, “E-Ethan, narito na ang report na kailangan mo. Nai-send ko na rin sa iyong email.”

“Sige. Titingnan ko mamaya.” Sagot niya. Hindi man lang siya lumingon sa akin habang sinasabi iyon.

Nakakailang.

“Uhm, sige po. Aalis na ako.” Tumalikod na ako upang umalis.

“Wait, Ms. Rivera.”

“Ano po iyon, Si—Ethan?”

“Salamat sa pagpasok mo ngayong araw.” Iyon lamang ang sinabi niya bago muling ibinaling ang pansin sa kanyang ginagawa.

Dahil may oras pa, nakahabol ako sa kasiyahan ng aking mga kaibigan. Napasigaw si Tony nang makita akong papalapit sa kanilang mesa. Sinundan ko sila rito sa isang kilalang bar sa Makati. Halatang nakarami na sila sa iniinom dahil mas maingay sila kaysa sa karaniwan.

Matapos ang yakapan at pagbati, nakaupo na rin ako sa isa sa mga bakanteng upuan.

“Sobrang tuwa ko na nakahabol ka, bes.” Sabi sa akin ni Tony. Kailangan niyang ilapit ang bibig sa aking tainga upang marinig ko ang sinabi — napakalakas kasi ng tugtog.

Inabutan ako ni Jess ng inuming may alak. Hindi ko alam kung ano iyon, ngunit mukhang masarap kaya sinubukan ko. 

“This drink is very good!” It was the kind of good I needed after one hell of a week.

“Kumusta naman kayo ng iyong gwapong boss?” Tanong ni Tony sa akin. “Kumusta ang oras na kayong dalawa lang sa opisina kanina?” Dagdag pa niya na may kasamang kindat.

Halos masamid ako sa aking iniinom. Naalala ko na naman ang mga nangyari, lalo na ang hiling ni Ethan na tawagin siya sa kanyang pangalan.

“Maayos naman kami ni Ethan kanina.” Natigilan ako. Marahil dahil sa inumin, nasambit ko iyon nang hindi sinasadya.

Nanlaki ang mga mata ni Tony. “Anooo? You guys are on a first-name basis now?” Medyo napalakas ang kanyang boses. Pilit kong tinakpan ang kanyang bibig upang hindi marinig ng iba pa naming kasama. Samantala, si Jess ay nakatulalang nakatingin sa amin.

“Hush, Tony. Huwag kang maingay!” Saway ko sa kaibigan ko.

“Teka, I’m your best friend.”

“Ahem.” Singit ni Jess.

“Okay, your male best friend.” Pagwawasto ni Tony sabay tingin ng masama kay Jess.. “And as one of your best friends, I have a right to know what the hell happened.” May halong pananabik sa kanyang tinig.

Kilala ko ang dalawang ito at alam kong hindi nila ako titigilan hangga’t hindi ko ikinukuwento ang lahat. Kaya hinila ko silang dalawa palapit sa akin upang kaming tatlo lamang ang makarinig.

“He asked me, no, ordered me— na tawagin siyang Ethan kanina.”

“Ooooohhhh,” Sabay nilang tugon.

Okay, I’ll admit that was a juicy piece of news.

“What does that mean, though?” Tanong sa akin ni Jess.

“Hello. Malinaw naman na gusto ka niya.” Sagot ni Tony.

“Ano ba kayo. Wala iyang ibig sabihin. Hindi ba pwedeng hilingin na tawagin siya sa kanyang pangalan?”

“Not if he’s your boss.” Sagot ni Jessa

“Not if he’s your freakin’ hot boss.” Sabay na sabi ni Toni.

“Naku, tumigil kayong dalawa. Don’t make such a big deal about this. I know my boundaries kaya wala ibang ibig sabihin sa akin yun.”

Sigurado ka ba, Mira?

Not now, self.

“Sige, sinabi mo iyan. Ngunit, Mira, mag-ingat ka ha. Ayokong masaktan ka muli matapos ang iyong douchebag ex.” Paalala ni Jess, sabay yakap sa aking balikat.

“Sana pwede ko rin siyang tawaging Ethan.” Bulong ni Tony sa sarili.

Napatingin na lamang kami ni Jess sa kanya.

Napahalakhak na lamang si Tony sa aming mga reaksyon.

Ang Linggo ay araw ng pamilya at pahinga. Dahil wala sina Mama at Kai — dumalo sila sa kaarawan ng kaklase ni Kai — ako lang ang narito sa bahay. Naglinis ako nang kaunti at nagluto ng pagkaing maaaring painitin mamaya upang hindi na magluto si Mama kung pagod siya pag-uwi.

Matapos iyon, wala na akong magawa. Wala akong gustong panoorin, kaya isang bagay lamang ang naisip kong gawin — i-stalk ang aking boss sa social media.

It felt wrong to do so, pero my curiosity to know more about him, apart from his professional life, was eating at me. That was the reason why I never attempted before na hanapin siya online. 

Until now.

Hindi naman siguro masama na alamin ang higit pa tungkol sa kanya. Di ba?

Tama, for research purposes ito. Pagdefend ko sa gagawin ko.

Binuksan ko laptop ko and decided to look him up. He has an I*, a F******k, and an X account, pero all three revealed very little. Kahit pala online, eh professional pa rin siya. He posted mostly about things related sa work, like latest tech news and breakthroughs.

Ngunit may isang larawan na umagaw sa aking pansin. Lumang larawan ito batay sa petsa ng pagkakapost.

In the picture, it seems nasa isang yacht siya. He was wearing a white slim-fit button-down shirt, dark blue shorts, and loafers. It was the most casual look of him na nakita ko ever.

The biggest surprise, though, was that he was smiling in the photo. 

Huh.

Nag-iba ang kanyang anyo kapag siya ay nakangiti. Gwapo siya lalo, ngunit higit pa roon ang naramdaman ko.

Masaya siya. Mas malaya ang kanyang anyo.

Napaisip ako — ano ang nangyari sa lalaking nasa larawan? Nasaan ang masaya at walang alalahaning lalaking iyon? Ano ang nagpabago sa kanya upang maging ganito sa opisina? O baka naman iyon ang tunay niyang pagkatao at iba siya kapag wala sa trabaho.

Labis akong nahumaling sa larawan kaya hindi ko napansin na naroon na pala sa likuran ko ang aking kapatid.

“Iyan ba ang boypren mo?” Bulong niya sa tenga ko.

Napatili ako sa gulat. Sabay takbo niya palayo. Lokong bata yan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Don't Call Me Sir   Chapter 5

    Sa wakas ay natapos ko na rin ang report. Matapos ko itong i-email at gawan ng kopya, muling nagtungo ako sa opisina ni Sir Ethan — eh, Ethan pala.Sa totoo lang, medyo nakakailang na isipin siya as Ethan and not just Sir Ethan. It felt too intimate to be calling him by his first name alone.But his insistence on being called by his first name kapag kaming dalawa lang left no room for argument.So, Ethan, it is.Kumatok ako sa pinto. Sa medyong alanganing tinig, tinawag ko, “E-Ethan, narito na ang report na kailangan mo. Nai-send ko na rin sa iyong email.”“Sige. Titingnan ko mamaya.” Sagot niya. Hindi man lang siya lumingon sa akin habang sinasabi iyon.Nakakailang.“Uhm, sige po. Aalis na ako.” Tumalikod na ako upang umalis.“Wait, Ms. Rivera.”“Ano po iyon, Si—Ethan?”“Salamat sa pagpasok mo ngayong araw.” Iyon lamang ang sinabi niya bago muling ibinaling ang pansin sa kanyang ginagawa.Dahil may oras pa, nakahabol ako sa kasiyahan ng aking mga kaibigan. Napasigaw si Tony nang maki

  • Don't Call Me Sir   Chapter 4

    Patuloy na gumugulo sa isipan ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon. Paulit-ulit kong inaalala ang pakiramdam ng pagyakap niya sa akin.Halos sampalin ko na ang sarili ko para magising na ako sa ganitong kalokohan. Hindi ko dapat bigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay na wala namang talagang ibig sabihin. Masyado na yata akong nahahawa sa pagiging madrama ni Tony.Boss mo siya. Huwag mong kalimutan iyan, Mira!Kinabukasan, tinawagan ako ni Sir Ethan.“I need those reports before the day ends.” Utos nya. Dali-dali kong tinapos ang report na kailangan niya. Noong sumunod na araw, halos pagalitan niya ako sa harap ng mga katrabaho ko dahil sa isang pahinang nawawala sa report na ibinigay ko noong nakaraang hapon — hanggang sa biglang lumitaw ang pahinang iyon sa kanyang mesa, kung saan madali itong makikita.“Pinahihirapan ka yata ng boss mo recently.” Obserbasyon ni Tony. “Mukhang may LQ ah”“Shut up, Tony.”Akala ko natapos na a

  • Don't Call Me Sir   Chapter 3

    Dahan-dahan akong naglakad papunta sa opisina ng boss ko, pero tumigil muna ako saglit para tumingin sa salamin. Sinigurado kong maayos pa rin ang nakatali kong mahabang buhok. Nakasara na ang lahat ng butones at walang anumang hindi maayos sa suot ko. Sapat na ang isang beses na nagkaroon ng ganoong pagkakamali. Hindi ko na kakayaning mahiya nang ganoon ulit.Kumatok ako nang minsan sa pinto ng opisina niya.“Come in.”“You wanted to see me, Sir?” Tanong ko mula sa pintuan.“Isara mo ang pinto at umupo ka, Ms. Rivera.”Dahan-dahan akong pumasok at umupo sa isa sa mga upuan sa tapat ng mesa niya.“Bago ang lahat, nakita mo ang nangyari kanina?” Tanong niya.Tumango ako bilang sagot.“Ano ang narinig mo?”“Sir?”“Gusto mo bang ulitin ko ang sinabi ko?”“Hindi po, Sir. I mean, narinig ko lang po na nagbitiw si Sir Pete at galit siya dahil sa mga dahilan na hindi ko alam.” Mabilis akong sumagot.Tumango siya. “Nakita kong dumaan siya sa harap mo. May sinabi ba siya sa iyo?”“Wala po, Sir

  • Don't Call Me Sir   Chapter 2

    “Mira! Gising na, ‘nak!” Sabay katok ni Ma, “Baka ma-late ka sa trabaho.”“Opo, Ma.” Sagot ko.Hindi agad ako bumangon kasi inaalala ko pa ang mga nangyari kagabi. Parang panaginip lang. Halos kalahating taon pa lang ako dito, at sa loob ng mga buwang iyon, bihira kaming magkausap nang masinsinan ng boss ko. “So, ano ang nagbago? Dati naman okay lang kaming mag-usap sa chat, email o tawag sa phone sa opisina. Ano ang nagtulak para magkaroon kami ng ganoong interaksyon kagabi? Ano ang nagbago?” Usisa ko sa sarili.Nang makarating kami sa tapat ng bahay, bumaba siya at binuksan ang pinto ko. Walang imik, binuksan lang niya ito, at nang makalabas na ako, sumakay siya ulit at umalis. Hindi na niya hinintay na magpasalamat at mag-goodbye ako.Hinanap ko by touch ang damit niya. Tinanggal ko kasi ito agad pagpasok ko sa kwarto kagabi. Baka kasi masira o madumihan. Mukhang mahal pa naman. Nang nahawakan ko, inilapit ko sa mukha ko at inamoy.Aaaarrghhh… it still smells of him.Dali-dali ko

  • Don't Call Me Sir   Chapter 1

    “Knock, knock!”Napatingala ako mula sa ginagawa ko sa laptop. Isang pagod na ngiti ang ibinigay ko sa taong nasa pintuan ng opisina ko.“Uyyy, ginabi ka na naman. Late night ka na naman, ha?” pabirong sabi ni Jessica. Napatawa na lang ako—alam na kasi ng buong departamento namin kung gaano katindi magtrabaho ang CEO namin. Gusto niya laging perpekto at hindi tumatanggap ng pagkatalo.“Ano pa nga ba. Ganoon pa rin.”“Kaya ibig sabihin, hindi ka na naman makakasama sa amin, ha, Mira?” tanong niya, sabay taas ng kaliwang kilay. Palagi na lang kasi akong hindi nakakasama sa mga lakad ng mga naging kaibigan ko sa kumpanya.“Pasensya ka na naman. Alam mo naman na ako ang sisisihin ni Sir kapag hindi ko naipasa ang mga reports sa umaga, kaya nagmamadali akong tapusin ang lahat ng kailangan.”Hindi sumagot si Jess. Tinititigan lang niya ako.“O, bakit ganyan ka tumingin?”“Wala naman. May naisip lang ako… ah, huwag na lang. Basta babawi ka, ha?”“Promise.”“Sige na, Queen of All Workaholics.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status