author-banner
magentaroise
Author

Nobela ni magentaroise

My Arrogant Boss Wants Me

My Arrogant Boss Wants Me

Dahil sa isang kakaibang job interview, nagkaroon si Mara Castillo ng dalawang magkaibang trabaho. Mula Lunes hanggang Biyernes, isa siyang real estate salesperson na halos walang pahinga sa pagtatrabaho mula alas-singko ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi. Pagsapit naman ng weekend, isa siyang personal assistant na tagaayos ng lahat ng gulong dulot ng kanyang boss. Simple lang ang naging kasunduan nila—trabaho lang, walang personalan, at lalong walang halong pag-ibig. Maayos sana ang lahat kung marunong lang sumunod sa kasunduan ang kanyang boss. Pero habang tumatagal, mas nagiging personal ang mga utos nito, at mas nahihirapan si Mara na manatiling professional. Ang tanong, hanggang kailan niya kayang umiwas sa lalaking araw-araw sinusubok ang pasensya at tibok ng puso niya? "Director, you're crossing the line!" "Then tell me where the line is, Mara. I'll meet you there."
Basahin
Chapter: Chapter 5
Chapter 5Napansin ni Mara na kanina pa siya sinusuri ng tingin ng empleyado. Hindi niya alam kung bakit, kaya bahagya siyang napakunot ang noo."Miss? If you don't know, okay lang po. I'll just ask someone else."Parang biglang natauhan ang babae. Agad na nagbago ang ekspresyon nito at mabilis na ngumiti."Oh, sorry, ma'am! The Human Resources Department is on the twenty-fourth floor. You can take the elevator directly from here."Tumango si Mara."Thank you.""You're welcome, ma'am. Please take care."Bahagyang ngumiti si Mara bago naglakad papunta sa elevator.Pagkaalis niya, hindi na napigilan ng mga babaeng naghihintay sa hallway na magtinginan. Halata sa kanilang mga mukha ang inggit at pagtataka nang malamang natanggap si Mara.May ilan pang palihim na tumingin sa direksiyong nilakaran niya.Maya-maya, isang babaeng halatang naiinip na sa paghihintay ang lumapit sa empleyado."Excuse me, miss. Can we go inside now?"Nakatitig pa rin ang empleyado sa papalayong si Mara nang mari
Huling Na-update: 2026-10-28
Chapter: Chapter 4
Chapter 4Ilang segundong nakatayo si Mara habang pilit na iniintindi ang ibig sabihin ng director. Dahil sa mga naunang tanong nito sa ibang aplikante, inakala niyang kailangan niyang ipaliwanag ang sarili niyang background.Kaya matapos huminga nang malalim, nagsimula siyang magsalita."First of all, sir, I've never undergone plastic surgery. Wala rin po akong naging relasyon sa married man, at hindi po ako gumamit ng connections para makapasok sa company."Tahimik ang director. Dahil wala itong sinasabi, ipinagpatuloy niya."To be honest, medyo pasaway po ako noong junior at senior high school. May ilang beses po akong nasangkot sa away at nakatanggap ng disciplinary warnings, pero nagbago naman po ako noong college."Bahagya siyang tumigil bago muling nagsalita."Consistent scholar po ako sa university at naging outstanding class officer din. As for my family, may maliit pong posisyon ang father ko sa local government sa province namin, pero never ko pong ginamit ang pangalan niya
Huling Na-update: 2026-10-28
Chapter: Chapter 3
Chapter 3"How did you get my personal information?" galit na tanong ni Trisha Uy.Mula sa likod ng malaking computer monitor, narinig nila ang malamig na boses ng lalaki."You're applying to my company, Miss Uy. Of course, we have your information.""So what kung nagparetoke ako? Is that illegal?" Tumataas na ang boses ni Trisha. "You accessed my private medical records without my permission! That's a violation of my privacy! I can sue you for that!"Hindi man lang natinag ang director sa pagbabanta ng babae. Nanatili itong nakasandal sa kanyang upuan, at ang tanging naririnig nila ay ang mababa nitong boses na tila tinatamad pang makipag-usap."Miss Uy, since you're applying to our company, you should understand that we have our own hiring standards. We're looking for senior real estate sales associates, not contestants for a face-changing competition."Sandali itong tumigil bago nagpatuloy. "Please close the door on your way out." Napatulala si Mara sa nasaksihan niya.Halos hindi
Huling Na-update: 2026-10-28
Chapter: Chapter 2
Chapter 2Alam niyang hindi ordinaryong kumpanya ang Altierra Group. Isa ito sa pinakamalaking real estate developers sa Pilipinas at kabilang sa mga kilalang pangalan sa international property industry. Kaya hindi na siya nagtaka nang malaman niyang mahigpit ang kanilang hiring process.Pero ang unang dalawang interview naman niya ay maayos.Noong first round, normal lamang ang mga tanong ng HR tungkol sa kanyang educational background, qualifications, at personal information. Sa second round naman, sinubukan ang communication skills niya, kaalaman tungkol sa real estate sales, at kakayahang makipag-usap sa foreign clients.Wala namang naging problema.Kaya bakit parang lahat ng lumalabas sa final interview ay galit na galit?Hindi pa lumilipas ang tatlong minuto nang muling bumukas ang pinto.Sa pagkakataong ito, tatlong aplikante ang magkakasunod na lumabas. Lahat sila ay nakasimangot, at halatang may gustong sabihin pero pinipigilan lamang ang sarili.Nang dumaan ang isa sa tabi n
Huling Na-update: 2026-10-28
Chapter: Chapter 1
Chapter 1Tahimik na nakaupo si Mara Castillo sa waiting lounge ng Altierra Group habang mahigpit na hawak ang tatlong interview slip na nakuha niya mula sa mga naunang screening. Habang papalapit ang oras ng final interview, lalo siyang kinakabahan. Hindi lang dahil ito ang kauna-unahan niyang job interview matapos makapagtapos ng kolehiyo, kundi dahil halos lahat ay isinugal niya para makarating sa Maynila. Iniwan niya ang kanilang probinsya at naglakbay nang napakalayo para magsimula ng bagong buhay sa isang lugar na hindi niya kabisado. At ngayong narito na siya, wala na siyang balak umatras. Palihim siyang napatingin sa tatlong babaeng nakaupo sa sofa sa tapat niya. Lahat sila ay bata, magaganda, at halatang sanay sa mamahaling gamit. Mula sa kanilang mga damit hanggang sa mga bag at alahas, kitang-kitang puro designer brands ang suot ng mga ito.Ang isa sa kanila ay nakasuot ng fitted office dress na may malalim na V-neckline. Hindi maiwasang mapatingin ni Mara sa dibdib nito
Huling Na-update: 2026-10-28
Maaari mong magustuhan
Desiring His Ruthless Ways
Desiring His Ruthless Ways
Romance · sshhhhin
39.6K views
HIS IMPOSTOR WIFE
HIS IMPOSTOR WIFE
Romance · Athena Mancol
39.4K views
Lust in Paradise
Lust in Paradise
Romance · Miranda Monterusso
39.4K views
The Maid Who Married The Boss
The Maid Who Married The Boss
Romance · Janijestories
39.3K views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status