Chapter: Chapter 5: The Woman From His PastSeraphina's POVMay mga bagay na kahit ilang taon mong piliting kalimutan, mananatili pa rin sa isang sulok ng iyong isipan. At para kay Alexander, alam kong isa sa mga bagay na iyon ay si Vivienne Laurent. Hindi ko kailanman nakalimutan ang pangalan niya.Paano ko naman makakalimutan?Siya lang naman ang minahal ni Alexander. The woman whose photographs I had accidentally seen on his phone. The woman whose name he sometimes muttered in his sleep during the early months of our marriage.At ang babaeng kailanman hindi ko mapapantayan.Hindi naman ako kailanman nakipagkompetensiya sa kaniya. Hindi ko rin naman gustong gawin iyon. Pero may mga gabi na itinatanong ko sa sarili ko kung ano bang mayroon siya na wala ako.Mas maganda ba siya? Mas matalino? Mas nakakaakit?O siya lang talaga ang gusto ni Alexander?Napailing ako sa naiisip.Hindi ko dapat siya iniisip. After all, I was getting divorced.''Kung tumitig ka sa kape mo, para kang inaapi.''Napatingin ako kay Isabella na kasalukuy
Huling Na-update: 2026-11-07
Chapter: Chapter 4: The Things We Never SaidSeraphina's POV"I want you to explain why my wife was looking for another man."Napatingin ako kay Alexander.Sandali akong natigilan, iniisip kung tama ba ang pagkakarinig ko.My wife.Ang dali niyang sabihin ng mga salitang iyon kapag may kailangan siya.Niyakap ko ang sarili ko, saka siya hinarap."Why? Does it bother you?"Bahagyang nanigas ang panga niya. "Hindi ako nakikipagbiruan, Seraphina.""Hindi rin naman ako nagbibiro. Sinasagot lang kita.""Pumunta ka talaga sa nightclub para maghanap ng ibang lalaki?"Napatawa ako nang walang gana. "At least ngayon, interesado ka na kung saan ako nagpupunta.""Seraphina, sagutin mo ako.""Oo."Agad na nagbago ang ekspresyon niya. "Oo?""Oo, Alexander. I went there because I wanted to spend the night with someone else. Masaya ka na?"Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya. "Hindi ka na ba nag-iisip?"Bahagya kong ikiniling ang ulo ko. "Siguro. But I wasn't the one who sp
Huling Na-update: 2026-11-07
Chapter: Chapter 3: The Woman In His BedSeraphina’s POVHindi ko alam kung kailan ako tuluyang nakatulog. Ang huling naaalala ko ay ang pag-upo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone ko, pilit na pinipigilan ang sariling umiyak.Akala ko, gagaan ang pakiramdam ko matapos kong sa wakas sabihin kay Alexander na gusto ko nang makipaghiwalay. Akala ko, malaya na ako. Pero ang totoo, masakit pa rin.Hindi naman basta-basta mawawala ang tatlong taong pagsasama namin dahil lamang nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipaghiwalay. Hindi rin mabubura sa isang iglap ang labintatlong taon kong pagmamahal sa kaniya.At iyon ang pinakanakakainis sa lahat.Sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin, gusto ko pa rin siyang pigilan.Gusto kong marinig na ayaw niya akong mawala. Na kahit minsan, ayaw niyang matapos ang kung anuman ang mayroon kami.Pero hindi ganoong klaseng tao si Alexander.Hindi siya ang tipo ng lalaking magmamakaawa sa isang tao na manatili. Lalo na kung ako ang pinag-uusapan.Nanginginig na nagliwanag ang
Huling Na-update: 2026-11-07
Chapter: Chapter 2: The Woman He Was Looking ForSeraphina's POVNgayon ko lang kinamuhian ang sarili ko nang ganito.Sa lahat ng lalaking pwede kong makasama, sa lahat ng estrangherong pwede kong paglaanan ng isang gabi, bakit sa sarili ko pang asawa ako napunta?Alexander Dominic Montenegro.Ang lalaking minahal ko ng labintatlong taon. Yung lalaking pinangakuan ko ang sarili kong titigilan ko na ring mahalin. At ang masaklap pa, siya pa ang kumuha ng pagkababae ko.Napahawak ako sa noo habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa nangyari. Kung may award lang para sa pinakamalas na babae sa mundo, siguradong ako na iyon.Pangarap ko noong maging espesyal ang una ko. Akala ko, gagawin ko 'yon sa piling ng taong mahal din ako—yung hahawakan ang kamay ko pagkatapos at ipaparamdam na hindi lang ako isang gabing madaling limutin.Pero ang sakit... kasi nangyari 'to sa lalaking ni hindi man lang maalala o makilala ang sarili niyang asawa.Ang bobo ko. Ang kawawa ko.Tumayo ako a
Huling Na-update: 2026-11-07
Chapter: Chapter 1: The Last Night I Loved HimSERAPHINA'S POV"Don't expect anything from me, Seraphina."Hindi man lang ako tiningnan ni Alexander habang sinasabi niya iyon. Abala siya sa pagtanggal ng kaniyang relo, para bang wala lang sa kaniya ang mga salitang binitiwan niya ilang segundo lamang matapos ang aming kasal."Just because we're married doesn't mean you own me."Napatigil ako.Iyon ba talaga ang unang bagay na gusto niyang ipaalam sa akin bilang asawa niya?Hindi ako sumagot. Ngumiti lamang ako at tumango, kahit pa pakiramdam ko'y may kung anong bagay sa loob ng dibdib ko ang tuluyang nabasag.Thirteen years.Labintatlong taon kong hinintay na maging asawa niya. Labintatlong taon kong inisip kung ano kaya ang pakiramdam na mahalin din ako ng lalaking matagal ko nang minamahal.Pero para kay Alexander Dominic Montenegro, hindi ako ang babaeng pinili niya. Isa lamang akong babaeng ipinagkasundo sa kaniya ng dalawang pamilya. At kahit alam kong hindi niya ako mahal, naniwala pa rin akong baka
Huling Na-update: 2026-11-07