Chapter: Kabanata 5Pagsapit ng gabi, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang nakatingin sa mga pagkaing niluto ko. Maya maya pa ay bumukas ang malaking pintuan at iniluwal nito si Damon na suot pa rin ang suit nito. Bakas man ang pagod sa kanyang mukha pero hindi iyon kabawasan sa angking kakisigan niya. Nang magtama ang aming mga paningin kita ko ang pahapyaw na pagliwanag ng kanyang ekspresyon ngunit agad din iyong nawala. Lumapit siya sa akin, hinubad ang kanyang necktie at marahang hinalikan ang aking noo na nagpadala ng kakaibang init sa aking dibdib."Kanina ka pa ba naghihintay? Medyo na-late ako today, tinapos ko muna kasi ang lahat ng trabaho ko ngayong gabi," sabi ni Damon at agad na umupo sa hapagkainan. "Hindi naman ako naghintay nang matagal, Damon. Kumain na tayo, naghanda ako ng mga pagkain," nahihiya namang sagot ko sa kanya.Nang magsimula kaming kumain, laking gulat ko nang hindi muna niya ginalaw ang sarili niyang plato. Sa halip ay kumuha siya ng hipon at matiyagang binalatan
Dernière mise à jour: 2026-11-20
Chapter: Kabanata 4MAYA POVNapangiwi ako nang maramdaman ko ang matinding pangangalay ng aking buong katawan. Sinubukan kong bumangon mula sa malambot na kama, ngunit parang binugbog ang aking baywang at mga hita dahil sa walang kapagurang pagsuyo ni Damon kagabi.Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala kung paano niya ako paulit ulit na inangkin hanggang umaga. Akmang hahanapin ko na sana siya sa loob ng malawak na silid nang biglang umalingawngaw ang tunog ng aking telepono sa ibabaw ng mess. Nang makita ko ang pangalan ni Trixie, ang matalik kong kaibigan na kagagaling lang sa Cebu ay agad ko itong sinagot."Hoy, babae! Kumusta ang unang umaga bilang legal wife ng isang Lance Villafuerte? Siguro ay abot langit na naman ang ngiti mo ngayon!" malakas na tili ni Trixie sa kabilang linya na halos ikabingi ko."Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng manlolokong iyon, Trixie, dahil hindi natuloy ang kasal namin kahapon," sagot ko habang nakasandal sa malambot na unan. "Nahuli ko na naman silang
Dernière mise à jour: 2026-11-20
Chapter: Kabanata 3Habol-habol ko ang aking hininga nang maghiwalay ang aming labi. Kahit pilit kong ipinapakita na matapang ako mula pa kanina sa hotel, hindi ko maitatanggi ang malakas na panginginig ng aking mga kamay na nakatukod sa matipuno niyang dibdib. Sa nakaraan kong buhay, tatlong taon akong naging asawa ni Lance ngunit ni minsan ay hindi niya ako ginalaw dahil palagi niyang idina dahilan na pagod siya sa trabaho. Ngayon ko lang naintindihan na kay Chloe pala niya inilalaan ang sarili niya kaya naman wala akong kahit anong karanasan sa ganitong bagay.“S-Sandali lang, Damon! Huwag mong sabihin na bibilisan mo ang lahat dahil lang pumirma ako sa kontrata kanina, baka nakakalimutan mong ngayong araw lang tayo nagpakasal!”Naramdaman ni Damon ang panginginig ng aking balikat at ang panlalamig ng aking mga palad, ngunit sa halip na huminto, mas lalo pa niyang idiniin ang kanyang mabigat na katawan sa akin. Isang malamig at nakakakilabot na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. “Natatakot ka ba
Dernière mise à jour: 2026-11-20
Chapter: Kabanata 2Halos mabitawan ko ang hawak kong telepono habang nakatingala pa rin sa balkonahe kung saan nakatayo si Damon. Hindi rin sapat ang malamig na simoy ng hangin upang pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sa nakaraan kong buhay, ilang taon ko rin siyang nakasama at naging hipag pa ngunit kailanman, hindi kami naging malapit sa isa't isa. Palaging seryoso, mailap at tila ba iwas na iwas sa akin. Akala ko noon ay kinasusuklaman niya ako dahil kay Lance, ngunit nang makita ko ang reaksyon niya noon sa sunog, iyong mahigpit na yakap niya para lang iligtas ako, para bang pinapahiwatig niyang gustong-gusto niya ako at ayaw niya akong mawala.“Nababaliw ka na ba, Damon? Kaka-cancel ko lang ng wedding ko sa kapatid mo, tapos ngayon niyayaya mo akong magpakasal sa iyo?” nauutal kong tanong sa kabilang linya. “Bakit, natatakot ka ba, Maya?” mahina at mapanuksong tawa niya sa kabilang linya, isang tunog na nagpataas ng balahibo sa batok ko. “Hindi ako nagbibiro. Naghihintay ang sasakyan
Dernière mise à jour: 2026-11-20
Chapter: Kabanata 1“Tulong! Tulong! Parang awa niyo na, buksan niyo ang pinto! May tao pa rito sa loob, please!”Iyan ang sigaw ko nang imulat ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagkirot ng aking sentido, ang mas nakakabigla pa ay ang makapal at maitim na usok na agad sumakal sa lalamunan ko. Agad akong napasinghap nang makita ko ang pagliyab ng buong paligid mula sa mamahaling kurtina hanggang sa kahoy na kisame ng aming mansyon sa Tagaytay. Pinilit kong bumangon mula sa sahig kahit nanghihina na ang aking mga tuhod. Tumakbo ako patungo sa mabigat na pintuan at buong lakas iyong kinabog habang umuubo. Sobrang hapdi na rin ng aking mga kamay dahil sa sobrang init ngunit wala akong pakialam, kailangan kong mailigtas ang sarili ko. Sa gitna ng malalakas na lagablab, narinig ko ang pamilyar na mga yabag sa labas. Bigla akong nakaramdam ng pag-asa nang marinig ko ang boses ng aking asawang si Lance. Muli akong sumigaw sa pagkakaalang ililigtas niya ako. “Lance! Salamat sa Diyos at nandito ka na! Buksa
Dernière mise à jour: 2026-11-20