author-banner
Ellucidera
Ellucidera
Author

Nobela ni Ellucidera

Widower's Fake Wife

Widower's Fake Wife

Some mistakes are too precious to undo. Isang pagkakamali. Dalawang pamilyang nasira. Isang batang pareho nilang gustong angkinin. Tatlong taon nag-ipon si Ysabel Montecillo upang matupad ang pangarap niyang maging isang ina. Walang asawa, walang kasintahan, at walang balak maghintay sa pag-ibig. Sa tulong ng IVF, sa wakas ay nabigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng anak, hanggang sa isang pagkakamali sa isang kilalang fertility clinic sa BGC ang nagpabago sa lahat. Tatlong buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan nang malaman niyang ang embryo ay pag-aari pala ng mag-asawang Serrano, si Rafhayeel Serrano, isang kilalang hotel magnate and multi-millionaire, at ang namayapa nitong asawa na si Ellara. Para kay Rafhayeel, iyon na lamang ang natitirang pagkakataon upang magkaroon ng anak sa babaeng minahal niya. Ngunit para kay Ysabel, ang batang dinadala niya ay anak na rin niya sa puso. Sa halip na mauwi sa isang masalimuot na labanan, nag-alok si Rafhayeel ng isang kasunduang hindi inaasahan: anim na buwan silang maninirahan sa isang pribadong villa sa Tagaytay, kasama ang kumpletong pangangalaga para sa pagbubuntis ni Ysabel. Ngunit may isang kondisyon, kailangan nilang magpakasal. Isang pekeng kasal na magbibigay kay Rafhayeel ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ng bata. What begins as a marriage of convenience slowly turns into something neither of them expected. Sa pagitan ng mga gabing puno ng musika, mga alaalang hindi kayang kalimutan, at mga damdaming unti-unting lumalalim, pareho nilang matutuklasan na hindi lahat ng pamilya ay nabubuo sa paraang inaasahan. But what happens when a fake marriage starts feeling real, and the hearts involved begin wanting more than the child they once fought for?
Basahin
Chapter: Chapter 6: Glaring eyes
Ysabel Montecillo’s POVTatlo na kami sa mesa.Si Raf sa dulo, gaya ng dati. Ako sa kanan niya, dahil iyon ang sabi niya kaninang umaga at hindi ko na pinagtalunan. Si Daniel naman, sa harapan namin.Dumating si Odette na may dalang mainit na sabaw at inihaw na isda. Pagkalapag niya ng plato ko, may inilagay pa siyang maliit na mangkok sa tabi nito.Champorado.“Hindi po ba sabi ni Ma’am, favorite niya ito?” bulong ni Odette, sabay tingin kay Raf. “Pinainit ko po ulit.”“Champorado?” Tumaas ang kilay ni Daniel. “For dinner?”Sumubo na ako at hindi na siya sinagot pa.“Tuyo?” Napatingin siya sa platito sa gitna. Tapos sa mukha ko. Tapos sa mukha ni Raf na biglang naging seryoso. “Wait. You’re telling me my cousin, ang taong hindi kumakain ng kahit anong hindi imported, allowed ‘yan sa mesa niya?”“It’s for the baby,” mabilis na sabi ni Raf.“Ahh.” Ngumiti si Daniel, ‘yung ngiting alam niyang may nakuha siyang impormasyon. “For the baby.”“Eat your food.”“Hindi pa nga ako nagsisimula.”
Huling Na-update: 2026-11-11
Chapter: Chapter 5: Cousin
Ysabel Montecillo's POVHindi ko alam kung kailan ako nakatulog.Ang huling naaalala ko, nasa kalsada kami pababa ng Tagaytay, at kumikislap ang araw sa pagitan ng mga puno. Nang magising ako, hindi na gumagalaw ang kotse.May nakapatong na jacket sa balikat ko. Amoy kape at mamahaling pabango.Dahan-dahan akong dumilat. Nakahinto kami sa harap ng gate ng villa, patay na ang makina. Nakasandal si Raf sa upuan niya, nakatingin sa akin.Hindi sa daan. Sa akin.“Gising ka na.”“Bakit hindi mo ako ginising?”“You looked tired.” Nagkibit-balikat siya. “And you were snoring.”“Hindi ako humihilik!”“Small snores. Like a kitten.”Tumawa siya, mababa at masarap pakinggan, at bigla kong naramdaman na masyado kaming malapit. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagngiti niyang iyon, minsan ko lamang masilayan iyon sa lobb ng isang linggo naming pagsasama.Napailing ako. Bawal ‘tong nararamdaman ko.Hindi pwede. “Gaano na tayo katagal dito?”“Forty minutes.”“Forty minutes?!”“I didn’t want to wake
Huling Na-update: 2026-11-11
Chapter: Chapter 4: Check-up
Ysabel Montecillo's POVMay sticky note na nakadikit sa pinto ko.Maaga pa. Hindi pa man ako nakakapagmumog, napahinto na ako sa harap nito, nakatitig sa sulat-kamay na parang galing sa mamahaling pen.Breakfast at 8. Don’t skip it. You need to eat for the baby.– RNakakainis kung gaano ako kabilis ngumiti. Mabilis kong binura sa mukha ko iyon, bago pa makita ni Odette na nakasilip na pala sa hallway, hawak ang walis.“Magandang umaga po, Ma’am Ysa,” sabi niya, ang laki ng ngiti. “Maganda po ang gising ni Sir ngayon.”Kagat-labi akong pumasok ulit sa kwarto.“Baby,” sabi ko, “kalimutan mo na lahat ng narinig mo kagabi.”Lumabas ako ng banyo at binuksan ang closet para kumuha ng damit. Doon ko napansin na wala na ang mga lumang damit ko. Dinala raw ng maid sa laundry, sabi ng note sa ibabaw ng kama.Ang natira lang ay ang mga pinamili niya.Napabuntong-hininga ako. Wala akong choice. Pinili ko ang pinakasimpleng damit, isang puting dress na hanggang tuhod, walang burda, walang kung an
Huling Na-update: 2026-11-11
Chapter: Chapter 3: He's hot!
Ysabel Montecillo's POVNapangiwi ako nang tumambad sa akin ang sandamakmak na paper bags na galing sa iba’t ibang brands. Parang may nagbukas ng mall sa sala. Aanhin ko naman ang mga ‘yan?“Akin lahat ‘yan?”Ngumiti siya sabay tango. “Ako po mismo ang pumili. Hindi naman po nagkakalayo ang sizes natin kaya hindi ako nahirapan. Isukat niyo na po.”“Isukat? Lahat?”“Lahat po.”Wala akong nagawa nang dalhin niya ako sa taas habang sinesenyasan niya ang mga maid na ipasok sa kwartong binigay sa akin ang mga iyon. Isang paper bag, dalawa, tatlo... hindi ko na mabilang. Wala na ba talaga akong karapatang tumanggi sa mga taong ‘to?Pagkatapos ng ilang oras na pagsusukat ng damit, sapatos, at kung anu-ano pang hindi ko alam kung saan gagamitin, para akong runway model na walang audience. Nang makahiga ako, parang bumagsak na lang ako sa kama.Madilim na nang magising ako. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras ako nakatulog.Napaupo ako at kinusot ang mga mata. Sandaling nanatili ang ting
Huling Na-update: 2026-11-11
Chapter: Chapter 2: Agreement
Ysabel Montecillo's POV"Marriage?"Napataas na naman ang kilay ko sa lalaking nasa harapan ko, waiting for him to take back what he had just said.He didn't.Sa halip ay inayos niya lang ang suot niyang relo."Yes. Marriage."Natawa ako."Proposal ba ‘to o business deal?""Whichever makes you agree.""Wow. Galing!"Napabaling ang tingin ko nang tumikhim si Attorney Villanueva, muntik ko nang makalimutang nasa isang meeting kami kasama ang mga attorneys."Perhaps we should discuss the proposal before making any assumptions. Mr. Serrano believes that a legal marriage would provide a more stable arrangement for the child, especially considering the circumstances."I scoffed."At anong magiging role ko? Asawa sa papel? Surrogate na lang, ganon?""That's not what I want," Rafhayeel answered."Then what do you want?"Huminga siya ng malalim."I want to be involved in every step of my child's life. I don't want to miss another opportunity to give this baby the family Ellara and I once dream
Huling Na-update: 2026-11-11
Chapter: Chapter 1: The Misunderstanding
Ysabel Montecillo's POVTatlong taon.Tatlong taon na pagtitipid at pagtatrabaho para mabuo ko ang buhay na mayroon ako ngayon. Ilang beses ko na ring naisip kung tama ba ang desisyon kong magkaanak nang walang asawa, na walang suporta mula kanino. Pero sa tuwing naiisip kong kinaya ko lahat nang mag-isa, I am confident enough na kaya kong bumuhay ng isang batang matatawag kong akin.At ngayon, sa wakas, mangyayari na iyon."Konting tiis pa, baby. Mommy's doing her best."I smiled, Mommy na ako. Minsan talaga, nahuhuli ko na lamang ang sariling kinakausap ang tiyan ko kahit wala pang gaanong makikitang pagbabago. Natigilan ako nang tumunog ang phone ko at nang tignan ko ang nasa screen, galing iyon sa fertility clinic. "Good morning, Ms. Montecillo. We would like to request your presence at the clinic today. There are some matters regarding your IVF procedure that need further discussion."Nawala ang ngiti ko, nakaramdam ako ng kaba."May problema po ba?""Please don't worry. The doc
Huling Na-update: 2026-11-11
Maaari mong magustuhan
My Husband's Hidden Heart
My Husband's Hidden Heart
Romance · Megan Jurado
42.6K views
My Beautiful Stranger
My Beautiful Stranger
Romance · Yenoh Smile
42.6K views
Unwanted Wife
Unwanted Wife
Romance · jess13
42.5K views
My Boss Is My Husband
My Boss Is My Husband
Romance · MysteriousBlueee
42.5K views
Sold for a Billionaire's Son
Sold for a Billionaire's Son
Romance · ChubbyChickk
42.5K views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status