
Her Sweetest Comeback
Akala ni Maria Estella Guanzon, ang pagpapakasal kay Alberto Romano ang magiging paraan para matulungan ang kaniyang pamilya. Ngunit paano kung ang lalaking pinakasalan niya ang siya ring dahilan ng pinakamalaking sakit na mararanasan niya?
Nahuli niya ang pagtataksil ni Alberto kasama ang girl best friend nitong si Eliza Moreno. Pero hindi lang pala pagtataksil ang naghihintay sa kaniya. Isang aksidente ang muntik nang kumitil sa kaniyang buhay, at sa isang iglap, naging patay na siya sa paningin ng lahat.
Walang nakakaalam na nakaligtas siya. Walang nakakaalam maliban sa isang lalaki.
Si Alexandro Lorenzo.
Isang lalaking may kapangyarihan, koneksiyon, at madilim na mundong hindi basta-basta pinapasok ng sinuman. Sa tulong nito, nagkaroon si Estella ng pagkakataong magsimulang muli. Pero hindi niya balak kalimutan ang lahat ng ginawa sa kaniya.
Limang taon ang lumipas bago siya muling nagpakita. At sa pagkakataong ito, hindi na siya ang babaeng madaling apihin. Handa na siyang harapin ang mga taong sumira sa buhay niya at bawiin ang lahat ng nawala sa kaniya.
Pero habang unti-unti niyang isinasakatuparan ang kaniyang paghihiganti, mas lalo rin niyang nakikilala ang lalaking nasa likod ng kaniyang bagong buhay.
Pero sa larong puno ng kasinungalingan, pagtataksil, at dugo, may isang tanong na kailangang sagutin: hanggang saan siya dadalhin ng paghihiganti?
At kapag natapos na ang lahat, kaya pa ba niyang piliin ang pag-ibig? O magiging bihag siya ng sarili niyang galit?
Lire
Chapter: Kabanata 5NAPALUNOK AKO DAHIL sa kaba. Walang ibang tao rito kundi kaming dalawa lang kaya wala akong mahihingan ng tulong kung sakali man na may gawin siyang masama sa akin.O kung may tutulong nga ba at lalaban sa lalaking kaharap ko.“H’wag… h’wag kang lalapit.” Utal kong sabi. Hindi na makapagsalita ng mayos dahil sa sobrang takot. “Please.”Ang takot ko ay napalitan ng gulat at panlalaki ng mata ng bigla na lang niyang isinalampak ang sarili sa buhanginan.“Damn!”His legs are stretch out and his arms are on his side. Para siyang batang nagmamaktol.“Why is everyone afraid of me?”Nanatili akong nakatayo, hindi kalayuan sa kaniya. Napalingon-lingon pa sa paligid at baka hindi naman ako ang kausap. Baka may iba pa siyang kasama.Ang alam ko kasi sa mga Mafia Boss, tulad doon sa nababasa ko, marami silang nga bodyguards, ‘e.“Diyan ka na lang ba tatayo?” bigla ay tanong niya sa akin. Napaatras na naman tuloy ako. “Sit, Miss. Mapapagod ka niyan.”Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi na po. Ahm
Dernière mise à jour: 2026-11-26
Chapter: Kabanata 4HINDI PA RIN ako makakilos at nanatiling awang ang labi dahil sa sobrang gulat sa biglaan niyang pagpasok.“Search the area! Damn it!” sinamaan pa niya ako ng tingin. “Tinatanong kita! Anong ginagawa mo roon?!”“W-Wala.”“Wala?! Are you sure?”“Bakit, ano bang nangyayari, Alberto?”Mas matalim lamang ang naging tingin niya pero sumagot din. “There’s a sniper and you’re standing their like its nothing! Sisirain mo ang pangalan ko dahil diyan sa katangahan mo, Estella.”Sniper? So, totoo nga na galing sa sniper ‘yong pulang tuldok kanina. Alam kong sa sniper ‘yon dahil napapanuod ko sa mga movies.“Wala namang—”“Magdadahilan ka pa!”Tumayo na ako at hinarap siya. “What? Hindi ko naman alam. Tulad nga ng sinabi mo, tanga ako kaya paano ko malalaman na may sniper? Wala namang banta sa buhay ko kaya hindi ko—”“Talagang wala sa ‘yo, pero sa akin, meron!”Naiiling na lamang akong tumayo at tinalikuran siya.“Kinakausap pa kita!”“Ano pa bang pag-uusapan natin? Tapos naman na, ah.” Magsisig
Dernière mise à jour: 2026-11-21
Chapter: Kabanata 3WALA AKONG ALAM sa mga nangyayari sa paligid ko. Matatawag na nga yata akong ignorante. Hindi ko nakilala ang lalaking huminto at nag-alok na ihatid ako pauwi.Kung hindi pa dumating si Alberto ay baka hindi ako tigilan ni Don Lorenzo.Habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang eksena na nangyari kanina.Paano pala kung magkatotoo ‘yong sinabi ni Susan sa akin? Ayoko pang mamatay, lalo na sa kamay ng hindi ko kilalang lalaki na ‘yon. Humanga pa naman ako sa taglay niyang kagwapuhan tapos malalaman ko iyon pala ay ang lalaking kinatatakutan ng halos lahat.Pagdating namin kanina ay hindi na ako pinansin ni Alberto. Diretso sila ni Eliza na nasa front seat pala kanina sa home office.“Argh! Sino ba kasi ‘yon?”Padabog akong bumangon at humarap sa desktop na nasa gawing sulok ng kwarto ko. Hindi kami magkasama at magkatabi matulog ng asawa ko.I open the search bar and search for the name ‘Alexandro Lorenzo’. Pero kumunot lamang ang noo ko sa sobra
Dernière mise à jour: 2026-11-21
Chapter: Kabanata 2NAPALUNOK AKO dahil sa narinig. May ganoon palang balita, hindi ko man lang nalalaman.“Pero hindi naman ako maganda.” Bulong ko sa sarili. “Halika na! Ligtas tayo.”“Ang sakit naman nitong nagsalita, ‘o.”“Ano?” halakhak ko.“Talagang sinabi mong ligtas tayo?!” nanlalaki pa ang mga mata niya dahil hindi makapaniwala. “Grabe sa ligtas, ah.”Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako tinigilan ni Susan. May kasama pang tulak at pasimpleng kurot.“Ang ganda, ate!” hiyaw ni Mercedez habang hawak ang evening gown at nakatapat sa salamin.Ang kakambal naman niya na si Paulina ay nasa kwarto at isusukat na raw ang para rito.“Maraming salamat talaga, Ate Estella!”“Ay, alam mo ba, Mercedez, nakipag-agawan pa kami ng ate mo para lang mabili ‘yan. Ayaw kasing ibigay sa amin no’ng sales lady dahil hindi raw namin kayang bayaran! Aba! Pinanlakihan ko nga ng mata! Nagulat nga no’ng maglabas ng card itong si Estella.”Nagtilian ang dalawa at nagyakapan pa nga.“Kahit kasi mayaman na si Ate
Dernière mise à jour: 2026-11-21
Chapter: Kabanata 1TUMULONG MUNA ako sa pagliligpit ng nga plato at kubyertos saka nag-asikaso ng sarili. Ang napili kong suotin ay ang floral maxi dress na hanggang sa kalahati ng aking binti. Pinaresan ‘yon ng doll shoes habang ang aking may kahabaang itim na buhok ay sinuklay at headband lamang ang palamuti.Hindi ako sanay pumorma ng elegante at ayoko rin na maraming palamuti sa katawan kaya simple lamang lagi, hindi tulad ni Eliza na akala mo’y laging pupunta sa party.Bumaba ako ng hagdan bitbit ang sling bag na puti. Regalo pa ‘yon sa akin ni Nanay noong eighteen birthday ko at talagang pinaka-iingatan ko. Inilalagay ko pa sa plastic saka itinatabi sa mga damit ko kapag hindi ko na gagamitin.“Manang, aalis na po ako.”“Sige. Mag-iingat ka. H’wag kang gagawa ng kung anu-ano riyan sa labas.”“Opo.”Tinalikuran na niya ako, pero rinig ko ang bulong niya habang naglalakad papalayo. “Kung tumutulong na lang sana sa paghahanda, hindi ‘yong nakuha pang naglakwatsa.”Bumuntong hininga na lamang ako at h
Dernière mise à jour: 2026-11-21
Chapter: Simula“AALIS KA na?” Tanong ko sa asawang si Alberto nang makitang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.“Yes.” Malamig na sagot niya, sinamaan pa ako ng tingin. “H’wag ka ngang maraming tanong. Nakakairita.”“Nagluto kasi ako ng breakfast, sayang naman kung walang kakain.”Wala kasi akong ginagawa sa mansion kaya pagluluto na lamang lagi ang ginagawa ko. Minsan dinadalhan ko pa siya ng lunch sa opisina pero hindi ko alam kung kinakain ba niya dahil laging secretary niya ang tumatanggap dahil busy raw.“Kumain ka muna kahit konti. Ipagbabaon din kita para may pagkain ka sa office.”“Can you stop, Estella?!”Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pagsigaw kahit na lagi naman na ‘yong ginagawa simula ikasal kami. Hindi pa rin ako masanay. “A-Ano?! Ipinagluto lang naman kita.”“Na ayokong gawin mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yan? Asawa lang kita sa papel, Estella, kaya don’t act like one.” Aniya. “Buwisit na buhay talaga!”Sasagot pa sana ako ng bumungad sa pinto ng mansion si Eliza. N
Dernière mise à jour: 2026-11-21