เข้าสู่ระบบ
“AALIS KA na?” Tanong ko sa asawang si Alberto nang makitang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.
“Yes.” Malamig na sagot niya, sinamaan pa ako ng tingin. “H’wag ka ngang maraming tanong. Nakakairita.” “Nagluto kasi ako ng breakfast, sayang naman kung walang kakain.” Wala kasi akong ginagawa sa mansion kaya pagluluto na lamang lagi ang ginagawa ko. Minsan dinadalhan ko pa siya ng lunch sa opisina pero hindi ko alam kung kinakain ba niya dahil laging secretary niya ang tumatanggap dahil busy raw. “Kumain ka muna kahit konti. Ipagbabaon din kita para may pagkain ka sa office.” “Can you stop, Estella?!” Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pagsigaw kahit na lagi naman na ‘yong ginagawa simula ikasal kami. Hindi pa rin ako masanay. “A-Ano?! Ipinagluto lang naman kita.” “Na ayokong gawin mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yan? Asawa lang kita sa papel, Estella, kaya don’t act like one.” Aniya. “Buwisit na buhay talaga!” Sasagot pa sana ako ng bumungad sa p***o ng mansion si Eliza. Nakapostura. Pulang-pula ang labi. Maiksi ang dress na suot at sobrang hapit sa katawan. Kitang-kita ko ang agad na pagliwanag ng mukha ni Alberto ng makita ang kaibigan. Dahan-dahan na lamang akong bumuntong hininga at hinilot ang sentido. “Let’s go, Albie?” malambot na tanong ng babae sa asawa ko. “Saan kayo pupunta?” tanong ko. Akala ko hindi ako papansinin ni Eliza—na lagi naman niyang ginagawa—pero nginitian niya ako bago sumagot. “We have a meeting outside, Estella. Hindi ba sinabi sa ‘yo ni Albie?” “Uh,” marahan akong umiling saka mabilis na sinulyapan si Alberto na tuwid ang tingin sa babaeng kaibigan. “No. He… didn’t mention anything to me.” “Hmm,” nakangiti pa rin ito. “Bakit hindi mo naman ini-inform ang asawa mo?” tanong nito sa lalaki na may kasamang mahinang halakhak. “You’re one big bad boy, huh.” Naiiling na sumulyap sa akin si Alberto bago nakangiting hinarap si Eliza. “Wala naman kasi siyang alam, it will be just a waste of time kung ipapaliwanag ko pa.” “Oo nga naman. Tsk. Let’s go?” Nang lapitan ito ng asawa ko ay umangkla si Eliza bago lumingon pa muna sa akin. “H’wag ka nang makialam sa usapang negosyo, Estella. Wala ka rin namang maiintindihan. Just stay here and do your job as a housewife, huh.” Masakit marinig ang bagay na ‘yon sa kapwa babae pero tama naman din ito. Hindi ko maiintindihan kahit na nakaapak naman ako sa college kahit hindi natapos. Hindi kasi business ang kursong kinuha ko kundi Information Technology. Mahirap at magastos kaya hindi kinaya. Dahan-dahan akong bumalik sa kusina saka nanlulumong tiningnan ang mga pagkain na niluto. Ipamimigay ko na lang sa mga kasambahay at security at iba pang tauhan para hindi masayang. Lumabas ako sa pintuan ng kusina patungo sa likod kung nasaan ang Staff Quarters. “Ma’am Estella, may kailangan po kayo?” salubong ni Manang Karing. Ang mayordoma ng mansion. “Umalis na si Sir Alberto?” “Opo, ‘e.” malungkot na sagot ko na mukhang nabasa naman niya dahil marahan siyang bumuntong hininga. “Hindi na naman kumain?” Umiling ako. “Hindi po, ‘e. Tatawagin ko po sana kayo para sabayan ako.” “Sige na. Pumasok ka na sa loob, ako na ang tatawag sa iba.” Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa magaang pakikitungo ng mga kasambahay. May ilang hindi ako pinapansin pero ayos lang ‘yon dahil hindi ko naman mapipilit ang mga ito na gustuhin ako. Hindi ko akalain na ganito pala ang mayayaman… halos hindi ko na mahagilap si Alberto sa bahay. Lagi siyang wala, nahihiya naman akong tawagan baka magalit na naman sa akin. Isang beses kasing ginawa ko napagbuhatan ako ng kamay. Mabilis pa naman ‘yong mairita lalo na kung magtatanong lang ako ng kung ano. Kaya ang ginagawa ko inaabangan ko na lang siya at saka tatanungin. Kahit nagsusungit ay sumasagot naman. Nahahalata kong mabait lang siya at ngumingiti kapag iyong kaibigan niyang si Eliza ang kasama, ‘e. Siguro dahil matagal na silang magkakilala at magkasama. Sanay na sa presensya ng isa’t isa. Nagtataka nga ako ba’t pumayag siya sa kasal gayong ganito lang pala ang mangyayari, para siyang nasasakal. “Sa susunod kasi h’wag ka na lang magluto kung hindi naman nag-utos si Sir Alberto. Nasasayang ang mga pagkain. Baka lalo lang siyang magalit kung mabilis maubos ang grocery.” Sermon ni Manang Karing. “Opo, Manang.” “Alam mo naman si Sir, masyadong metikoloso pagdating sa mga bagay-bagay. Naka-monitor siya sa lahat dito sa bahay. Kahit laging wala, alam niya ang nangyayari pati ang mga bills at grocery ay alam niya.” Gusto ko sanang sumagot na asawa naman ako, kaya siguro naman may karapatan ako pero mas pinili na lamang manahimik para hindi na humaba ang usapan. Hindi rin lang naman ako mananalo. May hidden animosity rin yata si Manang Karing sa akin, ‘e. “Opo, Manang.” Kapag lalabas naman ako kailangan may kasama at magpapaalam pa kay Alberto, kung hindi siya papayag, kahit na anong pakiusap ko hindi talaga ako makakalabas. Hindi ko naman masisi ang mga magulang ko sa kinahinatnan ko dahil sobrang hirap na ng dinanas nila at ito na nga lang ang kaya kong itulong tapos sisisihin ko pa sila. Oo, nagtampo, pero sandaling panahon lang. “Ah, Manang,” kagat labing agaw ko sa atensyon ng matanda na abalang nagmando sa mga kasambahay kung saan uupo ang mga ito para kumain. “Ano iyon, Ma’am Estella?” “Ahm, lalabas po sana ako mamaya par—” “Nagpaalam ka ba kay Sir Alberto?” agad niyang usisa hindi pa man natatapos ang sinasabi ko. Marahan lamang akong umiling. “Hindi po. Madali lang naman ako sa labas. Bibisitahin ko lang sandali ang pamilya ko.” Matagal ko na kasi silang hindi nabibisita, last month pa yata. Nito kasing mga nakaraang linggo ay ayaw talaga akong payagang lumabas ni Alberto sa hindi ko malamang dahilan. “Dadaanan ko na lang din po sa office niya para sigurado, at hindi siya mag-alala.” “Hindi naman talaga mag-aalala ‘yon. Ang iniisip niya ‘e baka gumawa ka ng kung anong ikasisira niya sa tao.” “Hindi na po ako bata para gumawa ng gulo sa labas. Alam ko po ang ginagawa ko, Manang, saka may kasama naman po ako, ah. Hindi naman ako umaalis na walang kasama.” Ayoko sana talagang sumagot lalo na at matanda ang kausap ko at marunong akong gumalang kaso mukhang ako naman ang hindi nirerespeto sa sariling pamamahay ng asawa ko. Sabagay, asawa ko nga hindi rin ako nirerespeto, ‘e baka akala ng mga kasambahay ganoon din dapat ang gagawin nila. “Walang sasama sa ‘yo ngayon kung aalis ka. Abala ang lahat sa parating na birthday party ni Doña Romano, hindi ipagpapaliban ng mga tao ang gawain nila para lang samahan ka, Ma’am Estella.” Marahan akong bumuntong hininga. Hindi ko kailangan ng kasama sa totoo lang, pumayag lang naman ako na may kabuntot na Yaya at Security dahil sa kagustuhan ni Alberto. “Kaya ko naman pong mag-isa, Manang.” May pera rin naman ako. Iyong mga ibinibigay sa akin ng lalaki ay iniipon ko dahil wala naman akong pagkakagastusan dito sa loob ng mansion. “Sanay po akong mag-commute.” “Bahala ka.”NAPALUNOK AKO DAHIL sa kaba. Walang ibang tao rito kundi kaming dalawa lang kaya wala akong mahihingan ng tulong kung sakali man na may gawin siyang masama sa akin.O kung may tutulong nga ba at lalaban sa lalaking kaharap ko.“H’wag… h’wag kang lalapit.” Utal kong sabi. Hindi na makapagsalita ng mayos dahil sa sobrang takot. “Please.”Ang takot ko ay napalitan ng gulat at panlalaki ng mata ng bigla na lang niyang isinalampak ang sarili sa buhanginan.“Damn!”His legs are stretch out and his arms are on his side. Para siyang batang nagmamaktol.“Why is everyone afraid of me?”Nanatili akong nakatayo, hindi kalayuan sa kaniya. Napalingon-lingon pa sa paligid at baka hindi naman ako ang kausap. Baka may iba pa siyang kasama.Ang alam ko kasi sa mga Mafia Boss, tulad doon sa nababasa ko, marami silang nga bodyguards, ‘e.“Diyan ka na lang ba tatayo?” bigla ay tanong niya sa akin. Napaatras na naman tuloy ako. “Sit, Miss. Mapapagod ka niyan.”Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi na po. Ahm
HINDI PA RIN ako makakilos at nanatiling awang ang labi dahil sa sobrang gulat sa biglaan niyang pagpasok.“Search the area! Damn it!” sinamaan pa niya ako ng tingin. “Tinatanong kita! Anong ginagawa mo roon?!”“W-Wala.”“Wala?! Are you sure?”“Bakit, ano bang nangyayari, Alberto?”Mas matalim lamang ang naging tingin niya pero sumagot din. “There’s a sniper and you’re standing their like its nothing! Sisirain mo ang pangalan ko dahil diyan sa katangahan mo, Estella.”Sniper? So, totoo nga na galing sa sniper ‘yong pulang tuldok kanina. Alam kong sa sniper ‘yon dahil napapanuod ko sa mga movies.“Wala namang—”“Magdadahilan ka pa!”Tumayo na ako at hinarap siya. “What? Hindi ko naman alam. Tulad nga ng sinabi mo, tanga ako kaya paano ko malalaman na may sniper? Wala namang banta sa buhay ko kaya hindi ko—”“Talagang wala sa ‘yo, pero sa akin, meron!”Naiiling na lamang akong tumayo at tinalikuran siya.“Kinakausap pa kita!”“Ano pa bang pag-uusapan natin? Tapos naman na, ah.” Magsisig
WALA AKONG ALAM sa mga nangyayari sa paligid ko. Matatawag na nga yata akong ignorante. Hindi ko nakilala ang lalaking huminto at nag-alok na ihatid ako pauwi.Kung hindi pa dumating si Alberto ay baka hindi ako tigilan ni Don Lorenzo.Habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang eksena na nangyari kanina.Paano pala kung magkatotoo ‘yong sinabi ni Susan sa akin? Ayoko pang mamatay, lalo na sa kamay ng hindi ko kilalang lalaki na ‘yon. Humanga pa naman ako sa taglay niyang kagwapuhan tapos malalaman ko iyon pala ay ang lalaking kinatatakutan ng halos lahat.Pagdating namin kanina ay hindi na ako pinansin ni Alberto. Diretso sila ni Eliza na nasa front seat pala kanina sa home office.“Argh! Sino ba kasi ‘yon?”Padabog akong bumangon at humarap sa desktop na nasa gawing sulok ng kwarto ko. Hindi kami magkasama at magkatabi matulog ng asawa ko.I open the search bar and search for the name ‘Alexandro Lorenzo’. Pero kumunot lamang ang noo ko sa sobra
NAPALUNOK AKO dahil sa narinig. May ganoon palang balita, hindi ko man lang nalalaman.“Pero hindi naman ako maganda.” Bulong ko sa sarili. “Halika na! Ligtas tayo.”“Ang sakit naman nitong nagsalita, ‘o.”“Ano?” halakhak ko.“Talagang sinabi mong ligtas tayo?!” nanlalaki pa ang mga mata niya dahil hindi makapaniwala. “Grabe sa ligtas, ah.”Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako tinigilan ni Susan. May kasama pang tulak at pasimpleng kurot.“Ang ganda, ate!” hiyaw ni Mercedez habang hawak ang evening gown at nakatapat sa salamin.Ang kakambal naman niya na si Paulina ay nasa kwarto at isusukat na raw ang para rito.“Maraming salamat talaga, Ate Estella!”“Ay, alam mo ba, Mercedez, nakipag-agawan pa kami ng ate mo para lang mabili ‘yan. Ayaw kasing ibigay sa amin no’ng sales lady dahil hindi raw namin kayang bayaran! Aba! Pinanlakihan ko nga ng mata! Nagulat nga no’ng maglabas ng card itong si Estella.”Nagtilian ang dalawa at nagyakapan pa nga.“Kahit kasi mayaman na si Ate
TUMULONG MUNA ako sa pagliligpit ng nga plato at kubyertos saka nag-asikaso ng sarili. Ang napili kong suotin ay ang floral maxi dress na hanggang sa kalahati ng aking binti. Pinaresan ‘yon ng doll shoes habang ang aking may kahabaang itim na buhok ay sinuklay at headband lamang ang palamuti.Hindi ako sanay pumorma ng elegante at ayoko rin na maraming palamuti sa katawan kaya simple lamang lagi, hindi tulad ni Eliza na akala mo’y laging pupunta sa party.Bumaba ako ng hagdan bitbit ang sling bag na puti. Regalo pa ‘yon sa akin ni Nanay noong eighteen birthday ko at talagang pinaka-iingatan ko. Inilalagay ko pa sa plastic saka itinatabi sa mga damit ko kapag hindi ko na gagamitin.“Manang, aalis na po ako.”“Sige. Mag-iingat ka. H’wag kang gagawa ng kung anu-ano riyan sa labas.”“Opo.”Tinalikuran na niya ako, pero rinig ko ang bulong niya habang naglalakad papalayo. “Kung tumutulong na lang sana sa paghahanda, hindi ‘yong nakuha pang naglakwatsa.”Bumuntong hininga na lamang ako at h
“AALIS KA na?” Tanong ko sa asawang si Alberto nang makitang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.“Yes.” Malamig na sagot niya, sinamaan pa ako ng tingin. “H’wag ka ngang maraming tanong. Nakakairita.”“Nagluto kasi ako ng breakfast, sayang naman kung walang kakain.”Wala kasi akong ginagawa sa mansion kaya pagluluto na lamang lagi ang ginagawa ko. Minsan dinadalhan ko pa siya ng lunch sa opisina pero hindi ko alam kung kinakain ba niya dahil laging secretary niya ang tumatanggap dahil busy raw.“Kumain ka muna kahit konti. Ipagbabaon din kita para may pagkain ka sa office.”“Can you stop, Estella?!”Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pagsigaw kahit na lagi naman na ‘yong ginagawa simula ikasal kami. Hindi pa rin ako masanay. “A-Ano?! Ipinagluto lang naman kita.”“Na ayokong gawin mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yan? Asawa lang kita sa papel, Estella, kaya don’t act like one.” Aniya. “Buwisit na buhay talaga!”Sasagot pa sana ako ng bumungad sa pinto ng mansion si Eliza. N







