เข้าสู่ระบบTUMULONG MUNA ako sa pagliligpit ng nga plato at kubyertos saka nag-asikaso ng sarili. Ang napili kong suotin ay ang floral maxi dress na hanggang sa kalahati ng aking binti. Pinaresan ‘yon ng doll shoes habang ang aking may kahabaang itim na buhok ay sinuklay at headband lamang ang palamuti.
Hindi ako sanay pumorma ng elegante at ayoko rin na maraming palamuti sa katawan kaya simple lamang lagi, hindi tulad ni Eliza na akala mo’y laging pupunta sa party. Bumaba ako ng hagdan bitbit ang sling bag na puti. Regalo pa ‘yon sa akin ni Nanay noong eighteen birthday ko at talagang pinaka-iingatan ko. Inilalagay ko pa sa plastic saka itinatabi sa mga damit ko kapag hindi ko na gagamitin. “Manang, aalis na po ako.” “Sige. Mag-iingat ka. H’wag kang gagawa ng kung anu-ano riyan sa labas.” “Opo.” Tinalikuran na niya ako, pero rinig ko ang bulong niya habang naglalakad papalayo. “Kung tumutulong na lang sana sa paghahanda, hindi ‘yong nakuha pang naglakwatsa.” Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na sumagot. Lumabas ako ng mansion at nilakad ang tatlong minutong driveway hanggang sa gate. Kaya ayokong magsusuot ng nga high heels dahil nga malayo ang lalakarin. Pumara lang ako ng taxi paglabas ng village at saka nagpahatid sa mall kung saan kikitain ko ang kaibigan ko saka niya ako sasamahan pauwi sa bahay. “Kanina ka pa?” usisa ko kay Susan nang maabutan ko siya sa labas. “Pumasok ka na sana sa loob at doon na ako hinintay.” “Ano ka ba, Girl, kakarating ko lang din. Papasok na talaga sana ako ‘e nakita kitang bumaba ng taxi. Akala ko pa naman may convoy ka na naman. Bongga ka, ‘Day.” “Hindi naman kasi kailangan ng ganoon, saka mabuti nga ngayon wala na. Nakakahiya.” Sabay kaming naglakad papasok ng mall. “Natural na may ganoon kasi asawa ka ng isa sa pinakamayaman sa bansa, ‘no! Swerte mo talaga, Estella!” impit pang hiyaw ni Susan at nakuha pa akong kurutin sa tagiliran. Kung alam mo lang. Mahinang hiyaw ng isip ko pero hindi iyon ang sinabi ng mga labi. “Pero hindi ako sanay kaya nakiusap ako na h’wag nang ganoon. Kaya ko naman kasi ang sarili ko, sino ba naman ang magtatangka sa akin ‘e hindi naman ako ang mayaman kundi si Alberto.” Pumasok kami sa isang boutique upang maghanap ng damit para sa JS Prom ng mga kapatid ko. “Hindi rin naman ako kilala ng mga tao bilang asawa niya.” “Huh?” takang lingon nito. “Bakit hindi kilala na ano? Hindi ka ipinakikilala kahit na sa mga business partners niya?” Umiling ako at nauna nang magtungo sa kulay blue na gown na naka-display. “Estella?” “E, hindi naman kailangan. Hindi naman ako magtatrabaho sa kompaniya niya para makilala pa ng mga business partners. Pero, don’t worry, kilala naman ako noong best friend niya.” Ang dami niyang tanong at usisa dahil simula ikasal ako ay hindi pa kami nagkita. Nasa ibang bansa kasi siya noon at ngayon ay katatapos lamang ng kontrata kaya nakauwi na. “Gwapo? Ipakilala mo naman ako para umangat din ako sa buhay.” Tinawanan ko ang sinabi ni Susan. “Gaga! Babae ‘yon.” Nagkukwentuhan kami habang nag-iikot sa loob ng boutique pero nang walang magustuhan ay lumabas din. Nahagip pa ng pandinig ko ang sinabi ng isang sales lady. “Nagpalamig lang yata. Tingin-tingin. Wala namang pambili.” Gusto ko sanang patunayan na meron pero mag-aaksaya lang ako ng panahon. Wala naman din kasing magandang paninda nila. Inismiran ko na lang saka hinila ang kaibigan ko sa mas mahal na tindahan sa tapat at doon bumili. Naghihintay na kami ni Susan ng jeep patungo sa bahay ng may mga sasakyan na sunod-sunod na huminto sa hindi kalayuan. “Hala!” mahinang bulong niya. Mayamaya ay niyugyog na ako sa braso. “Estella!” Ang mga mata niya ay nakatanaw sa mga sasakyang nakaparada. Hindi ko mawari kung paghanga ba o takot ang nababanaag ko. “Kilala mo?” tanong ko. “Convoy ni Don Alexandro Lorenzo ‘yan.” Tugon niya habang humihigpit na ang kapit sa braso ko. “Naku! Halika rito! Dito muna tayo sa gawing sulok. Magtago muna tayo, lalo na ikaw. Naku! Delikado!” “Huh? Bakit?” Parang katulad lang din noong minsang samahan ko si Nanay na maglako ng paninda noon. Naglalakad kami, isang umaga, upang ilako ang gulay nang hilahin niya ako. “Dito ka sa gilid ko, Estella. Magtago ka riyan.” Sabi niya at kinanlungan pa ako ng dala niyang balabal. “Nay, bakit?” “Dadaan si Don Lorenzo.” Mahina ngunit may nginig sa boses na aniya. Noon pa man ay lagi na nila akong itinatago kapag narinig na nasa lugar o dadaan ang Don Lorenzo na ‘yon pero hindi ko naman siya kilala. “Sino po ba ‘yon?” kuryosong tanong ko. “Wala naman po yata siyang gagawin, ‘Nay. Ang init-init po nitong balabal sa ulo ko.” Akmang tatanggalin ko nang eksaktong may dumaang convoy ng mga magagarang sasakyan. Hinaklot ni Nanay ang balabal at halos ibalot na ako roon. “H’wag mong tatanggalin, kung ayaw mong mapahamak na bata ka!” singhal ni Nanay. Nanlalaki ang mga mata. “Nay?!” “Ang tigas ng ulo mo, Maria Estella!” “Hindi ko nga po kasi maintindihan kung bakit parang takot na takot kayo ni Tatay sa Don Lorenzo na ‘yon. Sino po ba siya?” Hindi naman ako ignorante, hindi rin naman salat sa kaalaman pero sadyang magaling magtago ng impormasyon ang aking mga magulang. Wala ring nagkukwentuhan sa barangay namin tungkol sa taong iyon dahil mukhang mga takot din. “Umuwi na tayo!” Tiningnan ko ang basket na bitbit. “Hindi pa po ubos ang paninda natin. Ako na lang ang maglalako para maubos. Mauna na po kayong umuwi, Nay.” Nang sandaling iyon ay halos kaladkarin na ako ni Nanay pauwi tapos ngayon, si Susan naman ang kumakaladkad sa akin. “Ilang taon ko nang naririnig ‘yang takot ng mga tao sa taong ‘yan. Ano bang meron?” Gustuhin ko mang magtanong-tanong, wala namang sumagot sa akin. Hindi ko pa lang nasusubukang i-search sa internet. Pag-aaksayahan ko pa ba ng oras? “Mafia Boss si Don Lorenzo, Estella.” Nakatalikod kami sa kalsada kung saan dumadaan na ang convoy. “May sabi-sabi na nangunguha sila ng magagandang babae at dinadala sa mansion niya tapos ‘yong iba hindi na nakakauwi dahil pinapatay.”NAPALUNOK AKO DAHIL sa kaba. Walang ibang tao rito kundi kaming dalawa lang kaya wala akong mahihingan ng tulong kung sakali man na may gawin siyang masama sa akin.O kung may tutulong nga ba at lalaban sa lalaking kaharap ko.“H’wag… h’wag kang lalapit.” Utal kong sabi. Hindi na makapagsalita ng mayos dahil sa sobrang takot. “Please.”Ang takot ko ay napalitan ng gulat at panlalaki ng mata ng bigla na lang niyang isinalampak ang sarili sa buhanginan.“Damn!”His legs are stretch out and his arms are on his side. Para siyang batang nagmamaktol.“Why is everyone afraid of me?”Nanatili akong nakatayo, hindi kalayuan sa kaniya. Napalingon-lingon pa sa paligid at baka hindi naman ako ang kausap. Baka may iba pa siyang kasama.Ang alam ko kasi sa mga Mafia Boss, tulad doon sa nababasa ko, marami silang nga bodyguards, ‘e.“Diyan ka na lang ba tatayo?” bigla ay tanong niya sa akin. Napaatras na naman tuloy ako. “Sit, Miss. Mapapagod ka niyan.”Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi na po. Ahm
HINDI PA RIN ako makakilos at nanatiling awang ang labi dahil sa sobrang gulat sa biglaan niyang pagpasok.“Search the area! Damn it!” sinamaan pa niya ako ng tingin. “Tinatanong kita! Anong ginagawa mo roon?!”“W-Wala.”“Wala?! Are you sure?”“Bakit, ano bang nangyayari, Alberto?”Mas matalim lamang ang naging tingin niya pero sumagot din. “There’s a sniper and you’re standing their like its nothing! Sisirain mo ang pangalan ko dahil diyan sa katangahan mo, Estella.”Sniper? So, totoo nga na galing sa sniper ‘yong pulang tuldok kanina. Alam kong sa sniper ‘yon dahil napapanuod ko sa mga movies.“Wala namang—”“Magdadahilan ka pa!”Tumayo na ako at hinarap siya. “What? Hindi ko naman alam. Tulad nga ng sinabi mo, tanga ako kaya paano ko malalaman na may sniper? Wala namang banta sa buhay ko kaya hindi ko—”“Talagang wala sa ‘yo, pero sa akin, meron!”Naiiling na lamang akong tumayo at tinalikuran siya.“Kinakausap pa kita!”“Ano pa bang pag-uusapan natin? Tapos naman na, ah.” Magsisig
WALA AKONG ALAM sa mga nangyayari sa paligid ko. Matatawag na nga yata akong ignorante. Hindi ko nakilala ang lalaking huminto at nag-alok na ihatid ako pauwi.Kung hindi pa dumating si Alberto ay baka hindi ako tigilan ni Don Lorenzo.Habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang eksena na nangyari kanina.Paano pala kung magkatotoo ‘yong sinabi ni Susan sa akin? Ayoko pang mamatay, lalo na sa kamay ng hindi ko kilalang lalaki na ‘yon. Humanga pa naman ako sa taglay niyang kagwapuhan tapos malalaman ko iyon pala ay ang lalaking kinatatakutan ng halos lahat.Pagdating namin kanina ay hindi na ako pinansin ni Alberto. Diretso sila ni Eliza na nasa front seat pala kanina sa home office.“Argh! Sino ba kasi ‘yon?”Padabog akong bumangon at humarap sa desktop na nasa gawing sulok ng kwarto ko. Hindi kami magkasama at magkatabi matulog ng asawa ko.I open the search bar and search for the name ‘Alexandro Lorenzo’. Pero kumunot lamang ang noo ko sa sobra
NAPALUNOK AKO dahil sa narinig. May ganoon palang balita, hindi ko man lang nalalaman.“Pero hindi naman ako maganda.” Bulong ko sa sarili. “Halika na! Ligtas tayo.”“Ang sakit naman nitong nagsalita, ‘o.”“Ano?” halakhak ko.“Talagang sinabi mong ligtas tayo?!” nanlalaki pa ang mga mata niya dahil hindi makapaniwala. “Grabe sa ligtas, ah.”Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako tinigilan ni Susan. May kasama pang tulak at pasimpleng kurot.“Ang ganda, ate!” hiyaw ni Mercedez habang hawak ang evening gown at nakatapat sa salamin.Ang kakambal naman niya na si Paulina ay nasa kwarto at isusukat na raw ang para rito.“Maraming salamat talaga, Ate Estella!”“Ay, alam mo ba, Mercedez, nakipag-agawan pa kami ng ate mo para lang mabili ‘yan. Ayaw kasing ibigay sa amin no’ng sales lady dahil hindi raw namin kayang bayaran! Aba! Pinanlakihan ko nga ng mata! Nagulat nga no’ng maglabas ng card itong si Estella.”Nagtilian ang dalawa at nagyakapan pa nga.“Kahit kasi mayaman na si Ate
TUMULONG MUNA ako sa pagliligpit ng nga plato at kubyertos saka nag-asikaso ng sarili. Ang napili kong suotin ay ang floral maxi dress na hanggang sa kalahati ng aking binti. Pinaresan ‘yon ng doll shoes habang ang aking may kahabaang itim na buhok ay sinuklay at headband lamang ang palamuti.Hindi ako sanay pumorma ng elegante at ayoko rin na maraming palamuti sa katawan kaya simple lamang lagi, hindi tulad ni Eliza na akala mo’y laging pupunta sa party.Bumaba ako ng hagdan bitbit ang sling bag na puti. Regalo pa ‘yon sa akin ni Nanay noong eighteen birthday ko at talagang pinaka-iingatan ko. Inilalagay ko pa sa plastic saka itinatabi sa mga damit ko kapag hindi ko na gagamitin.“Manang, aalis na po ako.”“Sige. Mag-iingat ka. H’wag kang gagawa ng kung anu-ano riyan sa labas.”“Opo.”Tinalikuran na niya ako, pero rinig ko ang bulong niya habang naglalakad papalayo. “Kung tumutulong na lang sana sa paghahanda, hindi ‘yong nakuha pang naglakwatsa.”Bumuntong hininga na lamang ako at h
“AALIS KA na?” Tanong ko sa asawang si Alberto nang makitang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.“Yes.” Malamig na sagot niya, sinamaan pa ako ng tingin. “H’wag ka ngang maraming tanong. Nakakairita.”“Nagluto kasi ako ng breakfast, sayang naman kung walang kakain.”Wala kasi akong ginagawa sa mansion kaya pagluluto na lamang lagi ang ginagawa ko. Minsan dinadalhan ko pa siya ng lunch sa opisina pero hindi ko alam kung kinakain ba niya dahil laging secretary niya ang tumatanggap dahil busy raw.“Kumain ka muna kahit konti. Ipagbabaon din kita para may pagkain ka sa office.”“Can you stop, Estella?!”Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pagsigaw kahit na lagi naman na ‘yong ginagawa simula ikasal kami. Hindi pa rin ako masanay. “A-Ano?! Ipinagluto lang naman kita.”“Na ayokong gawin mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yan? Asawa lang kita sa papel, Estella, kaya don’t act like one.” Aniya. “Buwisit na buhay talaga!”Sasagot pa sana ako ng bumungad sa pinto ng mansion si Eliza. N







