เข้าสู่ระบบWALA AKONG ALAM sa mga nangyayari sa paligid ko. Matatawag na nga yata akong ignorante. Hindi ko nakilala ang lalaking huminto at nag-alok na ihatid ako pauwi.
Kung hindi pa dumating si Alberto ay baka hindi ako tigilan ni Don Lorenzo. Habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang eksena na nangyari kanina. Paano pala kung magkatotoo ‘yong sinabi ni Susan sa akin? Ayoko pang mamatay, lalo na sa kamay ng hindi ko kilalang lalaki na ‘yon. Humanga pa naman ako sa taglay niyang kagwapuhan tapos malalaman ko iyon pala ay ang lalaking kinatatakutan ng halos lahat. Pagdating namin kanina ay hindi na ako pinansin ni Alberto. Diretso sila ni Eliza na nasa front seat pala kanina sa home office. “Argh! Sino ba kasi ‘yon?” Padabog akong bumangon at humarap sa desktop na nasa gawing sulok ng kwarto ko. Hindi kami magkasama at magkatabi matulog ng asawa ko. I open the search bar and search for the name ‘Alexandro Lorenzo’. Pero kumunot lamang ang noo ko sa sobrang pagtataka dahil walang ibang lumabas kundi basic information lamang tungkol sa kaniya. Nakatulugan ko na lamang ang paghahanap ng impormasyon. Kinabukasan ay maaga akong nagising at bumaba sa kusina para tumulong sa pagluluto sana pero naabutan ko na roon sina Alberto at Eliza. Hindi agad ako pumasok sa kusina, pinanuod ko muna ang dalawa na magtulungang magluto, nagtatawanan at may mga pasimple pang haplos. Marahan akong humugot ng buntong hininga upang alisin ang pakiramdam na unti-unting nagigising sa dibdib ko. Hindi magandang magselos ako sa kaibigan ng asawa ko. “Good morning.” Sabay pa silang napalingon sa kusina at bahagyang naglayo ng marinig ako. Si Alberto ang unang nakabawi. “You’re late. Dapat kanina pa ang breakfast dahil maaga kaming aalis para sa out of town meeting pero dahil sa kapabayaan mo, mukhang male-late kami.” “Wala ka naman kasing sinabi. Hindi na ako nag-abalang gumising ng maaga dahil hindi ka rin naman dito kumakain.” Malamig na sagot ko, bago nagtungo sa tapat ng ref at kumuha ng gatas at cookies. “And now you’re talking back?!” asik niya. “Ito na nga lang ang gagawin mo rito sa bahay, Estella. Nakakahiya sa bisita ko, ‘o!” “Its alright, Albie. I can cook naman for the both of us. Hindi na kailangang abalahin pa si Estella kung ayaw niya tayong ipagluto.” Nasasaktan ako sa kung paano niya ako ituring. Parang kumuha lang siya ng isa pang kasambahay. Hindi sa naghahangad ako pero respeto naman sana bilang babae… bilang tao. Pakiramdam ko naapakan na ‘yong pagkatao ko sa ginagawa nilang dalawa. I’m not blind, I see every little gestures they did. Ang mga simpleng tinginan nila, mga simpleng hawakan at simpleng ngitian na para bang may sarili silang mundo. “Where are you going?” “Huh? Aalis. Sa kwarto na lang ako kakain, baka makaabala ako sa inyong dalawa niyang best friend mo, ‘e.” “Sumasagot ka na talaga ngayon, ha! Bakit, ano bang ipinagmamalaki mo?” Ito ang iniiwasan ko kapag magkakaharap kaming dalawa, ‘e. Ang sumbatan niya ako sa mga bagay-bagay na hindi ko naman hinihingi sa kaniya. Mga bagay na kaya kong ibigay sa sarili ko kung hindi ako kasal sa kaniya at hindi ako ipinilit. “Wala,” sinulyapan ko si Eliza na natatawa sa likuran ng asawa ko. Tuwang-tuwa yata na nag-aaway na naman kaming dalawa. “Kayo lang din naman ang iniisip ko.” Tahimik lang ako kapag ganito dahil ayokong nakikipagtalo lalo na kung alam kong dehado ako sa huli pero hindi naman sa lahat ng oras ay tatahimik lang ako kung alam ko naman na wala akong ginagawang masama. “Alis na ako. Enjoy kayong dalawa sa pagluluto.” Kapag ganito hindi ko maiwasan na maisip kung ano nga bang malalim na dahilan ang dahilan ng magulang ko bakit ipinambayad utang nila ako. Kumain lang ako sa kwarto habang kausap si Susan. “Nasa kusina na naman at sweet? Nagpapakagaga ka na lang ba talaga sa buhay, Estella?” litanya niya sa akin. Alam kong nandidilat ang mga mata niya sa inis. “Bakit ngayon mo lang ‘yan nabanggit sa akin ‘e nagkakausap naman tayo simula ng ikasal ka? Kailan pa ba ‘yan?” Nagkibit balikat ako. “Simula pa.” Hindi rin naman ako palakwento tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko dahil naniniwala ako na hindi naman ako magtatagal dito. “Bakit hinahayaan mo? Akala ko pa naman masaya ka sa buhay may asawa, ‘e.” “Masaya naman.” “Na niloloko ka ng asawa mo?” “I’m okay, Susan.” Narinig ko ang naiinis niyang tili sa kabilang linya kaya napangiti ako. Siguradong gigil na siya niyan. “Hayaan mo lang.” ayokong dagdagan ang impormasyon na alam niya, baka madamay lang siya. Mahirap nang kalabanin si Alberto lalo na at hindi kami kasing yaman nito. “Pero—” “Wait, Susan.” Tumayo ako sa kama kung saan ako kumakain at nagtungo sa terasa. May nahagip kasi ang mata ko na parang pulang tuldok na umikot sa kwarto ko bago nawala. “Ano ‘yon?” Naka-speaker ang phone ko sa kama kaya rinig ko pa rin siya. Hindi ako sumagot. Binuksan ko pa lalo ang kurtina at sliding glass door para makita ang nasa labas. Lumingon ako sa paligid maging sa malayong gusali pero alam ko naman na hindi ko makikita kung may tao roon dahil malayo. “Estella, ano ‘yan?” Nahugot ko ang hininga ng ang pulang tuldok ay gumala sa balkonahe at tumigil sa tapat ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw sa gulat dahil sa alam ko kung ano ‘yon, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit wala rin naman akong maramdamang takot. “Sino ka?” mahinang bulong ko, animo maririnig ng taong ‘yon ang tanong ko. At halos mapaigtad ako sa gulat ng pabalyang bumukas ang p***o ng kwarto ko kasabay ng sigaw ni Susan sa phone ay ang pagpasok ng nagpupuyos na si Alberto. “What are you doing?!” tanong niya sabay hablot sa braso ko at kinaladkad ako saka ibinalya sa kama. “Magpapakamatay ka na ba talaga?!” Ang dalawang tauhan na kasama pala niya ay mabilis na isinara ang mga kurtina sa kwarto. “Bakit nandoon ka nakatayo at talagang bukas na bukas ang kurtina mo! Are you waiting for something or someone, huh?!”NAPALUNOK AKO DAHIL sa kaba. Walang ibang tao rito kundi kaming dalawa lang kaya wala akong mahihingan ng tulong kung sakali man na may gawin siyang masama sa akin.O kung may tutulong nga ba at lalaban sa lalaking kaharap ko.“H’wag… h’wag kang lalapit.” Utal kong sabi. Hindi na makapagsalita ng mayos dahil sa sobrang takot. “Please.”Ang takot ko ay napalitan ng gulat at panlalaki ng mata ng bigla na lang niyang isinalampak ang sarili sa buhanginan.“Damn!”His legs are stretch out and his arms are on his side. Para siyang batang nagmamaktol.“Why is everyone afraid of me?”Nanatili akong nakatayo, hindi kalayuan sa kaniya. Napalingon-lingon pa sa paligid at baka hindi naman ako ang kausap. Baka may iba pa siyang kasama.Ang alam ko kasi sa mga Mafia Boss, tulad doon sa nababasa ko, marami silang nga bodyguards, ‘e.“Diyan ka na lang ba tatayo?” bigla ay tanong niya sa akin. Napaatras na naman tuloy ako. “Sit, Miss. Mapapagod ka niyan.”Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi na po. Ahm
HINDI PA RIN ako makakilos at nanatiling awang ang labi dahil sa sobrang gulat sa biglaan niyang pagpasok.“Search the area! Damn it!” sinamaan pa niya ako ng tingin. “Tinatanong kita! Anong ginagawa mo roon?!”“W-Wala.”“Wala?! Are you sure?”“Bakit, ano bang nangyayari, Alberto?”Mas matalim lamang ang naging tingin niya pero sumagot din. “There’s a sniper and you’re standing their like its nothing! Sisirain mo ang pangalan ko dahil diyan sa katangahan mo, Estella.”Sniper? So, totoo nga na galing sa sniper ‘yong pulang tuldok kanina. Alam kong sa sniper ‘yon dahil napapanuod ko sa mga movies.“Wala namang—”“Magdadahilan ka pa!”Tumayo na ako at hinarap siya. “What? Hindi ko naman alam. Tulad nga ng sinabi mo, tanga ako kaya paano ko malalaman na may sniper? Wala namang banta sa buhay ko kaya hindi ko—”“Talagang wala sa ‘yo, pero sa akin, meron!”Naiiling na lamang akong tumayo at tinalikuran siya.“Kinakausap pa kita!”“Ano pa bang pag-uusapan natin? Tapos naman na, ah.” Magsisig
WALA AKONG ALAM sa mga nangyayari sa paligid ko. Matatawag na nga yata akong ignorante. Hindi ko nakilala ang lalaking huminto at nag-alok na ihatid ako pauwi.Kung hindi pa dumating si Alberto ay baka hindi ako tigilan ni Don Lorenzo.Habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang eksena na nangyari kanina.Paano pala kung magkatotoo ‘yong sinabi ni Susan sa akin? Ayoko pang mamatay, lalo na sa kamay ng hindi ko kilalang lalaki na ‘yon. Humanga pa naman ako sa taglay niyang kagwapuhan tapos malalaman ko iyon pala ay ang lalaking kinatatakutan ng halos lahat.Pagdating namin kanina ay hindi na ako pinansin ni Alberto. Diretso sila ni Eliza na nasa front seat pala kanina sa home office.“Argh! Sino ba kasi ‘yon?”Padabog akong bumangon at humarap sa desktop na nasa gawing sulok ng kwarto ko. Hindi kami magkasama at magkatabi matulog ng asawa ko.I open the search bar and search for the name ‘Alexandro Lorenzo’. Pero kumunot lamang ang noo ko sa sobra
NAPALUNOK AKO dahil sa narinig. May ganoon palang balita, hindi ko man lang nalalaman.“Pero hindi naman ako maganda.” Bulong ko sa sarili. “Halika na! Ligtas tayo.”“Ang sakit naman nitong nagsalita, ‘o.”“Ano?” halakhak ko.“Talagang sinabi mong ligtas tayo?!” nanlalaki pa ang mga mata niya dahil hindi makapaniwala. “Grabe sa ligtas, ah.”Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako tinigilan ni Susan. May kasama pang tulak at pasimpleng kurot.“Ang ganda, ate!” hiyaw ni Mercedez habang hawak ang evening gown at nakatapat sa salamin.Ang kakambal naman niya na si Paulina ay nasa kwarto at isusukat na raw ang para rito.“Maraming salamat talaga, Ate Estella!”“Ay, alam mo ba, Mercedez, nakipag-agawan pa kami ng ate mo para lang mabili ‘yan. Ayaw kasing ibigay sa amin no’ng sales lady dahil hindi raw namin kayang bayaran! Aba! Pinanlakihan ko nga ng mata! Nagulat nga no’ng maglabas ng card itong si Estella.”Nagtilian ang dalawa at nagyakapan pa nga.“Kahit kasi mayaman na si Ate
TUMULONG MUNA ako sa pagliligpit ng nga plato at kubyertos saka nag-asikaso ng sarili. Ang napili kong suotin ay ang floral maxi dress na hanggang sa kalahati ng aking binti. Pinaresan ‘yon ng doll shoes habang ang aking may kahabaang itim na buhok ay sinuklay at headband lamang ang palamuti.Hindi ako sanay pumorma ng elegante at ayoko rin na maraming palamuti sa katawan kaya simple lamang lagi, hindi tulad ni Eliza na akala mo’y laging pupunta sa party.Bumaba ako ng hagdan bitbit ang sling bag na puti. Regalo pa ‘yon sa akin ni Nanay noong eighteen birthday ko at talagang pinaka-iingatan ko. Inilalagay ko pa sa plastic saka itinatabi sa mga damit ko kapag hindi ko na gagamitin.“Manang, aalis na po ako.”“Sige. Mag-iingat ka. H’wag kang gagawa ng kung anu-ano riyan sa labas.”“Opo.”Tinalikuran na niya ako, pero rinig ko ang bulong niya habang naglalakad papalayo. “Kung tumutulong na lang sana sa paghahanda, hindi ‘yong nakuha pang naglakwatsa.”Bumuntong hininga na lamang ako at h
“AALIS KA na?” Tanong ko sa asawang si Alberto nang makitang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.“Yes.” Malamig na sagot niya, sinamaan pa ako ng tingin. “H’wag ka ngang maraming tanong. Nakakairita.”“Nagluto kasi ako ng breakfast, sayang naman kung walang kakain.”Wala kasi akong ginagawa sa mansion kaya pagluluto na lamang lagi ang ginagawa ko. Minsan dinadalhan ko pa siya ng lunch sa opisina pero hindi ko alam kung kinakain ba niya dahil laging secretary niya ang tumatanggap dahil busy raw.“Kumain ka muna kahit konti. Ipagbabaon din kita para may pagkain ka sa office.”“Can you stop, Estella?!”Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pagsigaw kahit na lagi naman na ‘yong ginagawa simula ikasal kami. Hindi pa rin ako masanay. “A-Ano?! Ipinagluto lang naman kita.”“Na ayokong gawin mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yan? Asawa lang kita sa papel, Estella, kaya don’t act like one.” Aniya. “Buwisit na buhay talaga!”Sasagot pa sana ako ng bumungad sa pinto ng mansion si Eliza. N







