เข้าสู่ระบบHINDI PA RIN ako makakilos at nanatiling awang ang labi dahil sa sobrang gulat sa biglaan niyang pagpasok.
“Search the area! Damn it!” sinamaan pa niya ako ng tingin. “Tinatanong kita! Anong ginagawa mo roon?!” “W-Wala.” “Wala?! Are you sure?” “Bakit, ano bang nangyayari, Alberto?” Mas matalim lamang ang naging tingin niya pero sumagot din. “There’s a sniper and you’re standing their like its nothing! Sisirain mo ang pangalan ko dahil diyan sa katangahan mo, Estella.” Sniper? So, totoo nga na galing sa sniper ‘yong pulang tuldok kanina. Alam kong sa sniper ‘yon dahil napapanuod ko sa mga movies. “Wala namang—” “Magdadahilan ka pa!” Tumayo na ako at hinarap siya. “What? Hindi ko naman alam. Tulad nga ng sinabi mo, tanga ako kaya paano ko malalaman na may sniper? Wala namang banta sa buhay ko kaya hindi ko—” “Talagang wala sa ‘yo, pero sa akin, meron!” Naiiling na lamang akong tumayo at tinalikuran siya. “Kinakausap pa kita!” “Ano pa bang pag-uusapan natin? Tapos naman na, ah.” Magsisigawan lang na naman kami kung matatagalan kaming magkaharap. Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko ay lumingon pa siya ulit at binantaan ako. “Don’t you dare leave this room from now on.” “What?” hindi na siya sumagot kaya humabol ako. “Wait! Alberto, what are you talking about?!” Pero hindi na niya ako pinansin. Ilang araw tuloy akong nasa kwarto lang at hindi makalabas. Hindi ko naman akalain na magiging ganoon ang reaksyon niya sa sniper na ‘yon. Alam kong delikado ‘yon pero hindi ako nakaramdam ng takot kahit nakatutok sa dibdib ko ang baril mula sa malayo. Wala rin naman akong nabalitaan na nagtatangka sa buhay ni Alberto simula noong dito ako tumira sa mansion niya kaya siguro ay valid ang pagtataka ko ngayon sa naging reaksyon niya. Ganoon yata talaga ang mayayaman, hindi mawawalan ng kaaway at laging aligaga para sa kanilang kaligtasan. Makalipas ang isang linggo ay nakalabas din ako sa kwarto ko. Habang nakakulong ay nakakausap ko pa rin naman si Susan at ang pamilya ko dahil hindi naman kinumpiska ang phone at tinanggalan ng wifi kaya nakakapaglibang pa rin ako sa laptop. Nagta-try rin akong mag-deep search patungkol kay Don Lorenzo pero wala pa ring lumalabas na useful information. “Lalabas ako.” Paalam ko kay Alberto isang umaga ng katukin ko siya sa opisina niya. Mag-isa siya ngayon, at nakakapanibago na wala si Eliza. “Magpapahangin lang sa labas.” May lugar kasi akong nakita sa internet. Tahimik dahil tabing dagat at medyo malayo sa syudad, gusto kong tingnan para kahit papaano ay may lugar na pwede kong puntahan kung sakaling hindi ko na kaya ang harapin ang buhay na nakakapagod. “Go wherever you want. I don’t care.” Nang marinig ‘yon mula sa kaniya ay walang pagdadalawang isip akong tumalikod saka nagmamadaling lumabas ng mansion dala ang paborito kong bag. Pumara lang ako ng taxi at saka nagpahatid sa lugar. “Ma’am, sigurado po ba kayo sa daan?” nag-aalangang tanong sa akin ng taxi driver dahil medyo liblib na pala ang daanan. “Ngayon lang po ako nagawi rito.” Matataas na ang mga puno sa magkabilang gilid ng kalsada, pero hindi naman ‘yong tipo na nakakatakot tulad sa nga horror movies. “May daan naman po rito pero iniiwasan naming driver dahil bali-balitang delikado kaya madalang talaga ang nadaan. Ano po pala ang gagawin ninyo sa lugar?” Napapalingon na rin ako sa paligid habang marahang umuusad ang sasakyan. “Ano raw pong meron sa daan?” “Bali-balita kasi na pugad ng mga masasamang tao itong lugar, lalo ‘yong mga Mafia raw ‘yon. Ay, hindi ko naman alam kung ano ba ‘yon pero basta masasamang tao raw.” Mga ilang minuto pa ay huminto na ang taxi. “Nandito na po tayo?” “Hindi ako sigurado, hija, pero mukhang dito na nga ‘yon. Paglabas kasi sa banda riyan ‘e kabilang bayan na at tabing dagat yata na malapit sa bangin. Ano ba ang gagawin mo riyan, hija?” Umiling ako at nginitian ang matandang driver saka inabutan ng bayad. “May iche-check lang po ako. Salamat po sa pagsama, Manong.” “Hihintayin na ba kita? Mahihirapan kang sumakay mamaya kapag pauwi ka na, hija.” “Ayos lang po ako. Mauna na po kayo. Salamat po.” Napailing na lamang ang matanda. “Ako ang kinakabahan diyan sa gagawin mong ‘yan.” Tinawanan ko lamang siya bago nagsimulang maglakad papasok sa matataas na puno. Malinis naman at may daan kaya hindi nakakatakot. Bakit naman ito ilalagay sa internet kung delikado. Marami ang nagpupunta at maganda ang reviews kaya gusto ko ring subukan. Hindi raw ito alam at kilala ng lahat. Depende lang sa mga nakakaalam at gini-gatekeep pa nga raw dahil ay baka kamkamin din ng korap na gobyerno. Ilang minuto pa akong naglakad hanggang sa mawala ang matataas na puno, at napalitan ng kapatagan hanggang sa matanaw ko ang dalampasigan. “Wow!” nakangangang sabi ko habang nakatanaw sa dagat. “Ang ganda!” Tuwang-tuwa kong hinubad ang suot na doll shoes bago lumusong sa puti at pinong buhanging kumikiliti sa talampakan ko. “Ang ganda!” tili ko at nagpaikot-ikot pa muna. “Oh my gosh!” Ang sarap ng simoy ng hangin kahit na medyo mainit na ang sikat ng araw. “Wow! Really! Wow!” Nakailang kuha na ako ng pictures at videos pero hindi pa rin nakakasawang tingnan ang paligid. Nag-send pa nga ako kay Susan para inggitin siya dahil hindi naman makakasunod at abala sa pag-aalaga sa anak. Nagpatugtog pa ako at sumayaw para damhin at enjoy-in ang kalayaang nararamdaman. Mabuti na lang din at nasaktong walang tao ngayon. Sabi kasi roon sa nag-post ‘e mostly gabi may mga dumadayo para mag-date o mag-camping kasama ang barkada. Nang mapagod ay nagpasya akong sumilong sa lilim ng puno sa tabi. Ngunit nang bumaling para maglakad ay halos matumba ako sa gulat. Nanlalaki ang mga mata ko dahil may isang lalaki na nakatayo roon. Nakaitim na button down shirt, black pants at itim din na sapatos. Hindi bagay ang suot niya sa lugar. Napalunok ako sa takot at hindi na maigalaw ang paa sa buhangin. “Go on.” Mabagal ang salitang aniya. Nakapamulsa at dahan-dahang lumapit. “Dance. I enjoy watching you entertain yourself.” Kagyat akong umatras. Hinahabol na ang hininga dahil sa kabang sumalakay sa aking dibdib. “What? I told you to dance, Miss. Don’t be scared.” “D-Don… Don L-Lorenzo…”NAPALUNOK AKO DAHIL sa kaba. Walang ibang tao rito kundi kaming dalawa lang kaya wala akong mahihingan ng tulong kung sakali man na may gawin siyang masama sa akin.O kung may tutulong nga ba at lalaban sa lalaking kaharap ko.“H’wag… h’wag kang lalapit.” Utal kong sabi. Hindi na makapagsalita ng mayos dahil sa sobrang takot. “Please.”Ang takot ko ay napalitan ng gulat at panlalaki ng mata ng bigla na lang niyang isinalampak ang sarili sa buhanginan.“Damn!”His legs are stretch out and his arms are on his side. Para siyang batang nagmamaktol.“Why is everyone afraid of me?”Nanatili akong nakatayo, hindi kalayuan sa kaniya. Napalingon-lingon pa sa paligid at baka hindi naman ako ang kausap. Baka may iba pa siyang kasama.Ang alam ko kasi sa mga Mafia Boss, tulad doon sa nababasa ko, marami silang nga bodyguards, ‘e.“Diyan ka na lang ba tatayo?” bigla ay tanong niya sa akin. Napaatras na naman tuloy ako. “Sit, Miss. Mapapagod ka niyan.”Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi na po. Ahm
HINDI PA RIN ako makakilos at nanatiling awang ang labi dahil sa sobrang gulat sa biglaan niyang pagpasok.“Search the area! Damn it!” sinamaan pa niya ako ng tingin. “Tinatanong kita! Anong ginagawa mo roon?!”“W-Wala.”“Wala?! Are you sure?”“Bakit, ano bang nangyayari, Alberto?”Mas matalim lamang ang naging tingin niya pero sumagot din. “There’s a sniper and you’re standing their like its nothing! Sisirain mo ang pangalan ko dahil diyan sa katangahan mo, Estella.”Sniper? So, totoo nga na galing sa sniper ‘yong pulang tuldok kanina. Alam kong sa sniper ‘yon dahil napapanuod ko sa mga movies.“Wala namang—”“Magdadahilan ka pa!”Tumayo na ako at hinarap siya. “What? Hindi ko naman alam. Tulad nga ng sinabi mo, tanga ako kaya paano ko malalaman na may sniper? Wala namang banta sa buhay ko kaya hindi ko—”“Talagang wala sa ‘yo, pero sa akin, meron!”Naiiling na lamang akong tumayo at tinalikuran siya.“Kinakausap pa kita!”“Ano pa bang pag-uusapan natin? Tapos naman na, ah.” Magsisig
WALA AKONG ALAM sa mga nangyayari sa paligid ko. Matatawag na nga yata akong ignorante. Hindi ko nakilala ang lalaking huminto at nag-alok na ihatid ako pauwi.Kung hindi pa dumating si Alberto ay baka hindi ako tigilan ni Don Lorenzo.Habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang eksena na nangyari kanina.Paano pala kung magkatotoo ‘yong sinabi ni Susan sa akin? Ayoko pang mamatay, lalo na sa kamay ng hindi ko kilalang lalaki na ‘yon. Humanga pa naman ako sa taglay niyang kagwapuhan tapos malalaman ko iyon pala ay ang lalaking kinatatakutan ng halos lahat.Pagdating namin kanina ay hindi na ako pinansin ni Alberto. Diretso sila ni Eliza na nasa front seat pala kanina sa home office.“Argh! Sino ba kasi ‘yon?”Padabog akong bumangon at humarap sa desktop na nasa gawing sulok ng kwarto ko. Hindi kami magkasama at magkatabi matulog ng asawa ko.I open the search bar and search for the name ‘Alexandro Lorenzo’. Pero kumunot lamang ang noo ko sa sobra
NAPALUNOK AKO dahil sa narinig. May ganoon palang balita, hindi ko man lang nalalaman.“Pero hindi naman ako maganda.” Bulong ko sa sarili. “Halika na! Ligtas tayo.”“Ang sakit naman nitong nagsalita, ‘o.”“Ano?” halakhak ko.“Talagang sinabi mong ligtas tayo?!” nanlalaki pa ang mga mata niya dahil hindi makapaniwala. “Grabe sa ligtas, ah.”Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako tinigilan ni Susan. May kasama pang tulak at pasimpleng kurot.“Ang ganda, ate!” hiyaw ni Mercedez habang hawak ang evening gown at nakatapat sa salamin.Ang kakambal naman niya na si Paulina ay nasa kwarto at isusukat na raw ang para rito.“Maraming salamat talaga, Ate Estella!”“Ay, alam mo ba, Mercedez, nakipag-agawan pa kami ng ate mo para lang mabili ‘yan. Ayaw kasing ibigay sa amin no’ng sales lady dahil hindi raw namin kayang bayaran! Aba! Pinanlakihan ko nga ng mata! Nagulat nga no’ng maglabas ng card itong si Estella.”Nagtilian ang dalawa at nagyakapan pa nga.“Kahit kasi mayaman na si Ate
TUMULONG MUNA ako sa pagliligpit ng nga plato at kubyertos saka nag-asikaso ng sarili. Ang napili kong suotin ay ang floral maxi dress na hanggang sa kalahati ng aking binti. Pinaresan ‘yon ng doll shoes habang ang aking may kahabaang itim na buhok ay sinuklay at headband lamang ang palamuti.Hindi ako sanay pumorma ng elegante at ayoko rin na maraming palamuti sa katawan kaya simple lamang lagi, hindi tulad ni Eliza na akala mo’y laging pupunta sa party.Bumaba ako ng hagdan bitbit ang sling bag na puti. Regalo pa ‘yon sa akin ni Nanay noong eighteen birthday ko at talagang pinaka-iingatan ko. Inilalagay ko pa sa plastic saka itinatabi sa mga damit ko kapag hindi ko na gagamitin.“Manang, aalis na po ako.”“Sige. Mag-iingat ka. H’wag kang gagawa ng kung anu-ano riyan sa labas.”“Opo.”Tinalikuran na niya ako, pero rinig ko ang bulong niya habang naglalakad papalayo. “Kung tumutulong na lang sana sa paghahanda, hindi ‘yong nakuha pang naglakwatsa.”Bumuntong hininga na lamang ako at h
“AALIS KA na?” Tanong ko sa asawang si Alberto nang makitang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.“Yes.” Malamig na sagot niya, sinamaan pa ako ng tingin. “H’wag ka ngang maraming tanong. Nakakairita.”“Nagluto kasi ako ng breakfast, sayang naman kung walang kakain.”Wala kasi akong ginagawa sa mansion kaya pagluluto na lamang lagi ang ginagawa ko. Minsan dinadalhan ko pa siya ng lunch sa opisina pero hindi ko alam kung kinakain ba niya dahil laging secretary niya ang tumatanggap dahil busy raw.“Kumain ka muna kahit konti. Ipagbabaon din kita para may pagkain ka sa office.”“Can you stop, Estella?!”Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pagsigaw kahit na lagi naman na ‘yong ginagawa simula ikasal kami. Hindi pa rin ako masanay. “A-Ano?! Ipinagluto lang naman kita.”“Na ayokong gawin mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yan? Asawa lang kita sa papel, Estella, kaya don’t act like one.” Aniya. “Buwisit na buhay talaga!”Sasagot pa sana ako ng bumungad sa pinto ng mansion si Eliza. N







