เข้าสู่ระบบNAPALUNOK AKO dahil sa narinig. May ganoon palang balita, hindi ko man lang nalalaman.
“Pero hindi naman ako maganda.” Bulong ko sa sarili. “Halika na! Ligtas tayo.” “Ang sakit naman nitong nagsalita, ‘o.” “Ano?” halakhak ko. “Talagang sinabi mong ligtas tayo?!” nanlalaki pa ang mga mata niya dahil hindi makapaniwala. “Grabe sa ligtas, ah.” Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako tinigilan ni Susan. May kasama pang tulak at pasimpleng kurot. “Ang ganda, ate!” hiyaw ni Mercedez habang hawak ang evening gown at nakatapat sa salamin. Ang kakambal naman niya na si Paulina ay nasa kwarto at isusukat na raw ang para rito. “Maraming salamat talaga, Ate Estella!” “Ay, alam mo ba, Mercedez, nakipag-agawan pa kami ng ate mo para lang mabili ‘yan. Ayaw kasing ibigay sa amin no’ng sales lady dahil hindi raw namin kayang bayaran! Aba! Pinanlakihan ko nga ng mata! Nagulat nga no’ng maglabas ng card itong si Estella.” Nagtilian ang dalawa at nagyakapan pa nga. “Kahit kasi mayaman na si Ate ‘e hindi man lang marunong pumorma,” nakangusong sabi ng kapatid ko. “Kung ako ‘yan baka linggo-linggo akong nagpapa-make over.” Wala silang alam sa totoong kalagayan ko. Wala silang alam na ipinambayad utang ako ng magulang ko kay Alberto Romano. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon ng malaking utang si Tatay sa asawa ko. Kahit na anong pilit ko upang mapaamin ang mga magulang ko ay ayaw magsalita. Hindi naman ako magkaroon ng oras na tanungin si Alberto dahil lagi nga itong wala at nagagalit kapag kakausapin ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. “Dito ba kayo kakain ng hapunan, anak?” “Hindi po, ‘Nay. Baka umuwi si Alberto tapos wala ako, magagalit ‘yon.” Sagot ko. “Si tatay po, anong oras siya madalas umuwi?” Nasa construction si Tatay at kadalasan ay gabi na umuuwi. Malayo kasi ang site at ilang sakay pa muna bago makauwi. “May sasakyan kayo?” Umiling ako. “Magco-commute lang po.” “Bakit, nasaan ang maraming sasakyan ng asawa mo? Hindi ipinagagamit sa ‘yo?” mataas ang boses na sabi niya. “Bakit?” “Nay, mas gusto ko naman ‘yong ganito. Ayokong masanay dahil sisiguraduhin kong hindi naman magtatagal ang pagsasama namin. Babalik din ako sa simpleng buhay. Pumayag lang ako dahil binabantaan kayo.” Nasa kusina kami no’n habang tinutulungan siyang magluto ng hapunan nila. Si Susan ay kasama ang kambal na sina Mercedes at Paulina sa maliit naming sala kaya nakakapag-usap kami. “Nay, wala lang tayong choice kaya pumayag sa alok na kasal ni Alberto, pero hindi ako papayag na doon na ako habang buhay.” “Bakit?” nanlalaki ang mga matang asik niya. “Maayos na ang buhay mo roon, Estella. H’wag ka nang naghangad ng iba pa. Nasa kama ka na, babalik ka pa sa papag?” Hanggang sa papauwi na kami ni Susan ay panay ang palihim na kublit at bulong sa akin ni Nanay. Hindi ko na lang pinapansin dahil kasama rin namin sa pag-aabang ng masasakyan ang kambal. Mabilis lang din naman kaming nakasakay ng kaibigan ko. Nauna siyang bumaba habang ako’y bumaba naman sa tapat ng Ashford Village. Binati ko pa muna ang mga gwardiya bago tuluyang pumasok sa loob ng gate. Dahan-dahan lamang akong naglalakad, dinadama ang simoy ng hangin. Hindi naman nakakatakot dahil may liwanag mula sa mga streetlights. Nasa bandang dulo pa ng village ang mansion kaya malayo-layo pa. “Let’s go!” bulong ko sa sarili. Nagulat lang ako dahil sa kotseng tumigil sa tapat ko. Bumaba ang bintana sa backseat at sumungaw ang isang lalaki na parang lumabas mula pa sa isang Turkish movie. Ang gwapo! Hiyaw ng isip ko pero agad ring kinondena. Gaga! May asawa ka na! Ang kapal ng itim niyang kilay. Malalim tumitig ang pilak na mga mata. Matangos ang ilong at mapupula ang manipis na labi. May bigote at balbas din pero hindi maruming tingnan. Napalingap pa ako sa paligid at baka may shooting pero wala naman. Nabalik lang ako sa reyalidad ng tumikhim siya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad pero sumabay ang kotse. “Where are you going?” Pati ang boses ay malalim, at may accent ang mga salita. “I’m asking you, Miss.” “H-Hah? Ah, uuwi na po.” Marahan siyang tumango. “Ihahatid na kita.” Marunong magtagalog? Hindi halata. Akmang sasagot ako ng may isa pang kotse ang pumarada at padabog na bumaba mula roon ang galit na si Alberto. Binuksan nito ang backseat. “Sakay.” “H-Hah?” Hindi niya ako pinasasakay sa kotseng sasakyan din niya. Ni hindi pa nga kami bumiyahe ng sabay kaya takang-taka ako ngayon. “Sumakay ka, Estella! Don’t make me repeat what I said!” Bago tuluyang sumakay ay saglit ko pang nilingon ang naunang kotse. Maliit na tumaas ang sulok ng labi ng lalaki bago isara ang bintana at umalis. Hindi pa man ako tuluyang nakakaayos ng upo sa likod ay padabog nang sumakay sa driver seat si Alberto at nilingon ako. “Bakit kausap mo ang Alexandro Lorenzo na ‘yon?!”NAPALUNOK AKO DAHIL sa kaba. Walang ibang tao rito kundi kaming dalawa lang kaya wala akong mahihingan ng tulong kung sakali man na may gawin siyang masama sa akin.O kung may tutulong nga ba at lalaban sa lalaking kaharap ko.“H’wag… h’wag kang lalapit.” Utal kong sabi. Hindi na makapagsalita ng mayos dahil sa sobrang takot. “Please.”Ang takot ko ay napalitan ng gulat at panlalaki ng mata ng bigla na lang niyang isinalampak ang sarili sa buhanginan.“Damn!”His legs are stretch out and his arms are on his side. Para siyang batang nagmamaktol.“Why is everyone afraid of me?”Nanatili akong nakatayo, hindi kalayuan sa kaniya. Napalingon-lingon pa sa paligid at baka hindi naman ako ang kausap. Baka may iba pa siyang kasama.Ang alam ko kasi sa mga Mafia Boss, tulad doon sa nababasa ko, marami silang nga bodyguards, ‘e.“Diyan ka na lang ba tatayo?” bigla ay tanong niya sa akin. Napaatras na naman tuloy ako. “Sit, Miss. Mapapagod ka niyan.”Dahan-dahan akong umiling. “H-Hindi na po. Ahm
HINDI PA RIN ako makakilos at nanatiling awang ang labi dahil sa sobrang gulat sa biglaan niyang pagpasok.“Search the area! Damn it!” sinamaan pa niya ako ng tingin. “Tinatanong kita! Anong ginagawa mo roon?!”“W-Wala.”“Wala?! Are you sure?”“Bakit, ano bang nangyayari, Alberto?”Mas matalim lamang ang naging tingin niya pero sumagot din. “There’s a sniper and you’re standing their like its nothing! Sisirain mo ang pangalan ko dahil diyan sa katangahan mo, Estella.”Sniper? So, totoo nga na galing sa sniper ‘yong pulang tuldok kanina. Alam kong sa sniper ‘yon dahil napapanuod ko sa mga movies.“Wala namang—”“Magdadahilan ka pa!”Tumayo na ako at hinarap siya. “What? Hindi ko naman alam. Tulad nga ng sinabi mo, tanga ako kaya paano ko malalaman na may sniper? Wala namang banta sa buhay ko kaya hindi ko—”“Talagang wala sa ‘yo, pero sa akin, meron!”Naiiling na lamang akong tumayo at tinalikuran siya.“Kinakausap pa kita!”“Ano pa bang pag-uusapan natin? Tapos naman na, ah.” Magsisig
WALA AKONG ALAM sa mga nangyayari sa paligid ko. Matatawag na nga yata akong ignorante. Hindi ko nakilala ang lalaking huminto at nag-alok na ihatid ako pauwi.Kung hindi pa dumating si Alberto ay baka hindi ako tigilan ni Don Lorenzo.Habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang eksena na nangyari kanina.Paano pala kung magkatotoo ‘yong sinabi ni Susan sa akin? Ayoko pang mamatay, lalo na sa kamay ng hindi ko kilalang lalaki na ‘yon. Humanga pa naman ako sa taglay niyang kagwapuhan tapos malalaman ko iyon pala ay ang lalaking kinatatakutan ng halos lahat.Pagdating namin kanina ay hindi na ako pinansin ni Alberto. Diretso sila ni Eliza na nasa front seat pala kanina sa home office.“Argh! Sino ba kasi ‘yon?”Padabog akong bumangon at humarap sa desktop na nasa gawing sulok ng kwarto ko. Hindi kami magkasama at magkatabi matulog ng asawa ko.I open the search bar and search for the name ‘Alexandro Lorenzo’. Pero kumunot lamang ang noo ko sa sobra
NAPALUNOK AKO dahil sa narinig. May ganoon palang balita, hindi ko man lang nalalaman.“Pero hindi naman ako maganda.” Bulong ko sa sarili. “Halika na! Ligtas tayo.”“Ang sakit naman nitong nagsalita, ‘o.”“Ano?” halakhak ko.“Talagang sinabi mong ligtas tayo?!” nanlalaki pa ang mga mata niya dahil hindi makapaniwala. “Grabe sa ligtas, ah.”Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi ako tinigilan ni Susan. May kasama pang tulak at pasimpleng kurot.“Ang ganda, ate!” hiyaw ni Mercedez habang hawak ang evening gown at nakatapat sa salamin.Ang kakambal naman niya na si Paulina ay nasa kwarto at isusukat na raw ang para rito.“Maraming salamat talaga, Ate Estella!”“Ay, alam mo ba, Mercedez, nakipag-agawan pa kami ng ate mo para lang mabili ‘yan. Ayaw kasing ibigay sa amin no’ng sales lady dahil hindi raw namin kayang bayaran! Aba! Pinanlakihan ko nga ng mata! Nagulat nga no’ng maglabas ng card itong si Estella.”Nagtilian ang dalawa at nagyakapan pa nga.“Kahit kasi mayaman na si Ate
TUMULONG MUNA ako sa pagliligpit ng nga plato at kubyertos saka nag-asikaso ng sarili. Ang napili kong suotin ay ang floral maxi dress na hanggang sa kalahati ng aking binti. Pinaresan ‘yon ng doll shoes habang ang aking may kahabaang itim na buhok ay sinuklay at headband lamang ang palamuti.Hindi ako sanay pumorma ng elegante at ayoko rin na maraming palamuti sa katawan kaya simple lamang lagi, hindi tulad ni Eliza na akala mo’y laging pupunta sa party.Bumaba ako ng hagdan bitbit ang sling bag na puti. Regalo pa ‘yon sa akin ni Nanay noong eighteen birthday ko at talagang pinaka-iingatan ko. Inilalagay ko pa sa plastic saka itinatabi sa mga damit ko kapag hindi ko na gagamitin.“Manang, aalis na po ako.”“Sige. Mag-iingat ka. H’wag kang gagawa ng kung anu-ano riyan sa labas.”“Opo.”Tinalikuran na niya ako, pero rinig ko ang bulong niya habang naglalakad papalayo. “Kung tumutulong na lang sana sa paghahanda, hindi ‘yong nakuha pang naglakwatsa.”Bumuntong hininga na lamang ako at h
“AALIS KA na?” Tanong ko sa asawang si Alberto nang makitang nagmamadali siyang bumaba ng hagdan.“Yes.” Malamig na sagot niya, sinamaan pa ako ng tingin. “H’wag ka ngang maraming tanong. Nakakairita.”“Nagluto kasi ako ng breakfast, sayang naman kung walang kakain.”Wala kasi akong ginagawa sa mansion kaya pagluluto na lamang lagi ang ginagawa ko. Minsan dinadalhan ko pa siya ng lunch sa opisina pero hindi ko alam kung kinakain ba niya dahil laging secretary niya ang tumatanggap dahil busy raw.“Kumain ka muna kahit konti. Ipagbabaon din kita para may pagkain ka sa office.”“Can you stop, Estella?!”Nanlaki ang mata ko sa ginawa niyang pagsigaw kahit na lagi naman na ‘yong ginagawa simula ikasal kami. Hindi pa rin ako masanay. “A-Ano?! Ipinagluto lang naman kita.”“Na ayokong gawin mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yan? Asawa lang kita sa papel, Estella, kaya don’t act like one.” Aniya. “Buwisit na buhay talaga!”Sasagot pa sana ako ng bumungad sa pinto ng mansion si Eliza. N







