NAITAKIP ni Amira ang mga palad sa mukha nang matanaw na patungo sa kinaroroonan nila ang kanyang lola na animo'y model na inirarampa ang suot nitong two-piece bikini na nanggaling kay Hardhie, pero mismong si Yeonna naman ang bumili at pumili niyon."How do I look?" tanong agad ng matanda nang makalapit sa grupo."Ang seksi mo pala, Lola!"Marahan nitong hinampas sa braso si Hardhie na parang teenager na kinikilig dahil sa narinig na papuri. "Maliit na bagay," pagbibida nito. "At saka nasa lahi na talaga namin iyon!" sabay hagikhik nito.Kasalukuyan silang nasa isang resort sa Batangas na pag-aari ng pamilya ni Kenji. Ito ang pumili ng venue para sa una nilang double-date. All agreed, maliban kay Amira na ngayon nga ay nakakaramdam ng hiya dahil sa iginagawi ng abuwela."Lola, hindi ka na bata!"Pinanlisikan nito ng mga mata ang apo. "Bakit? May age limit na ba ngayon ang pagpunta ng beach?""Nagpaalam ba kayo kay Lolo?""Nakita mo ba siya kanina pag-alis natin?'Sandali namang napai
"UUBUSIN mo na naman ba lahat nang iyan?"Nabaling ang namumungay na mga mata ni Amira kay Hardhie. "Bakit? Wala ka nang pera riyan?""Lasing ka na."Ikatlong balik na nila sa convenience store. At hindi umaabot sa bahay ang kanilang mga napamili."Darn! What a dumb! I'm not really asking if you have money," wika ni Amira na iika-ika na ang paglakad. "Alam mong wala akong pakialam kung mayaman ka o mahirap. It's you. You alone is more important than any wealth in the world. Manhid ka lang talaga."Hindi nakaimik si Hardhie."But this will be the last time..." Napasinok si Amira, "Hindi na iyon mauulit. Hinding-hindi na ako babalik ng convenience store. 'Couz I already gave you three chances. At lahat nang iyon ay sinayang mo."Napakunot ng noo si Hardhie."Uuwi na ako," sabay tapon nito ng huling lata ng beer matapos sairin ang natitirang laman niyon. "I just waste my time to a man who's not even worthy of my glance. Oppss! Hindi ka nga pala tunay na lalaki."Binalewala niya ang nagin
WALANG imikan sina Hardhie at Amira habang magkaabay sila sa paglalakad. Pareho silang nagpapakiramdaman at naghahanap ng tiyempo na magsalita.Dinaanan na nila ang isang convenience store, pero nilagpasan nila iyon. At katulad nga ng sinabi ni Lola Tasing, naghanap sila ng malayo. "Maganda ang panahon ngayon." Hindi na rin nakatiis si Hardhie sa namamagitan na katahimikan sa kanila. "Sana lang ay hindi umulan sa mga susunod na araw.""At bakit naman?""Hindi magandang mamasyal nang umuulan.""So, may panahon ka nang mamasyal?""May lugar ka bang naiisip na gustong puntahan?""Busy ako.""At anong pinagkakaabalahan mo? Wala ka namang trabaho!" asik ni Hardhie."Busy ako dahil may mga lakad kami ni Kenji.""Whoa! Ngayong araw lang kayo nagkita, pero nakapagplano na agad kayo?""Dahil malakas ang loob niya. Hindi siya natatakot na sumubok."Lihim na naikuyom ni Hardhie ang mga kamao. Alam niya na para sa kanya ang sinabing iyon ni Amira.Hindi naman dinadaga ang kanyang dibdib na ipagt
"KAILAN pa ba kayo riyan matatapos?"Natigil sa paghihilahan ng itatayo na tent sina Hardhie at Kenji sa pagsita sa kanila ni Lola Tasing na komportable sa kinauupuan nitong folding chair. Si Amira ay nakamasid lang at napapailing sa inaasal ng dalawa."Ikaw..."Itinuro ni Kenji ang sarili nang tukuyin lang ito ng tingin ng matanda."Oo, ikaw nga. Gumawa ka ng bonfire.""Lola," himig-protesta ni Amira. "Bisita ko po siya.""Chef siya, 'di ba? Siguradong magaling siyang gumawa ng apoy. Tulungan mo roon si Hardhie.""Kaya na niya iyan nang mag-isa.""Baka bago pa siya matapos, tirik na ang araw.""Lola, alas dose pa lang. Hindi siya riyan aabutin ng anim na oras.""Bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Sige na."Hindi naman masama o mabigat ang loob ni Amira nang sundin ang utos ng kanyang lola. Natutuwa nga siya dahil mas boto ito kay Hardhie para sa kanya. Kaya lang hindi nito alam ang sitwasyon nila na wala silang malinaw na relasyon."Bakit ba ang tagal mo riyan?""Hindi ako marunong.
"WALA ka man lang sasabihin?""Ano bang dapat kong sabihin?""Khal had Yeonna with a 100-day contract. It's interesting, right?""Alam ko iyon.""Oh, really?""Actually, it was my idea.""Wow. Tama nga ang first impression ko sa iyo kanina. You're an interesting person.""Ang ideya ko lang ay magpanggap sila na may relasyon. Para tumigil na si Jacquin na kulitin nang kulitin ang kapatid ko. You know that woman, right?""She's a nuisance.""Exactly. But the rest of my idea, Kuya did it.""So, ideya niya ang tungkol sa kontrata. Matalino siya to come up with that idea. And the result came out so well for him.""Ibig sabihin, they are meant for each other.""Naniniwala ka sa tadhana?"Umiwas siya nang tumitig sa kanya si Kenji nang nakangiti. "Oo naman.""Tadhana ba ang nagdala sa akin dito ngayon?""Hindi," deretsahan niyang tugon sa naging tanong ni Kenji."Huh?""Si Kuya ang nagdala sa 'yo rito."Malakas na natawa si Kenji na nagpainit naman ng ulo ni Hardhie na nakatanaw pa rin mula
"MASARAP magluto ang pamilya mo."Ngumiti si Amira. "Salamat.""Kahit isa akong chef at nakatikim na ng maraming klase ng mga pagkain sa iba't ibang restaurants ay iba pa rin talaga ang lutong-bahay lalo na kapag niluto iyon ng mga taong nagpasaya sa puso ko."Ngiti lang ang naging tugon ni Amira. Wala siya sa mood para sa mahabang usapan. Or, baka hindi niya lang gusto ang topic na kanilang pinag-uusapan.No. She just does not want the one she is talking to. Guwapo naman si Kenji, mukha ring mabait. But her stupid heart goes to someone na nasa harapan lang nila.Iba nga ang tingin ni Hardhie sa dalawa na magkatabing nakaupo sa lover's swing."Huwag ka ngang obvious diyan," sita ni Yeonna. "Sinabi ko na sa 'yo na maging natural ka lang.""Bakit ba kailangan nilang maupo roon? That's only for lovers!""That's for everyone," pagtutuwid ni Yeonna. "Haist! Magda-drama ka. Kasalanan mo rin kasi dahil masyado kang makupad.""Gusto ko lang paghandaan ang lahat.""Pero tingnan mo ang nangyari