“W-WHAT?”Mula sa pagtanaw ni Khal sa labas ng salamin na dingding na nakapalibot sa buong opisina, hinarap nito si Yeonna, “Are you surprised or delighted? Kapag ibang babae ang sinabihan ko niyon ay siguradong nai-broadcast na nila iyon. And that's the scenario na gusto kong iwasan. So, pretend to be my girlfriend. I know you can keep a secret.”Naiiling na natatawa si Yeonna. “I'm free after work. Samahan kita sa psychiatrist. Mukhang malala ang kondisyon ng utak mo.”“Makinig ka muna sa akin.”"No. Wala akong oras para makinig sa 'yo..." Sinulyapan niya ang suot na relo, "Malapit nang matapos ang duty ko. I'll prepare the car.""Listen to me first." Bumalik si Khal sa swivelchair nito. “I really need to get rid of Jacquin, my childhood friend. The one Amira mentioned to you last time.”“Puwede mo namang gawin iyon nang hindi ako magpapanggap na nobya mo. Just tell her na wala pa sa bokabularyo mo ang pumasok sa isang seryosong relasyon.”Umiling ito. “It’s not that easy. Her famil
DAY 14"HINDI ka pa rin ba nakakapag-desisyon?"Napasulyap si Yeonna sa rearview mirror mula sa pagmamaneho. Pauwi na sila. At iyon na ang ikaanim na tanong ni Khal sa kanya sa halos buong araw."Well, I was just checking kung naaalala mo pa ang usapan natin."Napailing si Yeonna nang ibalik niya ang tingin sa tinatahak ng sasakyan. "Akala ko ba bibigyan mo ako ng sapat na panahon para makapag-isip?""Yes, yes. Of course. Take your time."Hindi umimik si Yeonna."But..." Nag-alinlangan ito sa sasabihin, "Dad might get weary about Amira. He's not a fool para hindi mahalata that she's delaying the time para muli akong kulitin at kausapin tungkol sa pag-aasawa ko. I hope you know what I mean.""Hindi madali ang gusto mong ipagawa sa akin." Sinulyapan niya si Khal mula sa backseat. "I hope you know what I mean," pag-uulit niya sa naging huling linya nito. "Pulis ako. Hindi actress. So, acting is not my forte.""Right, right. Take your time."Hindi na nagkibuan pa ulit ang dalawa hanggang
DAY 15"MA'AM..."Napatingala si Yeonna mula sa pagbabasa ng magazine."Ice coffee."Napatingin muna siya sa isa sa mga assistant ni Khal na lalaki bago niya sinulyapan ang iniaabot nitong kape. Nakaupo lang siya malapit sa pinto ng opisina ng amo. Designated area niya iyon kapag nasa trabaho."Pinabibigay po ni CEO Dee.""Ulit?""Opo."Napatingin siya sa label ng coffee cup. "Inutusan ka pa niyang bumili sa labas? Hindi ba’t may cafeteria sa baba?""Mas masarap daw po kasi riito ang kape..." Bahagya nitong iniangat ang hawak na cup, "Kunin niyo na po."Gusto sana niyang tumanggi dahil iyon na ang ikaapat sa anim na oras pa lang niyang duty roon. "Salamat. Pero please, pakisabi na lang sa kanya sa susunod na dilat na dilat pa naman ang mga mata ko. Hindi ko ugali na matulog kapag oras ng trabaho ko.""Sige po."Napakamot sa ulo ang lalaki nang umalis ito habang naiiling naman si Yeonna sa kakaiba na namang ikinikilos ni Khal."Ma'am..."Muling napatingala si Yeonna. Isang oras pa lang
DAY 16ITINIGIL ni Yeonna ang sasakyan nang makapasok siya sa driveway. Sa unang linggo niya sa trabaho, naghihintay lang siya sa Golden Royals nang pagdating ni Khal. Pero sa ikalawang linggo ay iniutos na nitong sunduin ito sa mismong bahay nito.Wala namang problema sa set-up na gusto ng kanyang amo. Mas pabor sa kanya iyon.Ang hindi lang niya maintindihan, naiinis ito kapag hindi siya nakakarating sa oras na itinakda nito. Pero tinutubuan naman siya ng ugat sa paghihintay rito.Tulad ngayong araw. Inabisuhan siya nito na agahan. Pero kahit anino nito ay hindi niya makita sa paligid."Gosh! Ilang oras na naman kaya akong paghihintayin ng hambog na 'yon?""Yeonna!"Napalinga siya at hinanap ang tumawag sa kanya. Natanaw niya ang umpukan ng mga katulong na nasa tagong bahagi ng veranda.Pinagala muna niya ang tingin sa paligid para siguraduhin na siya ang tinawag ng mga ito kahit malinaw niyang narinig ang pangalan. Lumapit siya sa grupo."Anong meron dito?""Halika."Hinila siya ng
"BABE, okay ka lang?"Palihim na siniko ni Yeonna sa tagiliran si Khal at bumulong dito, "Ano na naman ba ito?""Another stage for us," anas din nito na sinabayan uli ng paghalik sa pisngi para hindi mahalata ang palitan nila ng salita. "Bakit parang namumutla ka yata? Whoa! Buntis ka na ba?"Lalong nanlaki ang mga mata ng katulong na nakatunghay pa rin sa dalawa."Tumigil ka na," pasimpleng saway ni Yeonna na may kasamang pagbabanta ng tingin."Ah. Siguradong gutom ka lang," wika ng binata nang nakangiti. Saka lamang nito pinansin ang mga katulong. "Bakit kayo nandito sa labas?""Sir, may gusto lang kaming linawin?""Ha? Ano 'yon?""Si Yeonna ba ang dahilan kaya maaga akong gumising para magluto? At hindi lang tatlong ulam na lagi kong ginagawa sa 'yo kundi anim.""Uhm." Tumango ito. "Para marami siyang pagpipilian. Ayoko siyang magutom."Napasapo sa noo si Yeonna at plinantsa ang pagkakakunot niyon. Kung puwede lang sanang hilingin na lamunin na lang siya ng lupa."At siya rin ang h
DAY 17"SEE YOU AT THE OFFICE. TAKE YOUR TIME"Binigkas nang paulit-ulit ni Yeonna ang natanggap na mensahe mula kay Khal. Baka kasi nagkamali siya dahil basa pa ang mukha niya sa paghilamos.Dapat eksaktong 7:30 ay nakarating na siya sa bahay nito. Kaya 5:30 pa lang ay gising na siya para may oras pa siyang maghanda ng sarii.Nadako ang tingin ni Yeonna sa orasan na nakasabit sa dingding. Five minutes to six pa lang. At kaka-send lamang ng message. Hindi iyon pinadala sa kanya ng gabi."Ang aga naman niya? At least, hindi ko na kailangang magmadali." Iniunat niya ang mga braso at saka humikab. "Sana kahapon niya pa sinabi para hindi ako maagang gumising."Inihanda niya lang muna ang isusuot at nagluto ng kanyang almusal."Ano kayang nakain niya at hindi siya magpapasundo ngayon?"Biglang naalala ni Yeonna ang naging maganang almusal nila ni Khal maging ang lunch at dinner nila.Yes, they had three meals together yesterday. And it's the first time after working with him for more than
DAY 18"SEE YOU AT THE OFFICE. TAKE YOUR TIME."Mabilis na tinungo ni Yeonna ang isang nakabukas na bintana at saka sumilip sa labas nang makatanggap na naman siya ng parehong mensahe kay Khal.Wala roon si Amira. Kahapon ay hindi na siya nakapunta ng Golden Royals dahil kung saan-saan siya dinala ng dalaga. They went shopping, dine again, went to museum, dine again, went to a beauty parlour, and dine again. Naubos ang buong araw niya sa kabubuntot dito.Ang nakakapagtaka, hindi man lang siya nasermunan ni Khal. Hindi katulad noon na ma-late lang siya ng limang segundo, uulanin na siya ng katakot-takot na litanya na dinaig pa ang pari na may whole day mass."Teka. Iniiwasan niya ba ako?"Nagpalakad-lakad siya at napaisip. Saka niya naalala ang proposal ni Khal noong mag-almusal sila sa bahay nito."Inisahan niya lang ba ako? Ang totoo, wala naman talaga. Gusto niya lang na makahalik at maakbay sa akin!"Napatigil si Yeonna sa pagpalakad-lakad at napatitig sa kawalan na parang may real
"WHAT are you doing?"Biglang natauhan si Yeonna sa ilang segundong pagkakatulala nang narinig ang malagom na tinig ni Khal. At saka rin lamang niya nakita ang posisyon mula sa pagkakabuwal sa kama.Nakahawak sa hubad na dibdib ang isa niyang kamay habang ang kabila naman ay nasa ibaba. At nanlaki ang mga mata niya nang makita ang matigas na 'bagay' na kahit may nakatakip na puting kumot ay nakahulma pa rin doon ang umbok na animo'y nililok ng isang bihasang iskultor dahil halos perpekto iyon sa paningin ng tulad niyang anak ni Eba. "Darn!" pagmumura ng dalaga.Mabilis siyang tumayo. Pero natataranta siya kaya muli rin siyang nabuwal pabalik sa posisyon at muntikan pang sumubsob ang kanyang mukha sa 'umbok' na para nga yatang dumagdag ang laki sa ilang segundo pa lang na pagkakalingat niya ng tingin dito."What a sight!"Napatingin ang dalawa sa direksyon ng pinto. At inipon na ni Yeonna ang natitira na lakas upang makatayo nang makita si Amira na abot-tainga ang pagkakangiti."Wala
"WE are one step ahead to our enemies..."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna na nasa backseat habang nakaupo naman sa front seat si Chief Bragaise. Kasama nito ang isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan na nagmamaneho ng kotse na sinasakyan nila."I just hope that it won't alarm them.""Unless there's a mole," kumento ni Khal."Mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ni Chief," wika ni Yeonna nang sulyapan ng asawa ang driver. "Isa na roon si Bart.""Maaasahan niyo ako."Tinanguan ni Khal ang driver nang magtama ang mata nila sa rearview mirror. "No offence. Sa dami ng mga taong nagtraydor sa akin, mahirap na para sa akin ang magtiwala.""We understand." Ginagap ni Yeonna ang isang kamay ng asawa at marahan iyon na pinisil. "But I can tell you na puwede kang magtiwala sa amin.""Of course, I trust you."Ngumiti si Yeonna. "And I trust them," tukoy niya kina Chief Bragaise at Bart.Tumango-tango lang si Khal."Malapit na tayo," anunsiyo ni Chief Bragaise nang matanaw ang isa sa pinakamataas na
MULING napapikit si Yeonna nang sumalubong sa pagdilat niya ang nakakasilaw na liwanag."You're finally up."Idinilat niya ang isang mata. Nakita niya si Khal sa kanyang tabi na nakatagilid ng higa paharap sa kanya. "Hhmmm," maikli niyang tugon saka bumaling ng tingin sa direksiyon ng mga bintana. Nakahawi na roon ang mga kurtina kaya pumapasok na ang sikat ng araw sa loob. "Ano na bang oras?""Oras na para bumawi ka."Sinulyapan muna ni Yeonna ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Alas onse na. Saka niya ibinalik ang tingin sa asawa nang inis itong bumangon."Clearly, wala ka na namang maalala."Napasapo siya sa ulo. Ramdam niya ang pananakit niyon. "Anong nangyari? May ginawa ba ko?""Pinaghintay mo lang naman ako.""Pinaghintay? Bakit? Saan?"Itinuro nito ang kama, "Right here.""At nasaan ako?""Right there..."Sinundan naman ng tingin ni Yeonna ang pagturo ni Khal sa direksiyon ng banyo. "Anong ginagawa ko roon?""What do you think?""Uhm, naligo? Alam mong matagal akong ma
DALAWANG beses nang nagpalit ng ice sa bucket si Khal. Pinatay at sinindihan niya na rin ng ilang ulit ang mga scented candles. Inayos ang mga ikinalat niyang petals ng mga red roses sa sahit at kama. Naiinip na siya. Nawawala na ang init ng kanyang katawan na nasasabik na para sa haplos at dantay ng asawa.Muling napasulyap si Khal sa direksiyon ng pinto ng banyo. At saka siya tumingin sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Halos kalahating oras na sa loob si Yeonna. Naririnig naman niya ang lagaslas ng tubig sa dutsa."Women!" wika niya nang naiiling.Alam ni Khal na matagal mag-ayos ng sarili si Yeonna lalo na kapag mayroon silang mahalagang lakad. Ganoon din naman si Amira. Madalas iyong ipaalala sa kanya ng dalawa sa tuwing bagot na bagot na siya sa paghihintay."Haist! What took her so long?" Tumayo siya at saka maingat niyang idinikit ang tainga sa nakasarang pinto. Pinakinggan niya ang komosyon sa loob. "Sweetie?"Walang tugon na narinig si Khal maliban lang
"MY Prince!""Jeez!" Maagap na nahawakan at nasalo ni Khal ang paika-ikang asawa na muntik nang mawalan ng balanse. "Alam na alam mo ang bahay ko kahit lasing ka."Yumakap si Yeonna kay Khal. "Of course. My heart says that my prince is just right here." Nakangiti itong tumingala. "Honey, did I keep you waiting? But, don't worry, sweetie. I'll compensate it with a kiss..."Iniharang niya ang palad sa tumulis na labi ng asawa. "Hindi kita hinintay.""Haist! You're hurting my feelings. Sa susunod, magsinungaling ka naman. Alam mo ba na habang nasa taxi ako, iniisip ko na ang senaryong ito?""About what?"Namilipit ito sa kilig. "About our intimate kiss.""I'm not in the mood to kiss someone or anyone tonight.""Don't lie. For sure, nagpapakipot ka lang."Muli niyang iniharang ang palad sa harap ng tumulis na naman na bibig ng asawa. "I don't lie.""Hindi nga?"Nakita ni Khal na napaisip si Yeonna sa kanyang sinabi. Marahil ay sumagi rito ang ginawa nilang pagpapanggap para sa isang peken
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n
"OUCH!""Haist!" Sandaling itinigil ni Yeonna ang paggagamot kay Amira. "Masakit ba?"Tumango ito."Masakit pala. Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo."Napayuko ng ulo si Amira habang itinuloy naman ni Yeonna ang paglalagay niya ng ointment sa bago nitong mga sugat mula sa batong-panghilod."Bago ka magmahal ng iba, unahin mong mahalin ang sarili. Para kung sakali mang saktan ka o iiwan ng taong minahal mo, mayroon pa ring bahagi sa puso mo ang tutulong sa 'yo na muling makabangon at magmahal ulit.""Mahal mo ba si Kuya Khal?"Napaangat si Yeonna ng mukha. "Huh?""Alam ko na nagpanggap lang kayo noong una.""Mahal ko siya.""Kailan mo iyon naramdaman?"Napangiti si Yeonna. "Uhmm, I think on our first kiss. Hindi na siya noon nawala sa puso ko kahit ilang beses itanggi ng isip ko na imposibleng mahalin ko ang tulad niyang arogante at saksakan ng hambog.""Did you give it all?""Huh? Ang alin?""Your heart and love."Muli itong napangiti. Amira is reminding her tungkol sa naging pa
"WE'LL see you tomorrow."Tumango lang sina Yeonna at Khal bilang tugon sa sinabi ni Chief Bragaise bago ito nagpaalam. Nauna na rito si Atty. Llorin."Mum, really pave my way.""Ganoon naman talaga ang mga ina. Well, siguro hindi lahat ng nanay. Pero marami akong kilala na gagawin talaga ang lahat para sa kabutihan at kaligayahan ng mga anak nila." Humarap siya kay Khal. "Kaya huwag kang masyadong ma-guilty kung anumang klase ng buhay ang naranasan niya rito."Nakangiti nitong ginagap ang kamay ng asawa at masuyo iyong pinisil. "Ano kaya ang gagawin ko kung wala ka?""For sure, maglalasing ka."Natawa ito. "Kilalang-kilala mo na ako.""Kahit hindi ko natapos ang 100-days contract ko, marami na rin akong alam tungkol sa 'yo. Wala ka nang maitatago sa akin."Muling natawa si Khal nang suyurin ng tingin ni Yeonna ang katawan nito. "Are you seducing me right now?""No," sabay papungay niya ng mga mata na may kasama pang pagkagat sa labi. Napatili si Yeonna nang buhatin siya ni Khal. "Hey
HINDI na ipinasok ni Khal ang kotse sa loob ng bakuran. Itinapat lang niya iyon sa nakabukas nang gate. Katabi niya si Yeonna habang nakatulog sa backseat ang kapatid na marahil ay inantok dahil sa matagal nitong pag-iyak.Sandali munang hinayaan ng dalawa na mamagitan sa kanila ang katahimikan."This is the result we really wanted, right?" ani Yeonna nang marinig ang malalim na pagbuntong-hininga ni Khal."Yes. But it's still hard to sink in. Parang panaginip lang.""Gusto mo bang maging panaginip lang ang nalaman natin ngayon?"Umiling si Khal."Nahihirapan ka lamang tanggapin ang totoo dahil nagkaroon ka rin naman ng masasayang alaala kasama ng nakilala mong ama.""No. I was thinking about mum. She's the one who suffered the most. Her marriage with him is a living hell for her."Inabot nito ang kamay ng asawa at saka iyon pinisil. "For sure, pinunan mo naman ang lungkot at pagdurusa niya. Mahal na mahal ka ng mama mo. Hindi ko man siya nakilala, pero nakita ko sa loob ng condo mo a