Share

30 Days to Fall in Love
30 Days to Fall in Love
Author: J.A

Kabanata 1

Ang Pagbabalik ng Mokong

Nakakatamad bumangon lalo pa't malalaman mong padating na ang taong sana ay kinidnap na lang ng mga alien.

"Haya! Better get up na! Ilang minutes na lang ay nariyan na si Vincent."

Mom said while fixing my dress na binili pa niya para sa araw na 'to.

Bakit ba aligaga ang lahat? Eh, si Vincent lang naman 'yon? Nothing new at mas lalo't higit sa lahat, nothing interesting!

"5 more minutes pa Mom! Tinatamad pa 'kong bumangon!" Halata sa boses ko ang katamaran.

Ngunit sadyang mapilit si Mommy.

"No! Hindi maganda sa record natin ang paghintayin ang family nina Vincent roon. Get up! And fix your self na!" Utos ni Mommy.

Mabilis akong bumangon sa aking kinahihigaan. Walang pakeelam sa messy hair at tinatamad na looks.

"Mom, do I really need to do this?" seryoso kong tanong.

Lumapit sa akin si Mommy at hinawi ang aking buhok na nasa mukha.

"Hija! Isipin mo na lang na ikaw na lang ang last chance para manatili pa rin sa taas ang Montero Corporation. We need this dahil maraming pamilya ang umaasa sa atin. 'Di ba 'yon naman ang gusto mo anak? Kapag walang sasalo sa 'min ng Daddy mo, maraming empleyado ang kakalam ang sikmura," She explained.

Nanatiling nakasimangot ang mukha ko dahil sa sinabi ni Mom. I have to sacrifice my own happiness for other's happiness.

I get it but still couldn't get it. Ang gulo.

Hay buhay. Ni hindi ko pa na-eenjoy ang pagkadalaga ko tapos ilang oras na lang matatali na 'ko. I really couldn't imagine na siya pa ang magiging asawa ko.

Yuckness! Over my dead body, hinding hindi siya makaka-score sa 'ken! Never!

Nasa sampung taong gulang pa lang kami noong magkita kami ni Vincent Herrera. Anak at nag-iisang tagapagmana ng pinakakilalang kompanya ng mga alak sa buong bansa maging sa mga karatig nito. Noong panahon ding 'yon nagkasundo ang aming bawat pamilya patungkol sa mangyayari ngayong araw na 'to. Parehas kaming solong mga anak at tanging kami lang ang pwedeng magpatuloy sa nasimulan na magandang performance sa busuness industry ng aming mga angkan. So, noon pa lang talaga ay itinali at ipinagkasundo na kami sa isa't-isa.

Samantala going back to the present, para pa rin akong lantang gulay na lumakad patungo sa may sink upang mag-toothbrush.

"Kakabwisit! Bakit pa kasi naging Montero ako? Pwede namang ginawa na lang akong pusa o daga o aso! Mas tahimik pa ang buhay!" singhal ko habang nagsisipilyo at nakatingin sa salamin.

Mommy bought an elegant white puffed dress for me. Ito raw ang isuot ko ngayon at nag-hire pa ng make-up artist at hairstylist para raw sa importanteng araw na 'to.

Of course, dahil pasaway ako, sinunod ko pa rin ang style na gusto ko at kung saan ako komportable.

"Ms. Haya malalagot kami nito sa Mommy mo! Please kahit konting blush on lang!" Pagmamakaawa ng make up artist na si Skye habang hawak ang make-up brush.

"Tch. Don't worry! I can handle this." Sabay kindat sa kaniya habang sinusuot ko ang aking ked shoes.

"Ms. Haya kahit konting plantsa lang ng buhok!" ani Lauren, ang aming family hairstylist.

"N-no! Huwag mo gagalawin ang buhok ko. Just give me that clam," utos ko sa kaniya sabay nguso sa kinaroroonan nito.

Konting pulbo, tint at suklay ayos na ayos na.

Napakamot na lamang sa ulo sina Skye at Lauren dahil sa kakulitan ko.

Ayoko rin isipin ng mokong na 'yon na masyado kong pinaghandaan ang pagdating niya. Eeeewww.

Pagkatapos ko mag-ayos, nagtungo na ako sa parking kung saan naroon na si Mommy.

"Haya? Look at your self? I bought you dress 'di ba?"

Deretso lang akong pumasok sa sasakyan na tila walang narinig at walang pakeelam.

Napailing na lang si Mommy sa suot kong plus size at loose na t-shirt plus baggy pants at ked shoes.

Wala na rin siyang nagawa dahil sobrang late na kami sa alotted time na sinet nila.

Nauna na rin umalis si Daddy dahil may dadaanan pa siya sa office.

Ang kontrata.

Patuloy pa rin sa pagbubunganga si Mommy sa loob ng sasakyan kaya kinuha ko na lang ang headphone ko sabay salpak sa aking tainga.

Blah. Blah. Blah.

Buti nga sumama pa 'ko sa kanila, eh kahit labag na labag talaga sa loob ko.

I heard naroon na ang mga Herrera except Vincent dahil syempre paimportante ang pangit na 'yon.

Pagkababa ng sasakyan, kinonvoy na agad kami ng mga body guards ng mga Herrera papasok sa venue.

Napaka elegante ng lugar at talagang mga mayayaman lamang ang nakakapagpa-exclusive sa ganito.

"Umayos ka Haya, ha!" bulong sa akin ni Mommy habang papalapit na sa kinaroroonan ng mga Herrera. "Oh, Mr. and Mrs. Herrera, sorry for waiting. Medyo na-late lang kasi ng gising itong si Haya. Napuyat yata sa excitement na makita si Vincent!" Sabay beso-beso.

"Excitement? Eh mas gusto ko pa nga tumunganga maghapon sa bahay at kausapin ang mga ibon kaysa makita 'yang Vincent na 'yan!"

Pampigil ako ni Mommy at tinakip ang kaniyang kamay sa aking bibig.

"Naku, pag pasensyahan nyo na si Haya at baka masama lang ang gising!" palusot ni Mommy. "Anyway, oh Hon!" Sabay dating ni Daddy.

Ni-head to foot ako ni Dad samantalang ako ay patay malisya lamang. Kung wala siguro kaming ibang kasama do'n, nasermonan na niya rin ako.

"A-ah, ayos lang 'yan! Ganang babae nga ang gusto ni Vincent...simple lang."

Sabay hawak sa aking likuran ni Mrs. Herrera. I just smiled back at her para hindi naman awkward.

"Oh! Nariyan na pala siya!" Sabat ni Mr. Herrera.

Napalingon kaming lahat sa may main door ng venue.

Si Vincent Herrera! Nandyan na siya!

Matangkad, maputi, feel na feel ang suot na sunglasses at ang longsleeve na black with fitted black jeans.

Feeling model ang mokong ng pumasok sa venue sabay hawi sa kaniyang wet look hairstyle.

"Hey! Akala niyo artista noh?" Sabay ngising aso.

"Kapal!" bulong ko sa sarili sabay siko sa akin ni Mommy.

Pinangunahan na ni Mrs. Herrera ang paglapit sa mahangin na anak na gwapong gwapo sa sarili at pinasalubungan ng halik sa pisngi at yakap.

I stayed to my seat. Wala akong pake. Bakit ko naman siya i-wewelcome, eh ako ang No. 1 na may ayaw sa kaniya rito. Pwe.

"So, let's have a seat!" Sabi ni Mr. Herrera.

Matalim ang tinginan namin sa isa't isa. Ewan ko ba,kahit wala naman siyang ginagawa, naiinis talaga ako sa hitsura niya.

"Haya! Hindi mo man lang ba babatiin si Vincent? I thought sobra mo siyang na-miss!"

Medyo pala-desisyon din si Mom sa part na 'yon.

Napahagalpak na lang ako sa tawa sabay sabing, "'Yan? Ma-mimiss ko? Tch. Over my dead body!"

Hinubad niya ang suot na sunglasses at inilagay sa kaniyang ulo.

Mas binigyan niya ako lalo ng isang masamang tingin sabay higop sa glass of wine na nasa lamesa.

"Aah..eeh..Naku! Vincent, pagpasensyahan mo na si Haya, ha! Medyo wala lang siya sa mood,hijo!" ani Mom.

Agad namang nagsalubong ang dalawa kong kilay.

"Mom! Huwag ka nga humingi ng sorry sa mokong na 'yan!" Naiirita kong sabi.

Nanlaki ang mga mata nila sa aking sinabi na isang mokong si Vincent.

I will try to ruin this f*king lunch para naman matauhan sila na ayoko talaga ng mga kasunduang ginagawa nila!

I hate them! I want Vincent to feel na muhing-muhi ako sa kaniya para siya na ang maunang sumuko at bumigay sa kalokohang fixed marriage na 'to.

Pero mukhang hindi talaga sila natitinag. They will do what they want!

"Tutal, we're already complete, I will show you now the contract na ginawa at napagkasunduan ng bawat parties," Mr. Herrera explained while holding the contract....of death.

Iniabot nila sa aming dalawa ni Vincent ang dalawang copy ng kontrata.

**Love Contract**

Highlight..

10. Fall in love within 30 days before wedding.

Nanlaki parehas ang aming mga mata sabay sigaw,

"Are you all freaking serious?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status