Share

Kabanata 2

Sa Condo

Sobrang nakakainis na talaga! Pati ba naman ang sagradong bagay gaya ng LOVE ay kailangang sapilitan na?

Magpapakasal. Oo pwede kasi pwede naman ako makipag-divorce after. Pero 'yung pipilitin namin ang mga sarili namin na mahalin ang isa't-isa parang sobra na.

Hindi ko alam kung ano'ng mga tumatakbo sa mga utak nila pero they are all selfish!

"Nakakabwisit talaga!" singhal ko habang nakasakay sa back seat ng aming Mercedes - AMG One.

Tila wala namang pakeelam ang katabi kong feeling gwapo dahil abala sa kausap nyang nasa kabilang linya. Puro landian lang ang aking naririnig. Nakakasuka talaga!

"Grabe! Mayabang na nga insensitive pa! Nakakabwisit talaga lalaki na'to!" pagmamaktol ko.

We are now heading sa condominium na binigay ng mga Herrera para maging pansamantala naming tirahan daw ni Vincent.

Bente tres pa lang ako, pero parang minamadali na ang lahat. Ngayon naman ay kailangan ko ng umalis sa aming bahay at lumipat na kasama ang Vincent na 'to! Minsan napapaisip na lang ako kung mahal ba talaga ako ng pamilya ko. They are all desperate!

Hanggang sa makarating kami ay panay pa rin ang pakikipaglandian ni Vincent sa kausap.

"Okay, babe! See you later, ha! I so f'king miss you!" Kagat-labi niyang sabi sa kausap.

Hanggang sa pagbaba ng phone hindi pa rin mawala sa mukha niya ang ngising nakakapag-painit ng dugo ko. Kung para sa mga babae niya ay killer smile 'to, pwes sa 'kin gusto ko maging killer at siya mismo ang patayin.

Matapos replayan ang ka-chat, bumaba na siya ng sasakyan.

I waited na pagbuksan niya rin ako ng pinto pero bakit nga ba ako umasa? Eh, hambog nga pala ang lalaking mapapangasawa ko!

"Hindi man lang ako pinagbuksan! Bwisit talaga!" Padabog kong sinaraduhan ang pinto.

Iniwan na kami ng driver sa sikat na hotel sa bansa ang La Cecilia Hotel.

Bukod sa mga mayayamang businessmen, may mga opisyal rin ng pamahalaan ang may sariling suite dito gaya ng presidente.

Dumeretso kami sa may reception to check our suite number.

Kahit ang receptionist ay halatang kilig na kilig sa hitsura ng mokong na 'to.

"Miss--!" malambing na sabi ni Vincent sa receptionist.

Agad naman itong pinutol ng babae. "Yes Sir! Naitawag na po sa amin ni Mr. Herrera! Room 987 po kayo!" halatang sasabog na ang mukha ng babae sa kapulahan.

"Good! That's why I really love this hotel! Bukod sa mga magaganda ang mga staff, mga attentive din!" Sabay hawak sa baba ng babae na aatakihin na sa kakiligan.

Bago pa man ako masuka sa mga banat ng mokong na 'to, nauna na ako umalis at nagtungo na sa elevator papunta sa room na binanggit ng babae.

Pero kapag minamalas ka nga naman pati sa elevator solo lang kami.

"Hey!" Tawag niya sa 'kin mula sa aking likuran na ngumunguya-nguya pa ng bubble gum at nakasandal sa may side ng elevator.

Wala naman akong pake at patay malisya na nakatingin sa taas habang nakahalukipkip ang aking mga kamay.

"You're Haya right?" dugtong niya.

Napasinghal ako at humarap sa kaniya.

"Manhid ka ba? Hindi ba obvious na ayaw kitang kausap?" Sabay irap sa kaniya.

Napatawa lang siya ng nakakaloko sa sinabi ko.

Bwisit na 'to! Hindi mo alam kung tanga ba o nagtatanga-tangahan lang. Future wife niya nagaalinlangan pa sa pangalan?!

"Why you're so mean? Im just asking! May dalaw ka ba?" Pang-aasar niya.

"B-bastos ka talaga noh!" Naguumpisa ng mamula ang mukha ko at buti na lang nakarating na kami sa floor kung nasaan naroroon ang suite namin.

Nauna siyang lumabas at sinadya pa akong sagiin.

Napailing na lang ako.

"Haya! Kalma! Pagsubok lang 'yan!" Sabay buntung-hininga ko.

Tunay na napakaganda ng suite na 'to. Maaliwalas at nakakadagdag ng ambience ang balcony na nasa bandang silangan. Pero isa lang ang napansin ko...

Iisa lang ang kwarto??

"What the--?" Iyamot kong sabi."Nananadya ba sila? Bakit isa lang ang kwarto?" Inis na dugtong ko.

Samantalang alak agad ang hinanap ng mokong sa may fridge.

"So what's the matter?" Nakatingin niyang tanong sabay upo sa may sofa.

"Anong what's the matter ka diyan? Sa tingin mo ba maaatim kong katabi ka sa pagtulog? Over my dead body Vicente!" Hiyaw ko sa kaniya.

"Not a big deal, thou! Sa kwarto ako tapos dito ka sa sofa. Problem solved ba?" Napaka lakas talaga ng confidence ng mokong na 'to." At isa pa, Vincent not Vicente!"

Sa inis ko, lumapit ako sa kaniya at umupo sa sofa na kinauupuan niya.

"Hoy, lalake! Ipapaalala ko lang sa'yo, hindi ako sang-ayon sa kasunduan ng mga pamilya natin!"

"Me too."

"At pangalawa, kung mananatili ang ganitong set-up, dito ka sa sofa at ako sa kwarto!"

"I disagree!"

"Pangatlo at panghuli, wala kang karapatang kontrahin ako. Gets mo? At itatawag ko sa 'yo kung ano'ng gusto kong itawag!"

Pagkalagok sa iniinom na beer. Bigla siyang humarap sa 'kin.

"Are you done?" Tuso niyang tanong na parang nang-aakit.

Bigla akong kinabahan sa inaasta niya ngayon.

"A-ahm, n-nakalimutan ko. P-pang-apat, b-bawal ka lumapit sa 'ken! G-gets?" Utal kong sabi.

Bumalik muli siya sa pagkakasandal sa sofa at ginulo ang wet look niyang buhok.

"Damn! Hindi ko rin kayang makasama sa iisang lugar ang isang maingay na kagaya mo! Hindi pa kita asawa pero napaka-nagger mo na! F*ck!" Bawi niya.

"'Yun 'yung point! Parehas naman nating ayaw 'to eh! B-bakit hindi ka na lang bumalik sa Amerika tapos kunware may nabuntis ka do'n na kailangan mo panagutan!? 'D-di ba? Bright idea?"

"Are you damn crazy?" Kunut-noo niyang sagot. "New York is f*cking awesome pero sawa na ko sa mga girls do'n! Kaya nga I decided na bumalik dito sa Pilipinas, eh!"

"Oh, eh pano na tayo? I mean kailangan nating mag-isip ng plano para hindi matuloy ang kasal. 'Di ba 'yun din naman ang gusto mo?"

"Yes. But not now!"

"Ano'ng not now? Niloloko mo ba 'ko, ha?" Nagsisimula na akong mainis.

"You know what! Bored na bored na 'ko sa buhay ko. I mean...babae, bar, party.. Nakakasawa na. Kaya nga tinanggap ko ang hamon nila sa f*king contract na 'yan dahil mukhang exciting!"

Biglang nagusok ang ilong ko sa narinig ko.

"Aba! At na-eexcite ka pa? Pano naman ang kaligayahan ko? Paano naman ako?" Sigaw ko sa kaniya.

"Just shut your mouth for a second, please! Nakakarindi ka kasi!" Halatang naiinis na nga siya sa kaingayan ko. "Ganito, my iba ka ba nagugustuhan?" Seryoso niyang tanong sa 'kin.

"A-ano namang pakeelam mo?" Sabay irap ko sa kaniya.

"Damn it talaga! Hindi mo gets ang logic! Meron ba o wala?" Pigil niyang tanong.

"Eh ano naman kung meron?"

"That's it! Bakit hindi mo i-pursue?"

"S-saglit nga lang! Naguguluhan kasi ako sa'yo, eh! I-explain mo nga ng ayos 'yang plano mo!"

"Grabe! May utak ka pa ba?"

"Kaya nga pinapaexplain eh, engot ka ba?"

"Ganito... ang plano ko, iibahin natin 'yung nakalagay sa kontrata na.. within 30 days ay kailangan nating ma-inlove sa isa't isa. Ngayon, ang gusto kong mangyare, within 30 days...kailangan ma-fall tayo sa iba para parehas na tayong may magandang dahilan para makawala sa fixed marriage na 'to,"

Infairness, akala ko puro hangin lang ang laman ng ulo niya may kaunting utak rin pala.

"Ano? Gets mo na ba? O ulitin ko pa from the top?" Tanong niya habang nakatingin sa 'kin.

"Palagay mo sa 'ken bobo? Syempre gets ko. Kaso--" bigla ako napaisip.

"Kaso ano?"

"Kaso...mukha namang hindi ako gusto ng gusto ko , eh!" Bigla nagbago ang hitsura ko.

"May bago ba diyan?" Pangaasar niya sabay tawa.

"Ano'ng nakakatawa? Baliw ka na ata!"

"Can I see that guy? kahit picture?" Sandali siyang tumigil at hinara ang kaniyang kamay sa aking harapan.

Magtitiwala ba ako sa plano ng pangit na 'to? Pero sige,sa ngayon sasakyan ko muna ang trip niya.

"Okay, wait lang!" Kinuha ko ang aking phone at inopen sa social media.

While typing...

Gan Villaflor

"Oh, ayan!" Sabay abot sa kaniya ng aking phone.

"Gan Villaflor?" Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. "Damn! I know him!"

"Seryoso? As in?" usisa ko sa kaniya habang hinihila hila ang manggas ng suot niyang long sleeve.

Alam ko noon pa lang may mga kaibigan na si Vincent. Mga childhood bestfriends. Dahil nga hindi ako interesado sa kanya, wala akong balak kilalanin kung sino-sino ang mga 'yon. Until, isa pala roon si Gan. Isa sa mga best of friends niya si Gan Villaflor.

Tinitigan niya ako from head to toe.

Bigla kong itinakip ang aking dalawang kamay sa aking dibdib.

Pero isang malakas na tawa lang ang sinukli niya sa akin.

"Parang tanga lang? Ano ba kasi 'yon?" Unti unti na akong naiinis sa mokong na 'to.

"Kasi naman... kahit ihara mo ang kamay mo diyan sa dibdib mo, wala ring silbi dahil wala namang matatakpan!" At bumalik siya muli sa pagtawa.

"Ha-ha-ha! Masaya ka na? Atakihin ka sana! Akin na nga 'yan!" Hinablot ko ang phone ko sa kamay niya at akmang aalis na.

"Wait! Logic lang din 'yon! Di mo pa rin gets?"

"Bwisit ka! Paano ko ma-gegets eh panay tawa ang ginawa mo!" Bumalik uli ako sa pagkakaupo sabay irap sa kanya.

"Ok. Ok. Sorry. Ganito kasi 'yon. Si Gan Villaflor ay katulad ko rin na habulin ng babae."

"Wow ha! Lakas talaga confidence mo, noh? Anyway continue,"

"Marami na rin naging girls at lahat sila may something in common."

"Ano naman 'yon?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Una... sexy then matangkad, babae kung umasta at manamit, malaki ang hinaharap at ang nasa likuran and lastly malakas ang sex appeal." Habang minumwestra niya ang katangian ng mga babaeng 'yon, sa katawan ko naman siya nakatingin. "Ngayon, alam mo na ang dahilan kung bakit hindi ka rin niya magustuhan?"

Bigla akong napaisip. Medyo may point naman si mokong. Pero kailangan ko ba talagang baguhin ang sarili ko magustuhan lang ako ni Gan?

"So ano'ng plano mo? Bukod sa panlalait mo sa 'ken?" Tanong ko.

"You need to seduce him!" aniya na matalim na nakatingin sa akin.

Mukha namang eksperto na rin si Vincent sa mga ganitong bagay kaya wala namang mawawala kung makikipagkasundo ako sa plano niya. Para rin naman sa 'kin 'to. At isa pa... Desperada na ako.

"I will teach you all the things you need to learn! Just trust me! Ano? Deal?"

May choice ba ako? Para din namang wala, kaya...

"Sige! Deal!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status