Share

Kabanata 3

Sa Atlas University

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa kokote ko at napapayag ako ng Vincent na 'to na sumang-ayon sa plano niya. Anyway, kapag naman nagtagumpay itong plano niya, parehas naman kaming mag-bebenefit at isa pa, mapapalapit din ako sa aking ultimate crush na si Gan Villaflor.

Samantala, mayabang naman na ipinarada ng aking hilaw na fiance ang kaniyang Ferrari na kulay dilaw sa malawak na parking ng Atlas Univeristy. Kahilera nito ang mga magagara at nagaastigan din na mga sasakyan na pagmamay-ari rin ng mga anak ng mga dugong bughaw na kagaya namin.

"First lesson for today... Feel your looks. And Be confident. Got it?" Nakatingin niyang sabi habang nakaakbay ang kaniyang kanang braso sa aking kinauupuan.

Nakatulala naman ako sa aking hawak na salamin at pinagmamasdan ang aking hitsura na namumula ang mga pisngi at pumuputok ang labi dahil sa red lipstick habang ilang na ilang din sa aking suot.

"Seriously?" Taas kilay kong tugon. "Sa tingin mo magiging confident talaga ako sa damit na 'to na pinasuot mo?" Bulyaw ko sa kaniya.

"'Di ba 'yan ang gusto mo? Ang magustuhan ni Gan? So 'yan ang unang dapat mong gawin. Dress like a woman and not a boring gangster," sagot niya sa akin. "At isa pa, kung gusto mong magustuhan ka ng mga lalaking gaya namin ni Gan, hindi lang dapat pa-cute or pa-sweet...dapat malakas din ang appeal. 'Yung kahit malayo pa lang, nakakagigil na!" Dugtong niya with husky voice.

"T-tunay ba?" Tanong ko sabay irap.

"Yes. And you have to trust me para mag-work ang plan na 'to," sagot niya.

Off shoulder na crop top at fitted na mini skirt, as in super mini kulang na lang ay masilip ang kaluluwa ko ang pinasuot sa akin ng mokong na 'to. Paano ako magiging komportable kung pakiramdam ko na lalamunin na ako ng mga taong mapapatingin sa 'kin?

Ughhh. Half-human, Half-alien talaga 'to.

"Tch. Sige na.. sige na.. Siguraduhin mo lang na magtatagumpay ka diyan sa plano mo, ha! Kundi, sa 'yo ko ipapasuot 'to!" Gigil kong sabi sabay suntok sa kanyang braso.

"Aray! Mapanakit ka talaga!Ikaw na nga ang tinutulungan." Hahaplos haplos sa kanyang braso. "Bumaba ka na nga!" Inis na utos niya.

Hindi pa man kami nakakababa ay napapalibutan na agad kami ng media at ng mga camera man. Ang hirap talagang kumilos kapag famous. Nakakainis!

"So, gusto mo ma-headline bukas? Na ang fiancee ni Mr. Vincent Herrera ay hindi man lang niya pinagbuksan ng pinto sa magara niyang Ferrari?" Pangongonsensya ko.

"Damn!" Ginulo niya ang buhok niya sa inis.

Syempre wala rin siya nagawa dahil we need to act that we are a very sweet couple...kahit hindi.

"Ang ganda ni Ms. Haya!"

"Grabe ang gwapo ni Mr. Vincent!"

"OMG! Ang sweet nila! Bagay na bagay sila!"

Ilan sa mga nakakaasiwa at nakakaumay na salitang narinig namin bago pa man makapasok sa loob ng campus.

Nakahawak ako sa kanyang braso habang pasimpleng binababa ang skirt na suot dahil kada hakbang ko ay tumataas ito. Kailangan din na hindi mawala ang smile sa aking mukha kahit pilit. Habang si mokong naman ay feel na feel ang mga flashes ng camera na sumasalubong sa amin na parang unaattend ng Gala night.

Feelingero talaga!

Sa loob ng campus, bawal na ang media kaya mas makakagalaw na kami ng ayos sa loob. Hawak rin kasi ni Vincent sa leeg ang mga tao rito dahil ang mga Herrera rin ang nagmamay-ari ng University na 'to.

Nang makapasok na kami sa loob ng campus, mas nakahinga rin ako ng maluwag at maayos. Back to normal. Sabay bitaw ako sa pagkakahawak ko sa braso ni Vincent.

Tanaw ko na rin kahit nasa malayo pa lang ang aking nagiisang kaibigan at bff since elementary na si Nicole Yu. Half-chinese, half-pinay. Hindi pa rin siya nagbabago. May malaking eyeglasses pa rin at braces at gaya ko, maluluwag na damit at pantalon rin ang pormahan.

"Nikki!" Sigaw ko sa malayo habang kinakaway-kaway ang aking dalawang kamay.

Tumakbo siya papalapit sa 'kin.

"OMG Haya! Ikaw na ba 'yan?" Mukhang nagtataka dahil sa tanang buhay namin ay ngayon lang niya ako nakita na gano'ng manamit. "Kumusta ka na? Tagal nating walang communication!" Dugtong niya.

I just gave her a sweet smile dahil na-miss ko talaga siya. Simula kasi ng magbakasyon kami, sa Shanghai na siya tumigil. No time for chats din dahil strict din ang parents ni Nikki at kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral niya ng business nila.

"Na-miss kita ng sobra, Nikki! Finally, may makakausap na rin ako ng matino." Niyakap ko siya ng mahigpit.

Nawala bahagya ang momentum ng mabaling ang atensyon niya kay Vincent.

"Hala, si Vincent na ba 'yon, Haya?!" Gulat na tanong niya na parang nakakita ng multo este ng artista.

Pumihit ang aking ulo sa kinaroroonan ng paningin niya.

Bumuntung-hininga ako."Hay. Oo siya na 'yon. At marami akong ikukwento sa 'yo." Nakahalukipkip kong sabi.

"Saglit, eh 'di ba si Gan Villaflor 'yong isa do'n?" anang Nicole.

Bigla naman bumilis ang tibok ng aking puso sa narinig. Pangalan pa lang, nakakawala na sa wisyo.

"Nasaan?" Nakatiad na ang aking paa para matanaw ang kinaroroonan ni Gan.

So, magtropa nga talaga sila ni Vincent na mokong. Edi ayos, mas malaki ang chance na mapalapit ako sa kaniya.

"Okay lang ba ang hitsura ko, Nikki? Hindi ba nakakahiya?" Natataranta ako dahil parang gustong kumawala ng puso ko sa twing makikita si Gan ko. Sana siya na lang ang fiance ko. Wala ng usap-usap, kasal agad.

"Oo naman, noh! Bagay na bagay sa'yo ang looks mo ngayon. Mas nangibabaw ang ganda mo!" That's what friends are for. Masarap talaga makarinig ng compliment and appreciation from my bff.

Sinundan namin ni Nicole kung saan man sila papunta. I want Gan to notice me. Isang Hi lang buo na ang araw ko.

Dumeretso sila sa cafeteria. All girls are shouting na parang nakakita ng mga artista talaga. Siyempre pinapangunahan ng aking feelingero na fiance na si Vincent habang kabuntot ang mga puppet na sina Blake, Theo at ang aking mahal na mahal na si Gan.

Umupo sila malapit sa may glass window na tanaw ang buong paligid ng Atlas.

Habang kami naman ni Nicole ay pumwesto sa likuran nila para mas malapit sa aking pangarap.

Ang sarap niya pagmasdan. Ang gwapo talaga. Minsan napapagkamalan na siyang si Cha Eun Woo dahil sa mala-anghel niyang mukha. Kung siya ay anghel, 'yung katabi naman ay devil.

Sa kabilang banda, bigla naman kaming napansin ni Blake.

"Is that Haya?" Sigaw niya sa kinaroroonan namin ni Nikki. "Uy...Haya! Come here join us! Narito ang fiance mo, oh!" Pangaasar niya sabay halakhak. Napailing lang naman si Vincent.

Batid din kasi sa kaalaman ng mga malalapit naming kaibigan na wala talaga sa loob namin ang pagpapakasal at aware silang lahat na ayaw namin sa isa't-isa.

Anyway, chance ko na rin para makalapit kay Gan kaya hindi na kami nagpatumpik tumpik pa.

"Uy! K-kayo pala 'yan," maang-maangan ko. "Tara Nikki do'n tayo!" Yaya kay Nicole.

Naupo si Nicole sa tabi ni Blake. Samantalang ako... I need to choose where I'm going to sit. Beside Gan ba o Vincent?

"Bro...itabi mo naman diyan si Haya!" Patuloy na pang-aasar ni Theo.

Isang masamang tingin naman ang pinakawalan ni Vincent sa mga kaibigan.

"Thanks, but no thanks! Lumaki pa ulo niyan, eh!" Sabay irap ko.

"Wow! Kapal talaga!" Inis na sambit sa 'kin ni Vincent.

"Pwede ba 'ko dito umupo, G-gan?" Kabado kong tanong.

Bakit ba kasi hindi na lang siya. Siya na lang kasi Lord!

"Sure!" Matipid niyang sagot at binigyan ako ng isang maaliwalas na ngiti.

Ang ibang estudyante kailangan pa pumila para um-order ng pagkain, samantalang ang grupo nina Vincent ay no need na tumayo dahil ang mga staff na mismo sa cafeteria nag nag-se-serve sa kanila.

"Anyway, guys...later may pa-pool party ang kapatid ko sa bahay. Kakarating lang niya galing Europe. I will expect all of you." Sabi ni Blake habang ngumunguya ng fries. "Nicole, you can join,okay?" Nakangiti niyang special mention kay Nicole na ikinapula naman ng mga pisngi nito. Malakas kasi ang aking pakiramdam na crush niya si Blake kaya ganon na lang ang naging reaksyon ng mukha niya.

"A-ahm... I'll try.. Strict kasi si Mom and Dad,eh!" utal niyang sagot at habang naktingin sa baba.

"Ow. Strict pala! Well,that's okay. Basta welcome ka, ha!" anang Blake.

Sa kabilang banda, parang nilalamon na ako ng lupa sa kakiligan dahil sa wakas nakatabi ko na rin ang Gan ng buhay ko. Basag trip lang dahil nasa harapan ko ang pinaka-kinaiinisan kong nilalang.

Gan Villaflor is so damn hot kahit napakatahimik niya. And I can feel na mag-eenjoy ako ng sobra mamaya sa gaganaping pool party kina Blake.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status