Share

Kabanata 6

Imbyerna

Bakit gano'n? Dapat nagpupumigilas ako. Dapat sinasampal ko na siya sa ginagawa niya dahil bukod sa ninakawan niya ako ng halik, ninakaw din niya ang first kiss na dapat ay para kay Gan.

Pero parang namanhid lang ang katawan ko. Hindi ko maigalaw. Lalo pa ng simulan na ni Vincent igalaw ang kanyang mga labi sa 'kin.

Gutom ba siya? Parang gusto na niya kainin buong bibig ko, eh. Sumusunod lang ako sa ginagawa niya. Kung makahalik parang wala ng bukas.

"Close your eyes!" Mahina niyang utos habang pinagsasawaan pa rin ang aking mga labi.

Tila may sariling pag-iisip at kusa na lamang sumunod sa sinabi ni Vincent at nahulog sa mahika na dala niya.

Ilang segundo pa'y, tumigil na siya sa ginagawa at marahang kumawala sa akin.

"Fu*k!" Kagat-labi niyang sabi sabay sandal sa kanyang kinauupuan.

Natameme naman ako sa nangyari. Hindi ko alam ang magiging reaksyon at parang naging robot na sumandal na lang din sa aking kinauupuan.

Napahawak siya sa kanyang labi at napangiti. Isang nakakalokong ngiti.

"Did you like it?" Prangka niyang tanong sa 'kin.

Saglit lang akong lumingon sa kanya.

"Always remember that lesson No. 3, okay? Mawawala sa momentum sa 'yo si Gan kung para kang istatwa riyan na nakamulat pa rin ang mga mata at wala man lang kareak-reaksyon," aniya sabay start na uli ng sasakyan.

Ayaw kong sumagot. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung namumula pa ba ang mukha ko dahil sa alak o dahil sa kahihiyan.

Ni hindi ko na namalayan na malapit na pala kami sa condo.

"Hey! Wala ka balak bumaba?" tanong niya sa akin.

"A-ah. Okay!" tanging naisagot ko.

As usual, hindi naman niya ako pagbubuksan ng pinto dahil wala na namang media na nakabuntot sa 'min.

Hanggang sa makarating kami sa aming suite ramdam ko pa rin 'yung init. Init ng alak.

Nagderetso ako sa may sofa at doon humilata.

"Hay. Grabe! Naparami yata inom ko ng beer."

Samantalang si Vincent naman ay sa may kitchen nagtungo.

"Here." Hawak niya ang isang tasa ng kape at inaabot sa akin.

Bumangon ako bahagya at umupo.

"Thank you." Sabay abot sa kape.

Habang hinihigop ko ang mainit na kape na ibinigay niya, heto naman siya at hinuhubad ang kanyang suot na puting polo at sa harapan ko pa talaga.

Nanlalaki ang aking mga mata habang humihigop dahil parang gusto kong pumilas sa kanyang tiyan ng tinapay at isawsaw sa aking mainit na kape.

Matapos ng maikli niyang palabas ay umupo siya sa kabilang sofa na nasa aking harapan. Inilahad niya ang kanyang dalawang makikisig na braso sa kanyang sinasandalan.

Nasa mukha ko pa rin ang tasa habang siya ay titig na titig pa rin sa 'kin.

Hindi ko alam kung binabanas ba ako kahit manipis na long white polo sleeve naman 'yung suot ko.

"What?" Taas kilay kong tanong.

Nagbuntung hininga siya. "Kumusta na kayo ni Gan?" mahinahon niyang tanong.

"K-kami? Okay naman. Medyo nasa getting to know stage na kami," anang ko.

"Good!" sagot niya.

"Ahm. Eh kayo ni Erin?" nagsimula na akong magusisa.

"Tss. Pwede ba? Hindi ako interesado sa spoiled brat na 'yon!" inis niyang sagot sabay higa sa sofa.

"Oh, spoiled din pala kagaya mo, eh. Edi bagay na bagay kayo," pagpupumilit ko.

Bumalikwas muli siya. "Ano ba 'ng pinupunto mo?" Kunut-noo niyang tanong.

Binaba ko sa saglit sa mesang nasa aming harapan ang hawak ko na tasa ng kape.

"Hay. Before, ako ang sinasabihan mong simpleng logic hindi ko pa ma-gets. Eh, pati rin naman pala ikaw, eh!"

"Deretsuhin mo na kasi! Dami mo pa satsat!"

"Erin is the key!" Nakangiti kong sabi sa kanya. "Kung ako may Gan, ikaw naman, may Erin! Interesting 'di ba?"

Sa hitsura niya, mukhang hindi siya sang-ayon. Kumunot ang kanyang noo na tila pinagiisipan pa ng malalim ang aking sinabi.

"Ano? Agree ka ba? Kung ako, tinutulungan mo na mapalapit kay Gan...now it's my time na ako naman ang tumulong sa 'yo kasi nariyan na si Erin!"

I think it's a bright idea...for me. Pero kay Vincent? I don't think so...

Hindi ko alam kung bakit ba ang bigat ng loob nila sa isa't-isa. Akala ko ako lang ang may lihim na bigat ng pakiramdam sa mokong na 'to...pati rin pala si Erin.

Gusto ko malaman kung bakit ayaw ni Vincent kay Erin, eh halos na kay Erin na ang lahat-lahat. Maging ang mga wala sa 'kin ay na nasa kanya na.

All in one kumbaga. Wala ka ng hahanapin pa.

"No! I disagree!" mariin niyang sabi.

Dala ng kasabikan sa usapan, agad akong tumayo at nagtungo sa kanyang kinauupuan upang mas makapagusap kami ng ayos. I don't mind kung naka-topless siya.

"Bakit naman? Mas mapapadali ang plano kapag sabay tayong na-fall sa iba!" katwiran ko.

"Nandyan naman si Nikka o si Erika o Teffi basta 'wag lang sa babaeng spoiled brat na 'yon!"

"Iba kasi si Erin! Mas challenging! Hindi gaya ng iba mong mga babae na napakaimposibleng magka-feelings ka!" ani ko.

"Sa kanila, posible pa akong magka-feelings pero sa babaeng Amazona na 'yon...malabong malabo! Kaya huwag mo na ipilit!" aniya.

"Eh ano ba kasing mayroon sa inyo? Bakit ganan ka na lang kung magalit kay Erin?" tanong ko.

"Hindi na mahalaga 'yon! At isa pa...kailan ka pa naging interesado sa 'kin? Ha?" Unti-unti na naman siyang lumalapit sa akin.

Hindi maiwasan ng aking mga mata na hindi mapatingin sa mga nakaumbok sa kanyang tiyan dahil talaga namang nakaka-destruct. Pero kaunti na lang ay mapapahiga na ako sa sofa at mapapaibabawan na niya.

Kusang pumikit ang aking mga mata. Parang alam na ang susunod na mangyayari. Ngunit isang tawa lamang ang aking narinig sa aking tainga.

"Good job! May natutunan ka na sa 'ken! Keep it up ha! Keep it up!" Sabay balik sa dati niyang puwesto.

Another akward moment. Iniisip na niya siguro na nagustuhan ko na 'yung ginawa niya kanina. Namula na naman ang aking mga pisngi sa nangyari.

"Buwisit!" singhal ko sabay tayo at nagtungo na sa aking kwarto.

"H-hoy! Nag-uusap pa tayo! Saan kapupunta. Come back here baby! May ituturo pa ko sa 'yo!" pang-aasar niya at tuloy pa rin sa pagtawa.

Hanggang sa pagtulog, I'm still thinking sa halikan namin kanina. Did he meant it? O kasama lang talaga sa plano? Bakit bigla ako naging interesado kay Erin? Sino ba talaga siya sa buhay ni Vincent?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status