Share

Kabanata 4

Lesson No. 2 : Huwag masyadong papansin

Pansin ko ang katahimikan ni Vincent mula pa kanina sa cafeteria. Hindi lang ako sanay o hindi ko pa lang talaga siya kilala ng lubusan na baka may tinatago pala siyang pagka-bi-polar.

Seryoso lang siyang nagdadrive habang tumatango-tango pa ang ulo sa pagsabay sa tugtog ng The Creed.

Dahil hindi ako maka-relate sa mga tugtugan niya, pinakeelaman ko ang kaniyang ipad at walang takot na pinatay ang music.

Bigla namang napakuno't ang noo niya ng tumingin sa 'kin.

"Hey! Problema mo?!" Ramdam ko ang inis sa tono ng boses niya.

"Ayoko ng tugtog, eh! Bakit ba?" Nakanguso kong sagot.

Nagpakawala siya ng hininga at umiling iling na lang.

"Freak talaga!" Bulong niya.

"Ano'ng sabi mo?" Bumaling ang ulo ko sa kaniya at nagpanting ang aking tainga sa narinig.

"I said...you are freak!" Inulit niya ng mas may diin.

"Tss. Grabe na talaga 'yang ugali mo! Kaya tama lang talaga ang desisyon ko na hindi magpakasal sa 'yo! Masisira lang ang buhay ko!" Bulyaw ko sa kaniya at bumalik na sa pagkakasandal sa aking kinauupuan.

"Tingin mo gusto ko rin 'to? I'd rather be a dog kesa matali sa isang babae na hindi pa nga asawa ay sobrang nagger na! Nakakarinde!"

"Aba! Hoy... lalaki! Mas gugustuhin ko pa ring tumandang dalaga at mamatay ng virgin kaysa makatuluyan ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa inis dahil sa trato niya sa 'kin. Kaya maging ang sagradong bagay na tungkol sa akin ay nabulgar ko na.

Nang matauhan ako sa aking sinabi, ramdam ko na nag-iinit na ang aking mga pisngi at unti-unti ng namumula.

Bigla namang nag-iba ang mood ng mokong at napalitan ito ng isang nakakalokong ngisi.

"So...ang akin pa lang magiging future bride ay isang virgin pa!" Nangaasar niyang sabi.

"W-wala kang pakeelam! And besides, I will make sure na hindi sa 'yo mapapapunta ang virginity ko!" Sigaw ko sa kaniya. "At isa pa... bakit ba ako nag-eexplain sa 'yo! And walang future bride dahil hindi naman matutuloy ang kasal! Tch.!" Inis na dugtong ko.

Ngumisi lang siya sabay iling. "Whatever!"

Hindi ko alam kung ano ba ang nakita sa kaniya ng mga babae niya. Ubod naman ng yabang at sobrang sama pa ng ugali. Wala pang karespe-respeto pagdating sa babae.

**************************************************

"Hey, Vincent! Buti nakapunta ka!" anang babae na sumalubong agad sa 'min pagkapasok sa bahay nina Blake.

"Syempre naman, KC! Sobrang na-miss kita, eh!"

Nandidiri na lang ako sa mga natutunghayan ko. Pwe.

"Jillian babe not KC!" pagtatama ng babae pero patuloy pa rin ang pagpulupot sa katawan ni Vincent.

Nakakatawa, sa sobrang daming babae nagkakandabuhul-buhol na sa maliit niyang utak ang mga pangalan ng mga ito. Idiot talaga!

Sandali akong napatingin sa cellphone ko ng mapansin kong may one new message.

Nikki:

Goodeve Haya. Sorry I can't come tonight. May pinapaasikaso sa'kin sina Daddy, eh. Hindi ko maiwan. Pakisabi na lang kay Blake. Thank you. Enjoy.

Reply:

Sure Nikki. I'll rely to Blake na lang. See you tom.

Ilang taon ko na ring kaibigan si Nikki kaya gamay ko na ang ugali o pakiramdam niya kung malungkot ba siya o hindi. I know she really wants to come and join us pero napapako siya sa pagiging strict ng parents niya.

Samantala, dahil parang wala rin naman akong kasama, naghanap na lang ako ng makakain dahil gutom na rin ako. But fortunately, I found Gan. Sabi ko pagkain pero si Gan ang nagpakita.

I grabbed a beer na lang na dala ni Theo at lakas loob ng nagtungo sa kinauupuan ni Gan habang wala pang napulupot sa kaniya.

I drink, yes. Pero only Nikki knows kung paano ako malasing. At for sure na hindi talaga nila magugustuhan.

"Hey!" bungad ko kay Gan. "Pwede makiupo?" Nakangiti kong tanong.

Pinakitaan na naman nya ako ng mala-angelic smile kaya tumigil na naman sa pagtibok ang pulso ko.

"Sure!" Matipid niya ulit na sagot. Ilanh segundo rin ang katahimikan ng magsimula kami mag-usap.

"So...friend pala kayo ni Vincent?" Nahihiya pa akong magtanong kasi ang awkward talaga. Hindi talaga siya iimik hanggat hindi ako ang nauuna.

Sa kabilang side naman ng pool ay naroroon si Vincent at pinalilibutan ng mga babaeng nakabikini.

"Yes." Matipid niya ulit na sagot sabay lagok sa hawak na bote ng beer.

"A-ahm..." Mukhang hindi pa man kami nakakarami ay nauubusan na ako ng salita. Hirap talaga kapag katabi mo ang pinakapaborito mong tao. Nakakawala sa sarili.

"Don't you feel jealous?" Nagumpisa na siyang mag-usisa.

"Saan?" Tingin ko sa kaniya.

"Kay Vincent at sa mga girls niya."

"Why should I?"

"Because you're his fiancee."

"Fiancee lang sa kontrata Gan pero hindi sa tunay na buhay. Pareho naming ayaw ang pagpapakasal. And besides, I don't have any feelings with him." Bumaling ang aking paningin sa kinaroroonan ni Vincent sabay lagok sa hawak kong beer.

Napangiti lang siya sa mga sinabi ko.

"Ano'ng nakakatawa?" Nagtataka kong tanong.

"Wala naman." Sabay tingin sa 'kin na parang nangaakit. "Cheers!" At ikinampay namin ang mga hawak namin na beer.

Habang sa malayo naman ay may isang mistulang mata na nanlilisik. Kasabay nito ang isang text message na nagvibrate sa akin.

Unggoy: (Vincent)

Lesson No. 2 : Huwag masyadong papansin. Mananawa agad siya sa 'yo kapag nahalata niyang gustung gusto mo siya.

Seen...

Talagang naisingit pa rin ng Love Guru na 'to ang lesson plan niya para sa 'kin ah. Bigla naman ako napaisip. May point naman siya. Pero... napapansin na naman na ako ni Gan, eh. So importante pa ba talaga 'yong mga lessons niya?.

Anyway, I will stick to the plan. I believe in him pagdating sa mga ganitong bagay but it doesn't mean na I trust him na. Malayo-layo pa.

"So kung halikan kita rito...okay lang kay Vincent?" Deretsang tanong niya sa akin habang nakamasid sa paligid.

Kiss? Sa karamihan? Baliw ba siya? Bakit niya nasasabi 'yon? Siguro tama nga si Vincent na baka iniisip na niya na isa ako sa mga babaeng easy to get.

"H-ha?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

He just smiled. "Joke lang. Bigla ka naman namutla." Hinawakan niya ang aking pisngi.

My Goodness! Gusto ko ng lumipad na parang isang paru-paro. Minsan na nga lang siya umimik nakakakuryente pa. At dahil masaya ako... more alak pa!!

Tumugtog na ang mga pop songs na sumikat noong 2000 and up na naging sanhi ng paglulundagan sa saya ng mga naroroon.

"Halika! Sayaw tayo Gan!" Hila hila ko ang kamay niya papunta malapit sa DJ.

Mistulang na-hypnotized lang si Gan na walang atubiling sumunod agad sa akin. Halatang may tama na rin ng alak pero hindi halata dahil magaling siyang magdala.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan, inagaw ni Blake ang microphone mula sa DJ.

"Yow! How's your night mga dudes and babes!" Sigaw niya. "Can I have your attention for awhile?" Dugtong niya.

Tanging hiyawan lang ang aming sinagot.

"Okay! Okay! I know..alam niyo naman na ang nag-set ng party na 'to ay ang aking nag-iisang kapatid. So at this moment, I want to introduce to all of you the most expensive and high paid model in Europe, none other than, my sister...Erin!"

Lahat ay hindi magkamayaw na makita si Erin. Naririnig ko na ang name niya before pero hindi talaga kami close. Isa siyang sikat na modelo na hinahangaan talaga ng lahat dahil sa taglay niyang ganda at ka-sexy han.

Sa paglabas niya mula sa likuran ay nakatulala naman ang lahat na animo'y nakakita ng isang buhay na anghel na bumagsak mula sa kalangitan.

Isa rin ako sa napatunganga. Ang ganda niya. Mas maganda sa personal. Wala na ako ma-sey. Dahil sa tuwing magsasambit ako ng compliment sa kaniya, para namang nilalait ko ang sarili ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status