Share

Kabanata 5

Lesson No.3: Close your eyes while kissing!

She looks so stunning!

Nilamon niya lahat ng mga kababaihang naroroon. Syempre except from me. May sarili akong ganda at... basta maganda ako.

Napaka-elegante ng suot niyang long tube dress na nagkikislapan at nangingibabaw dahil sa kulay nitong silver at tan na kulay ng kanyang balat.

Modelong modelo talaga ang pigura.

Bagay na bagay din ang kaniyang long blonde hair na sobrang wavy na animo'y modelo ng shampoo.

Tahimik ang lahat at talagang inaabangan ang pagbuka ng kanyang bibig. Maging si Gan ay nakatitig sa kanya. Ngunit si Vincent ay parang walang pakialam at tuloy pa rin sa pakikipaglandian sa kanyang katabi.

"Goodevening beautiful girls and hotty boys!" bungad ni Erin na punung-puno ng energy. "I'm so grateful because I saw again each and everyone of you! It's been a long time, right? And sobrang na-miss ko 'to! Thank you all guys so much dahil tinanggap niyo ang invitation ko of course with the help of my famous brother, Blake. I am so glad to see all of you again because I really miss Atlas University so much." Napabuntung-hininga siya at ngumiti. "But I want to give a very special mention to...to Vincent!" Nagulat ang lahat sa sinabi ni Erin. Maging ang mga mata ko ay nanlaki rin dahil sa pa-special mention niya kay Vicente.

"Babe! Erin is calling you!" Hagyang tumigil panandali sina Vincent at ang babae niya sa paglalandian.

"What?" tugon ni Vincent habang nakatitig pa rin sa mga labi ng babae.

Ibinaba ni Erin ang hawak na mikropono at agad lumapit sa kinaroroonan ni Vincent.

Kung lumakad ay pawang isang modelo pa rin at wala sa kalingkingan niya ang babaeng nakapulupot kay Vincent.

Agad niyang hinagip ang mukha ni Vincent at sinadyang halikan ito sa pisngi.

"Damn!" tanging salita na lumabas sa bibig ni Vincent. "What are you doing?!" Sigaw ni Vincent kay Erin habang nakahawak sa balikat ng babae at inilayo sa kanya.

"Well...I've grown up Vincent. And I missed you so much!" tugon ni Erin at pilit pa ring nilalapit ang kanyang mukha kay Vincent.

Napatingin ako sa mga naroroon at halos ang iba sa kanila ay sa akin nakatingin. What should I do? Dapat ba ako magalit? O magselos? Wala naman din akong pakialam sa mga ginagawa niya kaya para saan pa? Hinayaan ko na lang.

"Tss. Stay away from me. Go away!" Inis na sabi ni Vincent.

Dahil masyado ng natutuon doon ang atensyon, inagaw na muli ni Blake ang eksena at pinabalik na muli ang lahat sa normal.

"Okay, guys! Let's seize the night and savor the moment. Wala dapat tayong inaaksayang oras kaya...let's continue the party!" Sigaw ni Blake at nagpatuloy na muli ang party at tugtugan ng DJ. Sabay sabay namang naghiyawan at nagtalunan ang mga naroroon.

Samantala, bumalik kami sa pagkakaupo ni Gan. Awtomatikong napatuon ang atensyon ko kina Vincent at Erin. Kusa ng umalis ang babae sa tabi ni Vincent dahil wala naman talaga siyang magagawa kay Erin. She rules everything. Pero halata pa rin sa hitsura ni Vincent na asiwang asiwa siya na makatabi si Erin. Parang aso at pusa lang din. May pagkamakulit din kasi si Erin and we have something in common. But obvious naman sa ginawa niya kanina at sa mga kilos niya na malaki ang paghanga niya kay Vincent.

"Are you okay?" Tanong ni Gan sabay lagok sa beer.

"Yep!" Matipid kong sagot.

Pero nakatingin pa rin kina Vincent.

"Are you jealous?" tanong niya ulit sabay tingin sa akin.

"Of course,not!" Deretsa kong sagot sabay ngiti sa kanya.

"Okay! Sabi mo, eh! Besides, alam naman ng lahat na nandito na fixed lang ang kasal niyo ni Vincent, right?" tanong niya.

"Yes. And I am so excited na mangyari na 'yung mga plano namin." Nagtaka si Gan sa nasabi ko.

"Plano?" usisa niya.

Hagya namang bumalik ang aking ulirat.

"A-ah. Plano. Plano na maghiwalay. Tama. Maghiwalay," pagsisinungaling ko. Muntik na akong mahuli at kung nagkataon, lagot ako sa mokong na 'yon.

Tumango-tango na lang siya sa aking sinabi.

Ilang saglit pa'y hinila ni Gan ang aking kamay at umalis sa aming kinaroroonan.

Medyo nalulula na rin ako dala ng dami ng nainom namin ni Gan.

Dinala niya ako sa garden nina Blake.

Mas at peace at walang tao.

Naupo kami sa may garden bench na naroroon.

I don't know why pero parang gusto ko ng humilata dahil unti-unti na ring nag-bu-blurred ang tingin ko.

"Haya!" tawag niya sa akin.

Marahan akong lumingon sa kanya.

"Can I kiss you?" Mahinahon niyang tanong.

Nakatitig lang ako sa kanya. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to kaya magiinarte pa ba ako? Pati kiss lang naman. No big deal. At isa pa, sa kanya ko talaga gusto ibigay ang aking iniingat-ingatang first kiss.

Tumango lang ako. Senyales na sumasang-ayon din ako.

Dahan-dahan niyang inilalapit ang kanyang mga labi patungo sa akin.

Tanging amoy ng beer ang naaamoy ko sa mga puntong ito.

Hindi pa ako nakakahalik at wala pa ni isang nakakahalik sa 'kin. Kaya excited ako na si Gan ang magiging first kiss ko.

Nang magdadampi na ang aming mga labi, tinig naman ng isang alien ang namutawi sa aking diwa.

"Haya!" Sigaw ni Vincent. "Hey! Nakita mo ba si Haya?" tanong niya sa mga lalaking naroroon.

"Parang nando'n sila ni Gan sa may garden." Turo ng mga lalaki.

Ramdam ko na ang yabag ng alien kaya napahinto at naudlot sa pagdampi ang aming mga labi.

"Hey!" Sigaw sa akin ni Vincent.

Hagyang naghiwalay ang aming mga katawan ni Gan at nilayo ang sarili sa isa't-isa.

Lumapit sa amin si Vincent at napatingin kay Gan at saka bumaling muli sa akin.

"Let's go!" ani Vincent at halata sa tono ang iyamot.

"Maaga pa!" Nanlalaki na ang aking mga mata na tumitingin sa relo.

"Lasing ka na! Kaya wag kang makulit!" inis niyang sabi.

Nabasag naman ang katahimikan ni Gan.

"Yes. Haya! Gabi na. Mali na ang tingin mo sa orasan. Sige na, sumama ka na kay Vincent!" Nakangiting sabi ni Gan.

Wala na rin akong nagawa dahil si Gan na ang nagsabi.

Nang makarating kami sa sasakyan, doon ay lumabas ang aking kakulitan.

"Uy! May Erin ka pala...hindi mo sinasabi sa 'kin, ha!" biro ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.

"You're drunk!" mariin niyang sabi sabay start ng sasakyan.

"Matagal na pala kayong close no'n, eh!" pangungulit ko.

"Just shut up!" inis niyang sabi.

"Eh,ano nga kasi mayroon sa inyo? Bakit may pa-special mention?" Halata na sa boses ko ang kalasingan at halata na rin sa kanya na naiinis na siya.

Hagya niyang hininto ang sasakyan.

Kinabahan ako bigla at tila nakalog ang aking utak at nawala ang pagkalasing.

"Lesson No.3!" Mariin niyang sabi habang nakatingin sa harapan at nakahawak sa manibela.

Nagtaka naman ako bigla sa sinabi niya. Sa dinami rami ng sinabi at tanong ko sa kanya, 'yung plano pa rin namin ang nasa isip niya.

"H-ha?" utal kong tanong.

"Lesson No. 3! Close your eyes while kissing!"

Sa bilis ng pangyayari, hindi ko na namalayan na nakadampi na ang kanyang mga labi sa aking labi at mahigpit na nakahawak sa aking batok at likuran.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status