Share

Kabanata 7

Who the hell is she?

Simula nang gabing 'yon, hindi na mawala sa aking isipan ang mga nangyari.

Si Erin.

Si Gan.

At 'yong kiss namin ni Vincent.

Hindi ko alam kung normal lang ba na may aftershock after ng first kiss o ako lang talaga 'tong nagiging OA na.

He doesn't like me. And I don't like him either. Kaya napakaimposible nitong naiisip ko.

"Goodmorning Haya!" bati sa akin ni Nikki na nakasuot ng sweat pants at white plain blouse. Normal na sa kanya ang laging madaming bitbit na libro o kahit na anong abubot dahil literal na bookworm 'to.

"Goodmorning, Nikki!" sagot ko sa kanya ng nakangiti.

"How's the party? Did you enjoy it?" tanong niya sa akin habang naglalakad na kami sa may corridor patungo sa aming clasroom.

"Ahm. Good. But not so good," anang ko.

"Good? But not so good?" Nagtatakang tanong ni Nikki.

Bumuntung hininga ako dahil hindi ko alam kung ano'ng una kong sasabihin kay Nikki. O dapat ko pa bang sabihin?

"Marami kasi akong nainom na alak kaya hindi ko gaano na-enjoy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status