Share

Chapter 3

Huwebes Santo. Alas singko na ng umaga nang makalarga kami.

Planado ang lakad na ito dahil bakasyon ang mga estudyante at wala rin namang pasok sa trabaho kaming mga empleyado na. Marami lamang naging aberya. Tatlong araw bago ang usapang ito, nagkatrangkaso si Max. Muntik namang hindi payagan si Ira ng kanyang mister na makasama sa pag-aakalang hindi aabot ang kanyang byenan sa pagluwas mula sa probinsya. Ang ibang pamilya naman ay pinagbabawalan sumama ang ilan sa kanila dahil sa Mahal na Araw nga iyon at dapat raw ay nagmumuni-muni kami. Pero pinalad naman na matuloy kahit na ibang sasakyan ang aming gamit.

Urvan 15 seater ang aming pinangbyahe kaya't may espasyo para sa aming mga bagahe.

Anaki'y napagod si Jing-Jing sa aming "naughty-good deed" kanina kaya hiniling niyang sa likod kami pumwesto upang maayos makaidlip. Sa tabing bintana sya naupo (mula sa likod) habang sa kabila ko'y si Pete at si Eloisa naman sa kabilang bintana. Nasa harap namin si Chyna, Ira at si Brix sa tapat ni Eloisa. Sa sumunod na hilera naman ay si Max, Chadie, at Emong habang si Ian ang nasa front seat dahil siya ang nagsisilbing gabay ng aming driver.

Sandali pa lamang ang byahe ay nakaidlip na si Jing-Jing. Nakadantay siya sa dala naming throw pillow na nakapatong sa aking mga hita.

Noong una'y nawiwili pa ang karamihan sa pagkanta habang sumasabay sa Himig ng Kabataan ng Rivermaya at iba't ibang mga bagong tugtugin. Maingay at masaya. Sinigurado ng aking mga pinsan na hindi maiilang ang mga kaklase ni Jing-Jing kaya nililibang rin nila ito sa kanilang mga kwento. Sa haba ng byahe, humupa rin ang kanilang enerhiya at di naglaon ay kasama na nilang naglalakbay sa panaginip si Jing-Jing.

Maya maya, naramdaman kong humimpil pansamantala ang aming sasakyan. Nasipat ko na bumaba si Kuya Bobby at sumunod naman si Ian. Naglakad sila sa magkabilang direksyon at sumilid panumandali upang umihi. Mula sa bintanang katabi ng aking sinta, kita ko ang nakatalikod na si Kuya Bobby. Mapuno ang paligid at maliwanag na ng mga oras na iyon. Matalahahib ang lugar. Dama ko na malayo na kami sa syudad.

Umihip ang hangin at sipat ko nang biglang lumingon ang aming driver sa kanyang kaliwa....wari'y may naaninag siya sa di kalayuan at pilit na tinititigan. Dahan-dahan siyang lumapit sa tinitignan. Nagimbal na lamang ako nang tila may aninong kamay na humawak sa bintana. Para bang hamog na biglang nawala rin sa isang kisap-mata. Muli akong nagulat nang bumukas ang makina ng van. Nakabalik na pala si Kuya Bobby ay Ian at muli kaming umarangkada.

Naintriga akong alamin sa driver ang kanyang sinisipat noon.

"Kuya, ano po yung nakita ninyo sa talahiban?," usisa ko.

"Ah yun ba?," pauna niya. "Aso...nasagasaan yata yung paa kasi nakita ko dinidilaan niya yung sugat niya doon...kaya lang nang lalapit na ako, bigla nakatakbo, natakot yata sa akin...," paliwanag ni Kuya Bobby.

"Hindi ko na lang din sinundan kasi masama rin makatingin, akala yata ako nakasagasa sa kanya....hahahaha,"dugtong niya sabay tawa.

"Mabuti na lang, kuya lumayo sa'yo...mas delikado kung lumapit 'yun at baka makagat ka pa...," pag-aalala ni Ian sa driver.

"Baka natakot sa akin, akala niya kakainin ko siya...hahaha..," pagbibiro ni Kuya Bobby.

Nilingon ko ang aming hinimpilan at naruon nga ang asong sinabi ng aming driver. Malumbay ang mga mata na tila may pagluha. Kulay itim na brown na batik sa bandang ulo patungo sa kanang tainga. Pumikit muli ako at nang magdilat ay nawala na ang imahe na parang isang bula.

Muli akong napasandal sa aking kinauupuan, napatingala, at napaantanda. Sa munti kong kilos ay naalimpungatan si Jing-Jing.

"Malayo pa tayo, Bhy?," garalgal na pagtatanong ni Jing-Jing habang nakatingin sa akin. Sabuy-saboy ang buhok niya kaya nangiti ako.

Hinaplos ko ang magkabila niyang pisngi at humalik sa kanya:

"Malayo pa, Bhy....matulog ka pa..."

"ayLabyu, Bhy...," paglalambing niya.

"ayLabyumor, Bhy...," agaran kong winika.

Natuwa siya sa aking sinabi. Tumugon ng halik at muling yumuko sa unan na nasa aking mga hita. Hinagap niya ang aking kanang kamay at inistilong payapos sa kanya.

Tinopak ng kakulitan, kinuha niya ang aking kamay at ipinasok sa ilalim ng kanyang tshirt papunta sa kanyang bra.

Napalingon ako agad sa katabi kong si Pete. Mabuti at mahimbing rin sa pagkakatulog kadantay ang kanyang syota.

Tumingala ng tingin sa akin ang aking babae na kagat ang kanyang labi. Nakangiting nanunukso. Maya maya ay pasimple niyang tinanggal ang hook ng bra niya mula sa harapan, dahilan upang malaya kong mahawakan ang kanyang suso. Nagustuhan niya iyon. Mapanuksong tumingin muli siya sa akin at nagtanong: "Gusto mo?"

Nilakihan ko lamang siya ng mata at inilingan ng pagtanggi. Sa sandaling ito, hindi ko nais na makaraos sa loob ng aking suot na short at underwear.

Ngumuso siya sabay alis ng aking kamay sa kanyang dibdib. Umangat siya at bumulong sa akin:

"Tama na rin yung paglamas, baka mabitin lang tayo..."

Simpleng ngitian at tinginan lang ang nangusap sa amin. Sumandal lang muli siya sa akin at nilibang ang sarili sa pagtingin sa mga makikita sa labas ng bintana nang biglang....

"Ahhhhhh!!!!," nahintakutan ang lahat sa tiling iyon ni Jing-Jing.

Napabalikwas ang lahat at luminga sa aming direksyon.

Lahat ay agarang napatanong habang ako'y gulat na gulat rin sa kanyang reaksyon.

"Bakit? Anong nangyari? Bakit, Jing-Jing?"...

"It's a prank! Hahahaha," ang pagti-trip na naman ng loka-loka na hawak ang kanyang cellphone na nakatutok sa pagmumukha ng aking mga kasama.

May inis at may natawa rin. Nabulabog ang lahat sa kalokohan ng irog ko.

"Lakas Tama ka talaga...," nasambit ko na lamang sa kanya na patawa-tawa.

Isang malaking ngiti lamang na pang-aasar ang ibinalik niya sa aming lahat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status