Share

Chapter 16

KINAUMAGAHAN ay sabay-sabay ang lahat na nag-breakfast. Kasama ko sa table si Kim, Gab at Jackson.

Kulang na lang ay umirap ako kapag napapatingin rito. Bakit ba siya biglang naki-seat in sa amin? Masiyado akong pagod para makipagsabayan sa kanya, kung may binabalak nga na hindi maganda.

Napatingin ako kay Kim na kanina pa papalit-palit ang tingin sa aming dalawa. Umiling pa siya para paalalahanin akong huwag awayin si Jackson.

Pinanlakihan ko nga ng mata. "Ba't ako?" —ito kaya ang laging nag-uumpisa ng away.

Hindi na lang ako kumibo hanggang sa ma-serve na ang pagkain. Mabuti na lang at wala itong ginawang kakaiba at kumain lang din.

Patapos na akong kumain nang magsalita ito, "Ba't hindi mo kasama ang babae mo?"

Nagpanting ang tenga ko at mabilis na tumingin nang masama. "Anong sinabi mo?"

Hawak ang tinidor ay tinuro niya kung saan nakapuwesto si N

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status