Nang dumating ang gabi ay bumaba kami para kumain. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang tingin ng nanay ni Rita sa akin kaya't naiilang ako.
"Mommy, okay lang bang papahiramin ko si Charlotte ng gown? Para po sana may maisuot siya sa prom." Nabitin sa ere ang aking pagsubo at napatingin kay Rita. Wala sa usapan namin ang ganito.
"Meron ka pala e, hindi mo naman sinasabi," sabat ni Andra.
"Pahiramin ko na lang siya. Kawawa naman kasi si Charlotte,"
Napayuko ako at uminit ang sulok ng aking mata. Hindi ko alam kung emosyonal lang ba talaga ako ngayon at napaka sensitive ko ngayong araw pero naiinsulto ako sa sinabi ni Rita. Gusto kong isipin na epekto lang ito ng mga nangyayari sa akin pero nitong mga nakaraang araw ay may napansin akong kakaiba kay Rita.
"Balita ko may mayamang boyfriend ang nanay mo noon? Bakit hindi siya sumama roon? Nagtiis siya sa tatay mong nag-uuling lang? Sana hindi ka nanghihiram ngayon ng gamit,"
"Mom!" Saway ni Rita sa kanyang ina
Bigla yatang sumikip sa aking lalamunan ang pagkaing nilunok ko dahil sa sinabi ng kanyang nanay. Maging ang dalawa kong katabi ay natigilan rin dahil doon.
"Bakit? Totoo naman, hindi ba Charlotte?" Nandidilat pang sambit niya sa anak saka muling tumingin sa akin. "Nawalan na ako ng gana sa pagkain." Tumayo siya saka kami iniwan doon.
Nag-aalalang mga tingin ang iginawad ng dalawa kong kaibigan sa akin. "Pasensiya na Cha!" mahinang usal ni Rita habang hinihimas naman ni Andra ang aking likod.
Alam kong mahirap kami. Hindi nakapag-aral si nanay at tatay. Pero ano bang mali sa trabaho ni tatay? Marangal siyang nagtatrabaho para sa amin. Oo, naiinggit ako sa iba pero naiintindihan ko si tatay. Tanggap ko kung ano lang ang kaya niyang ibigay sa amin.
"Okay lang!" Muntik pang pumiyok ang boses ko sa pagpipigil na umiyak. Pilit kong kinakalimutan ang kanyang sinabi pero masakit sa akin na ganun ang pananaw niya tungkol sa aking ina.
"Uuwi na lang muna ako, baka kasi bad mood lang ang mommy mo kaya siya nakapagbitiw ng ganun." sambit ko. Kasabay ng pag-angat niya ng tingin sa akin ay agad akong tumayo at dire-diretsong lumabas ng kanilang bahay.
"Cha, sandali..." Sumunod silang dalawa sa akin sa labas. Hinabol ako ni Rita at hinawakan sa kamay "Pasensiya ka na kay nanay! Huwag naman sanang sumama ang loob mo sa akin at sa kanya,"
"Oo nga Cha, palabasin mo na lang sa kabila mong tainga."
Umiling ako sa kanilang dalawa. Ganun lang ba kadali 'yon? Wala akong alam sa sinasabi niya pero maliban sa mali na sinabi niya iyon sa akin may pakiramdam akong kakaiba. Para bang may pinanggalingan iyon. Hindi ko kayang manatili sa kanilang bahay habang iniisip ang bagay na iyon.
"Next time na lang." Pinilit ko pang ngumiti para ipakita na hindi ako apektado.
"Gabi na Cha, delikado oh!" Tumingala si Andra sa langit. Sa kabila ng dilim ay kitang kita ang makapal na alapaap senyales na uulan. "Baka maabutan ka pa ng ulan sa daan,"
Bumaling ako kay Andra. Lumaki ako sa bundok at sanay ako sa dilim kaya hindi ako natatakot umuwi kaya nga hindi na nila ako napigilan. Ulan lang 'yan, hindi 'yan ang magiging dahilan para matakot ako.
Dire-diretso kong binagtas ang daan papunta sa amin. Mabigat ang bawat hakbang ko dahil masama pa ang loob ko kay nanay pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa narinig mula sa ina ni Rita. Pano niya nasabi ang mga bagay na iyon na para bang may alam siya? Ayoko pa sanang umuwi pero wala akong ibang matutuluyan maliban sa masukal na gubat kaya't ipinagpatuloy ko ang paglalakad.
Nanindig ang aking balahibo dahil sa malakas na hangin at dahil sa manaka-nakang kulog. Tinanaw ko lang ang aming madilim na bahay pagkarating ko sa labas ng bakuran. Malungkot ang aming tahanan at parang wala itong buhay. Tanging mga kuliglig lang ang naririnig ko sa may kakahuyan. Tiningala ko ang mga bituin sa langit. Sana lang ay umuwi na si Leila para may karamay ako sa bahay.
Marahan kong binuksan ang bakod namin at lumapit sa aming bahay. Nakaunat ang dalawang paa kong umupo sa may lupa. Wala akong ganang pumasok sa loob at pakiramdam ko ay hindi ako welcome sa sarili naming tahanan.
Napaayos ako nang upo nang may mamataan akong flashlight sa may di kalayuan. Agad akong tumayo at nagkubli sa may likurang bahagi nang pumasok ito sa may bakuran. Hindi ko alam pero pero napako yata ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan si nanay papasok sa aming bahay at may dalang gown na nakabalot sa malaking plastick. Agad akong napangiti sa sarili hindi ko na pala kailangang manghirap pa.
Unti-unti nang pumapatak ang maliliit na ambon kaya't umalis na ako sa aking pagkakakubli at lumapit sa harapan ng aming bahay ngunit natigil lang nang marinig ang boses ni nanay at tatay.
"Wala ka nang pakialam kung saan ko kinuha ang gown na ito." Narinig kong bigkas ni nanay. Sumilip ako at nakita kong kausap niya si tatay. Dismayado at galit ang mukha nito.
"Ahh, walang pakialam? Kailangan ng panganay mo ng masusuot sa kanyang prom pero hindi mo iniintindi. Pero pagdating diyan sa bunso mo kahit anong paraan ginagawa mo?"
Nakaramdam ako nang pait habang pinapakinggan ang kanilang pagtatalo. Buong akala ko ay para sa akin ang kanyang dala. Unti-unting bumagsak ang aking luha kasabay ng pagbuhos ng ulan. Ang tanga ko para umasang para sa akin iyon pero hindi pala, para pala iyon sa paboritong anak ni nanay.
"Birthday ni Celestine at dapat lang na paghandaan ko siya, kung hindi dahil sa babaeng 'yan ay hindi sana nasunog si Tintin."
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang hikbi. Malakas ang ulan pero pakiramdam ko ay mas mananaig ang aking iyak kapag hindi ko ito pinigilan.
"Nandito na naman tayo sa ganitong usapan. Bakit ba hanggang ngayon kay Charlotte mo pa rin sinisisi ang pangyayari?"
"Sino ba dapat ang sisisihin ko? Ikaw?" patuloy ni nanay at tumango-tango. "Tama ka. Ikaw ang dapat sisihin. Alam nating pareho kung bakit ganito ang pagtrato ko sa batang 'yon, kaya huwag mo akong turuan ko paano ko siya tratuhin."
"Ibabalik pa ba natin ang nakaraan? Matagal na iyon Lia."
"Ang sugat ng nagdaan ay hindi kayang burahin ng panahon gaano man ito katagal."
"Anak mo pa rin si Charlotte! Hindi ko anak si Tintin pero tinuturing ko siyang anak kagaya ng sarili kong laman at dugo. Kagaya kung paano ko mahalin ang sarili kong mga anak."
"Anong gagawin ko Eduardo? Habang buhay ang batang 'yan ay hindi maghihilom ang sugat na ginawa mo sa akin."
Mula rito sa aking pwesto ay nakita ko ang pagkislap ng luha sa pisngi ni nanay.
"Patayin mo na lang siya kung 'yan ang magpapasaya sa'yo!"
Nanginig ang katawan ko dahil sa panghihinga. Tuluyan na akong pasalampak na naupo sa lupa habang nakasandal sa dingding. Dinig na dinig ko ang kanilang sigawan sa kabila ng ingay na dulot ng ulan. Sumikip ang aking dibdib sa mga narinig mula sa kanila.
Sinuong ko ang ulan at tumakbo palayo. Pinigilan niya ako sa aking pagtangkang magpakamatay dahil gusto niya lang akong parusahan, gusto niya lang iparamdam sa akin ang pait ng buhay. Para akong baliw na tumatakbo at tumatawa sa gitna ng ulan. Ayoko nang mabuhay pang muli, wala akong kasalanan kaya't ano pang silbi nang mabuhay sa mundong ito na walang nagmamalasakit sa akin?
Ano bang nagawa ko para kamuhian ako ni nanay? Anong nagawang kasalanan ni tatay?
Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak habang tinatahak ang gubat. Wala na nga akong choice ngayon kundi magpalipas ng oras sa gubat.
Bahala na!
Halos hindi ko na makita ang aking daanan dahil sa mga luhang nag-uunahan. Hindi ko inalintana ang dilim ng paligid at ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mas gugustuhin ko pang may bigla na lang hahablot sa akin at patayin ako kaysa bumalik pa sa lugar na iyon.Pumalahaw ako nang iyak nang gumulong ako pababa. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kahoy at mga maliliit na sangang nahagip ng aking paggulong. Sana ay may ahas na bigla na lang tutuklaw sa akin para hindi ko na masaksihan ang mapait na sinag ng araw.Matatanggap ko pa siguro kung ipagtabuyan ako ni nanay kaysa tratuhin ako na parang hindi niya ako anak. Walang mahalaga sa kanya kundi ang paborito niyang anak na si Celestine at ako ang naging dahilan kung bakit nasira ang kanyang magandang mukha. Ako ang anak na naging bunga lamang ng kanilang pagnanasa sa isa't isa ngunit
Pagkatapos naming mag-usap ay nagpalipas muna kami ng oras habang nakaupo sa may malaking bato. Wala na akong pakialam ngayon kay nanay kung makita man nila akong kasama ko si Sander. "Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Natigilan ako sa tanong niya. "Nagkasalubong lang kami," maikli kong tugon. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Isa pa ayokong malaman niya na binalak kong magpakamatay. Tumahimik na siya kaya't tumayo na ako. "Hali ka." Hinila ko siya patayo. Isiniksik ko ang maliit kong daliri sa kanyang mga daliri saka ito itinaas sa ere. Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang mga daliri ko sa kanya na para bang sa kanya lang maaring humawak sa aking kamay.
Ilang sandali lang ay nagawan din ng paraan na maayos ang zipper ng aking suot sa likuran. Nakangiti akong humarap sa bakla matapos niyang maayos ang aking likuran. Ngumiti lang din siya sa akin at hinaplos ang dulo ng aking buhok papunta sa harapan ko.Lumapit din si Sander sa akin at pinaikot ako patalikod sa kanya. "Ayos na na." Akala ko ay tiningnan niya lang kung ayos na ba ang ginawa ng bakla sa akin pero natigilan ako nang maramdaman ang isang malamig na bagay sa aking leeg.Tulala ako nang muli niya akong iharap sa kanya "Tandaan mo ikaw lang ang pinakamaganda sa aking paningin kahit ano pa man ang isuot mo."Uminit ang aking pisngi lalo na nang dumampi ang kanyang labi sa aking noo.Gusto kong maiy
Akala ko ng gabing 'yon ay magiging payapa akong nakatanaw sa ulap. Hiniling ko ng araw na iyon na bigyan ako kahit saglit lang na panahaon para makapag-isip at iiyak lahat ng sakit."Balak mo bang matulog dito sa gitna ng daan?" Agad akong napatayo nang may magsalita.Agad na bumungad sa akin si Knee Yoz at katulad ng dati ay may dala siyang flashlight at nakatutok sa aking mukha. Nasilaw ako dahil sa liwanag kaya't naudlot ang aking pag-iyak."Ilayo mo nga yang flashlight mo." Iritadong utos ko sa kanya na agad niya rin namang sinunod.Umupo ako sa lupa at inunat ang aking dalawang binti, walang pakialam kung madumihan man ang puti kong suot. Ginaya niya rin ako sa pag-upo. Kumunot ang noo ko nang mapansi
Pagkatapos ng aming first period ay ibinalik ko na kay Rita ang gown na pinahiram niya sa akin."Salamat pala! Nilabhan ko na yan, pasensiya na rin at nasira ang zipper sa likod," eryoso kong saad at nauna nang lumabas.Hindi ko alam kung may ideya ba siyang nakita ko sila nang gabing iyon at kung ano ang kanyang iniisip pero ayoko talaga siyang kausapin sa ngayon at baka mabulyawan ko siya. Ayoko nang sumunod siya sa nangyari sa amin ni Tintin."Wala ka talagang gana kanina pa," puna ulit ni Andra sa akin.Sumapit ang lunch at nauna na rin ako sa kubong kinakainan namin. Wala pa sina Rita at Andra dahil bumili pa sila ng ulam samantalang ako ay nag-umpisa nang kumain. Sinadya kong bilisan ang pagkain dahil ayoko na silang sabayan pa at para mauna na ako sa room namin mamaya. Buti na lang at may baon akong hotdog.M
"Heyy.. gising"Nakaramdam ako nang pagyugyog sa aking braso akala ko ay nananaginip ako ngunit nang imulat ko ang mga mata ko ay nakatunghay si Knee Yoz sa akin."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Umayos ako nang upo at umiwas ng tingin."Anong oras na?"Tumingin ako sa paligid at mababa na rin ang araw. Nakatulog na ako sa paghihintay sa kanya."Mag-aalas cuatro na," sagot niya at umupo sa aking tabi. "Birthday ng kapatid mo bakit ka nandito sa bundok?"Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya? Umalis ako roon dahil naiinggit ako
Paano ba ako makatakas sa reyalidad? Paano ako tatawid sa kabilang buhay? Ilang paghihirap at pasakit ba ang mararamdaman ko bago ako pagbigyan ng panginoon? Ano bang misyon ko sa buhay?Unang sumalubong sa akin ang puting paligid. Akala ko sa wakas ay narating ko na ang inaasam kong kamatayan ngunit hindi pa rin pala. Ito na naman ako at muling humihinga. Napakamalas ko talaga.Bahagya kong inangat ang aking katawan nang bumukas ang pintuan ngunit agad ding bumalik sa pagkakahiga nang maramdaman ang kirot sa aking tiyan."Gising ka na pala?" Napabuntong hininga ako nang pumasok si Knee Yoz.Siya na naman ang nagpigil sa aking magpakamatay?"Bakit mo pa ako din
"Ma'am, sir, I swear.. Wala akong scandal at never akong gagawa ng ganyan kalaswang bagay," paliwanag ko"Are you trying to fool us?" Inis akong napatayo sa tanong ni sir Baes."Sir may ebidensiya ba kayong ako talaga ang nasabing babae sa scandal na sinasabi niyo?" Hindi ko na napigilan at tumaas na ang aking boses sa inis. Bakit ang bilis nilang maniwala?Nag-aalangan pa siyang kinuha ang kanyang cellphone at may pinindot bago ito pinakita sa akin. "How can you explain this?"Nanghina ako nang makita ang aking mukha sa video. Tang*nang buhay! Wala na bang lugar ng pag-asa para sa akin sa mundong ito? Puro na lang kapalpakan at kahihiyan."Your parents already