Share

Here's Your Perfect (Filipino)
Here's Your Perfect (Filipino)
Author: Jennex

Prologue

Chris

Nakakita na ba kayo ng isang anghel? Ako kasi, oo. Wala man siyang pakpak, pero para sa akin, she's truly my angel.

Na love at first love sight yata ako sa kanya eh. At hanggang sa hindi na iyon nawala pa. Hanggang sa tuluyan na akong nahumaling sa kanya. Ang ganda-ganda kasi talaga niya, nakakatulala.

Siya na rin yata ang may pinakamagandang ngiti na nakilala ko sa tanang buhay ko. May mga matang kumikislap sa tuwing tinititigan ko. Nakakapanghina, kasi ganoon kalakas ang dating niya.

Ang sarap din pakinggan ng boses at mga tawa niya. Hindi nakakasawang pakinggan, pakiramdam ko pa, para akong nakikinig palagi ng magagandang musika. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

Napaka sweet din nito at maalaga. Madalas man itong makulit, pero ayos lang, bagay parin naman sa kanya. Ang sarap nga niyang i-baby eh, nakakawala ng problema sa buhay. Parang ang sarap niyang igapos palagi sa mga bisig ko. Ang sarap niyang alagaan.

Hindi na rin mahalaga kung ngayon ko lamang ito nakasama ng ganito. Dahil ang importante ay dumating siya sa buhay ko, kung kailan kailangan na kailangan ko ng masasandalan at makakasama. Binigyan parin ako ng pagkakataon na maparamdam sa kanya ang pilit na ipinagkakait sa akin ng panahon. Nagpapasalamat ako dahil siya ang ipinadala ni bathala, para hindi ko maramdamang ako ay mag-isa.

Hay. Napapahinga na lamang ako ng malalim sa tuwing tinitignan ko siya ng palihim. Napapasabi na lamang ako sa aking sarili na...

Pwede bang pasilip kahit sandali sa future? Titignan ko lang kung siya ba ang babaeng makakasama ko? O kung hindi naman, pwede bang nakawin ko nalang siya mula rito? Masigurado ko lamang na walang mananakit sa kanya dahil aalagaan ko siya ng higit pa sa sarili ko.

Masyado na yata akong nahuhulog sa kanya ng tuluyan. Hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili pero, bahala na. Masaya naman ako eh. Masaya naman kami pareho. At iyon ang mahalaga sa ngayon.

Hindi na importante kung ano ang naghihintay na bukas para sa aming dalawa. Hindi na importante kung ano ang unos na paparating. Ang importante ay ang siya at ako, pati na rin ang islang ito na nagsilbi na yata naming munting paraiso.

Araw-araw ko na lang na ipaparamdam sa kanya, kung gaano ako kasaya na nakasama siya, na nandito siya. 

Siya nga pala si Jazmine, ang babaeng magpapaibig yata sa akin ng paulit-ulit. Ang babae na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko. Ang babae na hindi ko akalain na matatagpuan ko sa islang ito, na ubod ng kulit pero bumabawi naman sa pagiging sweet.

Nandito kami ngayon nakaupo sa dalampasigan, tanaw ang magandang tanawin na nasa aming harapan. At habang abala kami pareho na dinadama ang medyo lumalamig na ngayon na simoy ng hangin na yumayakap sa aming katawan at tumatama sa aming mga mukha, ay hindi ko mapigilan ang ipikit ang aking mga mata. Upang damhin din ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha na ngayon ay papalubog na. Pati na rin ang ingay ng hampas ng mga alon sa may hindi kalayuan.

Kahit hindi ko man ito nakikita, alam kong nakatitig si Jazmine sa mukha ko. Ramdam ko ang kanyang mga mata na nakapako lamang sa akin. Napangiti ako sa loob ko.

Ano kayang iniisip niya habang pinagmamasdan ako?

Siguradong poging-pogi na naman siya sa akin. May pagmamayabang na sabi ko sa aking sarili.

"Chris." Pagbanggit nito sa pangalan ko.

"Hmmm?" Noon din ay nagpasya na akong imulat muli ang aking mga mata at agad na tinignan siya sa kanyang mukha.

"Can I ask you again? Bakit napadpad ang isang Christian Ocampo dito sa Coron, Palawan?" Magkasunod na tanong nito.

Halatang gustong malaman talaga ang totoong dahilan kung bakit nga ba ako nandito. Ito kasi ang pangalawang beses na naitanong niya ang bagay na iyon.

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya bago nagbaling sa ibang direksyon.

"Ay. Hindi masagot. Mukhang may tinatakasan ka rin talaga." Tuyo nito sa akin sabay sundot sa tagiligan ko. "Siguro, may nabuntis ka 'no?" Dagdag na biro pa nito bago nagpakawala ng isang malutong na pagtawa. Iyong tawa na parang musika sa aking tenga.

Mabilis na muling ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya pagkatapos ng ilang sandali.

Ngunit mas seryoso na rin ang aking mukha this time.

"I'm here to move on." Seryosong sagot ko sa kanya. "To forget everything I don't want to remember anymore. And then, you came. I met you." Napapalunok ako habang sinasabi iyon sa kanya bago ito binigyan ng isang matamis na ngiti.

Mayroong pigil na ngiti na napayuko ito at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.

"What about you?" Tanong ko pabalik sa kanya habang mayroong nakakalokong mga ngiti. "Bakit ka nandito? Hmmm?" Atsaka mas inayos pa ang aking sariling pag upo paharap sa kanya.

Hindi nito sinagot ang aking katanungan. Sa halip ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at tanging hampas ng mga alon lamang ang aming naririnig. Hindi nagtagal ay napatingala ito para bigyan ako ng isang halik sa aking pisngi.

Awtomatiko naman na napangiti ako at nang init ang aking buong mukha at tenga dahil sa kanyang ginawa.

"You don't have to answer my question." Saad ko. "Ang importante nakilala kita at nakasama sa islang ito." Dagdag ko pa. "Sapat na iyon para sa akin."

"Really?" Para bang hindi naniniwala na tanong pa niya.

Napatango ako. "Yes. Eh ikaw ba? Hindi ka ba thankful na may pogi kang nakilala sa islang ito?" Pagbiro ko habang ngingiti-ngiti.

Muli ay hindi ito nakasagot. Ngunit makikita naman ang pagkislap ng kanyang mga mata nang itanong ko iyon. Binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti bago tuluyang isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

Kinuha nito ang aking kamay bago ipinagdikit ang aming mga daliri.

Habang ako naman ay marahan na hinalikan ito sa kanyang ulo atsaka ipinagpatuloy na ang aming panonood sa papalubog na araw.

Noon din napatanong ako sa aking sarili.

Hanggang kailan ko ba siya makakasama sa islang ito? Pwede bang ganito nalang kami at manatili nalang siya sa tabi ko, habambuhay?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status