Share

Kabanata 5

Pagkamulat ng mata ni Robin ay laking gulat na lamang niya nang mapagtantong wala na si Mara sa tabi nito. Palingon-lingon siya sa bawat pasaherong nakasakay roon, subalit hindi niya mahagilap ang dalaga kung saan ba ito nagtungo.

"Excuse me, napansin niyo ba kung saan nagpunta yung babaeng katabi ko dito kanina?" tanong niya sa dalawang dalaga na katapat lamang nito.

"Yes, actually kakababa lang niya at may ibang guy pa nga siyang kasama." Tugon nito na mas ikinagulat naman ni Robin. Sandali siyang napatayo at bumaba na rin siya kaagad ng bus.

Tila hindi siya pamilyar sa lugar na napuntahan niya. Napansin kasi niyang may karnibal sa kabilang kalye habang maraming torista ang namamasyal sa kaniyang paligid.

Patingin-tingin lang siya sa bawat taong makakasalubong niya. Kabi-kabilaan niyang hinahanap ang dalaga pero sa lawak at dami ng tao roon ay nahihirapan siya kung saan ba niya ito hahagilapin.

"Damn it, monkey girl! humanda ka talaga sa akin kapag nakita kita." Inis niyang sabi sa sarili. Maya-maya pa ay may dalawang babae ang nakapansin sa kaniya. Ningingitian siya at sinusundan ng tingin. Napakunot-noo na lamang siya at pasimpleng niyuyuko ang kaniyang ulo.

"Hala! ang gwapo niya! artista ba siya?" bulong nung isang babae sa kasama niya. Narinig naman iyon ni Robin, kung kaya't umiwas na lamang siya at naglakad sa ibang direksyon.

Natigilan na lamang siya nang mapagtantong nasa harapan na pala siya ng karnibal. Nakatingala lang siya at biglang nakaramdam ng pangamba sa kaniyang dibdib.

"Bakit ako nandito?" mahinang saad niya sa sarili at tipong aalis na lang sana siya ay bigla naman sumulpot sa harapan niya sina Mara at Andrew na magkasama.

"Robin!" tawag ng dalaga sa kaniya.

"Ikaw, monkey girl!" galit niyang sabi habang nakaturo siya kay Mara.

"Umiiyak ka ba?" malumanay na tanong sa kaniya ni Andrew, kung kaya't nabaling ang atensyon niya sa binata at magkasalubong ang dalawang kilay.

"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" usisa niya habang pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pero wala naman nagbago sa kaniya at nakapang-school uniform pa rin siya.

"Nakalimutan mo na ba? ako si Andrew Herras." Taas-noong tugon nito sa kaniya habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.

"So, anong ginagawa ng school president dito sa karnibal?" nakangising aniya.

"Tinatanong pa ba 'yan?" sabay tingin nilang dalawa kay Mara.

"Ba... bakit? huwag niyong sabihin na naduduwag kayong pareho na pumasok sa loob niyan?" ani ng dalaga sa kaniya, pero bigla naman siyang inakbayan ni Andrew sa kaniyang balikat. Sinundan ito ng tingin ni Ronin at saka inalis ang braso nito sa balikat ng dalaga. Ngumisi lang si Andrew at muling pinamulsa ang dalawa niyang kamay.

"Nga pala, ba't ka umiiyak?" tanong ni Mara kay Andrew na ikinalingon naman nito.

"Umiiyak?" pagtataka niya.

"E ano pa nga ba? akala niya siguro nawawala na siya." Nakangising saad ni Andrew sa kaniya.

"Hoy! anong tingin mo sa akin bata!?" inis nitong tugon sa binata.

"Kung gano'n, bakit ka nga umiiyak?" malumanay na tanong sa kaniya ni Mara.

"Isa ka pa, sabing hindi nga ako umiiyak!" aniya sabay napahawak siya sa pisngi niya at natigilan siya bigla nang mapagtantong lumuluha nga ang kaniyang mga mata.

"See? don't tell me na tumalsik lang ang laway mo sa mata." Pagbibirong sabi pa ni Andrew sa kaniya habang tinatawanan siya nito.

***

(ROBIN's POV)

Walong taong gulang lamang noon si Robin noong siya ay iwan ng kaniyang ina sa isang carnibal.

Ipinangakong babalikan siya nito subalit sumapit na ang pagtakip-silim ay hindi pa rin ito bumabalik. Iyak lang siya ng iyak at paulit-ulit na tinatawag ang kaniyang ina, hanggang sa napansin na lamang siya ng isang security guard at tinulungang makauwi sa bahay nila.

Subalit pagkatapak na pagkatapak pa lamang nito sa tapat ng kanilang pintuan ay napansin na lamang niya na nagkakagulo at nag-iiyakan na ang mga tao roon sa loob. Isa sa mga nakaagaw ng pansin niya ang kaniyang ama na umiiyak habang niyayakap ng lola niya.

Nilapitan niya ito at doon lamang niya napagtanto na naaksidente pala ang kaniyang ina kung kaya't hindi siya nagawang balikan nito.

Halos nagdulot iyon ng malaking lungkot at trauma sa kaniya. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay tila natakot na rin siyang pumunta o pumasok sa mga carnibal, sapagkat sumasariwa lang ang alala niya tungkol sa kaniyang ina na namayapa.

Kaya naman ganoon na lamang ang pagtulo ng luha niya nung mapadpad siya sa isang festival at kung saan mayroon din carnival. Kinusot na lamang niya ang kaniyang mata at saka sila nagtungo sa loob nito. Nakasunod lang siya sa likuran nina Andrew at Mara habang nakayuko ang kaniyang ulo.

"Robin, okay ka lang ba?" lingon na sabi sa kaniya ng dalaga. Hindi naman nakatugon kaagad ang binata bagkus ay pinagpapawisan ito ng matindi at nanginginig sa sobrang takot.

Sandali napahinto sa paglalakad ang dalawa at napalingon sila kay Robin na nakatayo lang sa pwesto niya at balisang-balisa sa kaniyang paligid.

"Robin!" tawag sa kaniya ni Andrew ngunit parang hindi siya naririnig nito at nagkatinginan silang dalawa ng dalaga.

Tila umiikot naman ang paningin ni Robin at samu't-saring bulungan lang sa kaniyang paligid ang kaniyang naririnig. Muli na naman sumariwa sa kaniyang alala ang nakaraan niya noong bata pa lamang siya at noong iniwan siyang mag-isa ng kaniyang ina.

Paulit-ulit niyang binabanggit sa bibig ang mga salitang, "Nasaan ka na? ang sabi mo babalik ka.. Ang sabi mo babalikan mo ako, nasaan ka na Ma."

Ilang saglit lang ay bigla siyang inakbayan sa balikat ni Andrew at saka nito ipinasok sa tenga niya ang headset na may kasamang musika.

Tila nagulat si Robin sa ginawa nito at muli siyang natauhan. Sandali siyang napalingon sa dalawa at napansin nga ni Mara na tumutulo na naman ang mga luha nito sa mata ng hindi namamalayan.

"Mas mabuti siguro kung sa ibang araw na lang tayo magpunta dito. Masyadong maraming tao." Ang sinabi lang ni Andrew sa kanilang dalawa at syaka na ito naglakad palabas ng carnival. Napatitig naman si Robin kay Mara ngunit ningitian lang siya nito at niyayang lumabas na lang.

Nagtungo na lamang sila sa bangketang nakakalat sa labas at nagtitinda ng kung anu-anong mga souvenirs at pagkain.

"Hoy, may pera ka ba d'yan?" tanong ni Andrew sa binatang kasama na ikinalingon naman nito.

"Huh? may- mayroon." Aniya sabay inilabas ang wallet niya sa bulsa.

"Kung ganoon, bilhan mo kami nito." Sabay turo niya sa hotdog stick na tinitinda roon. Tila bigla naman nagtaka si Robin at napalingon rin siya kay Mara na tila ay iniiwasan na lamang siya ng tingin.

"Uy, ano na? dalawa sa akin. Kuya siya po ang magbabayad." Ang sabi pa ni Andrew sa nagtitinda ng hotdog at saka sila iniwanan nito.

"Ikaw? ano sa'yo?" tanong niya sa dalaga na nakasunod lang ng tingin kay Andrew.

"Huh? hi-hindi. Salamat na lang, busog pa ako." Ang sabi na lang niya habang nakatingin siya sa hotdog at napalunok ng laway. Napansin naman iyon ng binata, kung kaya't napangisi na lang siya at kumuha ng tatlong hotdog stick at saka niya inabot kay Mara.

"Oh." Aniya habang inaabot niya yung tatlong hotdog. Nagulat naman ang dalaga at napatingin sa kaniya.

"Si- sige na nga. Pero isa lang." Sabay kinuha niya yung isang hotdog pero pinahawak pa rin sa kaniya ng binata ang tatlong hotdog stick, tapos tinalikuran na siya nito.

"I-ikaw? hindi ka ba nagugutom?" usisa ng dalaga sa kaniya habang sabay silang naglalakad dalawa.

"Nagugutom." Tugon niya na may pag-guhit ng ngiti sa kaniyang labi. Sandali siyang hinigit sa kamay ng binata at saka kinagatan ang hotdog na hawak nito. Tila nabigla naman ang dalaga at napatitig lang sa kaniya.

"Salamat." Nakangising saad pa niya at muli siyang nagpatuloy sa paglalakad habang nanigas naman na parang bato roon si Mara.

 

Ilang saglit pa ay may biglang lumapit sa kaniya at saka siya sinootan ng rabbit hairband sa kaniyang ulo.

"Well, not bad." Ani ni Andrew sa kaniya.

"By the way, pwedeng pakagat?" ang sabi pa nito sabay turo sa hawak nitong hotdog stick. Hindi naman makpagsalita si Mara kung kaya't napatango na lamang siya ng kaniyang ulo at syaka siya hinawakan sa kamay ng binata, sabay kinagatan niya yung pagkaing hawak nito.

Sinundan lang siya ng tingin ng dalaga at nakatitig sa mapulang labi niya. Muling bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib at napalunok siya ng malalim.

Bakit ba, parang gusto ko na lang din maging hotdog? paglalayag nito sa kaniyang isipan. Ngunit habang nakatitig at nakatulala lang siya sa binata ay hindi naman niya namamalayang unti-unti na pala nitong inuubos ang pagkain na hawak niya.

"Hoy! matakaw!" biglang lapit sa kanila ni Robin at saka niya itinulak palayo si Andrew. Natauhan naman kaagad ang dalaga at napatingin sa hawak niyang stick na lang ang natira. Nabigla siya at muling napatingin kay Andrew na pinupunasan ang kaniyang bibig.

"Ang sarap kasi kaya hindi ko napigilan. Don't worry binili naman kita ng headband. Tignan mo, bagay na bagay nga sa'yo." Nakangising sabi nito. Napangiti naman hanggang tenga si Mara at saka pinamulsa ang stick na hawak niya. Pero napansin din iyon kaagad ni Robin, kung kaya't inagaw niya yung stick at saka itinapon sa basurahan.

"Hoy!" gulat at pasigaw niyang sabi sa binata.

"Basura na 'yon!" saad nito sa kaniya.

Kahit na. Kinainan ni Andrew iyon e. Balak ko pa naman sana ilagay 'yon sa scrapbook ko. Bulong nito sa kaniyang isipan habang nakatingin siya kay Robin na may pangingilid ng luha.

Minsan na nga lang ako makatanggap ng ganoon mula sa kaniya. Tinapon pa ng pervert na ito! muling saad niya sa isipan.

"Sandali, umiiyak ka ba?" usisa ng binata sa kaniya pero kinusot lang niya ang mga mata sabay tinalikuran na siya nito.

 

"Mara!" tawag niya ngunit hindi siya nito pinapansin o nililingunan man lang. Sandali tuloy siyang napatingin kay Andrew at napalingon din ito sa kaniya na may pagtataka sa mukha.

"Kasalanan mo 'to e!" aniya sa binata.

"Kasalanan?" usisa nito sa kaniya.

"Kung hindi mo sana inubos yung hotdog niya, e 'di sana hindi siya umiiyak!" pasigaw nitong tugon sa kaniya at saka siya iniwanan.

Napakunot-noo na lamang si Andrew at sumunod din kaagad sa kanila.

Sa araw na iyon ay halos inabot na sila ng takipsilim pero hindi nababawasan ang mga tao doon, bagkus ay mas nadadagdagan pa nga. Siksikan na at makipot na ang bawat madaraan nila.

Gayunpaman ay over-protective naman itong si Robin kay Mara, habang inaalalayan niya itong maglakad at nakaakbay sa balikat ng dalaga upang hindi siya masagi o mabangga ng mga tao roon.

Nakasunod naman sa bandang likuran nila si Andrew na kanina pang nakatitig sa kamay ng binatang nakahawak sa balikat ni Mara.

Pero sa kabilang banda naman ay may ilan rin na mga studyante ang nagmula din sa paaralan nila ang nakakita sa kanilang tatlo. Unang napukaw ng atensyon nila ay si Andrew, nang makasalubong nila ito sa daan.

"Stop! hindi ba si Andrew 'yon?" turo ng isang babaeng estudyante sa mga kasamahan niya. Sandali naman napalingon ang mga kaibigan nito sa itinuturo ng dalaga at nanlaki ang mga mata nila sa gulat na mapagtantong si Andrew nga ang nakikita nila.

"Bingo! si Andrew nga 'yon! pero ano naman kaya ang ginagawa rito ng isang school president?" usisa ng isa pa nilang kasama.

"Wait a minute. Mukhang hindi lang siya nag-iisa?"

"What do you mean?"

"Look! parang si Robin yung nasa unahan niya. Nakikita niyo ba?" pagkasabi nito ay sabay-sabay naman silang napasulyap sa tinutukoy nito.

"Oh my gosh! mukhang naka-jackpot tayo! ang dalawang hot crush ng campus ay nandito ngayon sa festival? humanda kayo girls, dahil ito na ang pagkakataon natin upang maangkin ang mga puso nila!" saad nung isa. Pagkatapos ay sabay-sabay silang naglakad palapit sa direksyon nina Andrew.

 

Ilang sandali pa ay bigla naman napalingon si Robin sa ibang direksyon at nahagip nga ng atensyon niya ang isang grupo ng mga babaeng nakasuot rin ng school uniform na gaya rin sa kanila.

Huminto siya bigla sa paglalakad at napalingon kay Andrew.

"Andrew, humanda ka ng tumakbo." Saad niya sa binata pero napakunot-noo lamang ito at may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha.

"Bakit?" usisa naman ng dalaga sa kaniya.

"Pagkabilang ko ng tatlo, sabay takbo. Nagkakaitindihan ba tayo roon?" ang sabi pa niya sa seryosong mukha. Tila nagtataka pa rin si Andrew sa sinasabi nito kaya napalingon na lamang siya sa paligid nila, nang mahagip din ng tingin niya ang isang grupo ng mga kababaihang naglalakad papunta sa direksyon nila. Kaya naman kahit hindi pa nakakapagsimulang magbilang si Robin ay napatakbo na ito kaagad. Kasabay ng pagtakbo niyang iyon ay hinigit din niya sa kamay ang dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status