Chapter 6

Reen

ALAS-DOS ng hapon nang maalimpungan ako mula sa 'king pagkakahimbing. Tumayo ako at hindi na bumalik pa sa pagtulog, alam ko na kapag ginawa ko iyon ay baka gabi na ako muling magising. As usual, Oh, naks! Englesh spokening dollar— malamang ay hindi na ako makakapasok sa trabaho. Sayang ang dapat na kikitain.

Napailing ako nang maisip ang bagay na iyon. No'ng unang pasok ko kasi sa bar kung saan kami nagtatrabaho ni Liller, halos kasuklaman ko ang mundo. Lalo nang sabihin niya na mag i-intertweyn— intertamed— hay nako! Basta, 'yung may customer!

Hindi ko halos alam ang gagawin ko no'n, pero ngayon, kulang na lang ay hindi na ako matulog sa tuwing iisipin ko ang maari kong kitain sa isang gabi kapag pumasok ako sa bar. 

Mabuti na nga lang, ay hindi pa ako natatapat sa mga bastos na parokyano. Subukan lang nila't dudunggulin ko ang mga ngala-ngala nila.

S'yempre, biro lang!

Natawa na lamang ako sa mga pumapasok sa aking isipan. Awa! Ang hirap talaga kapag walang makausap.

Gumalaw ako mula sa 'king kinatatayuan nang muli kong maalala ang oras. Ilang beses ako napahikab habang nagliligpit ng aking pinaghigaan. Inaantok pa kasi talaga ako pero tulad nang lagi kong sinasabi, hindi ako mayaman kaya bawal ang tamarin.

Pinunasan ko ang aking mga mata nang matapos sa 'king ginagawa, maya-maya ay iniunat ko ang aking mga braso. Hindi ko pa nabababa ito, nang makarinig ako ng mga katok mula sa 'king pinto.

"Reen? Gising ka na ba?" 

Si Liller. Malamang ay nakaligo na ito.

"Oo, Ti. Nagliligpit lang ako," Naglakad ako papunta sa gawi kung saan naroon ang pinto at binuksan ito.

"Sabay na tayo kumain," bungad ni Liller sa akin nang magtama ang aming mga mata. "Nakaluto na 'ko, saka nauna na rin sa pagligo," dagdag niya pa.

Tama ako. Nakaligo na nga ito.

"Uh, sige. Gutom ka na ba?" tanong ko.

"Medyo," tugon niya.

"Maliligo muna sana ako, eh, kung okay lang?"

Ngumiti siya sa akin, "Sige, hintayin na lang kita sa baba. Ire-ready ko na lang 'yung pagkain."

"Yey, ang bait mo talaga. Salamat, ah?"

"Nako, maliit na bagay. Nakikita ko nga sa 'yo 'yung dati kong kaibigan, eh!" Muli siyang ngumiti sa akin. "Mas funny ka lang. Mayroon kasing pagkaseryoso 'yun," pagpapatuloy niya.

Ngumiti rin ako sa kanya nang sabihin niya 'yun. 

"Ano ka ba, bigla ko rin tuloy na-miss 'yung kaibigan ko na taga sa amin. Aoi ang pangalan niya, napakabait n'yon. Kaso, nawalan na ako ng balita sa kanya ngayon. Hindi ko na kasi ma-contact lahat ng numero niya, pati sa messenger ay hindi siya sumasagot," Napabuntong hininga ako.

"May naririnig ako na, natagpuan na raw siya nang kamag-anak ng Tatay niya, mayaman daw ang mga 'yon. So, ibig sabihin ay ris kid ang kaibigan ko—"

"You mean, rich kid?" 

Napaawang ang mga labi ko sa kanyang sinabi. Para talaga siyang si Aoi minsan.

"Ay, oo. 'Yun nga 'yon," Natawa ako sa naging reaksyon niya. "Sensya na, ah. Bubu lang!" biro ko.

Mahina siyang tumawa.

"Osiya, hintayin kita sa sala, huh? Mag-asikaso ka na rin para maaga tayong makapag-ready mamaya," untag nito.

Dalawang beses akong tumango sa kanya, "Sige, salamat."

Bumaba ako matapos mauna ni Liller. Dumiretso ako agad ng banyo para maligo. Nang makatapos ako ay hindi na ako umakyat sa kwarto. Nakita ko kasi ang kaibigan ko na nakaupo sa mesa, kaya dumiretso na 'ko roon.

"Gutom ka na talaga siguro, pasensya na, ah?" ani ko.

"Ano ka ba, para ka namang others niyan. Walang kaso 'yon, 'no!" tugon niya, na ikinangiti ko.

Nagsandok ako matapos niyang kumuha ng kanin. Ang sunod ay naglagay ito ng ulam sa kanyang plato. Ewan ko, pero bigla na lang akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ko ang niluto niyang adobong manok. 

Infairness, masarap ito. May pineapple kasi. Bigla ko tuloy na-miss ang Kuya Marv. Nagluluto rin kasi ito ng ganito sa bahay, lalo na kapag day-off naming dalawa.

Kumusta na kaya sila nila Maro at Nanay? Miss ko na sila. Kapag nakapag day-off ako ay pupuntahan ko sila. Nasasabik akong makita sila.

"Sanay ka na ba talaga mag-isa?" natigilan siya sa pagnguya nang itanong ko iyon sa kanya. "Ibig kong sabihin, okay lang din ba sa pamilya mo? H-hindi ka ba nila hinahanap or whats?" pagpapatuloy ko nang makasubo ng isang beses.

Narinig ko ang pagtikhim niya, bago ako nito sagutin.

“I came from a broken family,” seryoso ang kanyang tono. Dahilan, kaya napadiretso ako nang tingin sa kanya. 

“Ah—uhm, you kem prom a broken pamily— okay, gets ko na,” Ngumiti ako sa kanya nang makita ko itong napangiwi.

“Pasensya ka na, huh? Medyo nakakaintindi naman ako ng salitang ingles. Iyon nga lang, kailangan slowlier lang, gano’n!” sabi ko.

Tumawa siya. Mahina lamang iyon pero sapat para mapangiti ako. 

“Ganyan nga, happy lang tayo dapat!” sambit ko pa.

“Kaya nga, hay nako," sandali siyang tumahimik. "Huwag na lang natin pag-usapan ‘yung about sa pamilya ko. Baka mag-iba lang ang mood ko, madamay lang kita.”

Tipid siyang ngumiti matapos niyang sabihin iyon. Magsasalita sana ako, pero hindi na iyon natuloy nang biglang may kumatok mula sa labas.

“Ninier? Ninier anyu ner?” 

Natigilan ako sa ‘king kinakain nang makilala ko ang tumatawag na iyon.

“Ninier! May minamanabi ang nina Minay mo! Numamas nga nyan! Imornaneng mahanaga ino!”

Napahawak ako sa ‘king sintido nang muli kong marinig ang kanyang sinabi. 

“Sandali. Lalabas lang ako, ah?” paalam ni Liller sa akin. 

Tumango ako sa kanya bilang tugon sa sinabi niya. Nang makatayo siya’y nagpatuloy ako sa ‘king kinakain. 

Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik si Liller. Nagtaka ako, at the same timing, ay nag-alala rin. 

Mabuti na lang ay naiintindihan niya si Nicole. Kung ako kasi ang kakausapin nito, ay sasakit lang ang ulo ko. Hindi naman sa nilalait ko siya. Isang beses ko pa lamang siya nakaharap at nakausap no'ng unang dating ko rito, alam ko na mabuting tao siya. Isa pa, ay maganda naman siya. Hindi lang talaga masyadong maintindihan kapag nagsasalita na ito.

Lumingon ako sa pinto kung saan nakatayo si Liller habang kausap si Nicole, nakatalikod man ito mula sa akin, ay alam ko na seryoso ang kanilang pinag-uusapan. 

Uminom ako ng tubig saka sandaling nag-cellphone.

Hihintayin ko na lang muna rito ang kaibigan ko bago umakyat sa taas at kunin ang mga gamit na dadalhin ko sa trabaho. Total, sa bar na rin naman kami nag-aayos. Less hansel! 

Habang naghihintay kay Liller ay sandali kong binuksan ang F* account ko. Minsan na lang ako mag online, wala rin naman akong nakikitang maganda rito kaya hindi na ‘ko tumatambay pa sa social media. Mas gusto ko pa’ng manood sa YT channel ng paborito kong Author— si CCmonogatari

Nakalimutan ko nga palang sabihin kay Liller ang tungkol doon. Ipasa-subscribe ko na rin siya. Lalo na, kung nais niyang malibang o 'di kaya'y nagbabalak itong mag japan. Mayroon kasi roon na mga basic language. Pero hindi naman ako maka-relate. Salitang ingles nga lang ay medyo hirap na ako, japanese lenggwahe pa kaya.

Sa FB— marami pa rin namang may mga sense kung mag-post doon, kaya lang, ang sa akin kasi, karamihan ay mga post lang ng mga tsismosa naming kapit-bahay ang nakikita ko. Panay ang parinigan tungkol sa mga halaman nilang nagkakandawalaan sa kani-kanilang harapan. Paano naman kasi, halos pare-pareho na lang sila ng mga tanim. Terible!

Natigilan ako sa pag-iisip nang buksan ko ang messenger ko. 

May chat pala si Kuya. Agad ko itong binasa dahil baka importante ito.

Kuya Marv: Kumusta na, Reen? Tumawag ka kapag hindi ka busy. Kinakamusta ka rin ni Nanay. Lagi ka mag-iingat d’yan.

Napangiti ako nang mabasa ang kanyang mensahe. Sana nga ay okay na si Inay. Pag-uwi ko, agad ko siyang kakausapin at aabutan ng pera. 

Ako: Ayos lang ako Kuya. Pasensya na, ngayon lang ako nag-online ulit. Mahal din kasi ang load. Wala namang wifi rito sa tinitirhan ko. Mag-iingat din kayo riyan, si Maro sana’y nag-aaral siya ng mabuti.

Bumalik ako sa F*, matapos kong magtipa. Nagtaka ako nang dumako ako sa notification. May friend request kasi.

May nag-add sa akin?

Nangunot ang noo ko nang buksan ko ang profile niya. 

Banana cue ang DP? Siguro ay tindero ng banana cue ang may-ari ng account na ito. 

Pinindot ko ang accept. Hindi naman kasi ako suplada katulad nang iba. Lalo na’t isa rin akong dukha. Miski nga ako,  turon ang profile picture rito.

Hindi kaya ginaya niya lang ako? 

Ipinilig ko ang aking ulo. Masyado na 'kong maraming iniisip. Baka nagkataon lang. Sino ba naman ang makakakilala sa isang pobreng tulad ko. Mahirap na, madalas pang shunga-shunga.

Napahinto ako sa ‘king malalim na iniisip nang makita kong umupo si Liller sa aking harapan. In-off ko ang phone ko, saka diretsong tumingin sa kanya.

“Kumusta?" Nangunot ang noo ko nang mapansin ang katahimikan nito. "May problema ba?” tanong ko. 

Hindi ko alam ang kanilang pinag-usapan ni Nicole, pero bakas sa mukha ng kaibigan ko ang lungkot kaya nagtanong ako. Pero— hindi siya nagsalita. Bagkos, isang tango lamang ang tinugon nito sa akin.

“Anong nangyari? Nakausap mo lang si Nicole, parang sinamaan ka na yata ng pakiramdam?” 

Seryoso siyang tumingin sa akin. 

Syete. Hindi pa ako masyadong sanay sa kanya pero legit ang kaba kapag ganito siya.

Natigilan ako nang marinig ang malalim niyang paghinga.

“Patay na raw ang Tatay ko,” malungkot niyang imporma sa akin.

Sandali akong natulala dahil sa sinabi niya. 

“Ha? Ba— paano? Anong nangyari?” tanong ko.

Umiling siya sa akin.

“Hindi ko alam, k-kailangan kong pumunta sa bahay,” tugon niya sa akin.

Hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko sa kanya.

“S-sige. Pero— kailangan mo ba ng kasama? Willing naman ako—”

“Hindi na, Reen. Kailangan mo magtrabaho. Hindi mo kailangang sumama sa akin, dahil baka isang linggo rin akong mawala,” pahayag niya.

Napalunok ako sa sinabi niya.

“K-kahit sa huling lamay, hindi ba ‘ko p’wedeng pumunta?” giit ko.

Umiling siya.

“Malayo ‘yon. At tiyak na mabuburyo ka. Isa pa, malakas ka sa bar. Paniguradong hindi ka papayagan ni Mamaylita,” sabi nito sa akin.

Lumunok ako nang napagtanto ang sinabi niya. Kailangan ko ng pera, pero kung sa ganitong sitwasyon ay ayos lang naman kung pareho kaming mawawala sa bar nang panandalian. Pero kung hindi nga kami papayagan, hindi ko na lamang ipipilit. Magpapadala na lang ako ng abuloy para sa Tatay nito.

“Ikaw ang bahala. M-magpapaalam ka na mamaya?” wika ko.

Muli siyang tumango sa akin.

“Oo, may kailangan din kasi akong ayusin. Para makabalik din ako agad dito."

Tumango ako.

“Sige,” tipid kong tugon.

“Okay lang ba na iwan muna kita rito? Gusto mo ba— pasamahan kita kay Nicole? Mabait naman 'yon, eh."

Huminga ako nang malalim.

“Ayos lang. 'Wag na. Okay lang akong mag-isa. Baka mayroon din 'yong ginagawa. Saka ano ka ba, Tatay mo ang nawala, kaya naiintindihan ko 'yon. Alam ko ang nararamdaman mo,” Bahagya akong ngumiti sa kanya. “Huwag mo akong intindihin. Kaya ko,” dagdag ko pa.

Muli, ay tumango siya sa akin.

“Good to hear that. Talunin mo lahat ng babae sa bar, okay? Kung sa bagay, hindi mo na kailangan mag-effort pa. Sa tuwing lumalabas ka nga nag-uunahan na mga parokyano sa ‘yo para piliin ka, eh,” malumanay niyang litanya.

“Ano ka ba, kung magsalita ka naman, parang ako lang ang gano’n sa bar,” Mahina akong tumawa nang ngumiti siya. “Ganyan lang palagi. Kahit may problema, lagi tayong ngingiti.”

Napabuga siya nang hangin sa ‘king harapan.

“Salamat sa buhay mo, Reen. Mabuti na lang ay pinakilala ka sa akin ni Tiyang.”

Lumaki ang ngiti ko sa kanyang sinabi.

“Salamat din sa buhay mo. Nagkaroon ako ng comfidency sa sarili."

“You mean— confidence?” mabilis niyang wika.

Isang beses ako tumango habang nakangiti. 

“Yah, yah. Confidence nga,” sabi ko. “Salamat sa ‘yo. Sa totoo lang, simula no’ng umalis ang kaibigan ko— ‘yung nabanggit ko sa ‘yo na parang ikaw? Nalungkot talaga ako no'n. Mabuti na lang, nakilala rin kita,” masaya kong sambit sa kanya.

“Huwag kang mag-alala, babalik ‘yon. Magkikita rin kayo ulit,” Napakibot ang aking itaas na labi nang mapansin kong tumingin ito sa singsing na suot ko.

Hinawakan ko ito habang nakatingin sa kanya.

“Hmm, ‘yang singsing na iyan— ibig sabihin ba niyan ay kasal ka na?” 

Hindi ko napigilan ang aking sarili na magulat sa itinanong niya sa akin.

Tumikhim ako bago ko ibinuka ang aking mga labi.

“Uhm, h-hindi. P-promise ring lang,” Yumuko ako at tumingin sa daliri ko.

Segundong natahimik ang paligid.

“Okay, lipat mo na lang sa ibang daliri kapag naka-duty ka. Baka maging palaisipan pa kasi sa mga customers,” payo niya.

Tumingin ako sa kanya.

“Sige,” Muli akong ngumiti. “Tara na?” aya ko.

Tumango siya sa akin.

“Tara. Kunin ko lang mga gamit ko,” tugon niya.

“Okay. Ako rin,” sabi ko.

Sabay kaming umakyat sa ‘ming k’warto at nag-ready para sa pagpasok namin.

Sa totoo lang, biglang nagbago ang panagano ko nang malaman ang problema ngayon ng kaibigan ko. Bigla ko na naman kasing naalala si Papa. Mabuti na lang ay matatag si Liller. Dahil kung ako ang nasa katayuan nito, baka hindi na ako makalabas ng bahay. 

Napakatatag niyang tao.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status