Share

CHAPTER 3

KHEENE'S POV

 

DAYS had passed. Paulit-ulit lang ang naging takbo ng buhay ko. Tulad din ng sinabi ni Mrs. Siqua, sila na nila mama ang nag-asikaso ng lahat para sa kasal namin ni Ashlee. Mapa-simbahan, damit, pagkain, at lugar na gaganapan ng reception, sila na ang nag-asikaso.

 

Mukhang wala na talaga akong kawala sa isang ito. Tsk!

 

Busy ako sa pag-pirma ng mga papeles nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Sandali pa'y bumukas na iyon at pumasok si Secretary Anj.

 

"Sir Kheene, may lalaki pong naghahanap sa inyo sa labas," sabi niya.

 

"Sino daw siya?" tanong ko sabay hubad ng salamin na suot ko.

 

"Ash daw po ang pangalan niya."

 

Ash? Sino naman kaya 'yon? Nangunot ang noo ko.

 

"Papasukin mo," sabi ko.

 

Lumabas na si Secretary Anj, inayos ko naman ang mga papeles na nakapatong sa lamesa ko. Ngayon ko lang napagtanto na ang kalat ko pala mag-trabaho dito.

 

Narinig kong bumukas at sumara ang pinto. Saglit ko pang pinagpagan at inayos ang manggas ng suot kong polo.

 

"Busy ka ba? Naistorbo ata kita."

 

Agad nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Unti-unti akong nag-angat ng ulo at nakita ko siya.

 

Ash… Ashlee Siqua.

 

"Can we talk?" tanong niya.

 

Napalunok naman ako bago sumagot. "S-Sure. Have a sit," sabi ko at itinuro sa kaniya ang upuang nasa harap ko, umupo naman siya sa doon.

 

Hindi muna ako umimik, sa halip ay tinitigan ko muna siya. Napansin kong bagong gupit ang kaniyang buhok, hindi na tulad nung una naming pagkikita na hanggang balikat ang haba. Ngayon ay nagpa-under cut na siya at may as-as pa.

 

Hays! Ibang klase talaga!

 

"Ano yung gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko ng hindi siya nag-salita.

 

Sumandal muna siya sa upuan habang nakatingin pa din sa akin. "Tungkol sa kasal." Seryosong sabi niya.

 

"What about the wedding?"

 

Nakita kong ngumisi siya sa akin. Napalunok naman ako nang may pumasok sa isip ko. Marahan akong umiling. Hindi pwede... Hindi kayo talo!

 

Tumikhim siya saka nag-salita. "Alam kong wala ng ibang paraan para mapigilan ang kasal. Kapag kasi sila mama ang nag-desisyon, tuloy na tuloy na 'yon," sabi niya

 

"So, anong gusto mong sabihin?" tanong ko.

 

Hindi niya muna sinagot ang tanong ko’t humalukipkip muna saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng aking opisina.

 

“Nice office.” Nakangiting aniya nang bumaling muli sa akin.

 

“Thanks.” Tipid kong tugon

 

“As I was saying,” panimula niya. “Hindi pwedeng ikaw lang ang magbi-benefit sa kalokohang ito, I mean sa k-kasal. So, I made a conditions na aayon sa kagustuhan ko habang nakatali ako sa’yo.”

 

“And that is?” tanong ko ulit. Nagsisimula na akong maiirita dahil ayaw niya pang diretsahin ang gusto niyang sabihin, ang dami ko pang gagawin. “Can you please get into the point? Ang dami mo pang paligoy-ligoy e.”

 

“Ito na. Mainipin ka naman masiyado,” ungos niya at seryosong tumingin sa akin. "Gusto kong sabihin na sa oras na mai-kasal tayo, hahayaan mo ako sa mga gagawin ko. At ganoon din ako sa'yo." Diretsong sabi niya.

 

Tss. At sa tingin naman niya, papakialaman ko siya? Haha!

 

"Tsk. 'Yun lang ba?" tanong ko.

 

Ipinasok niya ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang leather jacket. Saka dahan-dahan siyang bumuntong-hininga.

 

"One more thing. Papayag ako na tumira sa bahay mo, pero magka-hiwalay tayo ng kwarto," sabi niya na ikinagulat ko.

 

Nanlalaki ang mata at bahagyang nakabuka ang bibig ko. "At sino naman ang nagsabi sa'yo na sa bahay ko ikaw titira?" Nagugulat kong tanong.

 

"Parents mo." Mabilis niyang sagot.

 

Napailing na lang ako. This can't be. No! Hindi ako papayag!

 

"Okay. Fine." Tipid na sagot ko. Panigurado na kapag hindi ako sumang-ayon doon ay malilintikan ako kay mama.

 

"Then last thing." habol niya, tinignan ko lang siya. "Sinuggest ko sa parents mo na,"

 

"Na?"

 

"Na ikaw ang magsu-suot ng gown sa kasal natin bukas." Nakangising aniya, halatang nang-aasar.

 

Agad akong napatayo at marahas na bumuga ng hangin. Hindi muna ako nagsalita at hinayaan lang na mag-sink in ang sinabi niya sa utak ko.

 

"A-Ano ulit sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

 

"Ikaw ang magsu-suot ng gown sa kasal natin bu—"

 

"What? Ako? Maggo-gown? No fuckin' way!" sigaw ko.

 

Natawa naman siya dahil sa reaksyon ko. "Nasa sa'yo 'yan, Mr. Cuenco. Dalawang choices lang mayroon ka, maggo-gown ka bukas or babagsak ang kompanya niyo. You choose..."

 

Hindi ako naka-imik. Masiyado nang sobra kung pati iyon ay gagawin ko pa. Sa tingin ko’y sinasamantala niya ang pag-hingi namin ng tulong sa kanila kaya niya ginagawa ito. Gusto niya akong pahirapan at ipahiya.

 

"Kung pinaglalaruan mo ako, 'wag mo ng ituloy. Dahil hindi ako nakikipag-laro sa'yo." Seryosong sabi ko.

 

Ngumisi na naman siya, yung nakaka-asar.  Kaunti pa at mapupuno na ako sa pag-ngisi-ngisi niya.

 

"Tss. Kung tutuusin nga’y wala pa ‘yan e. Walang-wala pa 'yang pag-suot mo ng gown sa kung paano unti-unting masisira ang buhay ko dahil sa pesteng arrange-marriage na 'to." Seryosong sabi niya habang matalim ang tingin sa akin.

 

Hindi ako naka-imik, parang na pipi ako bigla. May part sa akin na sumang-ayon sa sinabi niya. Sabagay, may point siya. Ako, isang araw lang magsu-suot ng gown. Samantalang siya, buhay niya ang masisira.

 

But no. Hindi pa din ako papayag!

 

"Kung sa tingin mo ay buhay mo lang ang masisira, nagkaka-mali ka. Ginagawa ko 'to para sa kompanya, at mayroon din akong sariling buhay. Kaya kung sa tingin mo ay buong buhay mo lang ang masisira, then let's make a deal." Bumuntong-hininga ako at ngumisi. "Once na maibalik sa dati ang lahat at hindi na muling babagsak pa ang kompanya namin. Magpa-file ako ng annulment at ibabalik ang shares na ibinigay niyo sa kumpanya namin." Naiinis man ngunit pinanatili ko pa ring kalmado ang sarili ko.

 

"Bakit annulment? Divorce dapat!" Maangas na sabi niya.

 

Bahagya naman akong natawa. “Bakit? Nasa batas ba ang divorce dito sa Pinas?"

 

Napangisi na lang siya. "Tss."

 

"Same sex nga wala e, divorce pa kaya." Nakangusong bulong ko.

 

Bigla naman nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya nang marinig ang sinabi ko. Lihim akong napangisi dahil doon.

 

Gusto mong mag-laro? Sige. Maglalaro tayo.

 

"Ano? Deal?" tanong ko at inilahad ang kamay ko sa harap niya.

 

"Deal,” sabi niya at nakipag-kamay sa akin.

 

"So, we're okay. Gagawa ako ng contract para h—"

 

Umiling siya. "No need. Okay na sa'kin yung sinabi mo. Basta huwag mo lang akong papakialaman at hahawakan, sapat na sa'kin 'yon." Kalmadong aniya at binitawan na ang kamay ko.

 

Tss. Ba't ko naman siya hahawakan? Hindi ko naman siya type..

 

Ngumiti ako. “Kung ganoon, see you in our wedding." May diin na sabi ko.

 

Ngumisi na naman ulit siya. "Can't wait to see you wearing a white gown while walking on the aisle..." Nang-aasar na tugon niya na nginisihan ko lang din naman tulad ng kung paano siya ngumisi kanina, ngising-aso.

 

"'Ge. Alis na 'ko." Walang-emosyon na paalam niya.

 

Tumayo na siya at tumalikod na. Maangas siyang nag-lakad papalapit sa pinto at lumabas. Doon lang ako nakahinga ng maayos. Pakiramdam ko kinakapos ako ng hangin kanina habang kausap siya.

 

Ilang sandali kong pinakalma ang sistema ko kaso bigla ko na namang naalala yung tungkol sa lintek na traje de boda na susuotin ko ‘raw’ bukas.

 

Tsk. Badtrip naman talaga! Tama pa ba 'tong pinasok ko? Nafu-frustrate na tanong ko sa isip.

 

Hindi ako makakapag-trabaho ng maayos kung ganitong iba na ang umiikot sa utak ko. Imbes na ipagpatuloy ang trabaho, kinuha ko na lang yung cellphone ko at tinawagan si Jace.

 

"Hello," bati ko nang sagutin ni Jace ang tawa.

 

"(Oh bro, problem?)" bungad ni Jace mula sa kabilang linya.

 

"Can we meet? At Juxe Bar."

 

"(I’m already here. By the way, hindi mo na 'ko sinipot kagabi!)"

 

Natawa ako ng maalala iyon. "I apologize. I was tired last night kaya nawala na rin sa isip ko. I'll tell you later  what happened."

 

Bigla siyang natawa. "(Okay. You said that. See you later..)"

 

Hindi na ako sumagot at ibinaba na ang telepono. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng opisina. Balak ko sanang mag-paalam kay Secretary Anj kaso wala siya sa table niya. Nag-iwan a lang ako ng isang text bago tuluyang umalis papunta sa Juxe Bar.

 

 

 

 

ASHLEE'S POV

 

Pagkatapos nang naging pag-uusap namin ni Cuenco, dumiretso ako sa isang coffee shop na malapit lang din sa kompanya. Doon kasi ang napag-usapan namin ng kasintahan ko na magkita ngayong araw. Medyo seryoso pa siya kagabi nang sabihin niya sa akin na gusto niya makipagkita ngayon, ibang-iba sa paraan niya kung paano siya makipag-usap sa akin noon bago niya malaman ang tungkol sa 'kasal' ko. Pakiramdam ko tuloy ay hindi magiging maganda ang patutunguhan ng pag-kikita namin ngayon.

 

Nag-aalangan tuloy akong tumuloy..

 

Pagpasok ko pa lang sa loob ay nakita ko na agad siya. Tahimik siyang naka-upo sa isang table sa bandang dulo. Nakangiti akong naglakad papunta sa kaniya. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya napansin ang pag-lapit ko. Kaya ang ginawa ko ay mabilisan ko siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat naman niya. Lihim akong napangiti dahil sa kaniyang naging reaksyon.

 

Umupo ako sa kaharap niyang upuan. "Hi love, kanina ka pa?" Nakangiting tanong ko.

 

Umiling siya. "Hindi naman,” aniya saka yumuko.

 

"Teka, may problema ba? Ang tahimik mo naman," tanong ko.

 

Nag-angat naman siya ng ulo at seryosong tumingin sa akin. Matamis naman akong ngumiti sa harap niya para sana pangitiin din siya, ngunit ilang segundo na ang dumaan, nanatili pa ring seryoso ang kaniyang mukha. Unti-unti na akong kinabahan.

 

"A-Ano nga pala yung sasabihin m-mo—"

 

"Ash, itigil na natin ito...” Pag-puputol niya sa sinasabi ko.

 

Dahan-dahang nawala ang ngiti ko sa labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status