Takot, pangangamba at sakit. Yan ang bumabalot sa buo kong sistema sa mga oras na ito. Takot dahil sa mga maaaring mangyari kapag nalaman nila ang namamagitan sa pagitan naming dalawa ni Tristyn. Pangangamba sa kaniyang nalalapit na pag-uwi at sakit sa mga maaari kong masaksihan kapag nandito na siya.
Iniisip ko pa lang ang mga pwedeng mangyari ay sumisikip na ang dibdib ko.
Para akong tinulos sa kinauupuan ko nang magtagpo ang aming mga paningin.
Tanya Marie Guevera.
Ang nakakatandang kapatid na babae ni Tristyn. Ang babaeng may matagal nang galit sa akin.
Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa akin samantalang gustong-gusto niya ang kapatid ko. Parang may nagawa akong hindi maganda sa kaniya dahilan upang kainisan at kinaiinggitan niya ako.
Maraming nagsasabi na naiinggit daw siya sa mala gatas kong kutis at sa angkin kong kagandahan. Bu
"Bakit mo ba ako pinigilan kanina? Edi sana nakalbo ko na nang tuluyan ang bruhang yun!" inis na sambit ni Ann nang makabalik na kaming pareho dito sa shop matapos ang naging sagutan at bantaan naming dalawa ni Tanya kanina."Ayoko ng eskandalo, Ann. Alam mo namang nasa public place tayo kanina. Nakakahiya," sagot ko naman saka prenteng nakaupo sa swivel chair ko dito sa loob ng maliit kong opisina habang nakaharap sa laptop at chinicheck kung may bagong email ba akong natanggap para sa mga investment at orders.And as usual, medyo marami-rami na naman."Mas nakakahiya siya, Keish. Lalapit lang para bantaan ka? At talagang nagpa-imbestiga pa talaga siya sa'yo para lang makapanira? Para masira ka? Akala ko ba professional ang babaeng yun? Kung umasta kasi daig pa ang walang pinag-aralan. Parang hindi edukada," sabi naman niya saka naupo sa may sofa at busangot na pinagkrus ang mga braso niya sa tapat ng dibdib niya. "Iba talaga ang magagawa ng inggit at yamot. Na
Hindi ako makapagsalita habang nakatitig ngayon kay Mommy dahil sa gulat at pagkabigla. Napaawang na ang aking mga labi habang hindi makapaniwalang nakatitig ngayon sa mga mata niya. I couldn't even utter a single word to explain. Parang umurong yung dila ko dahilan para hindi ako makapagsalita.Matagal niya na palang alam ang tungkol sa amin ni Tristyn. Pero bakit wala man lang siyang ginawa? Bakit hindi niya ako pinigilan? Bakit hindi niya ako kinausap agad nang malaman niyang iba na ang kinikilos naming dalawa ni Tristyn sa isa't isa? She must talk to me about it and advice me at least."W-why you didn't tell me?" Finally, after a couple of minutes for being silent because of shock, I already find my voice to speak. "Bakit hindi mo sinabing may alam ka na pala tungkol sa amin? Sa akin? Sa nararamdaman ko? Bakit hindi mo ako pinigilan?" Dugtong ko pa dahilan upang hawakan niya ako sa magkabila kong balikat at bahagyang humarap sa kaniya habang nakatitig sa mga
(Where are you?) tanong niya agad nang masagot ko ang tawag.I took a deep breath, refraining myself to answer his question. "Bakit ka napatawag?" I asked him instead.Ngunit mukhang napansin niya na iniiwasan ko ang sagutin ang tanong niya kung nasaan ako dahil alam kong sundance niya ako dito.(I am asking you if where the fuck are you, Keishana. Don't ask me such question when I am asking you first,) he said in gritted teeth which made me bit my lower lip hard.I know he is still keeping his composure as he widen his patience with me because he's on his office right at this moment. Alam ko rin na galit siya dahil ilang araw ko na siyang iniiwasan. I didn't even answering his calls and replying all his messages because I wanted to stay away from him.Pero mukhang nauubos na ang kaniyang pasensya sa akin ngayon at pinipigilan niya lang ang sarili niyang magalit dahi
Dati, sabi ko sa sarili ko na hindi ako gagaya sa ibang mga babaeng naging kabit. Hindi ako tutulad sa kanilang manira ng relasyon dahil lang sa tawag ng laman. Hindi ako magpakababa dahil lang sa isang lalaking alam kong may sabit na.Ang ipinagtataka ko, bakit nga ba nila nagagawa ang mga bagay na iyon? Bakit nila mas piniling maging kabit kaysa ang maghanap ng taong walang sabit? Bakit mas gusto nila ang manira ng pamilya o relasyon? Bakit hindi na lang sila maghanap ng taong mamahalin na walang ibang karelasyon, hindi ba? Bakit mas pinipili nila ang maging pangalawa? Na alam nating mali, hindi tama sa tingin ng iba.I really hate being a mistress and I will never be a mistress. Yan ang tinatak ko sa isipan ko.Noon.Pero ngayon, hindi ko aakalain na magiging isa ako sa kanila. Hindi ko aakalaing mararanasan ko ang maging kabit at mas pinili na maging kabit na lang ng fianc&e
Hindi ako makapagsalita at makagalaw sa sobrang gulat dahil sa hindi ko inaasahang panauhin. Parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko at umurong na lang ang dila ko nang magtama ang mga paningin namin.She look so very happy seeing me again after years of being separated while I feel the opposite and looks very constipated.Nandito na siya.Nandito na ang tunay na nagmamay-ari sa kaniya. Ang totoong may karapatan sa kaniya. Ang natatanging babaeng nararapat sa kaniya. Ang babaeng ihaharap niya sa altar. Ang babaeng magiging ina ng mga anak nila at ang natatanging babaeng may karapatan na mambakod sa kaniya.Ang ate ko.At ngayong nandito na siya ay wala na akong karapatan pa sa kaniya. Wala na akong karapatan na bigyan niya ng oras at atensyon. Wala na akong karapatan pa na alagaan siya. At mas lalong wala na akong karapatan pa na mahalin niya. Dahil simula't sapul, alam kong hanggang dito lang ako. Hanggang kama lang ang tanging silbi ko
Isa akong makasalanang babae. Oo, inaamin kong nagkamali ako. Inaamin ko na mali ang ginawa kong pagtolerate kay Tristyn na gawin ang mga bagay na dapat ay hindi namin ginagawa. Lalong lalo na't hindi kami magkarelasyon. We're just friends for Pete's sake! Siguro nga, ito na at nagsisimula na ang pagbabayad ko sa mga kasalanang nagawa ko.At kahit na gusto kong magsisi sa lahat ng iyon ay hindi ko gagawin.Nangyari na ang mga nangyari, at kahit buong buhay akong magsisi sa lahat ay wala nang maibabalik pa. Wala nang maayos pa. Everything is already ruined. At ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ang pagbayaran lahat ng pagkakamaling iyon at harapin ang mga posibleng mangyari kapag dumating ang araw na malalaman ni ate ang lahat.But for now, I should at least be strong enough to handle my emotions tuwing kaharap ko silang dalawa. Lalo na't lagi ko na silang makikitang magkasama.It'
Ang mag give way para lang maging masaya ang mga taong Mahal mo sa buhay ay isang napakalaki at napakahirap na desisyong gagawin ko. Ngunit kailangan para sa mga taong minamahal ko.And if leaving Tristyn is the only way to make my sister happy ay gagawin ko. Makita ko lang siyang maging masaya. She doesn't deserve to get hurt and suffer in pain. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito sa akin, kung bakit ako nasasaktan ng ganito, dahil kung hindi ko lang sana hinayaan si Tristyn na mahulog sa akin at kung sana ay napigilan ko ang sarili ko na mahalin siya ay hindi mangyayari ang mga ito."Tanginang itigil yan, Keishana! Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para lang maramdaman mo kung gaano kita kamahal? Hindi pa ba ako sapat para ipaglaban mo? Am I not good enough to keep?" mas lalo akong napahagulhol sa iyak nang lumuhod siya sa harapan ko."Ano ba, Tris! Tumayo ka riyan!" hinila ko ang magkabila niyang braso para pat
"Aalis ka?" tanong agad ni Ann nang sabihin ko agad sa kaniya pagkarating ko na siya na muna ang bahala sa shop habang wala ako."Kailangan kong umalis, Ann. Mababaliw ako kapag hindi ako nakaalis agad," sagot ko naman habang pinipirmahan ang iba pang dapat pirmahan bago ako makaalis.Kailangan ko munang tapusin ang trabaho ko bago ako aalis ng bansa. Ayokong matambakan si Ann sa mga gawaing ako naman dapat ang gagawa."Saan ka naman pupunta?" tanong niya ulit na ikinabuntong hininga ko bago ko siya tiningnan sa mga mata."Hindi ko pa alam, pero kailangan kong umalis. Kailangan ko, Ann." Hindi ko na mapigilan ang sarili kong maiyak muli dahilan upang lapitan niya ako sa kinauupuan ko at niyakap. "Ang sakit sakit na, Ann. Hindi ko na alam ang gagawin ko," hikbi ko habang hinahagod niya naman ang likod ko para patahanin ako."Hay naku, Keish. Ako ang nasasaktan para sa