Tahimik lang kaming dalawa sa aming biyahe pabalik ng Laoag. Pareho kaming walang lakas ng loob na magsalita. Sa buong buhay ko, hindi ko inexpect na mayroong aamin sa akin tungkol sa kaniyang nararamdaman. I’ve experienced to be in a relationship when I was in college. Pero kasi, noong panahong iyon, wala namang ligawang nangyari sa amin ni Froilan. We just decided to be together. We helped each other grow. Until we’ve decided to separate ways. We both outgrow each other back then.
Itong nararamdaman ko ngayon, this is confusing. I know in the back of my mind that I like Sandro and as much as I want him to be around, may parte sa akin na gustong layuan siya. That’s because I know that being around him will not be good for me.
Nang huminto ang kaniyang sasakyan sa labas ng isang malaking boutique ay bumaba na ako. Hindi ko na siya hinintay, nauna na akong pumasok sa loob.
Pagkapasok ko palang sa loob ay narinig ko agad ang tili ng
Lahat ng nangyari ay napakabilis. Magmula sa aming unang pagkikita hanggang sa kung anong nangyayari sa amin ngayon, hindi kong maitatanggi na nabibilisan ang sa pacing ng relasyon namin ni Sandro.“Stop thinking. Hindi makabubuti sa iyo ang pag-o overthink.” paalala niya sa akin habang nasa biyahe kami patungo sa salon.Tumingin ako sa kaniya at bahagyang ngumuso.“Nasaan na yung article na ipinangako mo?”Mahina siyang tumawa saka tumingin sa akin.“Akala ko wala na yun?”Tumaas ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya.“Siguro kaya hindi ka pa rin nagre-release ng statement, kasi hinihintay mong mag-give in ako sa’yo.”He smiled from ear to ear. Iyong tipong parang nahulaan ko ang nasa isip niya at kung anong plano niya.“You’re such a smart woman, Ira.”Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa naramdaman kong inis. But I could
Kahit nakita ko na siya at narinig ko na ang kaniyang boses, pakiramdam ko pa rin ay isa lamang siyang imahinasyon sa aking isipan. Napakaguwapo niya sa suot niya. I’m sure other people would agree to me about it.“Okay ka lang ba?”Natauhan naman ako nang marinig ko ang kaniyang tanong. Tumango ako saka muling bumaling kay Lola Isadora na nakangiti nang naglalakad patungo sa amin.“Congressman Alexander.”Tuwang-tuwa na yumakap si Lola sa kaniya at marahan pa nitong tinapik ang kaniyang likuran.“Akala ko ay hindi ka darating? Your secretary just called a while ago and told me you’re not able to come out of your busy schedule.”Ngumiti naman si Sandro kay Lola.“I was busy. But I finished all my duties as fast as I could so I could go here.”Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila tungkol sa pamamahala ng Ilocos. Kung puwede nga lang
“Saan kayo nanggaling?” tanong ni Mommy nang makita niya kaming naglalakad pabalik ng Hall.I was actually shocked. I didn’t know that she’s somewhere around. Nakita tuloy niya kami ni Sandro na magkasunod na pumasok sa loob. Alanganin akong napatingin kay Sandro na nakangiti na ngayon kay Mommy. I wwas wondering how he could act like there’s nothing happened between us back there. I mean, hindi man lang siya na-awkward-an sa nangyari.“Ah, nagpahangin lang po kami ni Ira sa pool area. Marami po kasing tao sa paligid.”Thank God dahil siya na ang sumagot. I know that I am lawyer. Yes, I’m good at court pero kapag nasa ganitong sitwasyon na ako, nagkakanda buhol na ang mga salita at letra sa isipan ko.“Oh, there you are, Irish.”Napatingin naman ako kay Daddy at Lola na naglalakad patungo sa amin. If I could just hide myself on Sandro’s pocket, I would. Kapag naki
“Ang ganda rito.” masayang sabi ko habang nakamasid ako sa ibaba ng lighthouse.Napapikit ako nang maramdaman ang hangin na humahaplos sa aking pisngi. Bata pa lamang ako ay pinangarap ko nang makarating dito, ang kaso, kahit anong pakiusap ko kina Daddy na bumisita kami rito ay hindi nila ako mapagbigyan. Noon, masama ang loob ko sa kanila tuwing sasabihin nilang “next time na lang” hanggang sa nasanay nalang ako. I understand that they’re busy people. Kahit din naman ang mga kuya ko ay hindi napagbibigyan ng mga magulang namin sa mga bagay na gusto namin. All they gave us was money and not their time. I sighed heavily when the thought of it came into my mind again but I shake my head immediately to remove that thought. Wala rin namang mangyayari kung babalikan ko ang bad memories na mayroon ako noong bata.Nang imulat ko ang aking mga mata muli kong itinutok ang aking atensiyon sa mga maliliit na liwanag na aking natataw sa
Hindi ko alam kung dahil sa nangyari kagabi kaya maganda ang gising ko. Madaling araw na kami nakauwi at ang expected na gising ko ay tanghali na dahil linggo naman ngayon. Pero maski ako nagulat sa sarili ko dahil alas sais palang bumangon na ako at naligo. Saktong alas siete naman nang magdesisyon akong lumabas ng kuwarto ko.Saktong pagbukas ko ng pinto ng aking kuwarto ay nakasalubong ko pa si Ismael na nakangisi sa akin.“Good morning ate kong maganda.” aniya saka mapang-asar na humalakhak.Kumunot naman ang noo ko. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad patungong kusina. Doon ko naman naabutan sina Kuya Ivan at Kuya Isaac na nagkakape.“Ang aga niyong magising.” bungad ko sa kanila.Inabot ko agad ang heat resistant glass pitcher na may lamang kape at kumuha na rin ang ng mug saka humila ako ng upuan at umupo sa harapan nila. Parehong busy ang dalawa sa pagbabasa ng diyaryo. Nang ibaba ni Kuya I
Ang unang pumasok sa aking isipan nang sabihin niya iyon ay alon at ang dalampasigan. Pati na rin ang mga buhangin sa tabing dagat. I suddenly felt excited. Ang kaninang sama ng loob na naramdaman ko kay Dad ay unti-unting naglaho dahil sa tuwa na aking nadarama.“Madali ka naman palang pasayahin eh.” aniya habang naglalakad kami palabas ng bahay.“Nagkataon lang.” sagot ko naman.Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya agad naman akong pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan.“Alam mo, hanga rin ako sa’yo.” saad ko pagkaupo niya sa driver’s seat. Bumaling siya sa akin. Nakakunot nang bahagya ang kaniyang noo, halatang curious sa sasabihin ko.“Ang lakas din ng loob mong pumunta rito at magpaalam sa pamilya ko tungkol sa panliligaw mo.”Napangiti naman siya.“Hindi ba ganoon naman dapat, iyong nagpapaalam sa magulang ng babae. Ibig sabihin noon, hindi lang ikaw an
Paglapag ng eroplano na aking sinasakyan sa NAIA ay agad akong naka-receive ng tawag sa Chief ng aming firm. Ang sabi nito ay kailangan ko nang sabihin sa kaniya kung anong desisyon ko tungkol sa kaso ni Froilan Dela Vera. I can’t help but to feel pressured. Ito ang kauna-unahang murder case na hahawakan ko. Bumabalik sa aking isipan ang mga pangaral sa akin ni Dad tungkol sa pagtanggap ng ganitong mga uri ng kaso. Tama siya, sa una lang madali kapag abogado ka. Natural kasi na mga magagaang kaso pa lamang ang hahawakan ko. Pero ngayong nakitaan ako ng Chief ng potential na maging isang magaling na abogado, sinusubukan niya na ang kakayahan ko sa pagdedesisyon.Nang makauwi ako sa aking condo ay inilapag ko lang ang aking mga gamit sa aking kama, pagkatapos ay dumiretso na ako agad sa aking working table. Hindi na ako nagbihis o nagpalit ng damit. Hindi ko na rin inayos ang mga gamit ko sa kuwarto. Masyado akong naging abala sa dalawang araw na lumipas at
Ipinikit ko ang aking mga mata habang ang aking siko ay nakatukod sa lamesa at ang aking magkasiklop na mga kamay ay nasa noo ko. Sa buhay, may mga bagay na mahirap talaga maintindihan. Pero sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng magulang na mas uunahin pa ang kaniyang sariling reputasyon kaysa sa kaniyang anak.Naiintindihan ko naman kung Dean siya ng isang prestihiyosong paaralan, pero tama bang ganoon ang maging reaksiyon niya sa nangyari? Ibig sabihin, kaya niya ako kinuhang abogado ng kaniyang anak ay para siguraduhing panalo ang magiging kaso laban sa suspect.Humugot ako ng malalim na hininga at saka ibinalik ang aking atensiyon sa sa aking binabasa. Alas tres na nang matapos ako sa pagbabasa. Ang natitirang oras ay ginamit ko para makapagpahinga ako. Hindi rin naman ako nakatulog. Konting idlip lang at pinahinga ko lang ang aking katawan. Maaga rin akong bumangon dahil kailangan ko pang maglinis ng aking condo bago ako pumasok ng trabaho.