Mag-log inJasmine’s POV
Ang trabaho, hindi paligsahan. Pero kung may susubok sayo, mas mabuting hindi ka rin nagpapaiwan.” Dalawang linggo pa lang ako sa Thompson Group, pero parang isang buwan na akong nasa ilalim ng microscope. Lahat ng mata, sinusundan ako. Lahat ng bulungan, parang ako ang paksa. Sa pantry, umiinit ang batok ko sa mga sulyap. Sa elevator, tila may invisible barrier bihira akong tabihan. At sa meeting room kanina, narinig kong may bumulong: “Siya yung sinigawan ni Mr. Thompson, ‘diba?” “Dalawang linggo palang siya dito pero parang… malakas kay Chairman ah.” “HR lang, pero biglang sinama sa project.” HR lang. Lagi na lang may “lang.” Ang hindi nila alam, sanay na ako sa ganyan. Sa NGO, hindi uso ang entitlement. Trabaho mo, gawin mo. Dito? Palakasan. Pa-impress-an. Pabonggahan ng suit at Power Point. Pero hindi ako nandidiri sa ganito. Nilalaro ko lang nang tahimik. Napalingon ako sa desk ko nang may iabot na folder ang Executive Assistant ni Alexander. May nakadikit na post-it note Top Priority. From the Chairman. Binuklat ko. CSR Proposal Review: Site Visit and Field Validation with Mr. Alexander Thompson. Nanlamig ang batok ko. Excuse me? Ako? Kasama siya? Magkasama kami? Sa field? Bakit ako? “I don’t know, Ms. Ramirez. Sir lang ang makakasagot niyan sayo,” sabi ng assistant, at tinalikuran niya na. Martes, 7:00 a.m. – Thompson Group Lobby Nasa harap ko na siya. Alexander Thompson, naka-button-down lang pero mukhang CEO pa rin. Hindi ko alam kung anong skincare ang gamit niya, pero ang aura niya pang-cover ng magazine. Pero hindi iyon ang mahalaga. Ang importante: wala siyang greeting. Walang “Good morning,” walang “Ready ka na?” “May kotse ka?” tanong niya diretso, para bang ayaw niyang sayangin ang kahit isang segundo sa maliliit na bagay. “Wala po, sir,” sagot ko. “Commuter po ako.” Saglit siyang tumitig sa akin, parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. “Sumama ka sa akin,” sabi niya kalaunan. Hindi ako sumagot. Hindi rin ako nagreklamo. Pumasok lang ako sa sasakyan niya 2parang papasok sa lion’s den. Sa loob ng sasakyan Tahimik. Walang music. Walang usapan. Abala siya sa tablet niya. Ako? Abala sa pagpigil sa sarili na magsalita. Ngunit hindi ko na kinaya. “Sir, pasensya na, pero bakit ako? HR lang ako. Hindi ba’t usually itong mga site validation, ginagawa ng CSR or PR team?” Hindi siya agad sumagot. Nang tumingin siya sa akin, may bahid ng amusement sa mata niya. “Because I need someone who can tell me when something smells like bullshit,” sagot niya. “And I heard you’re excellent at that.” Hindi ko alam kung compliment o insulto iyon, pero nagpasalamat na lang ako. “I try,” sagot ko. Nueva Ecija, 10:00 a.m. Maalikabok, mainit, at walang anino ng “fully developed relocation site.” Ilang drum ng tubig. Isang latang gate. Walang kuryente. Naglakad kami sa gilid ng site. Tiningnan ko ang paligid. Walang drainage. Walang plano. Halos wala rin ang developer. “Ma’am, sabi kasi ni Sir… approve na raw ‘yan,” sabi ng isang engineer. Napalingon ako kay Alexander. Tahimik siya, pero parang bulkan na naghahandang sumabog. “Who’s the point person here?” tanong ko sa engineer. “Ma’am, wala po siya ngayon. Nasa Manila, may board meeting daw po.” “Of course,” tugon niya, malamig. Paglingon niya sa akin, tinapik ko ang clipboard ko. “You were right. This is garbage,” mahina pero malinaw ang pagkakasabi ko. “Yeah, you’re right,” sagot niya, bahagyang ngumiti. Hindi ko inaasahan iyon. Bahagya rin akong ngumiti, pero pinigil ko agad. Hindi ako narito para tumawa. Tanghalian sa karinderya sa tabi ng kalsada Inihaw na bangus. Pritong lumpia. Rice na tuyot. Coke sa plastik. Hindi ako sanay sa lunch date kasama ang CEO ng isang multi-billion peso conglomerate. Pero eto kami. Tahimik, sabay kumakain. “Sir, first time mo ba sa ganitong lugar?” tanong ko. “Hindi,” sagot niya. “Pero matagal na rin yung huli.” Tahimik ako. Pero hindi ko mapigilang pansinin ang bahagyang lungkot sa tono niya. Sa paraan ng pagtitig niya sa kawalan… parang may iniwan, may nakaraan. “Alam mo sir, simula ko, hindi ako nagtataka kung bakit takot sayo ang mga tao.” “Bakit?” tanong niya, habang isang kilay niya ay nakataas. “Kasi hindi ka marunong ngumiti.” Tiningnan niya ako sa mukha. Makalipas ang ilang sandali, tumawa siya. Hindi malakas, pero malinaw. Isang tawa na hindi scripted. “Hindi ko inaasahan iyon, sir,” sabi ko. “Ang alin?” tawa niya. Hindi ako sumagot. Pero hindi ko rin maitago ang ngiti ko. Pabalik sa Maynila sa sasakyan Tahimik ulit sa byahe, pero hindi na mabigat. Parang may nawala o nabasag sa pagitan namin. Hindi ito biglang naging magaan, pero hindi na rin kasing tigas ng yelo. Habang nasa byahe, nag-ring ang phone niya. Hindi ko sinasadya makinig, pero narinig ko: “Tell them I’ll handle it myself. I don’t care. If he wants war, he’ll get one.” Pagkababa niya ng tawag, tumingin siya sa akin, tahimik. “Ms. Ramirez, tawag niya sa akin.” “Yes, sir.” “You’re not just HR anymore. As of today, you’re under my direct supervision at Thompson Group for this CSR audit. Effective immediately.” Hindi ko sinasadyang napatitig sa kanya. “Wala bang consent-consent, sir? Ang bilis ah,” pabirong tanong ko. “No need. Welcome to my world,” sagot niya, walang ngiti. Itutuloy…Jasmine’s POV I didn’t speak to him. I didn’t look at him. I didn’t even give the slightest hint that I wanted to hear his voice again because, truthfully, I didn’t. I didn’t like him. Or at least, that’s what I kept telling myself since last night. But no matter how much I avoided him, no matter how many times I insisted he did not affect me, my heart behaved like a mischievous child refusing to listen. The gala event last night. Anger, resentment, and jealousy all hit me at once. Maybe it was for the best that today, despite the paparazzi lingering in the building lobby and my colleagues asking one passive-aggressive question after another—“Are we okay?”—I chose to ignore him. So what if he’s the CEO? So what if he’s the man with power? I am Jasmine Ramirez. And I am not a woman who needs her conscience chased just to notice him again. I was wearing high-waisted silk pants in emerald green, hugging my waist and shaping my hips. No blazer over the daring sheer mesh top with a
Jasmine’s POV akala ko madali lang ang umarte na walang nangyari sa pagitan namin ng boss kong si Alexander pero nagkakamali ako. Nakatitig siya sa akin mula sa kabilang dulo ng mahabang conference table, suot ang dark navy suit at signature cold expression niya. Pero ako lang ang nakakaalam ng lihim sa likod ng mapanlinlang niyang katahimikan. Kung gaano siya naging mapusok ng magdaang gabi At kung paano ko rin hinayaan siyang angkinin ako “Miss Ramirez, we’ll proceed with your presentation now.” Tumikhim ako, tumayo at lumapit sa harap ng malaking screen. Hinila ko ang remote, pinindot ang unang slide. Kahit nanginginig ang loob ko, hindi ko ipinakita. Hindi ko siya tiningnan. Hindi ko hinayaan ang sariling matukso ulit.Dapat professional ako. “Based on the current projections,” panimula ko, “we can push forward with the new branding campaign by next quarter. We’ve seen a 17% increase in social media engagement and a 12% rise in customer retention rate.” Narinig ko
Jasmine’s POV Kinabukasan, hindi pa ako nakakapasok sa opisina, pero ang chat group ng department… buhay na buhay. "Sis nakita mo na ba 'yung picture? SIYA YUN TALAGA OMG." "Gown pa lang parang lakas maka-Red Carpet. Sino siya, artista?" "Siya 'yung assistant sa PR! Yung bago lang!" Napangiti ako habang hinihigop ang kape sa gilid ng street bago sumakay ng jeep. Malamig pa ang umaga, pero mainit na mainit ang pangalan ko sa opisina. At hindi ko kailangan ng PR team para kumalat ang epekto ng kagabi. Pagpasok ko sa building, ilang receptionist ang pasimpleng sumilip. Yung elevator boy, ngumiti parang alam na niya ang tsismis. Pero wala akong pake. Lalo na nang pagpasok ko sa floor namin… "Ms. Ramirez, Mr. Thompson wants to see you in his office," agad na sabi ng secretary niya. Hindi pa ako nakakaupo. Literal, hindi pa nakakapaglagay ng bag sa mesa. Naglakad ako papunta sa opisina niya, tinatanggal ang shades ko. Walang kaba pero may expectation. Hindi ko alam kung matatawa ak
Jasmine’s POVShe walked in like sin dressed in silk.Wala akong kaalam-alam sa mga charity fundraiser na ganyan. Ang alam ko lang, kung may libreng pagkain at malamig na aircon, sign nayon ng alta o kayabangan.Pero sa mga social events ng boss ko, si Alexander Thompson, ibang level ang ibig sabihin ng “alta.” Ito ang lugar kung saan ang yaman ay hindi lang pera, kundi presensya.At ngayong gabi, isa akong anomalya sa mundong iyon.Kung babasahin mong mabuti ang paanyaya niya…“Bring a dress that will shut down the room.”Hindi ako naglaro ng safe. Hindi ako naglaro ng demure.Hindi rin ako nagsuot ng pang-HR.Nakasuot ako ng blood-red silk gown, backless, with a thigh-high slit sa kanang binti. Halos dumulas sa katawan ang tela; wala kang makikitang zipper o lining, parang balat ang pagkakakabit. May manipis na strap sa balikat at plunging neckline hindi bastos, pero sapat para mapahinto ang mga mata.Sa bawat hakbang ko, parang sinasampal ko ang karangyaan ng mga babaeng nakapearls
Jasmine’s POV Ang daming bagay na ayaw ko sa boss ko.Una, hindi siya marunong ngumiti nang hindi parang gusto niyang mag-utos.Pangalawa, hindi siya sanay na may humaharang o kumokontra sa gusto niya.Pangatlo, siya ang pinaka-pasabog na distraction na dumating sa buhay ko at sa totoo lang, hindi ko alam kung galit ako roon o natatakot.“Jasmine, nagrereply ba siya sa emails mo?” tanong ni Tin, isa sa mga ka-team ko sa HR habang sabay kaming naglalakad papunta sa pantry.“Hindi,” sagot ko habang binubuksan ang tubig sa coffee dispenser. “Siguro kasi masyado siyang busy magpalit ng kotse every three months.”“Grabe ka,” natatawang sagot niya. “Pero totoo. Ang ganda nung bagong sasakyan niya kahapon. Parang iiyak ‘yung Porsche ko sa wallpaper.”Umiling na lang ako. Hindi ko sinabi na “I know,” kasi ako ‘yung nasa likod ng passenger seat kahapon. Ako ‘yung dinala niya pauwi dahil gabi na at wala akong masasakyan, kahit sinabi ko nang okay lang ako sa Grab. Pero ang boss ko doesn’t take
Alexander’s POV She doesn’t play the game, yet somehow, she’s changing the rules. Wala pa akong limang minuto sa opisina pero naiinitan na ako. Hindi dahil sa temperatura, kundi dahil sa paulit-ulit na boses ni Armand sa kabilang linya ng telepono. “You overstepped, Alexander. Hindi ka dumaan sa chain of command. Bakit mo isinama ang isang HR officer sa site validation?” “Because the others failed,” malamig kong sagot. “And she didn’t.” “We can’t just change protocol based on a hunch!” Hindi ko na siya sinagot. Pinatay ko ang tawag bago pa ako makapagsabi ng mas marahas. Ang mga tao sa paligid ko gustong-gusto ang pormalidad, ang proseso kahit palpak ang resulta. Ako? I move with efficiency, not ceremony. Tumayo ako at lumapit sa glass wall ng opisina. Mula rito, tanaw ko ang kabuuan ng 28th floor. Lahat ng tao, abala. Pero may isang presensya na parang kabaligtaran ng ingay ng mundo. At iyon ay walang iba kundi si Jasmine Ramirez. Naka-black slacks. Loose white top. Walang







