Share

CHAPTER 2

Zederina's POV.

***

Two weeks had passed since I've been discharged from the hospital. And until now hindi ko parin makalimutan ang lahat. All about me and Rixx. Parang totoo lahat. Ganon na ba ako ka-obsessed sa w*****d na pati ang favorite fictional character ko ay nasasama sa mga panaginip ko?

'How weird is that?'

"Huy Rare!" Pukaw ni Sab sa lutang kong diwa.

Saberine Leiz Ruiz; is one of my bestest friends including Denny Heil Lux, Zyron Rendrick Frost and Roxanne Jean Villin.

"Oh?" Walang ganang sagot ko habang naka tutok sa Laptop sa harap ko.

Yes! She's right that Zendrix is the main character of the story written by me and I killed him on his own story. And the fact that I killed him in his story gives me the creeps! Is it possible that a character's soul can haunt you down after killing him?

Oh god! Just the thought itself gives me goosebumps!

"Iniisip mo parin ba yung panaginip mo?" Denny ask habang naka dapa at nakapangalumbaba sa malambot na unan.

Hindi naman ako sumagot kaya nagsalita naman si sab.

"You said your boyfriend cheated on you on that dream which is Florence, with your best fried right? Who's that best friend you were talking about, Rare?"Sab asked curiously. "And please! Don't tell me that it's me or I'll puke to death!"

Tinitigan ko siya ng may pagaalinlangan kahit matapos ang biro niya na parang hindi biro para sa kaniya. But she just nodded saying that they are my best friends and I can trust them. I have no choice but to share every details with them since they are the ones I trust.

"It's Roxanne who was there." Mahina ang boses kong sagot.

Hindi ko din alam kung bakit siya. Maybe it's just a coincidence since Roxanne is the one who's close with Florence among all of them.

"Then you should call that a nightmare, Rare." Denny said with horror written on her face.

I let out a deep sigh saka tumutok ulit sa Laptop ko.

"A beautiful nightmare" I whispered under my breath.

I WAS about to get back to sleep when I noticed that it's still seven in the morning when I heard someone knocked three times. Kahit na inaantok pa ako ay tumayo ako saka binuksan ang pinto.

It was Manang who's in front of my room smiling sweetly at me.

"Manang? Ano po yun?" Antok na tanong ko kay Manang.

Si Manang ang nakalakihan kong katulong dito sa bahay na madalas nagaalaga sa'kin noon kapag may importanteng inaasikaso sila Mommy. She's been loyal to us since mom and dad got married.

"Nagising ba kita Hija?" Naka ngiting tanong ni Manang kaya ngumiti din ako.

"Hindi naman po manang."Magalang na sagot ko kasabay ang marahang iling.

Manang is already a family at malaki ang respeto ng pamilya namin sa kaniya. She's been a good elder in this house.

"Sasabihin ko lang na nasa baba ang Boyfriend mo kaya mag-ayos ka na at nang makapag agahan kana din." Naka ngiting sabi ni manang.

Marverick Florence SY is my boyfriend at malapit na kaming mag tatlong taon na magka relasyon. He's kind, sweet, gentleman and good looking. Mula siya sa hindi mayaman ngunit may kayang pamilya. I love Him kaya kahit na sa tingin ng iba ay mababa siya para sa'kin ay wala akong pakealam.

My mom and dad always supports me in everything, hindi nila ako hinihigpitan dahil alam ko naman na daw ang tama at mali. Hindi din uso sa kanila ang arrange marriage para lang magpalaki ng pamilya o magpalago ng negosyo. Bukod kasi sa hindi na namin kailangan dahil mayaman na naman kami at tinitingala ayaw din nilang diktahan ang puso ko. Pero nagkaron kami ng kasunduan na when I reach 22 at wala pa akong asawa at wala akong boyfriend they will find a man for me. Pumayag na din ako dahil kampante akong si Marvs na ang pakakasalan ko.

But now. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin na parang may kung anong nabubuong harang sa pagitan namin ni Marverick mula noong magising ako, but I chose to keep it for myself. Ayokong pagdudahan siya. I don't want to ruin our relationship dahil lang sa pagdududa at sa panaginip na 'yon.

When I finished doing my daily routines ay bumaba na ako. I found Marverick sitting on the couch in our living room. I smiled and slowly walks towards him na naka talikod sa'kin. Nang makalapit ako ay tinakpan ko agad ang mata niya. He held my hands covering his face at kinapa-kapa iyon.

"Babe!"

Napangiti ako at tinanggal ang pagkakatakip sa mata niya. Tumingala naman siya kaya agad kong hinalikan ang noo niya.

"One more babe." He said at nag puppy eyes pa saka ngumuso.

Sinimangutan ko naman siya. Malapit na kaming mag three years but we never kissed. Hindi niya pa ko nahahalikan ,oo sa cheeks, sa noo at sa kamay pero hindi ko siya hinahayaang halikan ako sa labi kahit walang nagbabawal. Hindi ko lang talaga feel na magpa kiss sa labi.

"Kidding babe! Halika na mag almusal ka na, sasamahan kita." Naka ngiti niyang sabi at hinila ako.

Masaya naman ako dahil kahit minsan nagtatampo siya dahil hindi siya maka isang halik sa labi ay hindi niya naman ako pinipilit. Well, wag na niyang subukan dahil kahit mahal ko siya gagamitin ko sa kanya ang lakas ko. I know different types of martial arts kaya naman kaya kong dipensahan ang sarili ko.

Katulad nga ng sinabi niya, sinamahan niya 'ko habang kumakain ng almusal. Nag stay pa siya sa bahay hanggang sa maka tanggap siya ng tawag at kinailangan na niyang umalis. Sakto naman dahil magkikita kami nila Sab at Denny, with Zyron.

Simpleng ripped jeans, sleeveless white top na naka tuck-in sa ripped jeans ko na nagsilbing porma niya at simpleng white snickers. Ang curly light brown hair ko naman ay tinalian ko lang, nagtira lang ng ilang hibla sa magkabilang side sa bandang tainga ko kaya mukha na siyang messy na messy naman talaga. Hindi na rin ako nag abalang mag makeup, Hindi na din ako nag contact lense at hinayaan nalang ang natural green eye color ko.

PAGDATING ko sa paboritong coffee shop namin ay naabutan ko silang may kani-kaniyang mga ginagawa habang prenteng naka upo sa couch.

"Late ba 'ko?" Tanong ko nang maka upo sa couch na opposite ng inuupuan nila Zyron at Denny.

Hindi ko na pinansin ang mga nagtitinginan sa gawi namin.

"Hindi, kadarating lang din namin." Naka ngiting sagot ni Sab na katabi ko naman.

They're my bffs simula pa nung bata kami dahil magkaka village kami. Same age din. 19 na kami at since bakasyon ngayon ay malaya kami. At susulitin ko din ang bakasyon para makahabol ako at hindi mapagiwanan. Maghohome study ako para sa pasukan ay Sabay-sabay parin kaming magkakaibigan.

I know dad pulled some strings too para payagan akong habulin ang dalawang taon kong pag hinto at kailangan kong maka habol bilang pagbawi sa ginawa ni Dad.

"Si Jean?"I ask nang makaalis ang waiter na nagserve ng order namin.

"Hindi daw siya pwede ah? Sabi niya may lakad daw siya eh." Denny answered and then focused on her phone again.

"Ahh! Sayang naman, Hindi pa kami nagkikita ulit mula nung madischarge ako ah." I said.

Nag shrug lang naman sila. Hindi ko alam kung bakit hindi parin nagpapakita si Roxanne sa akin. Nang tanungin ko naman ang tatlong kasama ko ay hindi pa rin daw nila ito nakakasama mula pa noong lumabas ako ng hospital.

"Nasaan ang boyfriend mo?"Tanong ni Zyron.

I can see his sour face and I noticed the sarcasm on his voice when he asked that. I have no idea why, pero ganyan sila towards Marvs. Mas lumala pa nga ngayon ang pagka disgusto nila dito na hindi nila itinatago mula sa'kin.

"May importante daw na gagawin eh." Sagot ko nalang. Totally ignoring his sarcasm and the frowning expression he has on his face.

"Weird." Biglang sabi ni Zyron.

Agad naman akong tumitig sa kaniya with my poker face.

"Sino? Ako? Alam ko na 'yan." I said at binuklat ang librong dala ko at sinimulan basahin.

Of course I know what he meants by that, I just chose to play dumb just to ease the tension, if there's any.

This is the best part of being in this Cafe. The feeling like you're just at home.

"Nah. Alam ko naman na alam mong weird ka kaya hindi ko na kailangan ipaalala 'yon." Zyron said in a mockery tone.

Hindi ko nalang sila pinansin na nagtawanan pa at kumportableng umayos nalang ng upo sa couch at tinuloy ang pagbabasa. Kaya favorite namin ang coffee shop na 'to dahil sa comfortable feeling. Suki kami dito kaya naman kilala kami ng mga nagtatrabaho dito at kahit na ang owner.

"Parang hindi ka nacomatose ng halos dalawang taon Rare ah? Akala ko panaman pag nagising ka magbabago ka na pero weird ka parin. Mahal na mahal mo parin ang mga libro mo." Zyron commented.

Epal talaga ang lalaking 'to eh.

"Kapag nagbago ako, simulan mo nang lumayo kasi hindi na ako yung best friend mo pag nangyari yun. I might even assassinate you for being so epal." Walang tingin tingin kong sagot sa kaniya.

"Lagi kang may sagot." Zyron said. And even without looking, I know he's already frowning.

"Palagi ka kasing may reklamo."Sagot ko naman.

Hindi naman na siya sumagot pero yung pagka tahimik nila iba. Kaya naman tiningnan ko sila dahil sa kyuryosidad. They are looking in the same direction which is the glass wall beside us, kaya sinundan ko 'yon ng tingin.

"Sila Jean at Marverick yun ah!" I said with excitement nang makita ko silang naglalakad sa labas ng coffee shop.

"Lalapitan ba natin?" Tanong ni Sab na hindi inaalis ang tingin sa dalawa.

"Itext mo nalang kaya, Rare?"Denny suggested. "Or call him instead."

Ngumiti naman ako at kinuha ang phone ko sa table.

"Ask him kung nasaan siya." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Zyron.

Iba ang aura niya at naka tuon ang tingin kay Marverick at Jean na ngayon ay nasa Isang waiting area kung saan naghihintay ng sasakyan. Naka hawak si jean sa braso ni Marverick pero wala lang naman yon sa'kin dahil kaibigan ko si Jean at ganon na din ang turing ni Marv sa kaniya.

"Bakit naman? eh nakikita na naman natin sila oh." I said to him with my confused look.

"Just ask him Rare." Seryosong sabi ni Zyron kaya naman tinawagan ko nalang ito.

Ilang ring pa ang narinig ko bago niya sagutin ito.

"Hello babe!" Masiglang bungad ko habang naka tingin sa kinaroroonan niya.

[Hey! How's my babe? Having fun?"] he ask sweetly kaya mas napangiti ako.

"Yup! I'm with them now. Ikaw? nasaan ka?" I ask kaya nalipat ang tingin ng tatlo sa'kin.

[Ahh----Hmm. N-nasa store babe. may inutos kasi si mama eh.]

Agad naglaho ang mga ngiti ko at nagkaron ng mga tanong sa isip ko. Ang tatlong kaibigan ko naman ay naka tingin lang sa'kin with a questioning look.

"Ganon ba? Do you want me to go there?sunduin kita diyan sa store."

Agad kumunot ang mga noo nila sa narinig

[Ah, hindi na babe! Bonding niyo ng mga kaibigan mo ngayon di'ba? Nagkita na naman tayo kanina kaya ibibigay na muna kita sa mga kaibigan mo.] He said, still with sweet voice.

But I can see his nervous expression from here. Why is that?

"Okay babe! Sige ingat ka diyan, I love you!" I said still with my jolly voice.

[Okay, you too babe. I love you too!]

Nakita ko pang tiningnan siya ni Jean nang sabihin niya ang huling linya.

"Nasa store?" Sab started with her eyebrows arched.

"Sabi niya. Baka naman may importante silang lakad at papunta na sila sa store ngayon." Pinilit kong ngumiti kahit na parang kinakarate ang puso ko sa kaba.

I don't know what's this feeling but I don't like it. Definitely not.

"Rare, may malapit na store sa bahay nila remember?" Denny said with a 'duh' look and tone. "He's living in a subdivision after all."

"M-malay niyo wala yung pinapa bili sa kaniya sa store na yon o kaya baka nag sinungaling lang siya para hindi ako mag-isip ng iba sa kanila." Pag dipensa ko kahit na hindi na din mapakali ang utak ko.

The thoughts at killing me and that's not good.

"Stop defending him, Rare! Kung wala silang tinatago bakit kailangan niyang mag sinungaling sa'yo?" Halata ang galit sa mukha ni Zyron.

Si Sab at Denny naman ay parehong naka tingin sa akin ng makahulugan.

"Ano ba! Kumalma nga kayo. Relax guys okay? Daig niyo pa ang girlfriend eh!" Pagbibiro ko trying to lighten up the mood.

But Sab being Sab, she will not end it just like that.

"We better find out what's going on between the two of them." Sab said na naka tingin sa taxi na sinakyan nila Jean gayon lang.

"What? No! I trust them okay? Wala lang 'yon!" I said trying to convince them, and also myself.

Ayokong isipin na tama ang mga nasa isip nila. Hangga't maaari gusto kong magtiwala sa kanilang dalawa. Ayokong magpalamon sa hinala at pagdududa. Alam kong hindi nila magagawa sa'kin 'yon. Especially Jean. She's one of my special friends.

"SAB, third anniversary na namin bukas." Naka ngiti kong sabi kay sab na nandito sa kwarto ko.

"At birthday mo na next week, mas nauna mo pa talagang maalala ang anniversary niyo kesa birthday mo huh?"Seryosong sabi ni Sab habang pinapanood akong mag type sa laptop ko.

Talaga ang babaeng 'to napaka bitter!

"Eh mauuna naman ang anniversary namin eh. Ano bang pwede kong gawin?" Naka ngiti kong sagot at tanong.

Itinigil ko ang pagtatype ko para mag focus sa pinaguusapan namin.

"Bakit ikaw ang may gagawin? Dapat siya! Siya ang lalaki eh." masungit na sabi ni Sab sabay irap.

Wala si Denny at Zyron. Si Denny nag mall at si Zyron naman ay umalis. He went to Canada para mag bakasyon kasama ang pamilya niya kaya hindi daw siya makaka punta sa 19th Birthday ko.

"Hindi naman purket lalaki siya, siya nalang ang may gagawin. Lagi naman siyang may ginagawa every monthsary at anniversary namin ah. Dapat ako naman." Sagot ko naman na naka nguso.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si sab saka nagsalita ng mahinahon.

"Edi puntahan mo siya sa Bahay nila with special gift from you at samahan mo na din ng cake since magaling ka naman mag bake. Wala nang mas sasarap pa sa cake na ikaw mismo ang gumawa." Sab suggested with a bored expression.

Nanlalaki ang mga matang hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Sab saka siya niyugyog.

"Oh my! What brilliant idea!" I shrieked in excitement while still shaking her. "You're so smart my bff!"

"Ah! Stop it Rare!! Nahihilo ako sa ginagawa mo!!" Reklamo niya.

Agad naman akong tumigil sa pagyugyog sa kaniya with my apologetic look and smile, while she just glared at me like she's already mentally killing me.

"You'll help me naman di'ba?" I said with a pleading look that I know she can't resist.

No one can resist my cuteness! Not even Sab the a****n.

"Ano pa nga ba?" She answered as if she has no choice but to say yes.

Agad naman akong napangiti. Mabuti nalang at may mga kaibigan ako na kagaya nila. Parang isipin ko palang nga na mawala sila, para na 'kong mababaliw eh. They have been a big part of my life and they will always be.

***

<333

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status