Share

A Beautiful Nightmare
A Beautiful Nightmare
Author: エミ ディ

CHAPTER 1

Zederina's POV.

***

Nakaupo ako sa tabi ng isang malaking puno sa hardin ng university. Walang tigil sa pag tulo ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay pinag bagsakan ako ng langit at lupa. I'm crying and in every tears falling from my eyes, pakiramdam ko ay isang punyal ang isinasaksak sa puso ko. I am hurt. They betrayed me.

My two years boyfriend cheated on me with my own best friend. Okay na sana kung nanloko lang siya pero yung sa best friend ko pa? I feel betrayed and yes! I am betrayed by the two important person in my life.

Hindi ko na magawang punasan ang mga luha ko dahil hindi naman ito tumitigil and so I let it out. Parang pwede na ngang mag-igib ang mga tao dahil sa dami ng luhang inilalabas ng mga mata ko eh. If only I can convert these tears into peso for ever drop I will become a millionaire in an instant.

"AHHH!!" Sigaw ko habang umiiyak.

Sabi kasi nila nakaka bawas daw 'yon ng dinadala pero lalo pa atang bumuhos ang mga luha ko dahil sa pag sigaw ko. 'Shit!'

"Here."

Muntik pa akong maduling nang biglang may nagtapat ng isang puting panyo sa mukha ko, kaya naman agad akong tumingala at kung hindi ako nagkakamali, and lalaking naka tayo sa harap ko ngayon ay si Zendrix Daemon Xyruz Lexuz. Classmate ko siya sa lahat ng Subject pero hindi kami close, hindi rin kami nagkakausap. Hindi ko siya gusto dahil bad boy ang tawag sa kanya, bully kasi siya. Halos lahat ata ng students dito sa University ay nabully na niya maliban sa'kin. Hindi ko din alam pero hindi niya naman ako pinapansin at mas okay na yun dahil ayoko ng may nambubully sa akin.

But what is he doing in front of me now? If I don't know better, I will think that he's being a gentleman. But I know better. He's a bully and him plus me is a disaster!

"Nangangalay na 'ko."

Napawi naman ang mga nasa isip ko dahil sa sinabi niya kaya kinuha ko nalang yun saka nagpunas ng luha kasabay nun ay ang pagtabi niya sa'kin.

Okay, what the eff!?

"Anong ginagawa mo?" I ask with my forehead furrowed.

"Edi naka upo."

'Pilosopo.'

Inirapan ko nalang siya at nanahimik nalang dahil wala ako sa mood para makipag pilosopohan sa kanya.

Actually gwapo naman kasi si Zendrix, almost perfect na nga siya dahil bukod sa mayaman ang pamilyang pinagmulan niya ay sikat din siya sa school. He has this brown tantalizing eyes, long naturally curled eyelashes, sharp nose na pwede atang maka patay sa tulis, at samahan pa ng mapupulang labi nito. Ang katawan naman ay sobrang manly pero hindi naman sobrang laki na parang goon na siya. Lahat ata ng babae tinitilian siya maliban sa akin. I hate him because of his badboy reputation at dahil bully siya, ayokong mapasama sa listahan ng mga nabully niya.

I am having a low profile and I want to keep it that way. And Zendrix Daemon Xyruz Lexuz means trouble. Trouble means attention. Attention means bullies. And bullies means HELL!

"Bakit ka ba umiiyak dito ng mag-isa? Ang pangit mo pang umiyak." Biglang sabi niya na agad kong ikinainis.

Sinamaan ko siya ng tingin. "So kailangan pag umiiyak by group? At pwede ba umalis ka na kasi wala ako sa mood para sa mga kalokohan mo!"

Narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina. Isa pang ayaw ko sa lalaking 'to bukod sa pagiging bully ay ang pagiging babaero niya. I witnessed him making out with different girls everyday. Minsan sa cafeteria o kaya sa may bench, Sa cr ng babae maririnig mo nalang na may mga ungol.

'Gross!' hindi manlang kilabutan sa mga ginagawa niya!

"Bakit ka ba umiiyak?"

Agad nabaling ang atensyon ko sa kaniya at agad ding kumunot ang noo ko. 'Babaero na, chismoso pa!'

"Ano namang pakealam mo?" Pagsusungit ko sa kaniya pero ngumiti lang siya, yung ngiting hindi nakakaloko. Parang sinasabi ng mga ngiti niyang pagkatiwalaan ko siya.

Teka nag milagro ba si god at sinapian ng anghel ang lalaking 'to? 'Creepy!'

"Mag kwento kana. Sabi nila mas nakakagaan daw ng pakiramdam pag nagkukwento ka at nailalabas mo yung nararamdaman mo."

Napa titig naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. He has a point. Sabi din nila mas nakaka gaan ng pakiramdam pag nag kwento ka sa hindi mo kakilala.

Pero hindi ako ganon. Hindi ako mahilig maglabas ng lahat sa mga hindi ko kilala. But his eyes tells me that I can trust him. Kaya naman sinabi ko sa kaniya ang dahilan at hindi ako makapaniwala dahil tahimik siyang nakikinig sa'kin at iniintindi ang mga sinasabi ko.

"Yun lang?" Tanong niya kaya naman agad ko siyang tiningnan ng masama. "Ang babaw mo."

Lalo pang sumama ang tingin ko nang idugtong niya yun. Mababaw? Sampalin ko kaya utak nito?

"Anong mababaw? Niloko ako ng dalawang taong importante sa buhay ko tapos mababaw?" Naiinis na sabi ko sa kaniya.

"Para sa'kin mababaw yun." He paused saka sumandal sa puno. "Magpasalamat ka nga dahil nalaman mo na agad na niloloko ka nila at hindi na tumagal pa ng taon dahil kung tumagal pa baka mas masakit pa. Magpasalamat ka nalang dahil nalaman mo ang lahat."

Hindi ko napigilan ang pagtitig sa kaniya saka ako nagsalitang muli.

"But how will I forget about him? Our memories?"

Muling nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko na agad ko namang pinunasan gamit ang panyong ibinigay niya.

"You don't have to forget about him and your memories with him, Keep it and learn from it. Keep all the memories and create a new memories with someone better."

Tinitigan ko siya at kita ko ang pagka seryoso sa mukha niya.

"Paano ko ba malalaman na that someone is better?" I ask.

Lulubos-lubusin ko na ang pagiging oove guru niya sa mga oras na 'to. Baka may expiration date.

"Kapag hindi na niya ginawa ang ginawa ng ex mo, then he is the better person."

I smiled. Pakiramdam ko ay gumaan ang dinadala ko dahil sa kaniya. Hindi ko kahit kailan naisip na may ganitong side siya. Zendrix is known as a playboy and bully pero pakiramdam ko hindi siya ganon. He's just different.

LUMIPAS ang mga araw, linggo at buwan. Zendrix became my boy bestfriend. Palagi kaming magkasama. He's my protector kapag may mga bratenelang gumagala at namemeste. Sa klase hindi siya pumapayag na hindi kami magkatabi, sabay kaming naglalunch. Lagi kaming magkasama. I feel safe and happy with him.

Pakiramdam ko nagkaron ako ng bagong bestfriend na palaging nandiyan para sa'kin. Siya ang sinasabihan ko ng mga problema ko at ganun din siya sa'kin. Sabay kaming nag-aaral. Hanggang sa isang araw, I just found myself falling for him. I tried stopping myself from falling for him pero hindi ko din napigilan hanggang sa nahulog na 'ko ng tuluyan. Nahulog na ko ng sobra at ngayong araw ako aamin sa kaniya dala ang pag-asang ganon din ang nararamdaman niya.

Mabilis ang tibok ng puso ko na para bang gusto na nitong kumawala sa dib-dib ko kaya huminga ako ng malalim.

'Relax Rare! Kaya mo 'yan!!'

I tried to calm myself. Pilit pinapatatag ang loob dahil pakiramdam ko ay babawian ako ng lakas at tapang sa oras na makaharap ko na siya. Wala pa man ay mabilis na ang tibog ng puso ko paano pa kung kaharap ko na siya? Baka kumawala na ito mula sa ribcage ko!

"Sorry nalate ako!" Biglang sulpot niya at humalik pa sa noo ko.

Kung noon ay wala pang epekto ang halik niya sa noo o sa pisngi ko, ngayon ay ramdam ko ang pag-init ng mukha ko na agad niyang napansin.

"May sakit ka ba?" Nagaalalang tanong niya.

'Meron!'

"W-wala naman."

Pinilit kong ngumiti at itago ang kabang nararamdaman ko, ngumiti din naman siya at tumango. That smile that always gives me butterflies. 'Great!'

"Ano nga pala yung sasabihin mo Rare?" Tanong niya kaya kung kanina ay doble ang bilis ng tibok ng puso ko, ngayon ay triple na.

'This is it, Rare! It's now or never!'

"M---Ma.." utal na paninimula ko.

First attempt and I can't even say a single word!

Kumunot naman ang noo niya at pinakatitigan ako.

"Okay ka lang ba?may sakit ka-----"

"Mahal kita Rixx" Mabilis at walang hinga hinga kong sinabi yan habang mariing naka pikit, ngunit wala akong natanggap na sagot kaya agad kong iminulat ang mga mata ko.

I saw his cold brown eyes and expressionless handsome face. Ramdam kong tutulo na ang luha ko ano mang oras dahil sa ipinapakita niyang reaksyon. It's obvious but still, I did what I had to do.

"Mahal na mahal kita, Zendrix." Ulit ko pero wala akong nakitang reaksyon mula sa kaniya.

Ramdam kong naka tingin na samin ang mga tao sa Cafe na kinaroroonan namin pero hindi ko sila pinansin. I didn't mind and just stared at his cold eyes.

Tuluyang tumulo ang mga luha ko nang hindi ito nagsalita at agad na tumayo saka umalis. I can feel them staring at me, yung mga tingin nilang may bahid ng awa. And it kills me. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung bakit naging ganon. Hindi ko alam kung bakit parang sa isang iglap ramdam kong magbabago ang lahat.

ILANG linggo ang lumipas mula noong araw na 'yon. Naging isang estranghero ako para kay Zendrix. Actually he treats me like I don't exist. Iniiwasan niya 'ko, hindi niya ko pinapansin. Palagi ko siyang nakikitang may kasamang babae at madalas may kamakeout siya sa cafeteria. Sobrang sakit.

Every time i see him with another girl para akong pinapatay ng paunti-unti. Yung friendship namin, parang tinangay nalang bigla ng malakas na hangin at nawala sa isang iglap. Sobrang sakit na makita siyang may kasamang iba.

Ako kasi dapat yun eh.

NAGKARON ako ng pagkakataon na makausap siya nang makita ko siyang mag-isa at walang kasamang babae. I'm running towards the ground kung saan ko siya nakita. Kahit hinihingal ay pinilit kong magsalita nang maka lapit ako sa kaniya.

"Zendrix." I manage to say at muli ko nanamang nakita ang malalamig niyang mga mata.

It still pains me to see him like this towards me.

"Anong nangyari, Zendrix? Bakit naging ganito?" Paninimula ko. And again, agad nanamang tumulo ang mga luha ko.

Walang pagsidlan ang sakit na nararamdaman ko dahilan para walang tigil na bumuhos ang mga luha ko kasabay ang mga emosyong hindi ko mapigilang ipakita sa kaniya.

"Mahal kita, Zendrix. Pero 'wag naman sanang ganito. Kung hindi mo 'ko mahal pwede mo namang sabihin diba? Pwede naman tayong maging magkaibigan pero hindi yung ganto kasi nahihirapan na 'ko eh." Umiiyak na wika ko.

Wala na 'kong pakealam kung magmukha akong kaawa-awa sa paningin niya. I can't just let him do this to me.

"Hindi naman kailangan na masira ang pagkakaibigan natin dahil lang umamin ako sayo. I never asked you to love me back. Hindi ko naman sinabi na mahalin mo din ako. Umamin ako kasi gusto kong malaman mo at hindi para lumayo ka. Kasi kung ganito lang din naman," I paused then continue and sobbed a few times. "Sana hindi nalang kita nakilala kung masasaktan lang din ako ng ganito."

Nakita ko ang pag lambot ng expression niya pero agad na din akong tumalikod at nagsimulang humakbang papalayo.

Isa...

Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay ang pag buhos ng nga luha ko at pagka durog ng puso ko.

Dalawa...

It was like everything is in slow motion and I feel like my legs are about to give up.

Apat...

Bago pa ako maka hakbang ulit ay naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko at marahan akong hinila paharap sa kaniya.

"Rare I'm sorry," Sinabi niya ito at nakikita ko ang mamula-mula niyang mga mata. "Sorry. Nung una palang gusto na kita, Rare. Kahit nung hindi mo pa 'ko kilala, mahal na mahal na kita pero natatakot ako."

Nakita ko ang butil ng luhang pumatak mula sa mga mata niya na bahagya ko pang ikinagulat. He's crying!

"I'm afraid na baka masaktan lang din kita katulad ng ex mo. I'm afraid that I am not the better person for you. Ayokong nakikita kitang nasasaktan at nahihirapan, Rare. Mahal na mahal kita. I'm Sorry."

Kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. I smiled at him and was about to hug but I was shocked when I noticed how everything around me vanished. And when I looked at the person in front of me, ang tanging nakita ko nalang ay ang naka ngiti niyang mukha na unti-unting tinangay ng hangin.. And then everything went black.

UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang mga pamilyar na mukha nang tuluyang magbukas ang mga mata ko at nag adjust ng tuluyan ang nanlalabong paningin ko.

"Gising na si Rare! Tita!" It's Sab's voice.

Kasunod non ay ang pagbukas ng pinto at isa-isang pumasok sila Mommy, Daddy, Denny, at Xyron. Umiiyak sila kaya naman nagtatakha ko silang tiningnan isa-isa.

"W-what happen?"I ask and I noticed my voice breaking and felt my throat dry as if I haven't drank anything for years.

"Anak! Thank god you're awake!" Mom exclaimed and hugged me tight.

Si daddy naman ay naka ngiti lang at mangiyakngiyak akong hinalikan sa noo.

They are acting so weird.

"I'll call your boyfriend." Biglang sabi ni Sab.

'B-boyfriend?'

Agad na nag flash sa isip ko ang mukha niya. Ang mga ala-ala naming dalawa. Lahat ay tila mga pelikulang naka fast forward sa utak ko.

"S-si Zendrix!" Naiusal ko na may kalakasan. "N-nasaan si Zendrix?"

"Sinong Zendrix anak?" Tanong ni Mommy.

"S-si Zendrix. S-siya ang mahal ko mommy!" I said with a smile on my lips.

Agad naman silang nagkatinginan na may hindi mapangalanang emosyon sa mukha.

"Anak, si Marverick ang boyfriend mo. Sino bang Zendrix ang sinasabi mo?" Dad ask with a soft and careful tone.

I can sense his hidden confusion and worry but trying to be calm and soft.

"N-no! Si Zendrix ang mahal ko. M-mom! Si Rixx yung kaklase ko." Kinakabahan kong pagkumbinsi sa kanila.

Agad namang lumapit si Sab sa'kin na dapat ay may tatawagan na boyfriend ko daw. Naupo siya sa gilid ng kama ko at tumitig sa mga mata ko.

"Rare wala tayong kaklaseng Zendrix." Malumanay niyang sabi na may pagaalala. "Ano bang sinasabi mo?"

Agad kumunot ang noo ko at ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba. My heart is pounding so fast and I can feel my eyes watering because of my mixed emotions.

"No! Naging magkaibigan kami dahil niloko ako ng boyfriend at bestfriend ko. Umamin pa nga ako sa kaniya na mahal ko siya at umamin din siya sa'kin." Kinakabahang pagkukwento ko. "Pagkatapos..."

My words hanged there when I realized what happened next.

"Rare, pagkatapos?" Sab ask gently and squeezed my hand.

"P-pagkatapos," a tear dropped from my eyes as I stared at Sab with different kind of emotions written in my eyes.

And then she said something that made my world stopped for a split second.

"Rare You've been comatose for almost two years" Namayani ang kaba sa buong katawan ko sa sinabi niya. "Bahagi lang ng panaginip mo si Zendrix."

My eyes widened after hearing what sab said. My tears kept on falling like waterfalls as million of emotions take over me.

"Gawa lang ng imahinasyon mo si Zendrix, Rare." Sab said with her hesitant eyes. "Si Zendrix, siya ang bida sa kwentong ikaw ang may akda. Rare you are a Writer Remember?" She paused.

"And Rare,"

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa mga naririnig ko. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga dahil sa halo-halong mga emosyon na nararamdaman ko.

"You killed Zendrix on his own story."

***

Author: Sending my love everyone <33

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status