เข้าสู่ระบบ“Ava,hija. Gabi na a. Bakit hindi ka pa natutulog?” si Meding nang madatanan ang dalaga sa sala ng kanilang quarters. Pasado alas dies na ng gabi at lights out na ang mansiyon. Kaya naman nagtataka ang matandang katulong kung bakit gising pa ang dalaga gayong may pasok pa ito sa opisina kinabukasan.Mula sa pangngalumbaba sa bintana, bumaling si Ava kay Meding, ngumiti. “Nagpapaantok lang po, Manang,” anang dalaga, niyuko ang isang baso ng gatas na nasa kanyang harapan.Marahang nagbuga ng hininga si Meding bago naglakad palapit sa pwesto ni Ava. “Nagpapaantok ka? Bakit, may gumugulo ba sa isip mo, hija?” anang matandang katulong, umupo na sa bakanteng upuan sa tapat ng dalaga.Marahang umiling si Ava, muling ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Gusto niyang sabihin sa matanda na naghihintay siya ng bituin sa langit. Gusto niya kasing humiling. Na sana, umayos na ang buhay niya. Kaya lang…“Si Xander na naman baa ng dahilan, hija? Sinungitan ka na naman ba niya?” untag ng matand
“S-Sir, m-may ipag-uutos po ba kayo?” si Ava nanag hindi na makatiis ang dalaga. Kanina pa siya nakatayo sa gitna ng opisina ni Xander. Gaya ng pangako niya kay Elize, bumalik siya sa Monteverde Bus Lines upang ipagpatuloy ang pagiging assistant niya kay Xander.Subalit kahit na kanina pa siya nakatayo roon, tila hindi siya nakikita ng boss dahil kibuin-dili siya nito. O pwede ring inis pa rin ito sa kanya dahil sa ginawa niya nang nagdaang gabi.Ava knew that going back there will have consequences. Bagay na kagabi pa niya pinaghahandaan. Dahil kahit anong gawin niya, alam niyang magagalit at magagalit pa rin si Xander sa kanya. Biglang lang siyang naglaho na parang bula kagabi. Ni hindi rin niya sinagot ang tawag nito. Sigurado galit ito. At ang pananahimik nito ngayon ay parte ng kanyang parusa. So she has to endure. Kaya lang, nangangawit na ang mga paa niya kaya naman nagsalita na siya.Mula sa pagtipa sa kanyang laptop, natigilan si Xander, nag-angat ng tingin kay Ava. She looke
“Heto na ang gatas, hija. Inumin mo ito nang guminhawa ang pakiramdam mo,” ani Meding, habang inaabot ang bagong timpla na gatas kay Ava.Matiwasay na nakauwi ang dalaga, subalit agad ding nagkulong sa silid nito. At hindi iyon nakaligtas kay Meding. Agad na tinanong ng matandang babae kung bakit tila balisa at mugto ang mga mata nang makauwi ito. Noon na bumunghalit ng iyak si Ava. Hindi na napigilan pa ng dalaga ang magsumbong sa matandang katulong.Alam ng dalaga na handa siyang damayan ni Meding sa kahit na anong bagay na kanyang pagdaanan. Hindi ba, ito ang nagkanlong sa kanya sa siyudad sa nakalipas na anim na buwan? Wala nang maililihim pa si Ava sa matanda. Alam nito ang buong katotohanan.“M-maraming salamat po, M-Manang,” ani Ava, maingat na tinanggap ang baso ng gatas bago sumimism roon nang kaunti. Iyon pa lang ang kaya niyang inumin. A little more than that and she will throw up.Ramdam pa rin niya ang takot sa kanyang buong katawan nang muli niyang makita Rod. Subalit ku
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan ni Xander habang nagmamaneho patungo sa isang restaurant kung saan kakatagpuin ng binata ang isang business associate na ipinakilala sa kanya ng isang kaibigan.Subalit kahit na walang kibuan sina Xander at Ava sa loob ng sasakyan, naghuhumiyaw naman sa pagtutol ang damdamin ng dalaga na samahan ang boss sa gusto nitong puntahan. Pasado alas sais na ng gabi. Kaka-out lang niya sa unang araw niya sa trabaho. Sa totoo lang, uwing-uwi na siya. Ang tanging gusto niyang mangyari sa mga oras na ‘yon ay umuwi na at lumayo sa masungit niyang boss. Kaya lang…Mabagal na nagbuga ng hininga ang dalaga, ibinaling ang tingin sa labas ng kotse. Nakailaw na ang lahat ng buildings na nadaraanan nila. Unti-unti nang nabubuhay ang night life ng siyudad.Sa ibang araw, marahil, natutuwa na siyang pagmasdan ang tanawin na nasa kanyang paligid. Sa probinsiyang pinanggalingan niya, walang gano’n. Ang meron lang, walang hanggang taniman at kakahuyan. Bago sa k
“Hi, ikaw ‘yong bagong assistant ni Sir Xander?” anang babaeng lumapit kay Ava habang kumakain ang dalaga sa canteen. May dalang tray ng pagkain ang babae, maaliwas ang mukha at malawak ang ngiti.Bahagyang ngumiti si Ava, tumango.“Ako nga pala si Melody. Sa finance ako, junior accountant. Share tayo ng table ha? Tutal wala ka namang kasama,” anang babae, umupo na sa bakanteng upuan sa tapat ni Ava. “Ano nga palang pangalan mo?”“A-Ava. Ava De Vera.”“Hi, Ava! Welcome sa Monteverde Lines,” umpisa ni Melody, nagsimula nang kumain. “Alam mo, buti pumayag kang maging assistant ni Sir. Hindi na tuloy kami kakaba-kaba araw-araw tuwing pumapasok kami. Pa’no, parang tribute sa Hunger Games ang peg namin dito tuwing nagpapahanap ng assistant o kaya sekretarya si Sir. Walang gustong maging alay sa dragon!” animated na kwento ni Melody, nanikwas pa ang nguso, bakas sa mukha ang tensyon. “Pero at least nandiyan ka na, ligtas na kaming lahat sa buga ng apoy ni Sir tuwing sinusumpong siya ng alam
Abala sa pag-aayos ng files si Ava sa kanyang desk nang may biglang dumating na lalaki at lumapit sa kanya.“Miss, nandiyan ba si Xander?” anang lalaki, bahagyang ngumiti. Agad natigilan si Ava, pinagmasdan ang lalaki. Matangkad ito, matikas din ang tayo. At sa facial features pa lang nito halatang may lahi itong banyaga.Kumurap si Ava. Imbes na sumagot, tipid lang na tumango.“He’s not that busy to accommodate me, is he?” sabi ulit ng lalaki.Sandaling nag-isip si Ava. “I-I don’t think so… S-Sir—““Gian Dimarco. I’m Xander’s friend,” pakilala ng lalaki, inilahad pa ang kamay sa harap ni Ava.Awtomatikong tumayo si Ava at kinamayan ang bisita ng amo, ngumiti rin ng bahagya bago binitiwan ang kamay nito. “I-I’m Ava De Vera, Sir. Kung kaibigan po kayo ni Sir Xander, pwede na po kayong pumasok sa office niya. Pakibitbit na rin po itong mga dapat niyang pirmahan na papeles. Bawal po kasi ako sa loob,” anang dalaga, pinulot ang salansan ng folders na nasa mesa at inabot iyon sa bisita. “
Malakas ang kabog ng dibdib ni Elize habang naglalakad ang dalaga patungo sa isang parke na malapit sa university kung saan sila nag-aral ni Calvin. Hanggang sa mga oras ‘yon, puno pa rin ng pag-aalinlangan ang isip ng dalaga sa kanyang gagawin. Kaya lang, desperado na siya. Kung ang muli niyang p
“Bilib ako sa tapang mong pilitin akong harapin ka, Ms. Monteverde. And this is all for Ralph you said?” pahayag ni Don Pedro nang nasa loob na sila ng study ng matandang don.Nakatayo sa likod ng mesa nito ang matandang lalaki habang si Elize naman ay nasa gitna ng silid, malakas pa rin ang pagkab
Titig na titig si Elise sa bintana ng hotel sa karating bayan ng San Gabriel kung saan dumiretso ang dalaga matapos siyang hindi siputin ni Calvin sa kanilang kasal.Umaga na. Lumipas na ang bagyo at sumikat na ang haring araw. Subalit ganoon pa rin ang pakiramdam niya, namamanhid, nagsisisi, nasas
Malakas ang buhos ng ulan. Marahas din ang pag-ihip ng hangin sa kapaligiran. Sa ‘di kalayuan ay panay ang pagguhit ng kidlat sa papadilim nang langit, kasunod niyon ang kulog na yumayanig sa kalupaan ng burol.Sa ituktok ng burol ay naroon ang Santuario de Sta. Ignacia. Isang maliit na simbahan na







