Mag-log inBACK to reality.Pagkatapos ng ilang araw na abala sa paghahanda ng kasal, muli akong bumalik sa pagiging isang ordinaryong college student.Business Administration.Iyon ang kursong pinili ko dahil pangarap kong balang araw ay mapalago ang maliit na negosyo ni Lola.Pagpasok ko pa lamang sa campus ay agad kong naramdaman ang mga matang nakatingin sa akin.Hindi dahil sikat ako. Kundi dahil kilala ang apelyidong Collins sa paaralang ito.Ang hindi lang nila alam... Ang lalaking apo ng may-ari ng unibersidad ay ang lalaking nakatakda kong pakasalan.At iyon ay isang lihim na dapat manatiling lihim."Lorie!"Napangiti ako nang makita si Irish na kumakaway habang papalapit."Good morning.""Good morning!" masigla nitong bati bago ako niyakap. "I missed you!"Ngumiti ako."Ako rin."Nagkuwentuhan kami habang naglalakad sa hallway.Hindi ko namalayang may ilang estudyanteng napapatingin sa direksiyon namin.Kasabay noon ay ang pagdating ng ilang luxury cars sa harap ng Administration Build
TAHIMIK ang buong biyahe namin. Tanging mahinang tugtog ng classical music mula sa stereo ng sasakyan at ang mahinang ugong ng makina ang naririnig ko. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na isa-isang nilalamon ng dilim.Paminsan-minsan ay palihim akong sumusulyap kay Randy.Napansin ko ang seryoso niyang ekspresyon. Parehong nakatuon ang mga mata sa kalsada at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.Halatang wala siyang ganang makasama ako.Hindi ko siya masisisi.Kung tutuusin, pareho kaming biktima ng sitwasyong ito.Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng napakalaking bakal na gate ng Collins Mansion.Unti-unti itong bumukas matapos makilala ng guwardiya ang sasakyan ni Randy.Hindi ko maiwasang mapahanga habang pumapasok kami sa malawak na driveway. Magkabilang gilid nito ang naglalakihang puno at maayos na hardin na tila laging inaalagaan.Nang tuluyan kaming huminto sa tapat ng mansyon, agad ako
NAKATUNGHAY lang ako sa aking Lola Regina. "Lola, magpagaling ka, ha? Huwag mo naman akong iiwan."Tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. "Panginoon, alam kong ikaw ang nagpapagaling at sumusugat, pero kung anuman po ang kalooban niyo ay tatanggapin ko."Napasulyap ako sa aking relong-pambisig. Oras na para ako'y lumabas ng private room. Bitin man pero kailangan kong sundin ang payo ni doktora. Paglabas ko ay naghihintay sa akin sina Lola Matilda, Randy at Irish. Pansin kong tila hindi maganda ang aura ni Lola Matilda. Hindi na ako magtataka baka siguro nakita niya sina Irish at Randy na parang mag-jowa kung umasta.Nang marinig ni Lola Matilda ang pagbukas ng pinto ay lumingon siya at nakangiting nilapitan niya ako. "So, how's Regina?""Nakahiga lang po siya at pikit ang mata." Hindi ko mapigilan ang tila panginginig ng aking boses. "Hija, siya ba ang nababalitang girlfriend ng apo ko?" mahinang bulong ni Lola Matilda sa aking tenga at dahan-dahan akong napatango. Napansin ko
TARANTA man ay mas pinili kong i-focus ang sariling utak sa nangyari sa aking abuela. Mabuti na lamang at mabilis na nakaalalay sa amin si Lola Matilda na ngayon ay siyang umalalay kay Lola Regina na maipasok sa back seat ng kotse. "Sige na, maupo ka na sa front seat, hija. Ako na ang bahala sa Lola Regina mo." Nagmamadaling binuksan ko ang front seat at saka naupo sa loob at inayos ang sariling seat belt.Pagkatapos ay ibinaling ni Lola Matilda ang tingin kay Randy. "Apo, tara na," kalmadong sabi niya. Nanginginig ang aking buong-katawan. Paano na ako kung wala na ang Lola Matilda ko? Hindi ko pa naman gamay ang pagpapatakbo ng negosyo.Mabilis na humarurot ng takbo ang kotse ni Randy patungo sa pinaka-malapit na hospital. Ang alam ko ay may maintenance ang aking abuela para sa kanyang hyper tension. Naisip ko at baka kumain si Lola ng bawal niya. Napahawak ako sa sariling sentido saka hinilot-hilot ito."Hija, huwag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Ang mabuti na lamang na
"Daig mo pa ang natalo sa Lotto kung umiyak." Alam kong binibiro lang ako ni Timothy para patawanin. "Wala naman sigurong masama kung ilabas ko ang sakit na nadarama," sagot ko. Pagdakay inayos ang sarili. Tama na siguro ang pagiging emotera ko.Ang totoo magaan ang pakiramdam ko habang kausap si Mr. Chiu. Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili na natatawa sa mga corny jokes niya."So, you're here. I thought you were in the ladies room?" sarkastikong sabi ng pamilyar na tinig.Kapwa kami napalingon ni Timothy ng marinig ang pamilyar na boses ni Randy. Wala akong maapuhap na sasabihin. Alangan namang sabihin kong narito ako dahil nasaktan ako kanina dahil sa pambalewala niya sa akin nang dumating si Irish.Napayuko na lamang ako. "You're with someone, really?" sarkastikong sabi pa niya.Pero bago pa man ako makapag-react ay tumikhim si Mr. Chiu. “I’m just her friend, Mr. Collins.”"Pero ngayon lang?" Hindi ngumingiting sagot ni Randy sa sinabi ni Timothy.“Yeah, does that reall
MAPAPANSIN ang kakaibang sigla sa mga ngiti nina Lola Regina at Lola Matilda nang makita kami ni Randy na magkasama. Hindi ba nila alam na si Irish ang girlfriend ni Randy?"At nakarating na nga ang ating mga apo, Regina," masiglang sabi ni Lola Matilda sa aking abuela.Pilit kong pinapasigla ang sariling ngiti sa dalawa. Regarding naman sa kasama ko ay as usual seryoso parin ang gwapong mukha. Naupo kami sa sa silya na para sa amin ni Randy. Magkatabi kami at tila ba parang nakikiramdaman lamang sa isa't isa. Ang totoo, hindi ako mahilig sa mga event pero dahil heto ang kinalakhan ko ay kailangang sanayin ang sarili. "Eat," ani Randy sa akin. May mga pagkain sa aming harapan kaya lang ay wala akong ganang kumain. "Hindi pa ako gutom," sagot ko kay Randy. Pero dinampot ko ang tinidor para tikman ang chocolate cake na nasa aking harapan.Ang mga Lola namin na busy sa pakikipag-usap sa ilang mga kakilala. Si Randy naman ay kasalukuyang kausap ang isa sa mga tulad din niyang busines







