Mag-log inHindi na nagtagal si Randy at umuwi na rin ito pagkatapos nitong maghapunan. Ingat na ingat ako sa aking mga kilos, pero aaminin kong bigla akong nakaramdam ng matinding panghihinayang. Kung alam lang nito kung paano tumalon ang puso ko sa tuwa at sobrang kilig sa pagpapaunlak nito sa imbitasyon ng aking abuela.
Ngayong umuwi na ito at kasalukuyang hinahatid ng aking mga mata ang papalayo nitong kotse ay damang-dama ko ang kalumbayan ng aking puso. May mga ilang manliligaw ako pero ni isa ay hindi ko binigyan ng pansin, dahil ang puso ko ay nakatali na sa nag-iisang lalaki. Walang-iba kundi si Mr. Randy Collins. "Bakit parang malungkot ka yata sa pag-alis ni Randy?" Awtomatikong nag-iba ang ekspresyon ng aking mukha. "Naku, hindi Lola. May naalala lang kasi ako." Umaasa akong nakumbinsi ko ang aking abuela sa aking pagsisinungaling. "Hmmm... I don't think so. Kilala kita, hija." When it comes to my Lola wala akong maililihim, at aminado ako roon. "Lola..." "Pansin ko ang kalungkutan sa anyo mo nang umalis si Randy. Matagal ko ng napapansin ang kakaibang ningning ng iyong mga mata at alam kong hindi ako nagkamali sa instinct ko." "Naku, guni-guni mo lang 'yan, Lola." "Sa dinami-dami ng manliligaw mo nagtataka ako kung bakit ni isa sa kanila ay wala kang binigyan ng pagkakataon para patunayan ang kanilang nararamdaman para sa'yo? Kaya naisip ko tuloy na may nagmamay-ari na riyan sa puso mo." Sumikdo ang puso ko sa kaba nang marinig ang makahulugang sinabi ni Lola Regina. Halata na ba ako sa mga kinikilos ko? Sa totoo lang ayokong may isa man na nakakaalam sa nararamdaman ko para kay Randy. Sekretong malupit ko lang ito na pwedeng habang-buhay ko na lamang sigurong itatago. "Sadyang naka-focus lang po talaga ako sa aking pag-aaral, Lola." "Well, that's good, hija. Masaya akong marinig mula sa'yo ang mga salitang 'yan. Aba, dapat lang talaga dahil ang edukasyon ang isa sa importanteng dapat mong pagtuonan ng pansin." Nakangiting niyakap ko ang aking abuela. Mahal na mahal ko ito at lubos na ipinagmamalaki sa buong mundo, ang tanging taong tumayo sa akin bilang ama't ina. "I love you, Lola." "Hmmm... you never changed, hija. Ikaw pa rin ang bata noon na ngayo'y dalaga na. Malambing, mapagmahal at maalaga." Nakangiting niyakap ko si Lola Regina sabay halik sa pisngi nito, saka kami nagpasyang pumasok na sa loob. Hinatid ko si Lola sa kwarto nito at pagkatapos ay tinungo ko na rin ang aking kwarto. Pagdating ko sa loob ay napasulyap ako sa jacket ni Randy. Nakangiting dinampot ko ito at inamoy-amoy. Ayoko na sanang ibalik kay Randy pero hindi pwede, lalo na at nakapagbitaw na ako ng salita na ibabalik ko ang jacket nito bukas. Napapikit ako at niyakap ang jacket ni Randy. Ang sarap lang amuyin, nang biglang sumagi sa isipan ko si Irish, ang aking best friend na siyang tunay na mahal ni Randy. Ang alam ko hindi ko nabalitaang nanligaw si Randy kay Irish, basta na lamang officially naging mag-jowa na ang mga ito sa isang iglap. May duda man pero sinarili ko na lamang ang naisip. Ayoko ring isipin nina Randy at Irish na bitter ako, natatakot akong malaman ng mga ito ang tunay kong nararamdaman. Basta ang alam ko, mahal na mahal nina Randy at Irish ang isa't isa. Masakit man sa part ko, maybe this is my role sa buhay na ito. Alam kong may darating talaga na para sa akin, hindi pa ngayon pero si God na ang bahalang magpasya. Nagpasya na akong pumasok sa banyo para linisin ang sarili at para na rin makapagpalit ng pads. Pagkatapos ay sumampa na rin ako sa aking kama at natulog. Kinabukasan maaga akong pumasok sa paaralan at hindi ko akalaing aabangan ako nina Bettina kasama ang ilang mga kaibigan nito. "So, ang aga mo naman yata?" Taas-kilay na tanong ni Bettina sa akin. Hindi ko ito pinansin bagkus ay nilampasan ko lamang ito. Nagmamadali pa naman ako dahil kailangan kong matapos ang assignments ko. Nagulat ako nang hilahin ng marahas ni Bettina ang isa kong braso. "Ano ba?!" Galit kong ani sabay piksi sa kamay na nakahawak sa aking braso. "Ano na naman ito, Bettina? Baka gusto mong isumbong kita sa guidance counselor o 'di naman kaya sa student government sa mga pambubully mo na naman sa akin?" Pananakot ko rito. "Oh, nakakatakot naman. Well, gusto ko lang malaman mo na hindi mo kayang maakit ang boyfriend ni Irish. Akala mo hindi napansin ang pagiging flirty mo kay Mr. Collins? Ang sabihin mo balak mong sulutin ang boyfriend ng best friend mo." Pinagtawanan ko lang ang sinabi ni Bettina sa akin. "I'm sorry, pero wala akong panahong makipag-usap sa isang katulad mo na psychopath." Walang-sabing tinalikuran ko na si Bettia, but not so fast dahil marahas nitong hinila ang aking buhok dahilan para mapasigaw ako sa sobrang sakit. Napaluha tuloy ako sa sobrang kirot ng aking anit. "Enough, let her go!" Nagulat ako sa baritonong boses na iyon. Hindi ako nagkakamali, it's Randy. "May araw ka rin sa'kin, Lorriel!" Gigil na bulong ni Bettina sa aking punong-tenga at marahas ako nitong itinulak, napapikit ako dahil inaasahan ko na ang pagbagsak ko sa sementadong school ground. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang maamoy ang pamilyar na amoy ni Randy na ngayo'y nanunuot sa aking ilong at naramdaman ko na lamang na bumagsak ako sa mismong matipuno nitong mga bisig. "What happened?" Seryosong tanong ni Randy sa akin. "Bettina bullied me." "And you let her?" Hindi makapaniwalang tanong ni Randy sa akin. "Of course not, lumaban ako." "I'm not convinced. I saw something different earlier. I saw her pulling your hair." Hindi nakaligtas sa aking paningin ang inis sa anyo ni Randy. Did she hate Bettina? "I'm okay now." Dahan-dahang umalis ako mula sa pagkakahawak kay Randy. "I'm going to call her to the guidance office to find out why she did that to you." "Please... mas lalo lang magiging komplikado ang sitwasyon. Palampasin na lamang muna natin ang ginawa ni Bettina." Pakiusap ko kay Randy. "Really?" Hindi makapaniwala sagot ni Randy sa akin.TAHIMIK ang buong biyahe namin. Tanging mahinang tugtog ng classical music mula sa stereo ng sasakyan at ang mahinang ugong ng makina ang naririnig ko. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na isa-isang nilalamon ng dilim.Paminsan-minsan ay palihim akong sumusulyap kay Randy.Napansin ko ang seryoso niyang ekspresyon. Parehong nakatuon ang mga mata sa kalsada at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.Halatang wala siyang ganang makasama ako.Hindi ko siya masisisi.Kung tutuusin, pareho kaming biktima ng sitwasyong ito.Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng napakalaking bakal na gate ng Collins Mansion.Unti-unti itong bumukas matapos makilala ng guwardiya ang sasakyan ni Randy.Hindi ko maiwasang mapahanga habang pumapasok kami sa malawak na driveway. Magkabilang gilid nito ang naglalakihang puno at maayos na hardin na tila laging inaalagaan.Nang tuluyan kaming huminto sa tapat ng mansyon, agad ako
NAKATUNGHAY lang ako sa aking Lola Regina. "Lola, magpagaling ka, ha? Huwag mo naman akong iiwan."Tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. "Panginoon, alam kong ikaw ang nagpapagaling at sumusugat, pero kung anuman po ang kalooban niyo ay tatanggapin ko."Napasulyap ako sa aking relong-pambisig. Oras na para ako'y lumabas ng private room. Bitin man pero kailangan kong sundin ang payo ni doktora. Paglabas ko ay naghihintay sa akin sina Lola Matilda, Randy at Irish. Pansin kong tila hindi maganda ang aura ni Lola Matilda. Hindi na ako magtataka baka siguro nakita niya sina Irish at Randy na parang mag-jowa kung umasta.Nang marinig ni Lola Matilda ang pagbukas ng pinto ay lumingon siya at nakangiting nilapitan niya ako. "So, how's Regina?""Nakahiga lang po siya at pikit ang mata." Hindi ko mapigilan ang tila panginginig ng aking boses. "Hija, siya ba ang nababalitang girlfriend ng apo ko?" mahinang bulong ni Lola Matilda sa aking tenga at dahan-dahan akong napatango. Napansin ko
TARANTA man ay mas pinili kong i-focus ang sariling utak sa nangyari sa aking abuela. Mabuti na lamang at mabilis na nakaalalay sa amin si Lola Matilda na ngayon ay siyang umalalay kay Lola Regina na maipasok sa back seat ng kotse. "Sige na, maupo ka na sa front seat, hija. Ako na ang bahala sa Lola Regina mo." Nagmamadaling binuksan ko ang front seat at saka naupo sa loob at inayos ang sariling seat belt.Pagkatapos ay ibinaling ni Lola Matilda ang tingin kay Randy. "Apo, tara na," kalmadong sabi niya. Nanginginig ang aking buong-katawan. Paano na ako kung wala na ang Lola Matilda ko? Hindi ko pa naman gamay ang pagpapatakbo ng negosyo.Mabilis na humarurot ng takbo ang kotse ni Randy patungo sa pinaka-malapit na hospital. Ang alam ko ay may maintenance ang aking abuela para sa kanyang hyper tension. Naisip ko at baka kumain si Lola ng bawal niya. Napahawak ako sa sariling sentido saka hinilot-hilot ito."Hija, huwag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Ang mabuti na lamang na
"Daig mo pa ang natalo sa Lotto kung umiyak." Alam kong binibiro lang ako ni Timothy para patawanin. "Wala naman sigurong masama kung ilabas ko ang sakit na nadarama," sagot ko. Pagdakay inayos ang sarili. Tama na siguro ang pagiging emotera ko.Ang totoo magaan ang pakiramdam ko habang kausap si Mr. Chiu. Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili na natatawa sa mga corny jokes niya."So, you're here. I thought you were in the ladies room?" sarkastikong sabi ng pamilyar na tinig.Kapwa kami napalingon ni Timothy ng marinig ang pamilyar na boses ni Randy. Wala akong maapuhap na sasabihin. Alangan namang sabihin kong narito ako dahil nasaktan ako kanina dahil sa pambalewala niya sa akin nang dumating si Irish.Napayuko na lamang ako. "You're with someone, really?" sarkastikong sabi pa niya.Pero bago pa man ako makapag-react ay tumikhim si Mr. Chiu. “I’m just her friend, Mr. Collins.”"Pero ngayon lang?" Hindi ngumingiting sagot ni Randy sa sinabi ni Timothy.“Yeah, does that reall
MAPAPANSIN ang kakaibang sigla sa mga ngiti nina Lola Regina at Lola Matilda nang makita kami ni Randy na magkasama. Hindi ba nila alam na si Irish ang girlfriend ni Randy?"At nakarating na nga ang ating mga apo, Regina," masiglang sabi ni Lola Matilda sa aking abuela.Pilit kong pinapasigla ang sariling ngiti sa dalawa. Regarding naman sa kasama ko ay as usual seryoso parin ang gwapong mukha. Naupo kami sa sa silya na para sa amin ni Randy. Magkatabi kami at tila ba parang nakikiramdaman lamang sa isa't isa. Ang totoo, hindi ako mahilig sa mga event pero dahil heto ang kinalakhan ko ay kailangang sanayin ang sarili. "Eat," ani Randy sa akin. May mga pagkain sa aming harapan kaya lang ay wala akong ganang kumain. "Hindi pa ako gutom," sagot ko kay Randy. Pero dinampot ko ang tinidor para tikman ang chocolate cake na nasa aking harapan.Ang mga Lola namin na busy sa pakikipag-usap sa ilang mga kakilala. Si Randy naman ay kasalukuyang kausap ang isa sa mga tulad din niyang busines
Naagaw ang aking pansin sa ilang mga larawan na nasa salas. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang childhood memories ni Randy. Hindi ko akalaing ganito pala siya ka-cute no'ng baby pa ito. Paano 'yan kung siya pala ang maghahatid sa akin sa venue? Kaya nga niya ako dinala rito sa kanila ay buong pagkakaalam namin ay dito ang venue iyon pala ay may main venue. Mas lalo lang yata akong masasaktan kapag nasa iisang kotse lang kaming tatlo. Habang nakaupo sa couch ay naisipan kong buksan ang malaking flat screen TV. Kaya lang wala akong napiling palabas na entertaining panoorin.Ang isipan ko ay nasa kina Irish at Randy. Ayoko rin namang tanungin si Randy regarding sa totoong relasyon nila ni Irish. About kay Irish naman ramdam kong hindi siya nagsasabi sa akin ng totoo. Ramdam ko kasing may something na kakaiba sa pagtrato niya sa akin simula ng kumalat na officially girlfriend na siya ni Randy without Randy's confirmation.Kaya malakas ang kutob kong si Irish lang ang na







