Share

Kabanata 1

Penulis: Author
last update Tanggal publikasi: 2026-10-15 12:11:17

Inalis ko ang jacket ni Randy na nagsilbing takip sa aking tagos. Dumiretso ako sa banyo at nilinis ang sarili.

Paglabas ay agad akong nagbihis saka lumabas ng sariling kwarto at nagmamadaling bumaba mula sa grand staircase ng mansion.

"Manang, nasaan sina Randy at Lola Regina?" tanong ko.

"Nasa living room po si Mr. Collins at nasa kusina naman po senyora Regina."

Hindi kaya natuloy ang kanilang tour dito sa mansion o 'di kaya'y nagbago ang isip ng Lola Matilda?

Nagmamadaling tinungo ko ang living room kung nasaan si Randy natagpuan ko itong nagbubuklat ng ilang mga photo albums.

Gusto kong matunaw mula sa kinatatayuan dahil ang mga photo album na nasa living room ay mga pictures ko no'ng baby pa lamang ako. Napansin kong wala man lamang inihandang pagkain na makakain ang aking bisita.

"Lalabhan ko pa ang jacket mo pwede bang bukas ko na lang ibalik sa'yo?" Tanging nasabi ko kay Randy. Seryosong nag-angat lang ito ng tingin sabay titig sa aking mga mata.

"It's okay." Tipid nitong sagot sa akin pagdakay ibinaling ang tingin sa mga photo album na tinitigan nito.

"S—Sandali, may nais ka bang kainin?"

"Wala, salamat na lamang." Wala akong nagawa kundi ang tumango sa seryosong si Randy.

"Ikaw ba 'to?"

Awtomatikong namula ang aking magkabilang-pisngi nang mapansin ang tinitingnan nito. Isang batang babae na nakasuot lang ng panty na kumakain ng lugaw.

Hindi ko napigilan ang sarili at mabilis na inagaw dito ang naturang album.

"Naku, nakakahiya at nakita mo pa."

"You're blushing, nahihiya ka?" Hindi ngumingiting tanong ni Randy sa akin pero ang tono ng boses nito ay halatang nang-aasar.

"Siyempre naman, lalo na at naka-panty lang ako riyan," sagot ko na hindi makatingin sa mga mata ni Randy.

Hawak ko ngayon ang aking photo album at nagmamadaling inalis ang mga album ko sa ilalim ng glass center table sabay tawag sa mayordoma.

"Yes, senyorita?"

"Pwede mo bang alisin ang mga ito at palitan ng ilang magazines o ilang dyaryo?" Hindi ko maitago ang inis sa sariling boses.

"Sige po, senyorita."

Nagmamadaling tinawag ng mayordoma namin ang ilang mga kasambahay at inutos ang sinabi ko. Napasulyap ako kay Randy, nagtama ang aming paningin.

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon. You look so cute when you are little."

Hindi ko napigilang mapanganga sa narinig mula rito. Omg, na-cute-tan ito sa akin? Pwede na ba akong humimlay sa sobrang kilig ngayon?

"Hindi naman..." Nahihiya kong sagot dito sabay yuko.

Kahit sinasabi iyon ni Randy sa akin hindi ko pa rin nasilayan sa ekspresyon ng mukha nito ang ngiti. Hindi talaga ito marunong ngumiti.

"Randy, Lorriel, dinner is ready!" Narinig kong sigaw ni Lola Regina.

"Tara?" Paanyaya ko kay Randy.

Simpleng tango ang siyang naging tugon nito sa akin. Nagpatiuna na akong maglakad dito at tinungo namin ang dinning area kung nasaan ang aking abuela.

Ang totoo sobrang saya ko nang paunlakan ni Randy ang imbitasyon ng aking abuela. Alam kong hindi ito tatanggi kay Lola dahil ayaw nitong maging bastos.

"Hija, is it true na natagosan ka raw?"

"Pi?!" Gulat kong ani kay Lola.

"Sinabi sa akin ni Randy."

Napasulyap ako kay Randy, bigla na namang nag-init ang magkabila kong pisngi.

"Hindi mo napansin?"

"Hindi po Lola. M—Mabuti na lamang at nariyan si Randy."

"Sigurado akong pinagtatawanan ka na ng mga schoolmates o 'di kaya'y mga kaklase mo?"

"Hindi naman po dahil napansin kaagad ni Randy. Pinahiram nga po niya ako ng kanyang jacket at binilhan niya rin ako ng pads Lola."

"Really, is that true, hijo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lola.

Kitang-kita ang abot hanggang tenga niyang ngiti sabay sulyap kay Randy.

Nang marating namin ang dinning ay naamoy ko kaagad ang ilang paborito ni Randy, ni Lola at siyempre paborito ko ring ulam.

Sayang, gusto ko sanang ipatikim kay Randy ang luto ko. Gusto ko sanang ako ang magluto ng Chicken Curry para rito.

Yes, nag-aral talaga ako kung paano magluto ng ulam lalo na ang paboritong putahe ni Randy na Chicken Curry.

Hindi ko inaasahang ipaghila ako ni Randy ng silya, siyempre lihim akong kinikilig sa gesture na ginawa nito. Pati si Lola Regina ay pinaghila rin nito.

"Such a gentleman, Randy."

Simpleng tango lang ang naging sagot ni Randy sa sinabi ng aking abuela. Sabagay, sanay na kami sa ugali nito. Maganang kumain kaming tatlo sa malapad na hapag-kainan.

Mapapansin na sina Lola Regina lang at Randy ang nag-uusap patungkol sa business. Ako na walang alam sa larangan ng negosyo, pero sabi sa akin ni Lola Regina kailangan ko raw na alamin at aralin ang negosyo.

Kaya nga Business Administration ang kursong kinuha kong kurso. Isang taon na lang ay magtatapos na rin ako sa aking pag-aaral.

Sa paaralang pinapasukan ko ay ang mga Collins ang may-ari kung saan minsan pumaroon si Randy. Maswerte nga kanina na nagkita kami nito at napansin ang tagos ko. Dahil kung hindi ay malamang ibu-bully na naman ako sa grupo nina Bettina.

"Mabuti na lamang at tinawagan ka ng Lola Matilda mo na isabay si Lorriel sa pag-uwi. Pasensiya ka na hijo, nagkasakit kasi ang sundo ni Lory." Narinig kong sabi ni Lola Regina kay Randy.

Nanatiling nakikinig lang ako sa usapan ng mga ito. Pinipigilan ko ang sarili na huwag man lamang sumulyap sa gawi ni Randy. Ewan ko ba pero huling-huli ko ang ilang sulyap ni Randy sa akin using my peripheral vision o baka naman guni-guni ko lang iyon?

Ayoko mang maging isang delulu pero may ilang mga pagkakataon talaga na nagtatama ang aming paningin ni Randy, at ilang beses ko na rin itong napapansing nakatitig sa akin kapag hindi ako nakatingin sa gawi niya.

Kapag ba ang isang tao nakatitig sa isang tao may gusto na agad? Lihim akong nailing sa naisip, that's impossible. Hindi mo malalaman ang totoong damdamin ng isang tao kung hindi mo ito personal na tinatanong.

Gosh, ayoko rin namang mag-first move. Patày ako sa Lola ko. Itinuon ko na lamang ang pansin sa kinakain, paano nga ba kung may gusto rin pala sa akin si Randy? Naks, iniisip ko pa lang para na akong nasa langit, masakit pa namang umasa.

"What can you say about it, hija?"

"Po?"

Napalunok ako. Sobrang lutang ko na ba dahil sa presensiya ng lalaking ito at pati ang tinatanong ni lola ay hindi ko kayang sagutin?

"Well, anyway... I'm glad that you're here, hijo."

Napayuko ako, pilit inalis ang tila pagkapahiya sa harapan ng aking crush.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 11

    BACK to reality.Pagkatapos ng ilang araw na abala sa paghahanda ng kasal, muli akong bumalik sa pagiging isang ordinaryong college student.Business Administration.Iyon ang kursong pinili ko dahil pangarap kong balang araw ay mapalago ang maliit na negosyo ni Lola.Pagpasok ko pa lamang sa campus ay agad kong naramdaman ang mga matang nakatingin sa akin.Hindi dahil sikat ako. Kundi dahil kilala ang apelyidong Collins sa paaralang ito.Ang hindi lang nila alam... Ang lalaking apo ng may-ari ng unibersidad ay ang lalaking nakatakda kong pakasalan.At iyon ay isang lihim na dapat manatiling lihim."Lorie!"Napangiti ako nang makita si Irish na kumakaway habang papalapit."Good morning.""Good morning!" masigla nitong bati bago ako niyakap. "I missed you!"Ngumiti ako."Ako rin."Nagkuwentuhan kami habang naglalakad sa hallway.Hindi ko namalayang may ilang estudyanteng napapatingin sa direksiyon namin.Kasabay noon ay ang pagdating ng ilang luxury cars sa harap ng Administration Build

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 10

    TAHIMIK ang buong biyahe namin. Tanging mahinang tugtog ng classical music mula sa stereo ng sasakyan at ang mahinang ugong ng makina ang naririnig ko. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na isa-isang nilalamon ng dilim.Paminsan-minsan ay palihim akong sumusulyap kay Randy.Napansin ko ang seryoso niyang ekspresyon. Parehong nakatuon ang mga mata sa kalsada at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.Halatang wala siyang ganang makasama ako.Hindi ko siya masisisi.Kung tutuusin, pareho kaming biktima ng sitwasyong ito.Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng napakalaking bakal na gate ng Collins Mansion.Unti-unti itong bumukas matapos makilala ng guwardiya ang sasakyan ni Randy.Hindi ko maiwasang mapahanga habang pumapasok kami sa malawak na driveway. Magkabilang gilid nito ang naglalakihang puno at maayos na hardin na tila laging inaalagaan.Nang tuluyan kaming huminto sa tapat ng mansyon, agad ako

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 9

    NAKATUNGHAY lang ako sa aking Lola Regina. "Lola, magpagaling ka, ha? Huwag mo naman akong iiwan."Tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. "Panginoon, alam kong ikaw ang nagpapagaling at sumusugat, pero kung anuman po ang kalooban niyo ay tatanggapin ko."Napasulyap ako sa aking relong-pambisig. Oras na para ako'y lumabas ng private room. Bitin man pero kailangan kong sundin ang payo ni doktora. Paglabas ko ay naghihintay sa akin sina Lola Matilda, Randy at Irish. Pansin kong tila hindi maganda ang aura ni Lola Matilda. Hindi na ako magtataka baka siguro nakita niya sina Irish at Randy na parang mag-jowa kung umasta.Nang marinig ni Lola Matilda ang pagbukas ng pinto ay lumingon siya at nakangiting nilapitan niya ako. "So, how's Regina?""Nakahiga lang po siya at pikit ang mata." Hindi ko mapigilan ang tila panginginig ng aking boses. "Hija, siya ba ang nababalitang girlfriend ng apo ko?" mahinang bulong ni Lola Matilda sa aking tenga at dahan-dahan akong napatango. Napansin ko

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 8

    TARANTA man ay mas pinili kong i-focus ang sariling utak sa nangyari sa aking abuela. Mabuti na lamang at mabilis na nakaalalay sa amin si Lola Matilda na ngayon ay siyang umalalay kay Lola Regina na maipasok sa back seat ng kotse. "Sige na, maupo ka na sa front seat, hija. Ako na ang bahala sa Lola Regina mo." Nagmamadaling binuksan ko ang front seat at saka naupo sa loob at inayos ang sariling seat belt.Pagkatapos ay ibinaling ni Lola Matilda ang tingin kay Randy. "Apo, tara na," kalmadong sabi niya. Nanginginig ang aking buong-katawan. Paano na ako kung wala na ang Lola Matilda ko? Hindi ko pa naman gamay ang pagpapatakbo ng negosyo.Mabilis na humarurot ng takbo ang kotse ni Randy patungo sa pinaka-malapit na hospital. Ang alam ko ay may maintenance ang aking abuela para sa kanyang hyper tension. Naisip ko at baka kumain si Lola ng bawal niya. Napahawak ako sa sariling sentido saka hinilot-hilot ito."Hija, huwag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Ang mabuti na lamang na

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 7

    "Daig mo pa ang natalo sa Lotto kung umiyak." Alam kong binibiro lang ako ni Timothy para patawanin. "Wala naman sigurong masama kung ilabas ko ang sakit na nadarama," sagot ko. Pagdakay inayos ang sarili. Tama na siguro ang pagiging emotera ko.Ang totoo magaan ang pakiramdam ko habang kausap si Mr. Chiu. Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili na natatawa sa mga corny jokes niya."So, you're here. I thought you were in the ladies room?" sarkastikong sabi ng pamilyar na tinig.Kapwa kami napalingon ni Timothy ng marinig ang pamilyar na boses ni Randy. Wala akong maapuhap na sasabihin. Alangan namang sabihin kong narito ako dahil nasaktan ako kanina dahil sa pambalewala niya sa akin nang dumating si Irish.Napayuko na lamang ako. "You're with someone, really?" sarkastikong sabi pa niya.Pero bago pa man ako makapag-react ay tumikhim si Mr. Chiu. “I’m just her friend, Mr. Collins.”"Pero ngayon lang?" Hindi ngumingiting sagot ni Randy sa sinabi ni Timothy.“Yeah, does that reall

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 6

    MAPAPANSIN ang kakaibang sigla sa mga ngiti nina Lola Regina at Lola Matilda nang makita kami ni Randy na magkasama. Hindi ba nila alam na si Irish ang girlfriend ni Randy?"At nakarating na nga ang ating mga apo, Regina," masiglang sabi ni Lola Matilda sa aking abuela.Pilit kong pinapasigla ang sariling ngiti sa dalawa. Regarding naman sa kasama ko ay as usual seryoso parin ang gwapong mukha. Naupo kami sa sa silya na para sa amin ni Randy. Magkatabi kami at tila ba parang nakikiramdaman lamang sa isa't isa. Ang totoo, hindi ako mahilig sa mga event pero dahil heto ang kinalakhan ko ay kailangang sanayin ang sarili. "Eat," ani Randy sa akin. May mga pagkain sa aming harapan kaya lang ay wala akong ganang kumain. "Hindi pa ako gutom," sagot ko kay Randy. Pero dinampot ko ang tinidor para tikman ang chocolate cake na nasa aking harapan.Ang mga Lola namin na busy sa pakikipag-usap sa ilang mga kakilala. Si Randy naman ay kasalukuyang kausap ang isa sa mga tulad din niyang busines

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status