Share

A Billionaire's Contract Marriage
A Billionaire's Contract Marriage
Author: Author

Simula

Author: Author
last update publish date: 2026-10-15 12:10:54

Namumula ako sa hiya nang makita ng crush kong si Randy ang paldang may tagos.

"Here, take this." Seryosong inabot sa'kin ni Randy ang isang napkin pad.

"S—Salamat." Nahihiyang sagot ko at tinanggap ang napkin pad.

Walang-sabing tinalikuran agad ako ni Randy, kahit kailan talaga hindi ito marunong ngumiti.

Pumasok na ako sa rest room at nagbihis. Nakagat ko ang aking pangibabang-labi nang pagmasdan ang kulay blue na jacket ni Randy na ipinahiram pa nito sa akin para matakpan ang aking tagos.

Si Randy ang aking ultimate crush, matalik na magkaibigan ang aking abuela at ang abuela nito. Ayoko mang mag-assume pero kinikilig talaga ako kapag gano'n sa akin si Randy. Kumbaga, iyong sinasabi nilang act of service.

Lalo na kapag nagtatama ang aming paningin ni Randy ay lihim akong nanginginsay sa kilig, mabuti na lamang at magaling akong magtago ng nararamdaman.

Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo. Nagulat ako nang makitang naghihintay pala si Randy sa akin.

"A—akala ko umalis ka na." Medyo nauutal kong sabi.

"Grandma Matilda called and wants you to come home with me."

Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig nang marinig ang sinabi ni Randy. Naman... imagine makakasama ko ito sa loob ng kotse?

Napasulyap ako sa grupo nina Bettina na ngayo'y nakataas ang kilay nang makita ako. Maagap naman akong nagbawi ng tingin sa mga ito at dahan-dahang napatango sa narinig mula kay Randy.

Nagpatiuna na si Randy habang nakasunod lang ako rito. Pagkapasok namin sa loob ng kotse ay awtomatikong nagulat ako nang makita si Irish.

"Irish?!" Bulalas ko.

"Gulat ka, no?" Nakangiting turan nito sa akin.

"But... why are you—"

Pinutol ni Irish ang sasabihin ko pa sana nang yakapin ako nito ng buong-higpit. "T'saka ko na sasabihin sa'yo ang lahat."

Kahit hindi nito sabihin ay nahuhulaan ko na ang nais nitong sabihin sa akin. Hindi lingid sa akin na tulad ko'y crush din nito si Randy. Ang pinagka-iba lang namin ay hayagan nitong ipinapakita kay Randy ang pagkakagusto para rito.

Best friend ko si Irish pero kailanman ay hindi ko sinabi rito ang lihim kong pagtingin para kay Randy. Ang totoo, I felt guilty. Masasabi kong sobrang unfair ko rito bilang kaibigan dahil naglihim ako rito. But I have my reasons.

Hindi na baleng ako ang masaktan kaysa ang mga taong naging mabait at mabuti sa akin, dahil minsan ko lang makikilala ang isang tulad ni Irish na masasabi kong totoong kaibigan.

Ang puso ko ngayon ay sobrang lumbay, lalo na nang makuha ng aking atensyon ang paglipat ni Irish sa may front seat at syepmre katabi niya ngayon si Randy.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paghawak ni Irish sa isang palad ni Randy at pinagsalikop nito ang mga daliri ng isa't isa.

Confirmed, Lorielle Janeiro.

Ang sakit ng puso iyong tipong nagdurugo na naman sa matinding kirot at lungkot. Sa dinami-dami ng babae bakit ang best friend ko pang si Irish?

"By the way, bakit nga pala nasa iyo ang jacket ni Randy, Lory?" tanong ni Irish sa akin.

"Ang totoo niya'n nagpapasalamat ako kay Randy dahil kung hindi dahil sa kanya malamang pinagtatawanan na ako ng mga schoolmates natin dahil sa tagos ko."

"Oh, gano'n ba? Mabuti na lang talaga at nariyan si Randy. Sabagay, he's always your saviour dati pa naman sa tuwing napapahamak ka," nakangiting ani Irish sa akin.

Yeah, hindi lingid kay Irish ang pagiging on time ni Randy sa tuwing nilalapitan ako ng malas o 'di kaya'y disgrasya, masasabi ko nga na guardian angel ko si Randy. Pero lahat ng iyon ay ginawa nito dahil sa pagiging close ng mga abuela namin.

Naunang bumaba si Irish at nakangiting nagpaalam ako rito. Hanggang sa muling pinaandar ni Randy ang kotse nito patungo sa bahay ng aking abuela.

Tulad ko ay ulila na sa mga magulang si Randy dahil ang mga magulang namin ay magkasama na nalunod sa isang malaking cruise ship. Masakit isipin ang pangyayaring iyon pero sa tulong at awa naman ng Panginoon ay unti-unting naghilom ang sugat sa aming mga puso sa trahedyang iyon.

Hindi biro ang maulila sa mga magulang, pero iyon ang nakatadhana para sa amin ni Randy. Maswerte naman kami dahil nariyan ang aming mga mapagmahal na mga abuela, hindi kami pinapabayaan at binusog kami ng pagmamahal at pag-aaruga.

Narito na naman kami ni Randy sa isang nakakabinging katahimikan. Iyong puso ko sobrang bilis ng pagtibok. Ang sarap sa feeling na ngayo'y nakasabay ko ito sa pag-uwi.

"We're here," pukaw sa akin ni Randy.

Hindi nakaligtas dito ang aking pag-igtad dahil sa gulat. Hindi naman ako mahilig sa kape pero bakit nga ba napaka-magulatin ko?

"S—Salamat." Napasulyap ako kay Randy sa front view mirror.

Halos tumalon ang puso ko nang mag-tama na naman ang aming mga paningin. Ewan ko ba, pero may kakaiba talaga akong pakiramdam sa mga tingin nito, o sadyang delulu lang ako?

Nagbawi ako ng tingin sabay yuko kay Randy. Nahihiya ako sa tuwing nagtatama ang aming mga paningin, ang totoo pigil ang aking hininga.

Nang tuluyan na akong makalabas mula sa kotse ni Randy ay saka pa ako nakahinga ng maayos.

Dàmn!

Sinalubong agad ako ni Lola Regina. "Hija, salamat naman sa Panginoon at sumabay ka kay Randy."

Mula sa kotse ay bumaba si Randy at magalang na nag-mano sa aking Lola Regina.

"Magandang gabi po, Lola Regina."

"Kaawaan ka ng Panginoon, hijo. Bukas ang bahay ng mga Janeiro para sa'yo. Pumasok ka muna sa loob." Nakangiting paanyaya ni Lola kay Randy. Halatang masaya itong makita si Randy.

Buong-akala ko ay tatanggi si Randy sa paanyaya ni Lola Regina pero nagulat ako ng paunlakan nito iyon.

Nakagat ko ng palihim ang aking labi dahil sa matinding kilig at saya. Umaasa akong dito na sana ito kumain ng dinner. Aba, ipagluluto ko talaga ito ng paborito nitong chicken curry.

"Dito ka na lang din maghapunan, hijo."

"Sure, Lola Regina."

Sa narinig ko ay tila tumigil ang aking mundo. Napatigil ako sa aking paglalakad na sanay aakyat pa sana ako sa grand staircase ng mansion para tunguhin ang aking kwarto.

"A—Are you sure?" Hindi ko napigilang itanong na muli kay Randy.

Napansin kong biglang kumunot ang noo ni Randy sa tanong ko. "Do I look like I'm kidding?"

Wala akong maapuhap na sasabihin nang marinig ang sagot ni Randy.

"H—Hindi lang kasi ako makapaniwala."

Pagdakay narinig ko ang mahinang tawa ng aking abuela.

"Pasensiya ka na kay Lorriel, hijo. Come on, I will tour you inside our mansion."

"Thank you, Lola Regina."

"Sige na, magbihis ka na hija."

"Opo, Lola Regina."

Saglit pa akong napasulyap kay Randy at halos tumalon ang aking puso nang mahuli ko siyang nakatitig sa akin.

Maagap na nagbawi kaagad ako ng tingin kasabay ng pamumula ng aking magkabilang-pisngi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 10

    TAHIMIK ang buong biyahe namin. Tanging mahinang tugtog ng classical music mula sa stereo ng sasakyan at ang mahinang ugong ng makina ang naririnig ko. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na isa-isang nilalamon ng dilim.Paminsan-minsan ay palihim akong sumusulyap kay Randy.Napansin ko ang seryoso niyang ekspresyon. Parehong nakatuon ang mga mata sa kalsada at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.Halatang wala siyang ganang makasama ako.Hindi ko siya masisisi.Kung tutuusin, pareho kaming biktima ng sitwasyong ito.Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay huminto ang sasakyan sa harap ng napakalaking bakal na gate ng Collins Mansion.Unti-unti itong bumukas matapos makilala ng guwardiya ang sasakyan ni Randy.Hindi ko maiwasang mapahanga habang pumapasok kami sa malawak na driveway. Magkabilang gilid nito ang naglalakihang puno at maayos na hardin na tila laging inaalagaan.Nang tuluyan kaming huminto sa tapat ng mansyon, agad ako

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 9

    NAKATUNGHAY lang ako sa aking Lola Regina. "Lola, magpagaling ka, ha? Huwag mo naman akong iiwan."Tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. "Panginoon, alam kong ikaw ang nagpapagaling at sumusugat, pero kung anuman po ang kalooban niyo ay tatanggapin ko."Napasulyap ako sa aking relong-pambisig. Oras na para ako'y lumabas ng private room. Bitin man pero kailangan kong sundin ang payo ni doktora. Paglabas ko ay naghihintay sa akin sina Lola Matilda, Randy at Irish. Pansin kong tila hindi maganda ang aura ni Lola Matilda. Hindi na ako magtataka baka siguro nakita niya sina Irish at Randy na parang mag-jowa kung umasta.Nang marinig ni Lola Matilda ang pagbukas ng pinto ay lumingon siya at nakangiting nilapitan niya ako. "So, how's Regina?""Nakahiga lang po siya at pikit ang mata." Hindi ko mapigilan ang tila panginginig ng aking boses. "Hija, siya ba ang nababalitang girlfriend ng apo ko?" mahinang bulong ni Lola Matilda sa aking tenga at dahan-dahan akong napatango. Napansin ko

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 8

    TARANTA man ay mas pinili kong i-focus ang sariling utak sa nangyari sa aking abuela. Mabuti na lamang at mabilis na nakaalalay sa amin si Lola Matilda na ngayon ay siyang umalalay kay Lola Regina na maipasok sa back seat ng kotse. "Sige na, maupo ka na sa front seat, hija. Ako na ang bahala sa Lola Regina mo." Nagmamadaling binuksan ko ang front seat at saka naupo sa loob at inayos ang sariling seat belt.Pagkatapos ay ibinaling ni Lola Matilda ang tingin kay Randy. "Apo, tara na," kalmadong sabi niya. Nanginginig ang aking buong-katawan. Paano na ako kung wala na ang Lola Matilda ko? Hindi ko pa naman gamay ang pagpapatakbo ng negosyo.Mabilis na humarurot ng takbo ang kotse ni Randy patungo sa pinaka-malapit na hospital. Ang alam ko ay may maintenance ang aking abuela para sa kanyang hyper tension. Naisip ko at baka kumain si Lola ng bawal niya. Napahawak ako sa sariling sentido saka hinilot-hilot ito."Hija, huwag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Ang mabuti na lamang na

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 7

    "Daig mo pa ang natalo sa Lotto kung umiyak." Alam kong binibiro lang ako ni Timothy para patawanin. "Wala naman sigurong masama kung ilabas ko ang sakit na nadarama," sagot ko. Pagdakay inayos ang sarili. Tama na siguro ang pagiging emotera ko.Ang totoo magaan ang pakiramdam ko habang kausap si Mr. Chiu. Hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili na natatawa sa mga corny jokes niya."So, you're here. I thought you were in the ladies room?" sarkastikong sabi ng pamilyar na tinig.Kapwa kami napalingon ni Timothy ng marinig ang pamilyar na boses ni Randy. Wala akong maapuhap na sasabihin. Alangan namang sabihin kong narito ako dahil nasaktan ako kanina dahil sa pambalewala niya sa akin nang dumating si Irish.Napayuko na lamang ako. "You're with someone, really?" sarkastikong sabi pa niya.Pero bago pa man ako makapag-react ay tumikhim si Mr. Chiu. “I’m just her friend, Mr. Collins.”"Pero ngayon lang?" Hindi ngumingiting sagot ni Randy sa sinabi ni Timothy.“Yeah, does that reall

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 6

    MAPAPANSIN ang kakaibang sigla sa mga ngiti nina Lola Regina at Lola Matilda nang makita kami ni Randy na magkasama. Hindi ba nila alam na si Irish ang girlfriend ni Randy?"At nakarating na nga ang ating mga apo, Regina," masiglang sabi ni Lola Matilda sa aking abuela.Pilit kong pinapasigla ang sariling ngiti sa dalawa. Regarding naman sa kasama ko ay as usual seryoso parin ang gwapong mukha. Naupo kami sa sa silya na para sa amin ni Randy. Magkatabi kami at tila ba parang nakikiramdaman lamang sa isa't isa. Ang totoo, hindi ako mahilig sa mga event pero dahil heto ang kinalakhan ko ay kailangang sanayin ang sarili. "Eat," ani Randy sa akin. May mga pagkain sa aming harapan kaya lang ay wala akong ganang kumain. "Hindi pa ako gutom," sagot ko kay Randy. Pero dinampot ko ang tinidor para tikman ang chocolate cake na nasa aking harapan.Ang mga Lola namin na busy sa pakikipag-usap sa ilang mga kakilala. Si Randy naman ay kasalukuyang kausap ang isa sa mga tulad din niyang busines

  • A Billionaire's Contract Marriage    Kabanata 5

    Naagaw ang aking pansin sa ilang mga larawan na nasa salas. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang makita ang childhood memories ni Randy. Hindi ko akalaing ganito pala siya ka-cute no'ng baby pa ito. Paano 'yan kung siya pala ang maghahatid sa akin sa venue? Kaya nga niya ako dinala rito sa kanila ay buong pagkakaalam namin ay dito ang venue iyon pala ay may main venue. Mas lalo lang yata akong masasaktan kapag nasa iisang kotse lang kaming tatlo. Habang nakaupo sa couch ay naisipan kong buksan ang malaking flat screen TV. Kaya lang wala akong napiling palabas na entertaining panoorin.Ang isipan ko ay nasa kina Irish at Randy. Ayoko rin namang tanungin si Randy regarding sa totoong relasyon nila ni Irish. About kay Irish naman ramdam kong hindi siya nagsasabi sa akin ng totoo. Ramdam ko kasing may something na kakaiba sa pagtrato niya sa akin simula ng kumalat na officially girlfriend na siya ni Randy without Randy's confirmation.Kaya malakas ang kutob kong si Irish lang ang na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status