Share

CHAPTER SEVENTEEN: Wreck

SAMSARA's POV

Maaga akong nagising mula sa dalawang oras lang na tulog. Nang makauwi kami ni Landon kahapon matapos bumili ng damit ay hindi na ako mapakali.

Para kasing may mali sa kanya to the point na napaka laking bagay na ng pag suot ko ng night dress eh siya naman ang nag bigay non.

Hindi ko rin gets kung bakit kailangan niyang maging bossy sa akin. Pwede naman niya akong kausapin ng maayos at susunod ako. Lalo na at trabaho ang tingin ko sa ginagawa namin at hindi naman personal.

Kahit nga anong gawin kong pag ikot-ikot sa kama ay talagang hindi ako makatulog. Walang sinabi ang lambot ng kama, bango ng unan at bedsheet sa guest room ni Landon sa pagkamiss ko sa pakiramdam ng matigas na kutson ng kama ko.

Miss ko na ang maliit kong apartment. Miss ko na rin ang pakiramdam ng pagiging malaya.

Kanina pa nga rin kumakalam ang sikmura ko pero hindi ko magawang bumangon dahil sa takot na makasalubong si Landon pag labas. Pero nang lumipas pa ang mga ilang minuto na wala akong narir
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status