Share

Chapter 4: First Day

Irish

     “I`m Mikaela Romero, nice to meet you.” Isang bati ang narinig ko galing sa isang babae na naka uniform  ng pang trabaho.

     Nag-abot pa ito sa akin ng kamay bilang pakikipagkaibigan. Tiningnan ko muna siya bago ko inalay ang aking kamay para makipag-shake hands sa kaniya. Mukha naman siyang mabait na tao dahil sa mga inakto nito and parang sincere naman siyang makipagkaibigan sa akin. May angkin din itong kagandahan.

     Mataas ito tingnan dahil sa suot nitong heels, halos silang lahat naman na mga empleyado dito ay nakaheels. Mukhang ako lang yata ang nakasapatos dito, kaya pala pinagtitinginan agad ako ng mga empleyado dito kanina nang pumasok ako sa loob ng building.

     Required pala mag-heels? Ako lang din ang hindi nakasuot ng pang-uniform na kasuotan sa trabaho. Nakawhite t-shirt lang ako at naka-maong na pants, ayoko ko kasing magsuot ng damit na hindi ako komportable kaya kahit required pa yan mas pipiliin ko pa rin ang gusto kong suotin.

     “Nice to meet you too. I`m Irisha Anantari Cortez,” bati ko rin sa kanya. “Just call me Irish for short.”

     Lumapad agad ang kanyang labi para ngumiti sa akin, kitang-kita ko ang magagandang ngipin nito na sobrang linis na kahit anong sira sa ngipin ay wala. Kompleto ito lahat. Ang ganda niyang tingnan pag nakangiti dahil sa kanyang ngipin.

     “Bago ka ba dito?”

     “Oo, bago pa lang ako dito, ikaw ba?” tanong ko.

     “Matagal-tagal na rin ako dito since last year, nagtatrabaho na ako dito,” sagot nito habang nakangiti. “Ay nga pala, ikaw ba yung babaeng pinag-uusapan ng mga tao dito kahapon?”

     “Ha? Anong ibig mong sabihin?”

     “Pinag-uusapan ka dito kahapon dahil ikaw lang yung taong madaling nainterview, nagtataka nga sila kung paano mo ginawa iyon.”

     Kahapon? Yung tungkol ba sa interview? Pati nga rin ako ay nagtataka kung bakit isa lang ang nag-interview sa akin tapos ako pa ang pinagtatanong nila kung anong ginawa ko kahapon? Wala naman din akong alam, napakainosente ko kaya. Pero bakit ang CEO ng kompanya ang nag-interview sa akin kahapon?

     “Hindi ko rin alam eh.” Nagsalubong agad ang kanyang kilay na para bang naguguluhan ito.

     “Sino bang nag-interview sayo kahapon?”

     “Si Mr. Hayes ang nag-interview sa akin.”

     Bigla itong napaatras dahil sa gulat, nanlaki ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. Para bang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Ano bang problema? Hindi ba pwedeng ang CEO ang mag-iinterview sa mga mag-aapply?

     “Sure ka? Si Mr. Hayes talaga ang nag-interview sayo? As in for real?” Paninigurado niya.

     “Oo, bakit? May problema ba?”

     Agad siyang napahawak sa kanyang bibig gamit ang kanyang kanang palad. Hindi ko siya maintindihan kung ano bang problema. Masyado kasi siyang nagulat at hindi ako nasagot ng maayos. I think something is very weirdy this time.

     “Impossible! It's a big problem. Sa pagkakaalam ko, hindi nanginginterview si Mr. Hayes even one single experience. Hindi talaga siya nanginginterview ng mga applicants dito.” seryoso nitong pagka sabi.

     “Paano nangyari yun? Wala rin naman akong kaalam alam sa mga pangyayari dito sa kumpanyang ito.” pagtataka ko.

     I can't think or say anything about it. Speechless ako rito.

     To be honest lang, parang sobrang magulo na yata ng mga naririnig kong mga sinasabi nila. Nag-ooverthink na naman ako ngayon. Hay nako, nagbibigay lang talaga kayo ng dagdag stress sa akin.

     “I don`t know too but it must be Mr. Hayes`s idea.” Kita ko naman na parang nangangasar ito. “Ikaw ha! Parang may something ka yata doon kay Mr. Hayes ah.”

     “Ano?! Something? Excuse me, ni hindi ko nga siya kilala eh.”

     “Sure ka?”

     “Oo, hindi ko naman siya kilal….”

     Agad na umalis si Mikaela sa harapan ko at bumalik agad ito sa kanyang upuan ng makitang paparating na ang boss namin. Or should I called it Mr. Hayes.

     Papunta na ito sa amin at agad nila itong binati ngunit ako lang ang hindi. Napakurap na lang ako ng lumingon ito sa akin at tinitigan ako ng mabuti. Sobrang nakakamatay ang mga titig niya, mukhang matutunaw na talaga ako rito sa aking upuan.

     I really hate eye contact!

     Agad siyang naglakad papalapit sa akin at sinandal ang kanyang mga kamay sa aking armchair na mas lalong nagparamdam sa akin ng kaba. Pilit kong nilalayo ang mukha ko sa kanya dahil nilapit na niya ang mukha niya sa aking mukha. Kahit sina Mikaela nga ay nagulat sa ginawa niya pati mga co-workers ko dito ay hindi rin makapaniwala.

     “Welcome to the company Ms. Irish Cortez.”

     Nakakahiya! Akala pa naman ng lahat na hahalikan niya ako tapos iwewelcome lang naman pala.

     Bumalik siya agad sa kanyang dating posisyon na nakatayo sa harapan namin kanina. Ngunit hindi pa rin inalis ang pagtingin nito sa akin kaya kung saan saan na lang ako tumitingin para maiwasan ang kanyang titig. Namalayan ko na lang na naglakad na ito paalis na pwesto namin habang nakasunod sa kanya ang kanyang secretary at mga bodyguards.

     Nakahinga na rin ako ng maluwag at napahawak sa aking ulo. Anong klaseng titig iyon? Ganon ba talaga siya dito sa kumpanya?

     “Gosh! May something nga sa inyo.”

     Napalingon ako sa aking giliran at nakitang kong nakapwesto na naman si Mikaela sa gilid ko. Alam ko namang makikichika na naman siya, marites talaga ang babaeng ito.

     “Anong something? Walang ganon, hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo dyan,” ani ko. “Mas mabuting magtrabaho ka na lang Mikaela, focus ka muna sa work okay?”

     Ngumuso naman agad ang kanyang mukha at umalis sa gilid ko. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa aking trabaho. May inassign kasi si Ms. Samantha sa akin kanina nang pumasok ako dito sa loob ay agad niya akong pinatawag at binigyan ako ng first task bilang task na magpapatunay na isa akong magaling na employee. Ms. Samantha is the president in the Hayes Company.

     Napakataas ng kanyang posisyon sa kumpanya kaya napaka-professionalist niya lalo na sa lahat ng bagay. She makes it all clear and right para walang problema, should we call her ‘perfectionist’. Ang mahilig sa bagay na perfect lahat palagi pero okay lang naman sa akin iyon. Sino ba naman ako para magreklamo diba? Employee lang naman ako dito.

     Marami pa akong mga papeles na dapat pagtuunan ng pansin upang makapasa ako sa task na sinabi ni Ms. Samantha sa akin. I need to work hard for this, malaking chance na ito para mabuhay ako at makatulong din sa pamumuhay namin ni Ny.

     “Ang seryoso ah, first day mo pa nga tapos parang napakahirap na agad trabaho mo Irish.” It's her again. Kailan niya ba ako titigilan, distracted na naman ako sa trabaho.

     “May pinagawa kasi si Ms. Samantha sa akin na isang task para makasigurado talaga sila na magaling akong employee.”

     Napakamot naman siya sa kanyang ulo at nagsalita, “Napakastrict talaga ni Ms. Samantha kahit kailan, hindi naman required ang mga task na yan eh. Wala naman akong first task ng unang pasok ko pa lang dito sa kumpanya.”

     “Wala? Diba dapat fair lahat?”

     “Malay ko ba dyan kay Ms. Samantha, kung ano-ano na lang ang mga pinamimigay na rules o kaya mga bagay-bagay na hindi naman required.”

     Unfair naman, halata talagang strict siya lalo na sa mga galawan niya ay makikita mo talaga kung ano siya. Hate ko man ang eye contact pero mas hate ko yung strict na tao like my parents. Gustong gusto nilang pakialaman ang buhay ko pero ayokong maging loser katulad ng iba na kinokontrol ng ibang tao. That's what I hate the most.

     “Pinapagalitan niya ba kayo dito sa kumpanya?” tanong ko.

     “Aba girl! Syempre oo, palagi nga eh. Siya lang talaga ang ayaw ko dito sa kumpanya dahil bukod sa pagiging strict president sa kumpanya ay napaka feelingera rin niya as in feeler talaga.”

     “Feelingera? Ba`t naging feelingera siya? Akala ko ba strict lang?”

     “No girl, kasi kung alam mo lang. Laging siya ang unang nag-aaproach kay Mr. Hayes, we all know na may gusto talaga siya kay Mr. Hayes dahil sobrang halata naman even her moves can say it,” paliwanag nito.

     So may gusto pala si Ms. Samantha kay Mr. Hayes. Pero bakit hindi naging sila like in relationship or a couple. Siguro may gusto rin naman si Mr. Hayes kay Ms. Samantha dahil may angkin itong kagandahan.

     “Bakit hindi naging sila? Maganda naman si Ms. Samantha diba?” inosente kong tanong. Wala naman kasi talaga akong alam tungkol sa kanila.

     “That's the most painful part kasi alam naman naming lahat na walang gusto si Mr. Hayes kay Ms. Samantha kasi hindi niya ito pinapansin, like para bang ini-ignore niya lang lagi si Ms. Samantha.”

     Ang sakit naman pakinggan pero sa tingin ko, Ms. Samantha is so stubborn kasi kahit na hindi siya pinapansin ni Mr. Hayes ay umaasa pa rin siya na magkakagusto sa kanya ito. Sinasaktan niya lang ang sarili niya, sobrang sakit kaya kapag mareject pero siguro naman ay hindi siya nireject ni Mr. Hayes ngunit hindi lang siya pinapansin nito kasi umaasa pa siya.

     Napatigil kaming dalawa ng may nagsalita galing sa aming likuran.

     “What are you two talking about? Talking about me?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status