Share

Chapter 5: Mr. Hayes?!

Irish

     Nakayuko na lang kaming dalawa ni Mikaela sa harapan ni Ms. Samantha, narinig niya talaga yung pinagsasabi namin kanina. First ko day pa nga lang tapos ganito na mangyayari sa akin, fired na ako agad? Joke lang, wala pa namang sinabi si Ms. Samantha.

     Sobrang sama ng titig nito sa amin na para bang gustong mangagat, “I didn't expect that there is a gossiper in here?”

     “Hindi naman po sa ganoon Ms. Samantha, hindi po iyon tungkol sa inyo.” Pag-dedeny ni Mikaela habang sobrang takot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

     “Don't try to deny it Mikaela, I heard it in my own ears.”

     Kitang-kita ko ang panginginig niya habang nakayuko, katulad din kaya ang iniisip niya sa iniisip ko na baka makick-out kami sa kumpanya. Hindi ko man masabi pero naawa talaga ako kay Mikaela, nanginginig na ang kanyang kamay at paa dahil sa kaba. Alam ko naman kung anong feeling kapag kinakabahan.

     “Ms. Samantha, ako po ang may kasalanan dito kasi nagkikichismis ako tungkol sa kumpanya at shinare lang naman iyon ni Mikaela sa akin.” Pagtatanggol ko kay Mikaela kahit alam kong hindi naman ako kasali sa gulong ito.

     “Really? Are you trying to mess up your own reputation, Irish?”

     Hindi na ako nakasagot pa dahil hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa susunod, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Magiging honest ba ako o hindi? Pero ang role ko dito ay ipagtanggol si Mikaela pero parang nagdadalawang isip yata ako.

     “I am questioning you, Iri…”

     “Familiarising things can make things better Samantha.”

     Agad kaming napalingon sa likuran kung saan nakapwesto ang pintuan. Kitang-kita ko ang pagdating ni Mr. Hayes papunta sa amin habang nakapamulsa ito at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang isang kamay. Lakas ng dating niya mga sis!

     Gulat na gulat ang mukha ni Ms. Samantha at akmang napatayo ito sa kanyang kinauupuan habang inaayos niya ang kanyang damit. Malandi mode na naman tayo ngayon, halata namang magpapapansin na naman siya kay Mr. Hayes.

     “Am, Mr. H-Hayes what a-are you doing h-here?” putol-putol na tanong ni Ms. Samantha kay Mr. Hayes.

     “I`m the one who should question you, why did you bring these girls to your office?”

     Grabeh, ang lupit ni Mr. Hayes dito ah. Pero paano niya nalaman na dinala kami ni Ms. Samantha dito? Obvious naman na alam niya talaga ang lahat ng nangyayari sa kumpanya, siya ang may-ari nito diba.

     “Mr. Hayes…I-i mean, am t-these g-girls are…”

     “Are what?” sulpot na tanong ni Mr. Hayes. “Gossiping about you right?”

     Napakurap si Ms. Samantha nang marinig niya iyon habang nanlalaki ang mga nitong tumingin kay Mr. Hayes.

     Ako naman ay nagulat din pati na rin si Mikaela, alam nga talaga ni Mr. Hayes ang totoo. Agad kong iniwas ang mga mata ko nang tumingin ito sa akin, matutunaw na naman ako sa mga titig niyang walang hangganan. Sanay siguro siya sa eye contact pero aaminin ko talagang sobrang nakaka-attract yung mga mata niya lalo na sa pananamit nito.

     “Mikaela, both of you can go now,” dagdag pa ni Mr. Hayes. 

     Tumango agad si Mikaela at hinila ako palabas ng opisina habang nakangiti ito ng sobrang lapad, abot tenga siguro yung ngiti niya. Ano na naman kayang nasa isipan nito at ganito ang reaksyon ng kanyang mukha.

     “Infairness ka girl ha, dumating agad ang prince charming mo.” Tama nga talaga ang hinala ko, tungkol na naman talaga sa akin.

     “Anong prince charming ka dyan? Tumahimik ka nga, wala akong prince charming noh.”

     “Sus, pakipot ka pa talaga. Halata namang may something talaga sa inyo kay Mr. Hayes eh.” Sabay tapik pa nito sa aking balikat. “Ang swerte mo talaga girl, si Mr. Hayes pa talaga ha.”

     Hindi ko na lang siya pinansin, kung ano-ano na lang kasi ang mga sinasabi nito na out of the world na ang topic. Nakakairita talaga sa tenga laging tungkol doon kay Mr. Hayes ang pinasasambit ng bibig nito, gigil na gigil na talaga ako. 

     Isa pa first of all, hindi ko naman talaga kilala yang si Mr. Hayes na yan. I just met him sa labas ng building noong time na hindi ko siya nirerespeto kasi wala naman akong alam na siya pala ang may-ari ng kumpanyang papasokan ko. Pero parang sobrang nakaka-curious naman yung galawan niya.

     He looks like a hacker kasi alam niya kung nasaan yung mga tao tapos he knows what is happening around kahit hindi niya naman kami nakita kanina. Hindi ko naman siya jinajudge, I`m just guessing about him because I think he is indeed a genius man. Being the owner of the Hayes Company suits him the best.

     “Hay nako sayo Mikaela, mas mabuting mag focus ka muna sa work mo dyan,” sabi ko nang makarating na kami sa opisina namin.

     “Okay fine, goodluck na lang sa task girl.”

     Umupo na ako sa aking upuan at huminga muna ng malalim bago magsimula sa pagtrabaho. It make me feel comfortable kapag humihinga ako ng malalim kaya lagi ko itong ginagawa everytime when I feel uncomfortable.

     Charot! Englishera na ako.

     It takes so many hours to complete my task kaya sobrang haggard ko ngayon dito sa opisina, I can see naman na umiinom lang ng kape si Mikaela. Wala siguro siyang trabaho like free time niya muna ngayon. Matagal na kasi siya rito kaya easy lang sa kanya ang mga trabaho kasi sanay na rin siya.

     Bigla namang napasilip yung mata ko doon sa opisina ni Ms. Samantha at kita ko kung paano siya nagmakaawa kay Mr. Hayes. Pero by in a bad way like seducing him or something na malandi sa mata na tingnan. I don`t think, Mr. Hayes does not notice it. Siguro naman alam niya kung anong galawan na iyan pero by the way, it's none of my business at all. It's up to him.

     “Uyy ikaw ah, anong tinitingnan mo dyan.” Bigla akong napatalon dahil sa gulat.

     “Nako naman Mikaela! Maaga talaga akong mamatay nang dahil sayo.”

     “Luhh wag mong isisi sa akin, baka magalit si Mr. Hayes at papatayin pa ako,” biro nito.

     Nabasag tuloy ang mukha ko, ang hilig talaga mang-asar ng babaeng `to ang sarap pisilin ang bunganga. Umiling-iling na lang akong nakatingin sa kanya at siya naman ay madiing pinagmasdan sina Mr. Hayes habang nakaupo sa aking mesa.

     “Alam mo, ang landi talaga ni Ms. Samantha. Akala ko ba nagmamakaawa siya eh bakit parang malanding galawan yata yan?” tanong nito habang nagkibit-balikat.

     “Obvious naman diba?”

     “Selos ka girl?” 

     “Ano? Selos agad? Wala nga kaming relasyon ng lalaking iyan, bakit naman ako magseselos? Hindi ko rin naman siya kilala. Paulit ulit ko bang sasabihin sayo yon?” irita kong sagot.

     Hay nako, bahala na nga siya kung anong sasabihin niya dyan basta ako magfofocus lang ako sa trabaho ko at baka pagpapalain din akong makapasa sa task na ito. Deadline tomorrow kaya kailangan kong dalian ito.

     Inabotan na ako ng gabi kakagawa ng trabaho ko, I need to accomplish this mission at kailangan kung matapos ito ngayon din.

     “Uyy girl, hindi ka pa ba uuwi? 8:55 na ng gabi, ang gabi na girl sumabay ka na sa akin,” tanong ni Mikaela sa akin.

     “Hindi na, kailangan ko itong matapos ngayon eh. Tomorrow na kasi ang deadline kaya I need to finish this agad-agad. Mauna ka na lang.”

     “Sure ka?” Tumango-tango lang ako sa kanya bilang sagot.

     “Sige, basta mag-ingat ka ha lalo na`t gabi na napakadelikado. Bye!” dagdag pa nito.

     Nginitian ko lang siya at iwinagayway ang aking kanang kamay bilang pag-bye ko sa kanya.Hindi ko na pala namalayan na gabi na pala and it's already 10:30 pm na at natapos ko na rin ang mga papeles na ipinagawa ni Ms. Samantha.

     Ako na lang mag-isa ang naiwan sa loob ng building kaya sobrang nakakatakot. Dahan-dahan kong tinurn off ang computer at inayos ko kaagad ang aking mga gamit, nilagay ko na lahat sa aking bag ang mga kailangan ko para hindi ko na ito malimutan. Chineck ko na rin ang mga lights kung may naka-on pa ba at saktong wala na kaya naglakad na ako palabas sa building.

     Paglabas ko ay sobrang peace ng mundo kasi walang sobrang ingay, medyo wala ng mga sasakyan kapag ganito na kalate ng gabi pero wala naman akong choice kundi ang maghintay na lang kung may dumaan na taxi. Nakarinig naman ako ng tunog ng pinto na bumubukas ito I mean yung pinto sa entrance ng building, agad akong napalingon doon ngunit wala namang taong lumabas.

     Kumabog bigla ang tibok ng puso ko dahil sa takot, may takot kasi ako sa multo. Tulungan niyo ako rito. Sana sumabay na lang ako kay Mikaela kanina, hindi ko na talaga kaya yung takot na nararamdaman ko ngayon parang gusto ko na yatang mamatay dahil sa takot. Pero nakafeel ako na may tao sa aking likuran, baka ito na iyong multo?! Anong gagawin ko?!

     Dahan-dahan akong umikot at nang, “Ahhhhhhhh!!!!!!!! Multo!!!!! Tulong!!!!!!! Tulungan niyo ako!!!!!”

     “I`m not a ghost Ms. Cortez.” Bigla akong nabuhayan nang may biglang nagsalita kaya unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

     “Mr. Hayes?!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status