Share

Chapter 7: He Knows How To Laugh

Irish

     Unti-unti kong iminulat ang aking mga nang masinagan ng ilaw ang mga nakapikit kong mga mata. Namalayan ko na lang na umaga na pala, kukunin ko na sana yung cellphone ko sa mesa na nasa gilid ng aking higaan.

     Bakit wala yung cellphone ko dito?

     Inayos ko agad ang mga mata ko para makita yung cellphone ko. Nasaan ba ako? Hindi naman ganito ang itsura ng kwarto ko, kaninong bahay to? Bumangon agad ako sa kama at bumungad sa akin ang napakalaking kwarto.

     Sobrang laki ng kama tapos may sala pa bandang kaliwa nito, napakataas rin ng kurtina kaya sa tingin ko ay hindi bintana ang nasa likuran nito kundi ay isang glass window yung pang-mayaman. Agad ko itong hinila ang malaking kurtina sa gilid at suminag ang araw sa aking mukha.

     Nasaan na ba ako? Bakit parang pang-mayaman ang kwartong ito?

     Teka, anong oras na ba? May trabaho ako ngayon!

     Biglang may bumukas sa pinto at nilingon ko agad ito ngunit isang babaeng nakasuot ng pang-kasambahay na damit ang bumungad sa akin. Tiningnan ako nito habang nakangiti ang kanyang mukha. Good mood yata to.

     “Good morning ma`am, gising na po pala kayo,” bati niya sa akin. Anong ma`am? Bakit niya ako tinawag na ma`am? Kailan ba ako naging mayaman?

     “Uh, good morning din po. Nasaan po ba ako?” tanong ko rito.

     “Hindi niyo po ba alam ma`am? Sumunod na lang po kayo sa akin para malaman nyo po.”

     Ang weird naman niya, bakit hindi na lang sabihin ng diretsohan? Wala naman akong choice kundi ang sundan siya. Lumabas na kami ng kwarto at sa paglabas ko pa lang ay bumungad sa akin ang napakalaking daan. Madaming pinto ang nasa gilid nito na para bang palasyo, sobrang ganda ng mga styles sa mga picture frames, flower vase at iba pa. Ang yaman naman.

     Naglakad kami sa isang napakalaking hagdan na sobrang haba papunta sa ibaba, mukhang palasyo ang pamamahay na ito. Kitang-kita ko na ang napakalaking chandelier sa taas ng bubong habang nakasabit ito.

     Pagkarating namin sa ilalim ay nakita ko ang isang napakahabang mesa na may mga iba't ibang pagkain, may mga candles pang nakalagay at sobrang expensive ng upuan pati na ang lamesa na para bang pagkainan ng isang hari.

     “You're already awake.” Isang boses ang narinig ko. Ang lalim ng tono nito kaya halatang lalaki ang nagsalita. “How was your sleep Ms. Cortez?”

     Bigla kong naalala ang tonong iyon. Si Mr. Hayes ang laging tumatawag sa akin niyan. Naalala ko lahat ng nangyari kagabi, siya ang naghatid sa akin pero bakit wala ako sa bahay namin? Ibig sabihin bahay niya ito?

     “Mr. Hayes?” tanong ko.

     “Is there anything wrong Ms. Cortez?” malamig nitong tono habang nakaupo sa pinakadulo na upuan ng mesa.

     “Teka lang, bakit wala ako sa bahay?”

     “Because you suddenly fell asleep, tinanong kita kung saan ang address mo pero tulog ka na. I don't know where do you live so I brought you here,” paliwanag niya.

     Nakatulog pala ako? Sobrang nakakahiya naman. 

     Sa bahay ng boss ko pa ako nakitulog. Tumango-tango na lang ako habang basag ang aking mukha dahil sa hiya. Nanatili lang akong nakatunganga habang nakatayo, hindi ko kasi alam kung anong gagawin.

     “Come here, join me.”

     “Ha? Join?”

     “Don`t think too much Ms. Cortez, I said eat with me,” he chuckled.

     Nako nako bakit bigla akong namula. Kalama self, kalma ka lang baka makita pa ni Mr. Hart yung pisngi mo. Yumuko muna ako ng saglit tsaka huminga ng malalim pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad patungo sa kaniya.

     “Ang expensive nito Mr. Hayes, hindi ako pwedeng kumain niyan baka magkaroon pa ako ng utang sa inyo.”

     Napatawa siya bigla habang nakatitig sa akin. “What? Utang? It's my treat Ms. Cortez so you need to eat with me or else you will need to pay.”

     Nagbibiro ba siya? Kailangan akong kumain kasama siya tapos `pag hindi ko siya kasama ay kailangan kong magbayad?

     “Ano? Kailangan kong magbayad pagwala ka? Sorry Mr. Hayes ha, pero hindi ko kailangan ng mga pagkain na yan. Tapos kakainin ko lang pag kasama ka pero pagwala ka kailangan kong magbayad? Wag na lang, no thanks,” reklamo ko.

     Nababaliw na ba siya? Ano ako tanga tanga?

     Kinuha ko yung bag ko kasama na rin ang cellphone ko na hawak ng isang maid sa gilid ng pader. Agad agad akong naglakad paalis sa mansion niyang bahay.

     “Sorry ma'am but you are not allowed to go anywhere according to our boss`s rules,” tugon ng isang bodyguard habang ito ay humaharang sa aking dinadaanan.

     Ano?! Ayaw niya talaga akong paalisin ha.

     Ano ba talagang pakay niya? Gusto ko ng umalis, may trabaho pa ako. Ay siya nga pala yung boss ko. Diyos ko lord naman, nakalimutan ko yata yun. Mafifired na ba ako? Nako nako ano ba Irish, nababaliw ka na.

     Natauhan na siguro ako ngayon, kailangan kong bumalik sa loob para humingi ng tawad. Kahit kailan talaga, pahamak ka talaga Irish. ano bang pumasok sa isipan mo, ikaw na nga itong tinulungan ni Mr. Hayes kagabi tapos pa-arte arte ka pa. Hay nako sayo.

     Dahan dahan akong sumilip kung anong ginagawa niya sa loob. Hindi ko naman din kasi alam kung paano ako tyetyempo para makahingi ng tawad sa kanya, sobrang nakakahiya kaya yung ginawa ko kanina. Pati mga maids nga ay nagulat sa ginawa ko.

     Pwes, I have no choice but to do this. Inayos ko yung sarili ko, pati yung posture ko at agad na pumasok sa loob. I saw him eating by himself, he was alone eating his breakfast. Wala ba siyang pamilya? Like yung parents niya o kaya mga siblings niya pero bakit siya lang mag-isa. Is there something going on?

     “A-am Mr. Haye-” he cut me off.

     “It's okay, no need,” walang emosyon niyang sambit. Ganito ba siya ka-lonely? Walang kasama pero may mga maids naman siya but I think mas maganda kapag kasama ang pamilya.

     Dahan dahan ko na lang hinila ang upuan para makaupo ako sa tabi niya. Habang siya naman ay kumakain, I can feel his loneliness. I can see it in his eyes, eyes never lie though. Kinuha ko agad yung fork at spoon para sabayan siyang kumain.

     “What's going on Ms. Cortez?” bigla niyang sabi. “I thought you wouldn't eat.”

     “Of course I still do, masaya naman pala kumain dito parang nasa isang restaurant ka lang. Kung papakainin kaya din natin yung mga maids at bodyguards dito.”

     Bigla siyang napatingin sa akin pati na rin ang mga maids na nasa giliran ng bawat pader. “Wag na po ma`am ok lang naman po kami.”

     “Ok fine, your wish is my command. Yaya? Let your co-maids get in here so you all can join us eating.” Nginitian ko naman siya. Mabait ka naman din pala.

     “Okay sir.”

     Akala ko ako lang yung ngumiti pero nang tumingin ako sa kanya ay nakatingin din pala siya sa akin habang nakangiti. Diyos ko naman Irish, nganga ka na naman ngayon.

     Ibinalik ko agad ang tingin ko sa pagkain na aking kinakain. Kasya naman kasi kaming lahat dito sa mesa dahil sa sobrang haba at laki nito. Sabay sabay na nag sidatingan ang mga maids papunta sa amin. Mr. Hayes gave them a sign to sit down on the chair in front of the table. Pati na rin mga bodyguards ay umupo rin.

     Sabay sabay kaming kumain, sobrang saya dahil hindi boring kasi nagkasiyahan din kami habang kumakain. Para lang pamilya hindi ba? Ang sarap sa feeling na marami kayo sa iisang bahay and you will never feel bored all the time.

     But to be honest, I did this for him. Now I can see him smiling with other people, he laughs a lot because of my jokes. Maybe this is the thing he wants, laughing, smiling, happiness but not loneliness. Now I know why he is so cold sometimes.

Smiley Girl

Hello po sa inyo sana po magustuhan niyo po yung story ko. Sorry din po sa late update, meron po kasi akong klase kaya minsan hindi ako nakaupload ng other chapters. thank you din po sa pagbabasa.

| Sukai

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status