Share

Chapter 3: Hired

Irish

     Eye contact is the worst thing ever in my whole life. Hindi ako sanay na makipag-eye contact sa isang tao dahil feeling ko napaka-awkward iyon at hindi ito makakaya ng aking mga mata.

     “Okay let's get to the point,” seryoso nitong pagkasabi. “So tell me, why are you suitable for this job?”

     Napanganga tuloy ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano isasagot ko, “Am of course Sir, I am suitable for this job because I love it and I'm comfortable to do it. Wala namang taong magtatrabaho sa trabahong hindi nila gusto at hindi sila komportable sa trabahong iyon Sir diba?”

     Nagsalubong agad ang kanyang kilay na para bang naguguluhan siya. Sa pagkakaalam ko dapat we can hit the hint para naman mukha tayong bida dito. Joke lang. Sa totoo lang, kinakabahan din naman ako dito baka hindi pa ako matanggap pero hindi tayo dapat magpahalata kaya fix your posture para mukhang confident.

     “Really? Nice shot Ms. Cortez maybe I think......” pag-iisip nitong sagot. “You're qualified for this job.”

     Totoo ba ang narinig ko?

     Qualified na nga ako I mean I am hired? Nako! Magpa-party talaga ako sa bahay mamaya. Totoo na nga ito hindi na ito isang panaginip. May trabaho na nga ako.

     “Talaga Sir? Hired na ako agad?” paniniguro ko nito.

     “Why? You want me to take back my words?” tanong niya. Agad naman akong umiling-iling bilang sagot, nako chance ko na talaga ito.

     Sobrang saya ko ngayon as in sobrang saya talaga ng araw ko ngayon. Makakahawak na ako ng pang sarili kong pera dahil may sweldo ako. Syempre kapag magtatrabaho ka, may sweldo ka.

     Pumasok ulit sa loob ng opisina si Patricia para gabayan ako sa aking paglabas galing sa loob. Ngunit nang lumabas ako ay biglang nag-bubulungan ang mga ibang tao na nakapila, nagtataka nga lang ako kung bakit.

     “Hala! Ba`t ang dali lang niya nakalabas galing sa loob? Diba matagal iyon dahil marami pang mga itatanong ang mga interviewers sa loob ayon sa ibang mga nainterview kahapon?”

     “Oo nga naman, bakit madali lang siyang nakalabas?”

     Madami pa silang sinasabi, bulong sila ng bulong sa isa`t isa habang nakatayo lang ako sa kanilang harapan. Anong interviewers? Ibig nilang sabihin, madami mag-iinterview sayo? Maraming mga interviewers?

     “Am ate pwede magtanong?” tanong ko sa isang babaeng nakapila rin. “Madami po bang mga interviewers na mag-iinterview sa mga mag-aaply?”

     “Oo syempre kaya matagal matapos ang interview, sabi sa amin ng mga nainterview kahapon dito,” sagot nito.

     Bigla akong nakapagtataka. Pero bakit isa lang `ang nag-interview sa akin tapos CEO pa ng kompanya? Nakakapagtaka nga lang kung bakit. Hindi ko na lang pinansin kung anong mga bagay-bagay ang pumapasok sa aking isipan at lumabas na lang ako sa building.

     Paglabas ko ay naghihintay muna ako ng taxi para makauwi ako agad sa bahay. Sa paglingon-lingon ko sa paligid ay nakita ko si Mr. Hayes na papasok pa lamang sa kanyang sasakyan.

     Bakit siya nandito sa labas?

     Marami pang nakapila sa loob para iinterview at mag-aapply ng trabaho. Bakit siya umalis sa loob? Ano bang nangyari? Parang ako lang yata ang ininterview niya. Never mind basta wala na akong pakialam doon, ang dapat kong ituon sa aking isipan ngayon ay ang aking trabaho dahil may trabaho na ako at kailangan kong pagsikapan iyon.

     Sasakay na sana ako ng taxi ng may biglang tumapik sa aking balikat. Agad naman akong napatingin doon at nakita kong si Ny lang pala habang nakangiti ito sa akin. Napadaan lang siguro siya dito galing sa trabaho. Sobrang saya ko dahil may good news akong sasabihin sa kanya ngayon.

     “Mukhang may gusto ka yata doon sa lalaking iyon Irish ha. Nako tutunawin mo talaga siya diyan,” bungad nito sa akin.

     “Ikaw talaga, kung ano-ano lang `yang nasa isipan mo Ny, hindi ba pwedeng tumingin?” nakasimangot kong sagot. Grabeh naman siya, may gusto agad? Tumingin lang naman ako dahil medyo naconfused kasi ako kay Mr. Hayes kanina. Pero never mind, kailangan ko talagang siyang isurprise sa good news ko ngayon.

     “I guess so….parang good mood ka yata ngayon Sis!” paghuhula niya sa aking galawan. “Ano bang meron?”

     “Kahit kailan talaga, chismosa ka talaga noh. Pero may good news ako sayo.” Pag-iinarte ko, sabay flip hair. Kitang-kita ko ang pagka-excited ng kanyang mukha at naghihintay na magsalita ako ulit.

     “Ano ka ba? Kailangan pa bang may pa thrilling? Ano ba kasi sasabihin mo? Sabihin mo na kasi girl.” Sabay sampal nito sa aking braso.

     “Okay fine, sasabihin ko na sayo. May trabaho na ako Sis!” Gulat na gulat itong nakatingin sa akin na may halong saya ayon sa kanyang reaksyon ngayon. “Natanggap na ako!”

     “Oh my goodness! Seryoso ka talaga Sis?! Natanggap ka?! As in in real life talaga?” paninigurado nito sa aking mga sinabi na para bang hindi siya makapaniwala. Nakakatawa talaga ang baklang `to.

     Tumango-tango ako sa kanya kaya napatalon ito dahil sa saya at pinasabay pa talaga ako sa pagtalon. Sobrang saya talaga namin dahil may pambayad na kami sa aming mga utang at makakabili na rin kami ng mga bagay na gusto naming bilhin. Ang tagal naming hinintay ang araw na ito sa buong buhay naminn, na magtulungan kami para magkaroon kami ng trabaho ng bawat isa sa amin.

     “Infairness ha, hindi ko talaga inakala na may angkin ka ring kagandahan na magpapalason ng tao.” Sinamaan ko agad siya ng tingin. “Joke lang naman Sis.”

     “Basta hindi talaga kita bibilhan ng bagong makeup kit.” Pagbibiro ko sa kanya. Kinukulit naman niya ako agad, akala niya naman totoo `yong sinabi ko sa kanya. Syempre nagbibiro lang ako dahil kahit kailan ay mahal na mahal ko ang aking kaibigan at hindi ko kayang makitang malungkot siya. Gagawin ko ang lahat para makamit niya ang kanyang pangarap at ang makapagpapasaya sa kanya.

     Naglalakad lang kami pauwi sa aming bahay, pero hindi naman sobrang boring dahil madaldal itong si Ny. Hindi na nga lang naming namalayan na nakauwi na pala kami dahil sa pag-uusap namin tungkol sa interview ko at kung anong mga nangyari sa pag-apply ko kanina.

     “At dahil natanggap ka ipagluluto kita ng paborito mo Sis!” Pagpra-praise nito sa akin dahil sa sobrang proud.

     Nakangiti lang ako sa kanya habang hinuhubad ko ang aking sapatos bago pumasok, siya naman ay dumiretso na sa kusina para makapagluto agad ng aming hapunan. Umupo muna ako sa sofa at pinaandar ang TV para manood ng balita.

     Gabi na kasi ngayon at paborito kong manood ng balita sa ganitong oras bawat pag-uwi ko dito sa bahay. May bago na namang balita bawat araw pero parang nakakakilabot na talaga ang balitang ito.

     “Ayon sa mga police ay hindi pa rin nahahanap ang suspek sa pagpatay ng tatlong lalaki dito sa baranggay Rosas. Ngunit hindi pa rin sila titigil sa paghahanap sa taong pumatay ng mga biktima at bibigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

      Madami ng namamatay sa bawat lugar ng ating bansa ngunit hindi pa rin nahahanap ang nag-iisang suspek na nasa likod nito at ipagpatuloy pa din ng ating mga kapulisan ang pag-iimbestiga sa aksidenteng ito. Ako si Regina T. Garcia nagbabalita para sa bayan!”

     Kinakabahan ako ngayon dahil noon lang ito laging binabalita ngunit hindi pa rin nila nahahanap ang suspek. Sobrang sama talaga ng taong iyon, kung sino man siya alam kong kakarmahin din siya sa kanyang ginagawa sa pagpatay ng mga taong napaka inosente.

     “Hoy! Sis, kanina pa kita tinatawag. Ba`t pinalitan agad ng bad mood yang mukha mo?” ani ni Ny galing sa aking likuran. “Hindi ka pa nga nakapagcelebrate eh.”

     “Paano ba naman kasi, matagal ng binabalita ang balitang pagpatay ng mga tao sa ating bayan at hindi pa rin nahahanap ang suspek. Nakakainis!” inis na inis kong sagot. Medyo natatakot din kasi ako dahil marami ng napatay ang taong ito sa bansa namin.

     Kung magpapatuloy pa ito, baka pati kami ay mapapatay na rin niya. Yan ang kinatatakutan ko, napaka delikado na talaga ang mga panahong ito at kailangan na naming mag doble ingat. Nanginginig na talaga ako dahil sa takot, bakit ba kasi hindi pa nahahanap ang taong iyon?

     “Ano ka ba naman Sis? Wag mong masyadong dibdibin iyan, mahahanap din nila ang taong iyon sa tamang panahon. Magtiwala lang tayo sa Poong Maykapal, hindi niya tayo pababayaan.” May point din naman siya doon sa sinabi niya, kailangan lang talaga nating magtiwala sa Diyos. “Hali ka na nga, baka lumamig pa `yong niluto ko.”

     Huminga muna ako ng malalim para ikalma `yong sarili ko sa kaba. Sumunod na rin ako kay Ny papunta sa kusina para kumain na ng hapunan. Paborito ko pa namang pagkain ang niluto niya kaya busog talaga ako ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status