LOGINKabanata 3
Anim na taon ang mabilis na lumipas. Maliit ang apartment na inuupahan ni Jesza Reyes. Amoy disinfectant at baby powder ang buong silid. Pagod na pagod siyang naupo sa lumang sofa, suot pa rin ang kanyang asul na scrub suit. Katatapos lang ng labindalawang oras na shift niya bilang pediatric nurse sa St. Mariana Children’s Hospital. Masakit ang kanyang likod, kumikirot ang mga binti, at tila gusto na lang pumikit ng kanyang mga mata. Ngunit hindi siya pwedeng mapagod. May anim na taong gulang siyang anak na umaasa sa kanya. Kinuha niya ang kanyang pitaka mula sa bag. Inilabas niya ang mga bayarin na nakapatong sa lamesa. Kuryente, tubig, renta sa apartment, at ang matrikula ni Eli sa eskwelahan. Binilang niya ang natitirang pera. Kulang na naman. Kakailanganin niya na namang kumuha ng dambuhalang overtime sa susunod na linggo para lang mapagkasya ang lahat. Bukod sa pisikal na pagod, may mas malalim na sugat na hindi pa rin naghihilom sa loob niya. Ang emosyonal na trauma mula sa nakaraan ay nananatiling sariwa. Anim na taon na ang nakalilipas, ngunit tuwing pumipikit siya, naririnig pa rin niya ang malamig na boses ni Veronica Vale. Nakikita pa rin niya ang ngiti ni Damon habang kasama si Celeste. Dahil doon, tuluyan nang isinara ni Jesza ang kanyang puso. May mga doktor at kapwa niya nurse na sumusubok na manligaw sa kanya, ngunit bago pa man sila makalapit, nagtatayo na siya ng mataas na pader. Takot siyang magtiwala muli. Takot siyang maiwan. Para sa kanya, sapat na silang dalawa ng kanyang anak. Hindi na niya kailangan ng lalaki na magpapaiyak lang sa kanya sa huli. “Mommy!” Isang masiglang boses ang bumasag sa katahimikan ng sala. Lumabas mula sa kwarto ang anim na taong gulang na si Eli Reyes. Naka-pajama ito na may disenyo ng mga dinosaur. Matalino ang mga mata nito, bilugan, at may pamilyar na kislap na tuwing nakikita ni Jesza ay pilit niyang iniwasan dahil labis na nagpapaalala sa kanya kay Damon. Tumakbo si Eli papalapit at agad na niyakap ang binti ng kanyang ina. “Mommy, dumating ka na pala! Kanina pa kita hinihintay.” Napangiti si Jesza, pansamantalang nabaon ang pagod. Kinarga niya ang bata at pinaupo sa kanyang kandungan. “Sorry, baby. Marami kasing patient si Mommy sa ospital ngayon. Kumain ka na ba ng dinner na iniwan ko?” “Opo! Ininit po ni Aling Nena ’yung ulam bago siya umuwi,” sagot ni Eli. Pinatong ng bata ang kanyang maliliit na kamay sa pisngi ni Jesza. Kumunot ang noo nito habang masusing pinagmamasdan ang mukha ng ina. “Mommy, may kulubot ka na naman sa noo. At saka parang mas pumayat ka ngayon.” Napakakulit at napakasweet talaga ng kanyang anak. Pero higit sa lahat, napaka-observant ni Eli. Masyado itong matalino para sa isang anim na taong gulang na bata. Minsan, natatakot si Jesza dahil pakiramdam niya ay masyadong maraming napapansin ang anak na hindi dapat nito pinoproblema sa ganoong edad. “Guni-guni mo lang ’yan, Eli. Mataba pa rin si Mommy,” biro ni Jesza sabay kurot nang mahina sa ilong ng bata. “O sya, gabi na. Kailangan mo nang matulog dahil may school activity kayo bukas, ’di ba?” “Opo, Family Day bukas!” Masiglang tumango si Eli, ngunit may mabilis na dumaang lungkot sa mga mata nito na agad din nitong itinago sa pamamagitan ng isang malapad na ngiti. “Sabi ni Teacher, maglalaro raw po tayo.” “Sige na, pumasok ka na sa kwarto. Susunod si Mommy pagkatapos ko lang magpalit ng damit.” Nang makapasok si Eli sa kwarto, huminga ng malalim si Jesza. Naglakad siya patungo sa banyo, nagpalit ng pambahay, at uminom ng tubig. Pagkatapos ng ilang minuto, pumasok na rin siya sa kwarto at nahiga sa tabi ng anak. Akala niya ay tulog na si Eli dahil nakapikit na ito at regular ang paghinga. Umikot si Jesza patalikod kay Eli. Doon, sa dilim ng gabi, hindi na niya napigilan ang sarili. Ang bigat ng kanyang dibdib dahil sa kakulangan ng pera, ang takot sa kinabukasan, at ang pangungulila na pilit niyang itinutuon sa trabaho ay biglang sumabog. Umiyak siya nang tahimik. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Ang kanyang mga balikat ay nanginginig sa bawat patak ng luha. Hindi niya alam, sa likod niya, dahan-dahang idinilat ni Eli ang kanyang mga mata. Tiningnan ng bata ang likod ng kanyang ina. Nakita niya ang paggalaw ng mga balikat nito. Narinig niya ang mahirap na paghinga nito. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ni Eli na umiiyak ang kanyang mommy nang patago. Maraming beses na. At sa bawat pagkakataon na nakikita niya ito, nadudurog ang puso ng maliit na bata. Gusto niyang pasayahin ang kanyang mommy. Gusto niyang makitang ngumiti ito nang totoo, hindi ’yung pilit na ngiting ipinapakita nito sa kanya araw-araw. Kinabukasan, maagang pumunta ang mag-ina sa elementary school ni Eli para sa Family Day. Puno ng dekorasyon ang malawak na gym. May mga lobo, tugtog, at tumatakbong mga bata. Masaya ang unang bahagi ng programa. Sumali si Jesza sa mga laro kahit masakit ang kanyang katawan. Tumawa si Eli habang hawak ang kamay ng kanyang ina. Ngunit habang tumatagal ang aktibidad, unti-unting nagbago ang atmospera para sa kanila. Ang susunod na laro ay nangangailangan ng tatlo sa pamilya—ang tatay, nanay, at ang anak. Naupo si Jesza at Eli sa gilid ng bench habang pinapanood ang ibang mga kaklase ni Eli. Nakikita ni Eli ang kanyang mga kaibigan na kinakarga ng kanilang mga daddy sa balikat. Naririnig niya ang tawanan ng mga kompletong pamilya. Ang mga tatay ay protective na nakaakbay sa mga nanay, habang ang mga bata ay masayang nagtatalon. Tumingin si Eli sa kanyang drawing book na hawak niya. May activity sila kanina kung saan ipinaguhit sa kanila ang larawan ng pamilya. Ang iginuhit ni Eli ay dalawang tao lang. Siya at ang kanyang mommy. Ngunit sa tabi ng larawan ng mommy niya, may malaking bakanteng espasyo na iniwan niya. Napansin ni Jesza ang pananahimik ng anak. Hinawakan niya ang balikat nito. “Eli, baby, gusto mo ba ng ice cream? Bibili si Mommy sa labas.” Hindi sumagot si Eli. Nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa isang kaklase na kasalukuyang binubuhat ng tatay nito para maabot ang nakasabit na premyo. Tumingin si Eli kay Jesza. May halong lungkot at pagtataka ang mga mata ng bata. “Mommy…” mahinang tawag ni Eli. “Bakit, baby?” “Bakit po sila may daddy? Bakit po ako, wala?” Parang huminto ang mundo ni Jesza sa tanong na iyon. Ang ingay sa loob ng gym ay tila naglaho at napalitan ng isang nakabibinging ugong sa kanyang tainga. Naramdaman niya ang biglaang panlalamig ng kanyang mga kamay. Ito ang tanong na matagal na niyang kinatatakutan. Ito ang tanong na paulit-ulit niyang iniiwasang isipin kung paano sasagutin. Humarap si Jesza kay Eli, pinilit niyang huwag manginig ang kanyang boses. “Eli… hindi ba sapat si Mommy? Kaya naman ni Mommy na ibigay sa iyo ang lahat, 'di ba? Ginagawa ko naman ang lahat para maging masaya ka.” Mabilis na umiling si Eli at hinawakan ang kamay ng kanyang ina. “Hindi po sa ganoon, Mommy. Super mommy ka po. Kaya mo pong gawin ang lahat. Pero…” Tumingin muli si Eli sa mga batang may kompletong pamilya. “Kapag gabi po, nakikita kitang umiiyak. Sabi ni Aling Nena, ang mga mommy raw po ay napapagod din at kailangan ng kasama para mag-alaga sa kanila. Gusto ko po na may mag-aalaga sa iyo kapag pagod ka na sa ospital. Gusto ko po na may magpapasaya sa iyo para hindi ka na umiiyak kapag akala mo tulog na ako.” Napatakip ng bibig si Jesza. Hindi niya akalaing alam ng anak ang tungkol sa kanyang mga lihim na pag-iyak sa gabi. Ang bata na akala niya ay walang alam ay matagal na palang nagmamasid at nag-aalala para sa kanya. Naiyak si Jesza, ngunit mabilis niyang pinunasan ito bago pa makita ng ibang magulang. “Eli, makinig ka kay Mommy,” seryosong sabi ni Jesza habang hinahawakan ang magkabilang balikat ng anak. “Hindi natin kailangan ng daddy. Sapat na tayo. Ang pag-ibig at ang pamilya… hindi ’yan madali. Minsan, mas masakit kapag may kasama ka pero hindi ka naman pinahahalagahan. Kaya please, huwag mo nang itatanong ’yan muli, okay? Masaya tayo na tayong dalawa lang.” Tumingin si Eli sa sahig. Tumango siya nang mahina. “Opo, Mommy. Sorry po.” Ngunit sa loob ng isip ng matalinong anim na taong gulang, hindi nagtapos doon ang usapan. Nakita niya ang takot at labis na lungkot sa mga mata ng kanyang ina nang banggitin niya ang salitang ‘daddy’. Alam ni Eli na may malalim na dahilan kung bakit ayaw ng mommy niya sa mga lalaki, ngunit alam din niya na kailangan ng mommy niya ng magpapasaya rito. Kung ayaw ng mommy niya na maghanap, siya ang gagawa ng paraan. Nang sumapit ang gabi, pagkatapos ng mahaba at nakapapagod na araw, mabilis na nakatulog si Jesza dahil sa matinding pagod ng katawan at isipan. Regular ang kanyang paghinga, hudyat na mahimbing na ang kanyang tulog. Dahan-dahang bumangon si Eli mula sa tabi ng kanyang ina. Walang ingay siyang naglakad patungo sa sala. Kinuha niya ang lumang tablet na madalas niyang gamitin para sa kanyang mga online educational games. Naupo siya sa sahig, sa ilalim ng maliit na liwanag mula sa bintana. Binuksan ni Eli ang browser. Dahil sa kanyang pambihirang talino, madali niyang natutunan kung paano mag-navigate sa internet. Nag-isip siya kung paano niya masisimulan ang kanyang plano. Kung sa mga kumpanya raw ay may tinatawag na ‘job application’ kapag naghahanap ng manggagawa, ibig sabihin, pwede rin siyang gumawa ng application para sa posisyon na bakante sa buhay ng mommy niya. Nag-type si Eli sa isang sikat na local community forum at sa kanyang social media account na ginawa niya gamit ang pekeng edad. “HUSBAND APPLICATION FOR MY MOMMY JESZA” Nagsimulang mag-type si Eli ng mga detalye gamit ang kanyang maliliit na daliri. “Qualifications for my future Daddy: 1. Dapat mabait at hindi pinapaiyak si Mommy. 2. Dapat mayaman para hindi na mag-overtime si Mommy sa ospital at hindi na siya mapagod. 3. Dapat guwapo para bagay sila ni Mommy dahil maganda ang mommy ko. 4. Dapat love ako at love si Mommy habangbuhay.” Isinama rin ni Eli ang isang lumang larawan ng kanyang ina kung saan nakangiti ito nang matamis, pati na rin ang email address na madalas niyang gamitin para sa school notifications. Pagkatapos basahin muli ang kanyang isinulat, tumango si Eli nang may kasiyahan sa sarili. “Sana may mag-apply na mabuting daddy para sa akin, at mabuting husband para kay Mommy,” bulong ni Eli sa sarili habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Pinindot ni Eli ang button na “POST”. Hindi alam ng maliit na batang matchmaker na ang simpleng post na ito ay magiging mitsa ng muling pagtatagpo ng dalawang mundong matagal nang nagkahiwalay. At ang lalaking sasagot sa application na ito ay ang huling tao na inaasahan ng kanyang mommy na makita muli.KABANATA 15Napakatahimik ng umaga sa apartment ni Jesza. Maliwanag ang sikat ng araw na tumatama sa bintana. Ang tanging tunog lang na naririnig ay ang mahinang paghigop ni Jesza sa kanyang mainit na kape. Natutulog pa si Eli sa loob ng kwarto nito dahil Sabado naman. Plano nilang mag-ina na mag-general cleaning ngayong araw.Biglang nanginginig na nag-vibrate ang cellphone ni Jesza sa ibabaw ng lamesa.Akala niya ay si Damon lang na may dalang pandesal na naman. Ngunit nang tignan niya ang screen, pangalan ng kaibigan niyang si Sarah ang nakasulat. Sinagot niya ang tawag.“Jesza! Buksan mo ang social media accounts mo ngayon din!” bungad ni Sarah. Hinihingal ito at halatang natataranta.Kumunot ang noo ni Jesza. “Bakit? Anong mayroon?”“Huwag ka nang maraming tanong! I-check mo ang mga news sites. Nagkakagulo ang mga tao!” sabi ni Sarah bago nito ibaba ang linya.Kinabahan si Jesza. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang social media account. Sa unang scroll pa lang niya sa kanyang
KABANATA 14Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Damon Vale habang nagmamaneho pabalik sa kanyang mansyon noong gabing ’yon.Paulit-ulit na tumutunog sa kanyang isip ang boses ni Eli. Ang salitang Daddy ay may kakaibang kapangyarihan. Ito ang pinakamagandang salita na narinig niya sa buong buhay niya. Mas matamis pa ito kaysa sa kahit anong bilyong pisong kontrata na napirmahan niya sa Vale Corporation.Kinaumagahan, maaga pa lang ay gising na si Damon. Hindi siya pumasok sa opisina ng maaga. Nagpadala siya ng maikling mensahe kay Mark na i-reschedule ang lahat ng kanyang morning meetings. May mas mahalaga siyang kailangang gawin ngayon.Sa maliit na apartment nina Jesza, nagsisimula pa lang ang araw. Ang amoy ng sinangag at pritong itlog ay humahalimuyak mula sa kusina. Abala si Jesza sa pag-aayos ng hapag-kainan nang makarinig siya ng marahang katok sa pinto.Binuksan niya ito at nagulat siya nang makita si Damon. May dala itong isang malaking paper bag mula sa isang sikat na panad
KABANATA 13Hindi nakasagot sina Damon at Jesza sa tanong ni Eli. Ang buong sala ay binalot ng mabigat na katahimikan. Tanging ang mahinang hikbi na lang ng bata ang naririnig sa paligid. Tinitigan ni Damon ang kanyang anak. Ang maliit na katawan nito ay nakasandal pa rin sa binti ni Jesza. Sa sandaling iyon, napagtanto ni Damon na hindi galit ang kailangan ng pamilya niya ngayon, kundi pagbawi.Lumuhod si Damon. Inabot niya ang maliit na kamay ni Eli. “Buddy, look at me. Gusto kong maging pamilya tayo. Higit pa sa iniisip mo.”Tumingala si Eli, pinupunasan ang kanyang mga mata. “Talaga po?”“Oo. At hindi ako aalis,” seryosong sagot ni Damon, sabay sulyap kay Jesza na tahimik ding umiiyak. “Gagawa tayo ng paraan.”Nakahinga ng maluwag ang bata. Doon ay nagbago ang ihip ng hangin. Lumitaw ang pambihirang talino ni Eli. Mabilis niyang kinuha ang kanyang maliit na bag sa kwarto. Pagbalik niya sa sala, may hawak na siyang isang asul na notebook at isang ballpen. Isang seryosong mukha ang
KABANATA 12Ang puting papel ay nanatiling nakalapag sa ibabaw ng lamesa. Ang mga numero dito ay malinaw. Hindi ito mapapasubalian ng kahit na anong depensa. Mas lalong uminit ang atmospera sa loob ng maliit na sala ni Jesza. Ang bawat sekondong lumilipas ay tila ba nagdadala ng mas mabigat na pressure sa dibdib ng dalawa.Nakatayo si Damon sa gitna ng silid, matigas ang tindig at mariin ang tingin. Ang kanyang mga panga ay nagtatagpo sa tindi ng emosyong pinipigil niya. Si Jesza naman ay napasandal sa gilid ng lababo sa kusina. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakakuyom ang mga ito.“Anim na taon, Jesza,” panimula ni Damon. Mababa ang kanyang boses ngunit ramdam ang bagsik sa bawat pantig. “Anim na taon mong ipinagkait sa akin ang sarili kong anak.”Hindi agad nakasagot si Jesza. Tumulo ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata, ngunit mabilis niya itong pinunasan. “Damon, hindi mo alam ang buong kwento. Huwag mo akong husgahan na parang ako lang ang may kasalanan dito
KABANATA 11Napatitig si Damon Vale sa hawak na papel. Ang malaking opisina niya sa Vale Corporation ay tila biglang nawalan ng air circulation. Katahimikan ang bumalot sa buong silid. Ang mga salita sa report ay malinaw at mariin. Hindi ito isang panaginip. Hindi rin ito isang pagkakamali ng laboratoryo.99.99%. Probability of Paternity.Biological Father: Damon Vale.Paulit-ulit niyang binasa ang mga nakasulat na numero. Parang bawat letra ay sumasaksak sa kanyang puso. Naupo siya ng marahan sa kanyang swivel chair. Pakiramdam niya ay biglang nawalan ng lakas ang kanyang buong katawan. Ang papel na hawak niya ay may kaunting panginginig habang tinititigan niya ito gamit ang kanyang nagdidilim na mga mata.Sa isang iglap, lahat ng kanyang mga alaala sa nakalipas na dalawang linggo ay biglang nagkaroon ng kahulugan. Lahat ng maliliit na detalye tungkol kay Eli ay nagbago ng kulay sa kanyang isip.Ang matatamis na ngiti ng bata kapag binibigyan niya ito ng paboritong pagkain. Ang habit
KABANATA 10Kinabukasan matapos ang matinding breakdown ni Jesza, maagang kumatok si Damon sa pinto ng apartment. May dala siyang mainit na taho para kay Eli at paboritong kape ni Jesza mula sa isang sikat na cafè. Bakas ang puyat sa kanyang mga mata, ngunit mas nangingibabaw ang determinasyon sa kanyang mukha.Binuksan ni Jesza ang pinto. Mukha rin siyang hindi nakatulog. Gulo ang buhok nito at namamaga pa rin ang mga mata.“Damon, diba sinabi ko sa ‘yo—”“I know what you said, Jesza,” pagputol ni Damon, mabilis na pumasok sa loob bago pa man ito makatanggi. Inilapag niya ang mga binili sa lamesa. “Sabi mo umalis ako kagabi. Umalis naman ako, ‘di ba? Pero bagong araw na ngayon.”Napasandal si Jesza sa dingding, tila pagod na makipagtalo. “Hindi mo ba talaga ako tatantanan?”“Hindi,” seryosong sagot ni Damon. Tinitigan niya si Jesza sa mga mata. “Hindi kita iiwan sa tuwing nasasaktan ka. Alam kong may tinatago ka. Alam kong takot na takot ka. Pero nandito ako ngayon para patunayan na







