LOGINKabanata 2
Umuwi si Jesza sa penthouse na parang isang lantang gulay. Malaki ang lugar, napakalawak, ngunit sa bawat sulok ay nararamdaman niya ang labis na panliliit. Umupo siya sa gilid ng malaking kama. Ipinatong niya ang kanyang mga palad sa mukha at doon ay muling humagulgol. Ang bawat sulok ng marangyang penthouse na ito ay nagpapaalala sa kanya na pansamantala lang siya rito. Isa lang siyang anino sa marangyang buhay ni Damon Vale. Gabi na nang dumating si Damon. Narinig ni Jesza ang pagbukas ng pinto, kaya mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga mata at nagkunwaring nagbabasa ng libro sa sala. Napakagwapo pa rin nito kahit halatang pagod. Malalaki ang hakbang nito papalapit sa kanya. Inalis nito ang kanyang charcoal gray na coat at isinabit sa upuan bago lumapit kay Jesza para halikan sana ito sa noo. Ngunit bago pa man dumampi ang mga labi ni Damon, bahagyang umatras si Jesza. Umiwas siya. Napatigil si Damon sa hangin. Kumunot ang noo nito, bakas ang pagtataka sa mga mata. “Hey. May problema ba?” “Wala,” mahinang sagot ni Jesza, hindi tumitingin ng diretso sa mga mata ng lalaki. “Pagod lang sa ospital. Maraming pasyente kanina.” Bumuntong-hininga si Damon at umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kamay ni Jesza, ngunit naramdaman nito ang panlalamig ng mga daliri ng dalaga. “Galing ako sa meeting kanina kasama si Celeste at ang pamilya Laurent. Sobrang nakakabagot. Lahat ng usapan, puro business stuff para sa bagong hotel project. Muntik na akong makatulog kung hindi lang ako kinukulit ni Celeste tungkol sa mga darating na fashion gala.” Kaswal lang ang pagkakasabi ni Damon. Para sa kanya, wala lang ’yun. Isang ordinaryong business meeting lang ang naganap. Hindi niya alam na pinapanood sila ni Jesza mula sa malayo. Hindi niya alam na ang bawat ngiti niya kay Celeste kanina ay sumaksak sa puso ng babaeng kasama niya ngayon. “Ah, ganoon ba?” pilit ang ngiting sagot ni Jesza. Kumikirot ang dibdib niya. Business lang pala. Pero bakit kailangang ganoon sila kalapit? Bakit kailangang alalayan nito si Celeste na parang ito ang pinaka-iniingatang reyna? Napansin ni Damon ang kakaibang kinikilos ni Jesza. Nitong mga nakaraang linggo, palaging masayahin si Jesza. Palagi itong nagtatanong tungkol sa araw niya. Pero ngayon, tila may malaking pader na nakatayo sa pagitan nilang dalawa at pataas ito nang pataas. “Jesza, are you sure you’re okay?” tanong muli ni Damon, hinawakan ang pisngi ng dalaga. “Parang ang lamig mo ngayon. Kung may problema sa ospital, sabihin mo sa akin. I can handle it.” “Wala nga, Damon. Okay lang ako,” medyo mabilis na bawi ni Jesza sabay tayo. “Maghahanda lang ako ng hapunan natin.” Lumipas ang ilang araw, ngunit ang distansya sa pagitan nila ay lalong lumalim. Ilang beses nang sinubukan ni Jesza na sabihin ang totoo. Tuwing nakikita niya si Damon na nakaupo sa hapag-kainan, nag-aabang ang mga salita sa dulo ng kanyang dila. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang sabihin na magiging tatay na ito. Isang umaga, habang nag-aalmusal sila, binalot sila ng katahimikan. Tinitigan ni Jesza si Damon na seryosong nagbabasa ng mga ulat sa kanyang iPad. “Damon…” tawag ni Jesza. Nanginginig ang boses niya. “Yes, babe?” sagot ni Damon nang hindi inaalis ang tingin sa screen. “Paano kung… paano kung may mabago sa buhay natin?” subok ni Jesza. Humigpit ang kapit niya sa baso ng gatas. “Paano kung magkaroon tayo ng anak ngayon? Matutuwa ka ba?” Napatigil si Damon. Ibinalik niya ang iPad sa mesa at tumingin kay Jesza. Seryoso ang kanyang mukha, walang bahid ng biro. “Jesza, alam mo kung ano ang sitwasyon ng company ngayon. The international merger is now the most important project of Vale Corporation. Maraming pondo ang nakatali. Masyado pa magulo ang mundo ko para sa isang pamilya. Hindi pa ito ang tamang oras para sa ganyang seryosong bagay. It will ruin the momentum.” Naramdaman ni Jesza ang pagbuhos ng malamig na tubig sa kanyang buong katawan. Ang mga salita ni Damon ay tila tugma sa mga sinabi ni Veronica Vale sa restaurant. Iskandalo ang anumang bagay na hindi pinagplanuhan. Natakot siya. Umurong muli ang kanyang lakas ng loob. Ang katotohanang sasabihin sana niya ay tuluyan niyang ibinaon sa kanyang puso. “Ah… tinitesting ko lang naman kung anong isasagot mo,” pilit na tawa ni Jesza, kahit ang totoo ay gusto na naman niyang maiyak. “Huwag kang mag-alala. Kapag maayos na ang lahat sa kumpanya, mapag-uusapan natin ’yan,” sabi ni Damon bago tumayo at hinalikan siya nang mabilis sa pisngi. “I have to go. May maagang board meeting ngayon.” Hindi pa natatapos ang kalbaryo ni Jesza. Kinabukasan, habang naglalakad siya sa hallway ng ospital pagkatapos ng kanyang shift, tumunog ang kanyang cellphone. Isang hindi kilalang numero ang tumatawag. Sinagot niya ito. “Hello?” “Jesza. I hope you are making the right decision,” ang malamig at pamilyar na boses ni Veronica Vale ang bumalot sa linya. Napatigil si Jesza sa paglalakad. Napakapit siya sa pader. “Madam Veronica…” “Hindi ka pa ba aalis?” tanong ng matanda, diretso at walang paligoy-ligoy. “Nakikita ko ang mga schedule ni Damon. Masyado siyang nagiging pabaya dahil sa iyo. Madalas siyang umuwi ng maaga. Ang isip niya ay wala sa negosyo. Huwag mong sirain ang pangalan ng pamilya Vale, Jesza. Kung talagang may natitira ka pang hiya at dignidad sa katawan, umalis ka na. Umalis ka bago ka pa niya tuluyang iwan at ipahiya sa harap ng maraming tao.” “Madam, si Damon po…” “Si Damon ay isang Vale,” pagputol ni Veronica. “Gagawa at gagawa siya ng paraan para sa kumpanya. At kasama sa paraang iyon ang pagpili sa mas karapat-dapat na babae. Huwag mong hintayin na itaboy ka niya dahil lang sa obligasyon sa bata.” Ipinasok ni Veronica ang huling lason bago ibaba ang tawag. Napasandal si Jesza sa pader ng ospital. Ang mga salita ng matanda ay paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang isipan. Umalis ka bago ka pa niya tuluyang iwan. Huwag mong sirain ang pangalan ng pamilya Vale. Pagkalipas ng dalawang araw, nagpasya siyang pumunta sa opisina ni Damon sa Vale Corporation para dalhan ito ng tanghalian, umaasang baka sa pagkakataong ito ay magkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin ang totoo. Hindi niya kailangan ng marangyang buhay, ang kailangan niya lang ay ang kasiguruhan na gusto ni Damon ang kanilang anak. Nang makarating siya sa tapat ng opisina ni Damon, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto. Walang secretary sa labas dahil tanghalian. Kakalapit pa lang sana niya nang marinig ang boses ni Damon mula sa loob. May kausap ito sa telepono. “Alam ko ang kahalagahan ng arranged marriage na iyon, Mom,” mariing sabi ni Damon. Rinig ang inis sa boses nito, ngunit may kasamang pagtanggap sa katotohanan. “I understand that Celeste is the ideal future wife for the image of Vale Corporation. Ang alyansa sa mga Laurent ang magpapatatag sa posisyon ko laban sa board of directors.” Napatigil ang mundo ni Jesza. Ang hawak niyang paper bag na naglalaman ng pagkain ay unti-unting nayuyunot sa higpit ng pagkakahawak niya rito. “Yes, mother. Gagawin ko ang nararapat para sa company. Just give me more time to settle things here,” patuloy ni Damon. Hindi na narinig ni Jesza ang susunod na mga sinabi ng lalaki. Parang nabibingi siya. Ang buong paligid ay biglang umikot. Ang huling natitirang pag-asa sa kanyang puso ay tuluyang nadurog. Arranged marriage. Celeste is the ideal future wife. Naisip ni Jesza, tama nga ang lahat. Tama si Veronica Vale. Siya lang ang nakaharang sa tagumpay ni Damon. Siya lang ang magiging mantsa sa malinis na pangalan ng mga Vale. At ang anak niya? Magiging isang bastardo lang na kamumuhian ng makapangyarihang pamilyang ito. Hindi niya kayang makitang lumaki ang kanyang anak na itinatakwil at kinakahiya. Dahan-dahang itinalikod ni Jesza ang kanyang katawan. Naglakad siya palayo sa opisina, bitbit ang baon na hindi man lang umabot sa lamesa ni Damon. Sa bawat hakbang niya palabas ng gusali, unti-unti niyang binubuo ang pinakamahirap na desisyon sa kanyang buhay. Kakailanganin niyang lumayo. Kakailanganin niyang magtago. Para sa anak niya. Para sa kinabukasan ni Damon. Gabi na nang makauwi si Damon sa penthouse. Nadatnan niya si Jesza na nakaupo sa sala, tahimik at parang walang buhay ang mga mata. Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. “Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Damon habang hinahawakan ang buhok ng dalaga. Tumingin si Jesza sa kanya. Isang mahaba at malalim na tingin. Tila ba kinakabisado niya ang bawat linya sa mukha ng lalaking pinakamamahal niya. “Gusto ko lang mag-abang sa iyo. Damon… mahal mo ba ako?” Napakunot ang noo ni Damon sa biglaang tanong nito, ngunit ngumiti rin ng bahagya. “Of course. Bakit mo naman na tanong ’yan?” “Wala lang. Gusto ko lang marinig,” sagot ni Jesza habang pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha. Yumakap siya nang mahigpit kay Damon. Isang yakap na puno ng pamamaalam. “Salamat, Damon. Salamat sa lahat.” Naguluhan si Damon sa kinikilos nito, ngunit dahil sa labis na pagod mula sa buong araw na pakikipag-usap sa mga investors, hindi na niya ito masyadong binigyang-pansin. Niyakap niya rin nang mahigpit ang dalaga. “Matulog na tayo. Napakahaba ng araw ko bukas.” “Sige. Una ka na sa kwarto, susunod ako,” bulong ni Jesza. Tumango si Damon at naunang pumasok sa silid. Nang matiyak ni Jesza na mahimbing na ang tulog ni Damon, dahan-dahan siyang tumayo. Walang ingay niyang kinuha ang kanyang lumang maleta sa ilalim ng cabinet. Kaunti lang ang dinala niya. Mga simpleng damit niya bago niya makilala si Damon, ang kanyang mga dokumento, at ang ilang libong piso na naipon niya mula sa sarili niyang sweldo bilang nurse. Walang kahit anong bagay na galing kay Damon ang kinuha niya. Walang alahas, walang mamahaling gamit. Tiningnan niya ang natutulog na mukha ni Damon sa huling pagkakataon. Masakit. Parang pinupunit ang kanyang puso sa bawat segundo. “Patawad, Damon,” tahimik na bulong ni Jesza sa hangin habang umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi. “Patawad dahil hindi ko kayang sirain ang buhay mo at buhay ng anak natin. Alagaan mo ang sarili mo.” Isinara niya ang pinto ng penthouse nang napakahina. Sumakay siya sa elevator at lumabas ng gusali sa gitna ng madilim at malamig na madaling-araw. Nag-abang siya ng taxi, hawak ang kanyang maleta at ang kanyang tiyan. Ang pag-alis niyang ito ay ang simula ng bagong buhay. Sumikat ang araw at tumama ang liwanag nito sa bintana ng marangyang penthouse. Nag-unat si Damon at dahan-dahang idinilat ang kanyang mga mata. Kinapa niya ang kabilang bahagi ng kama, ngunit malamig na unan at maayos na kumot lang ang naramdaman niya doon. Kumunot ang noo niya. Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. “Jesza?” tawag niya, ngunit walang sumasagot. Tumayo si Damon at naglakad palabas ng kwarto. Inikot niya ang sala, ang kusina, at ang banyo, ngunit walang bakas ng isang Jesza Reyes. Napansin niya ang bukas na pinto ng cabinet sa sala. Doon lang niya napagtanto na wala na ang lumang maleta ng dalaga. Mabilis siyang bumalik sa kwarto at binuksan ang closet nito. Kalahati ng mga damit ay wala na. Ang mga natira na lang ay ang mga mamahaling damit na binili niya para rito. Isang matinding kaba ang biglang sumakop sa dibdib ni Damon. Parang huminto ang tibok ng kanyang puso. Agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan ang numero ni Jesza. “The number you have dialed is incorrect or no longer in service…” Ibinaba ni Damon ang telepono, nanginginig ang kanyang mga kamay. Tumingin siya sa paligid ng malaking penthouse na biglang naging napakalamig at napakatahimik. Isang katotohanan ang unti-unting sumampal sa kanya sa umagang iyon. Wala na si Jesza. Iniwan na siya ng babaeng nagbigay ng kulay sa kanyang buhay.KABANATA 7Hindi mapakali si Jesza habang nakatayo sa harap ng sink ng kanilang kusina. Hinuhugasan niya ang mga baso, ngunit ang kanyang isip ay nasa sala. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang matagpuan sila ni Damon Vale. At sa loob ng dalawang linggong iyon, unti-unting nagbago ang takbo ng kanilang simpleng buhay.Naging bahagi na si Damon ng araw-araw nilang routine.Dumating ang tunog ng busina mula sa labas. Alam ni Jesza kung sino ‘yon. Hindi na ang mamahaling sports car ang dala ni Damon, kundi isang mas simpleng itim na SUV. Mas bagay sa isang pamilya, ngunit marangya pa rin para sa kanilang lumang neighborhood.Mabilis na tumakbo si Eli patungo sa pinto, bitbit ang kanyang bag. “Mommy! Nandiyan na si Daddy Candidate!”Bumuntong-hininga si Jesza at sumunod sa anak. Binuksan niya ang pinto. Si Damon ay nakatayo doon, suot ang isang simpleng puting polo shirt na nakatupi hanggang siko at itim na slacks. Mukha pa rin itong CEO, ngunit mas malambot ang aura nito ngayon.“G
KABANATA 6Mabilis ang paghinga ni Jesza habang hila-hila si Eli papasok sa kanilang maliit na apartment. Ni-lock niya agad ang pinto. Isinandal niya ang kanyang likod dito at pumikit nang mariin. Nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod. Ang tagpong iyon sa ospital, ang muling pagpapakita ni Damon Vale, ay tila isang masamang panaginip na ayaw niyang magising.“Mommy, nasasaktan po ako,” mahinang bulong ni Eli.Mabilis na idinilat ni Jesza ang kanyang mga mata. Nakita niya ang pamumula sa maliit na pulso ng anak. Agad siyang lumuhod at hinawakan ito ng marahan. “Patawad, baby. Patawad. Nasaktan ba kita? Hindi sinasadya ni Mommy.”Umiling si Eli, ngunit matalino ang kanyang mga mata. “Mommy, bakit ka po ba natatakot sa kanya? Siya ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak gabi-gabi?”Natigilan si Jesza.Hindi niya alam kung paano sasagutin ang anak. Bago pa man siya makapagsalita, isang serye ng marahang katok ang narinig mula sa labas ng pinto.Napatayo si Jesza. Alam niya kung sino iyon.
Kabanata 5Hindi maialis ni Damon Vale ang kanyang mga mata sa tablet. Nakatayo pa rin si Mark sa kanyang harap, hindi halos humihinga habang nag-aabang sa susunod na mangyayari. Ang buong opisina ng CEO ay binalot ng isang mabigat at nakatutulig na katahimikan.“Sir? Okay lang po ba kayo?” pag-uulit ni Mark. Bakas ang matinding pag-aalala sa boses ng asistant.Hindi siya sinagot ni Damon. Sa halip, marahas na ibinaba ng bilyonaryo ang tablet sa ibabaw ng lamesa. Humigpit ang kapit niya sa gilid ng mesa hanggang sa mamuti ang kanyang mga kasukasuan.Buhay si Jesza.Ang babaeng anim na taon niyang hinahanap, ang babaeng naging mitsa ng kanyang walang katapusang pangungulila, ay buhay. At narito lang ito sa iisang lungsod.Isang matinding desperasyon ang biglang sumakop sa kanyang buong pagkatao. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib kung hindi niya ito makikita sa mismong oras na ito.“Trace this account, Mark. Ngayon din,” utos ni Damon. Mababa ang kanyang boses, ngunit may gu
Kabanata 4Mabilis ang hakbang ni Jesza Reyes habang papasok sa pediatric ward ng St. Mariana Children’s Hospital. Kakasimula pa lang ng kanyang shift, ngunit ramdam niya agad ang kakaibang enerhiya sa paligid. Ang mga dumaang intern ay napapatingin sa kanya sabay bulong. Ang mga kapwa niya nurse sa nurse's station ay biglang tumahimik nang makita siya.Kumunot ang noo ni Jesza. Kinuha niya ang kanyang clipboard. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong niya sa matalik na kaibigang si Nurse Sarah.Hindi sumagot si Sarah. Sa halip, dahan-dahan nitong iniharap ang screen ng cellphone nito sa mukha ni Jesza. May malawak at nakakalokong ngiti sa mga labi ng kaibigan.“Girl, kilalanin ang bago nating internet celebrity,” pang-aasar ni Sarah.Tumingin si Jesza sa screen. Nanlaki ang kanyang mga mata. Lumanding ang paningin niya sa isang pamilyar na larawan. Iyon ang kinuha niyang litrato noong nakaraang taon habang nakangiti siya sa ilalim ng puno sa isang park. Ngunit hindi ang larawan niya ang
Kabanata 3Anim na taon ang mabilis na lumipas.Maliit ang apartment na inuupahan ni Jesza Reyes. Amoy disinfectant at baby powder ang buong silid. Pagod na pagod siyang naupo sa lumang sofa, suot pa rin ang kanyang asul na scrub suit. Katatapos lang ng labindalawang oras na shift niya bilang pediatric nurse sa St. Mariana Children’s Hospital. Masakit ang kanyang likod, kumikirot ang mga binti, at tila gusto na lang pumikit ng kanyang mga mata.Ngunit hindi siya pwedeng mapagod. May anim na taong gulang siyang anak na umaasa sa kanya.Kinuha niya ang kanyang pitaka mula sa bag. Inilabas niya ang mga bayarin na nakapatong sa lamesa. Kuryente, tubig, renta sa apartment, at ang matrikula ni Eli sa eskwelahan. Binilang niya ang natitirang pera. Kulang na naman. Kakailanganin niya na namang kumuha ng dambuhalang overtime sa susunod na linggo para lang mapagkasya ang lahat.Bukod sa pisikal na pagod, may mas malalim na sugat na hindi pa rin naghihilom sa loob niya. Ang emosyonal na trauma m
Kabanata 2Umuwi si Jesza sa penthouse na parang isang lantang gulay. Malaki ang lugar, napakalawak, ngunit sa bawat sulok ay nararamdaman niya ang labis na panliliit. Umupo siya sa gilid ng malaking kama. Ipinatong niya ang kanyang mga palad sa mukha at doon ay muling humagulgol. Ang bawat sulok ng marangyang penthouse na ito ay nagpapaalala sa kanya na pansamantala lang siya rito. Isa lang siyang anino sa marangyang buhay ni Damon Vale.Gabi na nang dumating si Damon. Narinig ni Jesza ang pagbukas ng pinto, kaya mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga mata at nagkunwaring nagbabasa ng libro sa sala.Napakagwapo pa rin nito kahit halatang pagod. Malalaki ang hakbang nito papalapit sa kanya. Inalis nito ang kanyang charcoal gray na coat at isinabit sa upuan bago lumapit kay Jesza para halikan sana ito sa noo.Ngunit bago pa man dumampi ang mga labi ni Damon, bahagyang umatras si Jesza. Umiwas siya.Napatigil si Damon sa hangin. Kumunot ang noo nito, bakas ang pagtataka sa mga mata.







