Share

Chapter 16

last update Last Updated: 2025-08-07 23:19:50
“What do you want to do first? Take a bath or eat breakfast?” masiglang tanong ni Abe sa akin pagkatawid namin mula sa ospital.

Lihim akong napangiti sa pagbabago ng mood ng lalaki kumpara kanina nang dumating siya sa silid ni Ayah ng eksaktong alas sais ng umaga at tagaktak ang pawis at parang pasan ang mundo. Kaya pagkatapos niyang magbigay-galang kay Inay ay niyaya ko na siya agad umalis dahil ayaw kong maging sanhi ng pagiging late niya sa kanyang meeting sa Dela Torre Mines.

Paglabas namin kanina ng silid ni Ayah nagulat ako nang biglang rumehistro ang pagod sa mukha niya, iniisip ko na baka nga dahil nag-jogging pero walang tigil ang pamumuo ng pawis niya sa noo at basang-basa na rin ang suot niyang t-shirt kaya nang nasa loob na kami ng elevator ay hindi ko natiis na lagyan ng panyo ko ang likod niya. Noong una ay ayaw pa pero nang panlakihan ko siya ng aking mga mata, sumunod naman.

“Mauna ka ng maligo para hindi ka matuyuan ng pawis, ako na ang magluluto ng almusal,” sagot ko
Lilian Alexxis

Happy readiing!

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gabbine Wozniacki
Salamat sa Update
goodnovel comment avatar
woman🤍💗
nakakainlove nmn character ni abe:))
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 21

    Nang matapos magtanghalian ay nagpaalam na rin sa amin ang dalawang matanda. Pagkuwan ay humarap siya sa akin.“I think I did something wrong,” nabapuntong hininga niyang sabi.Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Napatingin ako sa aking kaliwang kamay nang hulihin niya iyon at saka pinagsalikop ang aming mga kamay. Hihilahin ko sana para alisin dahil wala naman na ang matatanda pero hindi niya pinakawalan ang kamay ko.“Nakalimutan kong sabihin sa iyo na kaya kita isinama sa meeting dahil sa tuwing makikipagkita sa akin ang mag-asawang iyon na kunwari ay gustong mag-invest, lagi lang naman nilang inuungkat ang proposal nilang ipakasal ako sa apo nilang si Cassandra,” nakanguso nitong sabi. “Buti na lang you were so natural,” dagdag pa nitong pambobola. “Ex mo?” diretsa kong tanong pero sinabayan ko nang ngiti.Umiling siya at pa-cute na nilaro ang kamay ko. “Guwapo lang talaga ang asawa mo kaya marami silang may gusto sa akin.”Hindi ko napigilang matawa. “Air conditioned nam

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 20

    Binuksan ni Abe ang MP3 player at pumailanlang ang kanta ng isang sikat na banda noon. Lihim akong napangiti. Maituturing nang Gen Z ang lalaki pero may mga gawi itong pang mas matatanda na. Tulad na lamang na naka-save sa flash drive ang MP3 na pinatutugtog niya sa sasakyan, samantalang music steaming app na ang uso ngayon.Huminto kami dahil pula ang traffic light. Masigla itong kumakanta at napapa-drums pa siya sa manibela gamit ang kanyang dalawang hintuturo. Ibang-iba talaga siya kapag nasa loob ng opisina. Napansin ko na iyon noong una pa lang pero bago ngayon para sa akin ang masigla niyang pagkanta.“Baby Blue Eyes…”Napalingon ako sa kanya hindi dahil sa kumakanta siya kung’di sa lyrics ng kanta. Para sa akin ba ang kanta? Napatitig ako sa kanya at hindi ko na namalayang huminto kami sa lobby ng isang hotel. Nagulat na lamang ako nang mamatay ang makina ng kotse at bumaba siya, pero para pa rin akong lutang nang buksan niya ang pinto lalo na at dumukwang siya para tanggalin a

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 19

    Kailangan kong sagutin ang tawag ni Abe kahit mabigat pa ang dibdib ko kahit makita lamang ang pangalan niya. Boss ko siya sa trabaho at asawa ko siya sa marriage certificate na pinirmahan namin. Nilingon ko si Inay na nakatingin na sa akin dahil narinig niyang may tumatawag sa akin.“Inay, hinahanap na po ako sa opisina. Babalik na lang po ako ulit mamaya,” pagpapaalam ko habang papalabas ng pinto.“Ingat, anak!” sagot ni Inay na kinawayan ako.Sinagot ko ang tawag bago pa tuluyang isara ang pinto. “Hello, Sir.”Sandaling katahimikan ang narinig ko bago siya tumikhim. “I have a lunch meeting with a big client, who is interested in investing in Claveria. Can you accompany me?”“S-Siige po. Pabalik na ako,” sagot ko. Wala naman akong magagawa dahil boss ko siya at malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagpapagamot niya sa kapatid ko.Habang nasa elevator ako pababa ng ospital ay iniisip ko na dapat hindi ko seryosohin lahat ng ipinapakitang maganda ni Abe sa akin, contract marr

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 18

    Nagpanggap akong walang nakita kahit na may kakaiba sa pakiramdam ko. Pinakasalan lang naman niya ako para may maipakilala na siyang asawa sa pamilya niya at kapalit noon ay napaoperahan ang kapatid ko.Ayah’s health and my mother’s peace of mind are most important to me. They are the main reason why I want to finish my studies and have a better life. Gusto kong bigyan si Inay ng maayos na buhay, hindi naman kailangang maging super yaman kami, ‘yung may sapat lang na ipon para sa mga emergency, nabibili ang mga kailangan at may sapat na pagkain ay masaya na ako.Pinagbuksan kami ni Harris ng pinto ng opisina ni Abe kaya dire-diretso na akong pumasok at naupo sa couch. Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang may text message si Inay. Nagising na raw si Ayah at ako ang unang hinanap ng kapatid ko. Hindi ko napigilan ang maluha. Pinunasan ko ang tumakas na luha sa mga pisngi ko at nagdesisyong puntahan sila sa ospital.Nilingon ko ang mesa ni Abe at doon ko lang napagtanto na ako lang pa

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 17

    Tipid na ngumiti si Abe nang lumabas ako ng walk-in closet. Lihim akong nasiyahan dahil mukhang nakuntento naman siya sa napili kong outfit.Cellphone din lang ang dala niya, ang kaibahan lamang namin ay isinuksok lamang niya iyon sa inner pocket ng kanyang itim na suit habang ako ay hawak-hawak ko lamang. Sumakay kami ng elevator at bumaba lamang ng isang palapag. Bakit kaya hindi na lang kami naghagdan?Pagbukas ng elevator ay automatic ang kamay ni Abe na humawak sa likod ko para igiya ako palabas. Agad siyang binati ng receptionist.“Good morning, Sir!” magalang na bati ng babae pero ang mga mata ay nakapako sa akin.Hindi ako ipinakilala ni Abe at hindi niya tinanggal ang kanyang kamay sa likod ko kaya hindi ko na nilingon ang babae. Siguro naman ay hindi niya iisipin na suplada ako.Pagpasok namin sa double glass door ay may isang mesa na naroon at mabilis na tumayo ang babae at tulad ng receptionist ay magalang itong bumati bago nagmamadaling binuksan ang pinto ng opisina ni Ab

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 16

    “What do you want to do first? Take a bath or eat breakfast?” masiglang tanong ni Abe sa akin pagkatawid namin mula sa ospital. Lihim akong napangiti sa pagbabago ng mood ng lalaki kumpara kanina nang dumating siya sa silid ni Ayah ng eksaktong alas sais ng umaga at tagaktak ang pawis at parang pasan ang mundo. Kaya pagkatapos niyang magbigay-galang kay Inay ay niyaya ko na siya agad umalis dahil ayaw kong maging sanhi ng pagiging late niya sa kanyang meeting sa Dela Torre Mines.Paglabas namin kanina ng silid ni Ayah nagulat ako nang biglang rumehistro ang pagod sa mukha niya, iniisip ko na baka nga dahil nag-jogging pero walang tigil ang pamumuo ng pawis niya sa noo at basang-basa na rin ang suot niyang t-shirt kaya nang nasa loob na kami ng elevator ay hindi ko natiis na lagyan ng panyo ko ang likod niya. Noong una ay ayaw pa pero nang panlakihan ko siya ng aking mga mata, sumunod naman.“Mauna ka ng maligo para hindi ka matuyuan ng pawis, ako na ang magluluto ng almusal,” sagot ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status